You are on page 1of 11

Araling Panlipunnan– Ikalimang Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Naipapaliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino
sa kolonyalismong Espanyol (Pag-aalsa at pagtanggap sa
kapangyarihang kolonya/kooperasyon.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Annaliza A. Soriano
Editor: Pangalan
Tagasuri: Lucy R. Laurio
Tagasuring Teknikal: Anna Lissa B. Cuison
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 5
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Mga Dahilan ng Rebelyon ng Katutubong
Pangkat ng Igorot Laban sa Pamahalaang
Kolonyal
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul para
sa araling Naipapaliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol (Pag-aalsa at pagtanggap sa kapangyarihang kolonya/kooperasyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay
sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-
ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical
Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa


loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Aralin Panipunan 5 Modyul ukol sa Naipapaliwanag ang
mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol (Pag-aalsa at
pagtanggap sa kapangyarihang kolonya/kooperasyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

LO.1 Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang natutukoy ang mga dahilan ng rebelyon
ng katutubong pangkat ng Igorot laban sa pamahalaang kolonyal.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap .Piliin at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

________ 1. Ito ay katawagan sa isang katutubong pangkat na mula sa salitang Tagalog na


“GOLOT” at sa pagdagdag ng unlaping “I” ito ay nangangahulugang “Taga-
bulubundukin”.
A. Muslim B. Igorot C. Espanyol D. Tausug

________ 2. Siya ang nakatuklas ng deposito ng ginto sa Cordillera. Sino ang tinutukoy
dito?
A. Miguel Lopez de Legazpi C. Lapu-lapu
B. Ferdinand Magellan D. Lakandula

________ 3. Saang kabundukan sa Pilipinas nakatira ang mga Igorot?


A. Sierra Madre C. Cordillera
B. Zambales D. Banahaw

________ 4. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga katutubong pangkat na Igorot?


A. Moro C. Tribus Independientes
B. Kristiyanismo D. Animismo

________ 5. Ang mga sumusunod ay mga Layunin ng Espanyol sa kanilang ginawang


pananakop sa katutubong pangkat na Igorot Maliban sa isa. Alin ito?
A. Nais nilang makuha ang deposito ng ginto sa mga Igorot.
B. Nais ng mga Espanyol na matutuhan ang pangangayaw.
C. Pinatupad nila ang Monopolyo ng Tabako.
D. Pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo.
BALIK-ARAL
1. Ano-ano ang dalawang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas?
2. Ano ang tawag sa kinatawan ng Hari ng Espanya na siyang namahala sa Pamahalaang
Kolonyal sa Pilipinas?

ARALIN

Mga Dahilan Ng Rebelyon Ng Katutubong Pangkat Ng


Igorot Laban Sa Pamahalaang Kolonyal

Ang salitang Igorot ay katawagan sa isang katutubong pangkat na mula sa salitang


Tagalog na “GOLOT” at sa pagdagdag ng unlaping “I” ito ay nangangahulugang “Taga-
bulubundukin”. Ang pangangayaw o headhunting ay isang tradisyon ng mga Igorot ng
pakikidigma at pagpugot sa kaaway.

Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ay ang


kabundukan ng Cordillera. Naninirahan dito ang mga Igorot,na nahahati sa iba’t-ibang
pangkat etnolingguwistiko: Ibaloi, Isneg (o Apayao), Kankanaey, Kalinga, Bontoc, at Ifugao.
Nakabatay ang kanilang hanapbuhay sa pagsasaka, gayundin sa paghahabi ng tela,
pagnganganga at pangangayaw o paglahok sa mga digmaan laban sa ibang pangkat etniko.
Mayroon din silang paniniwalang panrelihiyon kung saan itinuturing nila ang kalikasan
bilang tahanan ng mga espiritu.

Bahagi ng tangkang pananakop ng mga Espanyol sa mga Igorot ay ang


pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang paniniwalang animismo ng mga Igorot ay
itinuturing ng mga Espanyol na isang uri ng pagsamba sa mga demonyo. Ayon sa mga
Espanyol, upang mailigtas ang kaluluwa ng mga Igorot kailangan nilang yakapin at sumunod
sa Kristiyanismo. Nais din nilang gawing sibilisado ang mga Igorot. Hinikayat ng mga prayle
ang mga Igorot na bumaba ng kabundukan at manirahan sa mga itinatag na pueblo sa
kapatagan.

Sa katunayan,ang hangad ng mga Espanyol ang deposito ng ginto sa Cordillera.


Natuklasan nila ito mula kay Miguel Lopez de Legazpi na ayon sa balita ay dinadala ng mga
Igorot ang mga nakukuhang ginto sa Ilocos. Agad nagpadala ng misyon si Legazpi sa Ilocos
sa pamumuno ng kaniyang apo na si Juan de Salcedo upang siyasatin ang mga gintong
ibinenbenta rito ng mga Igorot. Ipinagpatuloy ng mga sumunod na gobernador-heneral ang
pagpapadala ng mga misyon sa cordillera upang hanapin ang ginto rito. Lalong naging
maigting ang paghahanap ng ginto sa pagsiklab ng Thirty Years War sa Europe dahil sa
matinding pangangailangan ng Espanya ng panustos sa digmaan.
Ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman ang pagpapadala
ng misyong relihiyoso sa Cordillera sa pamumuno nina Kapitan Mateo de Aranda at Padre
Esteban Marin, ang kura paroko ng Ilocos. Sinubok ni Marin magsulat ng isang
diksiyunaryo ng wikang Igorot upang maging mas madali ang pakikipagtalastasa sa mga
katutubo. Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang tangkang binyagan sila sa
Kristiyanismo.Dinakip at pinatay ng mga Igorot ang ilang prayleng misyonero.
Pagsapit ng ika-19 siglo, muling nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa
Cordillera upang magtatag dito ng pamahalaang militar. Ito ay upang masigurong susunod
ang mga Igorot sa ipinatupad ni Gobernador-Heneral Jose Basco Y Vargas na monopolyo
sa tabako noong 1781.Sa ilalim ng monopolyo sa tabako, lahat ng maaaning tabako ng mga
Igorot ay bukod-tanging pamahalaang kolonyal lang dapat ibenta.Gayunpaman, hindi ito
sinunod ng mga Igorot na patuloy pa ring nagbebenta ng tabako nang patago sa ibang
mangangalakal.
Upang mabantayan ang mga Igorot gayundin ang mga taga-Pangasinan,itinatag ang
Comandancia del Pais de Igorrotes. Binubuo ito ng mga beteranong sundalo sa pamumuno
ni Guillermo Galvey.Mula 1829 hanggang 1839 ay inilunsad ang armadong pananalakay sa
mga Igorot.Sa ilalim ng nasabing monopolyo, iba’t-ibang pang-aabuso ang naranasan ng mga
katutubo dahil kadalasang dinadaya lamang sila ng mga ahente ng pamahalaan.

MGA PAGSASANAY

GAWAIN 1
Panuto: Punan ng tamang sagot ang tsart sa ibaba. (4 puntos)
Mga Katutubong Pangkat na Hindi
Nasakop ng mga Espanyol sa Cordillera

1.

Tatlong Dahilan ng Pagsakop


sa Katutubong

2. 3. 4.
GAWAIN 2
Panuto: Enumerasyon
Ibigay ang anim na pangkat etnolingguwistiko ng mga Igorot. (6 puntos)

1. ____________________________ 4. ___________________________
2. ____________________________ 5. ___________________________
3. ____________________________ 6. ___________________________

PAGLALAHAT
a
Ano- ano ang mga dahilan ng rebelyon ng mga katutubong pangkat na Igorot laban sa
mga Espanyol?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Mga bata, gaano kahalaga ang pagtatanggol o pag-iingat sa mga bagay o ari-arian na
meron ka? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap.Piliin ang letra ng tamang sagot.

________ 1. Siya ang apo at unang misyong ipinadala ni Legazpi upang magsiyasat sa mga
gintong nakukuha ng mga Igorot sa Cordillera.
A. Kapitan Mateo de Aranda C. Juan de Salcedo
B. Esteban Marin D. Martin de Goiti
________ 2. Tawag sa mga itinalagang magbantay sa mga Igorot at mga taga- Pangasinan
na binubuo ng mga beteranong sundalo.
A. Comandancia del Pais de Igorrotes C. Sociedad Minero
B. Comandancia Pais D. Guwardiya Sibil

________ 3. Sa ikatlong pagkakataon,tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang mga Igorot


bilang bahagi ng patakarang pang-ekonomiya ni Gobernador- Heneral Basco
na tinatawag na _________________.
A. Sistemang Kasama C. Encomienda
B. Monopolyo sa Tabako D. Polo Y Servicio
________ 4. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng rebelyon ng mga katutubong pangkat
na Igorot laban sa mga Espanyol maliban sa isa. Alin ito?
A. Nais nilang makuha ang deposito ng ginto sa mga Igorot.
B. Nais ng mga Espanyol na matutuhan ang pangangayaw.
C. Pinatupad nila ang Monopolyo ng Tabako.
D. Pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo.

________ 5. Ito ay tumutukoy sa isang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma at


pagpugot sa sa ulo ng mga kaaway.
A. Kanyaw B. Digmaan C. Rebelyon D. Pangangayaw
Avenue,Quezon City, Philippines. FEP Printing Corporation.
Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa- mga pahina 209-212...1253 Gregorio Araneta
Gabuat, Maria Annalyn P. Mercado, Michael M., et.al. Batayang Aklat sa Araling
Sanggunian
PAGLALAHAT
• Ang Mga Dahilan ng Rebelyon ng Katutubong Pangkat na Igorot Laban sa
mga Espanyol ay ang mga sumusunod: Nais nilang kunin ang deposito
ng ginto sa mga Igorot, Pagpapalaganap ng mga Espanyol ng
Krsitiyanismo, at ang Hindi Makatarungang Pagpapatupad nila ng
Monopolyo sa Tabako.
PAGPAPAHALAGA
• Napakahalaga po ng isang ari-arian o bagay na ipinagkaloob po mismo sa
akin, kung kaya’t handa ko po itong pag-ingatan at ipaglaban sa mga
magtatangkang kumuha o mang-agaw po nito sa akin.
BALIK-ARAL:
1. a. Pamahalaang Sentral b. Pamahalaang Lokal
2. Gobernador- Heneral
PAGSASANAY: Gawain 1
1. Igorot 3. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
2. Deposito ng ginto 4. Monopolyo sa Tabako
Gawain 2 .
1. Ibaloi 4. Kalinga
2. Isneg ( o Apayao ) 5. Bontoc
3. Kankanaey 6. Ifugao
Paunang Pagsusulit Panapos na Pagsusulit
1. B 1. C
2. A 2. A
3. C 3. B
4. D 4. B
5. B 5. D
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like