You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 18: Balangiga Masaker


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Edeliza T. Tribiana
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/Aurelio O. Bermudez Jr. Ph.D
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Balangiga Masaker
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng
Modyul para sa araling Balangiga Masaker !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa


Balangiga Masaker !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mong makumpleto ang modyul na ito, inaasahang


iyong:
Maipapaliwanag ang mga pangyayari sa Balangiga Masaker.
Mapahahalagahan ang pakikibaka ng mga Pilipino sa digmaan.

PAUNANG PAGSUBOK

Direksyon: Kilalanin ang mga bayani sa larawan. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1.
A. Marcela Agoncillo B. Trinidad Tecson C.Melchora Aquino

2.
A. Emilio Aguinaldo B. Antonio Luna C. Apolinario Mabini

3.
A. Marcela Agoncillo B. Trinidad Tecson C. Melchora Aquino

4.
A. Valeriano Abanador B. Macario Sakay C. Gregorio del Pilar
5.

A. Valeriano Abanador B. Macario Sakay C. Gregorio del Pilar

BALIK-ARAL

Nakilala niyo ba ang ilan sa ating mga bayani sa panahon ng Digmaang


Pilipino-Amerikano? Alam mo ba kung ano ang naiambag nila sa digmaan?
Sa nakaraang aralin natalakay ang tungkol sa pagsisimula ng digmaan
laban sa mga Amerikano. Gamit ang mga larawan tayo’y magbalik aral sa
mga pangyayaring ito.

https://images.app.goo.gl/xAv9gKPg6ABXowxt8
https://images.app.goo.gl/kYqZszxRoH8SRBVt8

https://images.app.goo.gl/m6G3HFdme2vbJdcb6

Naaalala mo ba kung ano ang naganap sa unang larawan? Ito ang


pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa balkonahe ng bahay ni dating
Pangulong Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
Ang nasa sunod na larawan ay si William Grayson. Siya ang naging mitsa
ng digmaang Pilipino-Amerikano. At ang nasa huling litrato ay ang labanan
sa Pasong Tirad.
Tatalakayin naman natin ngayon ang isa sa mga pakikibaka ng mga
Pilipino. Basahin mo ang mga sumusunod para malaman mo ang
pangyayari sa Balangiga.Handa ka na ba?

ARALIN

Ang Balangiga Massacre

Setyembre 28, 1901 nang umatake ang mga magigiting na Filipino na


armado ng mga gulok laban sa puwersa ng mga mananakop na Amerikano
na nakatalaga sa Balangiga, Samar. Sa inilunsad na 'surprise attack', 54 sa
78 na mga dayuhan ang pinatay. Isa ito sa mga pinaka-malaking pagkatalo
ng U.S sa Digmaang Pilipino - Amerika.
Bilang ganti, inatasan ni Hen. Jacob Smith ang mga tropa nya na patayin
ang kahit sinong taga Samar na nasa edad 10 taon pataas. Minasaker ng mga
Amerikano ang mga taga-Balangiga, Samar at ninakaw ang 3 kampana ng
simbahan.

Ano ang Nagbunsod sa Balangiga Massacre?


Nagkaroon ng blockade ng mga suplay ng pagkain, damit, at higit sa lahat
ng sandata na maaaring makarating sa mga gerilyerong Pilipino. Kinumpiska rin
ng mga Amerikano ang mga bigas na nasa kabahayan ng mga tao. Ipinatipon ang
mga lalaki, hinuli at ikinulong ang mga maaaring sumuporta sa mga gerilyero at
80 ang binimbin nang hindi kumakain magdamag. At kinuha ang kanilang mga
bolo na maaaring gamitin sa pakikipaglaban. At Ang naturang kabanata sa
kasaysayan ng bansa ay pinangunahan ng hepe ng pulisya-- si Valeriano
Abanador.

(Source: https://images.app.goo.gl/eZcys3jcjgeqDvMN9) https://images.app.goo.gl/C5BCq1V7fXkMdkv99


Larawan ni Valeriano Abanador at isa pang larawan kasama niya ang mga
sundalong Amerikano sa Balangiga bago ang maganap ang masaker.

Paano naganap ang Balangiga Massacre?


Gabi ng Setyembre 27, 1901, nagkaroon ng prusisyon ng
sinasabing patay na mga bata dahil sa epidemya ng kolera kasama ang
maraming mga kababaihan. Ipinasok sa simbahan ang prusisyon. Iyon
pala, ang mga babae ay mga lalaki na nagpanggap lamang at may tagong
baril at pati na rin sa mga kabaong. Kinabukasan, Setyembre 28, 1901 sa
pagtunog ng kampana ng simbahan sa ganap na 6:20 ng umaga, nilusob
nila ang 74 na mga sundalong Amerikano, 46 sa kanila ang namatay.

(Source: https://images.app.goo.gl/bwk2DEC8nymWBjfCA)

Paglalarawan sa naganap na pag-atake ng mga Pilipino


Ang naturang insidente ay itinuring ng Amerika na pinakamalaking
kabiguan sa kanilang hanay nang panahong iyon.Sa paningin ng mga
Amerikano, ang naganap ay isang masaker dahil maraming sundalo ang
namatay. Bilang ganti, iniutos ni Heneral Jacob Smith ang pagmasaker sa
mga taga-Samar. Pati mga batang lalaking may gulang 10 pataas ay
kanilang pinatay.Tinangay din nila ang tatlong kampana ng simbahan na
kilala sa tawag na "Balangiga bells," na ipinapanawagan ng pamahalaan ng
Pilipinas na dapat ibalik na ng Amerika. Ngunit magkaganun man hindi
maitatangging ang tagumpay nila laban sa mga mananakop ay nagpaki ng
kagitingan at lubos nilang pagmamahal sa ating kalayaan at bayan.

(Source: https://images.app.goo.gl/McTLDGAXQTLDp1jZ8)
Ano ang ginampanan at naging simbolo ng Kampana sa
Balangiga Masaker?

(Source: https://images.app.goo.gl/u3hPZ9BDJjHzqc977)

Ang tatlong kampana ng Balangiga ay kinuha ng Hukbo ng Estados


Unidos mula sa simbahan ng San Lorenzo de Martir sa Balangiga, Silangang
Samar bilang tropeo ng digmaan bilang higanti sa pagpaslang sa 48 na
Amerikanong sundalo sa bayan ng Balangiga.Sa mahabang panahon,
naging simbulo ang mga kampana ng karahasan at pagnanakaw ng
pagkakakilanlan na kaakibat ng digmaan.
Naisauli rin sa Pilipinas ang mga kampana noong ika-11 ng
Disyembre 2018, makalipas ang 117 taon.Naibalik ito sa Eastern, Samar
noong Disyembre 14,2018.Pinangunahan nina Defense Secretary Delfin
Lorenzana, Executive Secretary Salvador Medialdea, at US Ambassador to
the Philippines Sung Kim ang pag-iinspeksiyon sa Balangiga Bells. Sinabi ni
Lorenzana na isa ang pagbabalik ng mga kampana sa hudyat ng paghihilom
ng relasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

MGA PAGSASANAY

Gawain : Pagpapalalim ng Kaalaman


Direksyon: Iugnay ang mga sumusunod sa digmaang Pilipino-Amerikano.
Hanapin ang sagot sa puzzle sa ibaba.
Mga Tanong:
1. Pinatay ang mga batang lalaking may gulang na 10 pataas at sinimulang
sunugin ang buong bayan ng Balangiga.
2. Ito ang naging simula ng digmaan ng nabaril at napatay ng isang
sundalong Amerikano ang isang kawal na Pilipino.
3. Pinangunahan niya ang pagplanong ganti laban sa mga Amerikano sa
Balangiga.
4. Bilang “war booty”, kinuha ito ng mga sundalong Amerikano sa simbahan
ng Balangiga bilang tropeo ng digmaan bilang higanti sa pagpaslang sa 48
na Amerikanong sundalo.
5. Isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang namuno sa
mga Pilipino ay si Hen. Gregorio del Pilar ng tinulungan niyang makatakas
si Hen. Emilio Aguinaldo sa kamay ng mga Amerikano.

G A G R N G P U T O

I D M A V A L E L K

G A N A P M A K U D

N U T A S D O L C E

A R S E K A A M B L

L S N N B A K R N P

A G P U S O N E I I

B A B A N A D O R T

PAGLALAHAT

Panuto: Gumawa ng timeline ng mga pangyayari sa Balangiga Masaker.


PAGPAPAHALAGA

Anong aral ang natutunan mo mula sa ginawa ng mga


makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan noon? Paano mo
mapapahalagahan at maisasabuhay ang mga aral na ito? Ilarawan ang
sanhi at bunga nito. Maaring gumamit ng graphic organizer.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Direksyon: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang nagtulak sa mga Pilipino sa Balangiga, Samar na
makipaglaban sa mga Amerikano sa lugar?
A. blockade ng mga suplay ng pagkain C. Ipinatipon ang mga
lalaki
B. kinuha ang kanilang mga bolo D. Lahat ng nabanggit

2. Kailan naganap ang masaker sa Balangiga?


A. Agosto 28, 1901 C. Setyembre 27, 1901
B. Agosto 25, 1901 D. Setyembre 28, 1901
3. Sino ang namuno sa Balangiga masaker?
A. William Grayson C. Valeriano Abanador
B. Hen. Jacob Smith D. Gregorio del Pilar

4. Siya ang nag-utos na imasaker lahat ng taga Samar na nasa edad 10


pataas.
A. William Grayson C. Valeriano Abanador
B. Hen. Jacob Smith D. Gregorio del Pilar

5. Ano ang naging simbolo ng Kampana ng Balangiga?


A. Kadakilaan C. may misa
B. May gyera D. karaha
Paunang Pagsubok Pagsasanay
1. A
2. C 1. Balangiga Masaker
3. C 2. Unang Putok
4. C 3. Abanador
5. A 4. Kampana
5. Tirad Pass
G A G R N G P U T O
I D M A V A L E L K
G A N A P M A K U D
N U T A S D O L C E
A R S E K A A M B L
L S N N B A K R N P
A G P U S O N E I I
B A B A N A D O R T
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. D
2. D
3. C
4. B
5. D
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Trinidad Tecson. Alcheron,The Free Encyclopedia.
https://images.app.goo.gl/3PFxd24eGrvxVXoz7
Apolinario Mabini. Bulatlat.com.
https://images.app.goo.gl/zqhABzXfdP5Uz3iz5
Melchora Aquino. pinterest.ph.
https://images.app.goo.gl/uZhaFJsZLoNm2P7MA
Gregorio del Pilar. Aral Pinoy.
https://images.app.goo.gl/9rKtdAQE947S7hBL8
Masaker sa Balangiga. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1).
Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/masaker-sa-balangiga/
Balangiga Bells, balik-Pilipinas matapos ang 117 taon. ABS-CBN News
Posted at Dec 11 2018 01:55 PM. https://news.abs-
cbn.com/news/12/11/18/balangiga-bells-balik-pilipinas-matapos-ang-117-
taon

You might also like