You are on page 1of 14

Kasaysayan ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ika-Anim na Baitang


Unang Markahan – Modyul 14: Pamagat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rowena C. Petallar
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/Doreen G. Ty
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Pangalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Deklarasyon ng Kasarinlan ng mga
Pilipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Modyul
para sa araling Deklarasyon ng Kasarinlan ng mga Pilipino !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa


Deklarasyon ng Kasarilan ng mga Pilipino !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Naipaliliwanag ang pangyayaring nagbigay daan sa pagkakaroon ng
deklarasyon ng kasarinlan ng mga Pilipino.

PAUNANG PAGSUBOK

Iayos ang mga larawan ayon sa pagkasunod sunod nito sa aktwal na


pangyayari. Isulat ang mga numero sa tapat ng mga titik.

A________ B._________ C._______

D. _________ E. ___________ F._________


BALIK-ARAL
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Hunyo 12, 1898 D. Republikano G. Apat na sangay


B. Emilio Aguinaldo E. Barasoain
C. Hulyo 12, 1898 F. Tatlong sangay

1. Petsa sa pagdineklara sa kalayan ng Pilipinas?


2. Lugar kung saan unang idinaos ang pagpapatibay sa kongreso ng
Malolos.
3. Anyo ng demokrasya na itinatag ng saligang Batas ng Malolos.
4. Bilang ng sangay ng pamahalaan noon.
5. Siya ay naging pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo ng Pilipinas.

ARALIN

Ang Sigaw ng Pugad Lawin (kilala din sa orihinal na tawag na Sigaw ng


Balintawak) ay ipinahayag ng Katipunan at naging simula ng Himagsikang
Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.

Orihinal na tumutukoy ang katawagang "Sigaw" sa sagupaan sa pagitan ng


mga Katipunero at ng mga Guwardiya Sibil.
Maari din na tumukoy ang sigaw sa pagpunit ng sedula (cédulas personales)
bilang pagsuway sa batas at kautusan ng Espanya. Ito ay literal na may kasamang
makabayang sigaw.

Ang Kapulungan sa Tejeros o Kumbensiyon sa Tejeros ay ang pagpupulong ng


dalawang paksiyong manghihimagsik ng Himagsikang Pilipino na ginanap sa Casa
Hacienda ng Tejeros sa bayan ng San Francisco de Malabon (ngayo'y General
Trias), Cavite noong 22 Marso 1897. Ang naturang paksiyon ng Katipunan na
nagpulong dito ay ang Magdiwang na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at
ang Magdalo na pinamumunuan naman ni Emilio Aguinaldo.

Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang kasunduan sa gitna ng


mga magdiwang at mga Magdalo upang matigil ang Himagsikang Pilipino noong
1896. Sa pamamagitan ni Pedro Paterno, nilagdaan ni Gobernador-Heneral Primo
de Rivera ang Kasunduan sa Barangay Biak-na-Bato, San Miguel, Bulacan.

 Tutungo sina Emilio Aguinaldo sa Hong Kong


 Magbabayad ng halagang P800,000 ang mga Rebulusyonaryong Espanol sa
tatlong bigayan:

1. P400,000 pagkaalis nila Aguinaldo


2. P200,000 kapag naisuko na ng mga rebelde ang higit na 700 sandata
3. P200,000 kapag ipinahayag ang pangkalahatang amnestiya
 Magbabayad ng halagang P900,000 sa mga pamilya ng mga Pilipinong hindi
sumama sa labanan ngunit napinsala. Iilan lamang ang nagawa ng mga
Espanyol ngunit tinapon pa rin si Aguinaldo.

Ang Kongreso ng Malolos o pormal na kinikilala bilang "Pambansang


Asambleya" ng mga kinatawan ay ang asambleya ng mga nahalal ng Unang
Republika ng Pilipinas. Sila ay nagtipon-tipon sa Simbahan ng
Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ito ang siyang bumuo
ng Konstitusyong Malolos.

Ang kongresong ito ay hindi higit pa sa isang pakitang tao lamang. "Ito ay
para maipakita sa mga dayuhang korespondyente na ang mga Pilipino ay
sibilisado, ngunit ang karamihan sa mga gawain ng pagbubuo ng bansa ay
ginagawa sa Katedral ng Malolos ng sangay ehekutibo ng pamahalaang
pinamumunuan ni (Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo, na siya ding
namumuno sa hukbong lumalaban sa mga Amerikano.

Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados


Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na
pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey
ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla
si Aguinaldo sa kaniyang posisyon at linusob ang Manila.
Idineklara ang kasarinlan noong 12 Hunyo, 1898, sa pagitan ng ikaapat at
ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo,
30 kilometro timog ng Maynila. Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng
Pambansang Watawat ng Pilipinas, na siyang ginawa sa Hong Kong ni Marcella
Agoncillo, Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza, at ang pagpapatugtog ng Marcha
Filipina Magdalo bilang pambansang awit, na kilalala ngayon bilang Lupang
Hinirang, na siyang sinulat ni Julian Felipe at pinatugtog ng bandang San
Francisco de Malabon.
MGA PAGSASANAY

Panuto: Pagtapatin ang ang mga larawan sa Hanay A at sa mga pangyayaring


naganap sa Hanay B.

A B

A. Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas.

1. B. Pagkatatag ng Kongreso ng Malolos.

C. Kasunduan sa Biak-na-Bato

D. Kumbensiyon sa Tejeros
2.
E. Sigaw sa pugad Lawin

F. Ang Labanang amerikano at Espanyol

3. G. Partisipasyon ng mga kababaihang Pilipino


sa Rebolusyon.

4.

5.

6.
PAGLALAHAT

Panuto: Sa mga pangyayaring naganap bago itatag ang kasarinlan ng


Pilipinas. Pumili ng isang pangyayari na naibigan at ipaliwanag ang mga nagawa
nila para sa bayan.
____________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Pumili ng isang pangyayari noon at ipagpalagay mo na ikaw ay


kasali doon. Ano kaya ang maaari mong gawin sa panahong iyon. Isulat ang iyong
kasagutan sa kwaderno.

_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot ayon sa sinasaad ng pangungusap.

A. Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas. E. Sigaw sa pugad Lawin

B. Pagkatatag ng Kongreso ng Malolos. F. Ang Labanang amerikano at Espanyol

C. Kasunduan sa Biak-na-Bato

D. Kumbensiyon sa Tejeros G. Partisipasyon ng mga kababaihang Pilipino sa


Rebolusyon

______1. Sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon sa Cavite sa pinamanang


tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, 30 kilometro timog ng Maynila.
Nakita sa pangyayaring ito ang pagwagayway ng Pambansang Watawat ng
Pilipinas.

______2. Ang Labanan sa Look ng Maynila, nanaloang American Asiaticv


Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang
Maynila.

______3. Ang asambleya ng mga nahalal ng Unang Republika ng Pilipinas. Sila ay


nagtipon-tipon sa Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

______4. Tumutukoy ang katawagang "Sigaw" sa sagupaan sa pagitan ng mga


Katipunero at ng mga Guwardiya Sibil.

______5. Ang pagpupulong ng dalawang paksiyong manghihimagsik ng Himagsikang


Pilipino na ginanap sa Casa Hacienda ng Tejeros sa bayan ng San Francisco de
Malabon.
SUSI SA PAGWAWASTO
C 6.
D 5. A 5.
E 4. B 4.
B 3. F 3.
F 2. E 2.
A 1. D 1.
PANAPOS NA PAGSUSULIT MGA PAGSASANAY

1 6.
6 5. B 5.
4 4. F 4.
5 3. D 3.
2 2. E 2.
3 1. A 1.
PAUNANG PAGSUBOK BALIK- ARAL

Sanggunian
https://www.slideshare.net/aya0211/kababaiha-ng-kkk-sigaw-sa-pugadlawin
https://mb.com.ph/2018/06/09/the-politics-our-forefathers
https://tl.wikipedia.org/wiki/kongreso-ng-malolos
https://tl.wikipedia.org/wiki/kategorya.Digmaan
https://tl.wikipedia/wiki/pagpapahatayg-ng-kalayaan-ng-Pilipino

You might also like