You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 17: Pagmamalaki sa kabayanihan ng mga gerilyang


Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Cristy J. Estebe
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle
Teknikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagaguhit:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 17
Pagmamalaki sa kabayanihan ng mga gerilyang
Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 6) ng
Modyul para sa araling Pagmamalaki ang kabayanihan ng mga gerilyang Pilipino
sa panahon ng pananakop ng mga Hapones !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 6) Modyul ukol sa
(Pagmamalaki sa kabayanihan ng mga gerilyang Pilipino sa panahon ng panahon ng
pananakop ng mga Hapones) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Ang araling ito ay tatalakay sa mga kabayanihan ng mga
gerilyang Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones.
Pagkatapos mong makumpleto ang modyul na ito, inaasahang iyong:
• Naipagmamalaki ang ginawang kabayanihan ng mga gerilyang
Pilipino laban sa mga Hapones.
• Napapahalagahan ang ginawang pakikibaka ng mga gerilyang
Pilipino para sa kalayaan ng bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang W kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap ay tungkol sa ginawang pagsusumikap ng mga Pilipino na
makalaya sa mga Hapones. DW naman ang isulat kung di- wasto.
______1. Namundok at patuloy na nakipaglaban nang patago sa mga kaaway
ang mga gerilyang Pilipino.
______2. Naging espiya ng mga Hapones ang mga kabataang- Pilipino.
______3. Nagsama-sama ang maliliit na pangkat mula sa iba’t-ibang panig ng
bansa at sumapi sa mga gerilya.
______4. Nagpakita ng pagiging magiliw ang mga kababaihan sa mga
Hapones.
______5. Nagpatuloy sa pakikibaka ang mga gerilyang Pilipino na nagbuwis
ng dugo sa layuning makamit ang kalayaan.

BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang ginawang pagsusumikap ng mga


Pilipino na makalaya sa kamay ng mga Hapones. Bilang isang mag-aaral sa
ikaanim na baitang isulat ang inyong sariling implikasyon sa ginawang
pakikipaglaban ng mga gerilyang Pilipino sa mga Hapones para sa kalayaan
ng bansa.

ARALIN
Mahalaga para sa isang bansa ang pagkakaroon ng kalayaan o
kasarinlan. Dito nakasalalay ang tagumpay ng mithiin nitong umunlad. Dahil
dito, nagbuwis ng buhay ang magigiting na mga Pilipino sapagkat mahal nila
ang Pilipinas. Ilang ulit itong ipinagtanggol ng mga Pilipino.
Dahil sa kalupitan ng mga Hapones, maraming mga Pilipino ang sumali
sa kilusang gerilya. Ito ay itinatag ng mga dating kawal na Pilipino at
Amerikano. Ang iba ay itinatag ng mga dating pinuno ng bayan o lalawigan.
Nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Hapones. Nagsama-
sama ang maliliit na pangkat mula sa iba’t-ibang dako ng bansa at buong
tapang na sumapi sa mga gerilya. Layunin ng samahang gerilya na patayin
ang mga kalaban at ilang mamamayang tumutulong at nakikiisa sa hukbong
Hapones. Hangad din ng mga gerilyang Pilipino na lipulin ang mga
mamamayang maka-Hapones. Ipinapalagay na ang buong Pilipinas ay may
iba’t-ibang kampo ng mga gerilya na lumaban at nagbuwis ng sariling dugo
para sa layuning makamit ang kalayaan. Lalong umalab ang pagnanais ng
mga gerilyang Pilipino na mapagtagumpayan ang minimithiing kalayaan nang
sumapi ang ilang sibilyang Pilipino na lalong nagpalakas sa kilusan upang
ipagpatuloy ang pakikibaka sa mga Hapones para sa kalayaan ng ating
bansa. Hindi naging hadlang sa mga gerilyang Pilipino ang kakulangan ng
mga armas sa pakikipaglaban bagkus ang pagmamahal sa ating sariling
bansa ang nagpabugso ng kanilang damdamin upang hangarin na makalaya
mula sa mga mapang- abusong mga Hapones.

Source: https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/q3-lesson-19-sa-ilalim-ng-mga-mga-hapon

Mahabang panahon ng pakikipaglaban ang naganap, kasaysayan ang


magpapatotoo kung paanong ipinagtanggol ng mga gerilyang Pilipino ang
ating bansa. Sa iba’t-ibang pamamaraan ay buong tapang, giting at talinong
ipinaglaban nila ang ating kalayaan.
Tunay na kahanga-hanga at nararapat ipagmalaki ang ginawang
kabayanihan ng mga gerilyang Pilipino para sa pagmamahal sa ating bansa
kahit pa ibuwis nila ang kanilang sariling buhay para makamtang muli ang
Kalayaan ng Pilipinas.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung tumutukoy sa mga ginawa ng
mga gerilyang Pilipino at ekis ( x ) kung hindi.
______1. Nagtiis ng mga paghihirap sa kabundukan maipagpatuloy lamang
ang pakikibaka para sa kalayaan.
______2. Nagpakita ng pagmamalasakit a mga sugatang Hapones.
______3. Namundok at lumaban nang patago ang mga gerilya sa mga
Hapones.
______4. Nagpaalab ng damdamin sa mga gerilyang Pilipino ang
pagmamahal sa bansa.
______5. Nakiisa at sumapi ang ilang sibilyang Pilipino dahilan upang lalong
lumakas ang kilusan.

Gawain 2
Panuto: Lagyan ng thumbs up ( ) ang bawat patlang kung nagsasaad ng
katangian ng gerilyang Pilipino at thumbs down ( ) kung hindi.
________1. Mahiyain
________2. Magiting
_________3. Mahina ang loob
_________4. Malakas
_________5. Matapang

Gawain 3
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong salita na bubuo sa diwa ng
pangungusap.

buhay pagmamahal kalayaan kilusan katapangan


1. Ang mga gerilya ay nagpakita ng _______________ sa pakikipaglaban sa
mga Hapones.
2. Nagtatag ng _______ ang mga gerilyang Pilipino upang maipagpatuloy
ang pakikipaglaban.
3. Layunin ng kilusan na makamtan ang minimithing ________ ng bansa.
4. Ang kanilang masidhing __________ sa bansa ang nagtulak sa mga
gerilya upang lumaban.
5. Handang ibuwis ng mga gerilyang Pilipino ang kanilang sariling
________ para sa Kalayaan.

PAGLALAHAT

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salita na aangkop sa bawat


patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

tapang, giting at talino buhay kabataan


maliliit pagmamahal kababaihan

1. Ang labis na ________ sa bansa ang nagtulak sa mga gerilyang


Pilipino na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Hapones.
2. Nagsama-sama ang mga ________ na pangkat mula sa iba’t-ibang
dako ng bansa.
3. Ang mga __________ ang nagsilbing espiya at tagahatid ng mensahe
sa mga gerilya.
4. Hindi inalintana ng mga gerilya na ibuwis ang kanilang sariling ______
para sa minimithing kalayaan ng bansa.
5. Nagpamalas ng ______________ sa pakikibaka sa mga Hapones ang
lahat ng kasapi ng kilusan.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang tamang salita sa bawat patlang


upang mabuo ang talata.
Tunay na kahanga-hanga at nararapat na ipagmalaki ang
ginawang (1) ___________________ ng mga gerilyang Pilipino para sa
(2)___________________ ng bansa. Buong – lakas at tapang silang nakipaglaban
kapalit ng sarili nilang buhay. Kalayaan na maging malayang bansa upang
makamtan ang ating talion9n9. Bilang mamamayang Pilipino sumunod at
makiisa tayo sa anumang ipinatutupad ng (3) ____________________ para sa
ikabubuti ng buong sambayanan.Pahalagahan natin ang lahat ng sakripisyo
ng mga (4) _____________________ Pilipino at lahat ng mga namumuno upang
manatiling (5) _____________________ ang bansa.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa


bawat patlang na nakalaan sa bawat bilang.
______ 1. Ang labanan sa pagitan ng mga gerilyang Pilipino at
Hapones ay nagpatuloy dahil sa mga sumusunod na dahilan

A. kabutihan B. kaluwagan C. kalupitan D. kabaitan

________ 2. Sila ang nagsilbing mensahero at tagahatid ng balita sa


mga gerilya.
A. kawal B. pulis C. sundalo D. kabataan

________ 3. Anong katangian ang ipinamalas ng mga gerilyang Pilipino

sa pakikipaglaban sa mga Hapones?


A. kaduwagan B. katapangan C. kahinaan D. kahusayan

_________ 4. Ibinuwis ng mga gerilyang Pilipino ang sariling buhay

upang mapagtagumpayan ang iisang layunin


A. kalayaan para sa bansa
B. kapayapaan para sa lahat
C. para sa bawat mamamayan

D. lahat ng nabanggit ay tama.

__________ 5. Itinatag ang kampo ng mga gerilya sa iba’t-ibang dako

ng bansa upang higit na ___ ang puwersa nito.


A. lumakas B. humina C. mahina D. matalo
Paunang Pagsubok Pagsasanay
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. W 1. / 1.  1. katapangan
2. DW 2. X 2.  2. kilusan
3. W 3. / 3.  3. kalayaan
4. DW 4. / 4.  4. pagmamahal
5. W 5. / 5.  5. buhay
Paglalahat Pagpapahalaga Panapos na Pasusulit
1. pagmamahal 1. kabayanihan 1. C
2. maliliit 2. kalayaan 2. D
3. kabataan 3. pamahalaan 3. B
4. buhay 4. gerilya 4. D
5. tapang,giting 5. malaya/mapayapa 5. A
at talino
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Antonio, Eleanor, Banlaygas, Emilia and Dallo, Evangeline. Kayamanan 6.


New Edition. 856 Nicanor Reyes, Sr. St. 1977 C.M. Recto Ave. Manila,
Philippines. REX Book Store Inc. 2015
https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/q3-lesson-19-sa-ilalim-ng-
mga-mga-hapon

You might also like