You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Unang Markahan – Modyul 13: Kongreso ng Malolos


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rowena C. Petallar
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/Doreen G. Ty
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Clifchard D. Valente
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Kongreso ng Malolos
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Modyul
para sa araling Kongreso ng Malolos !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa


Kongreso ng Malolos !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng pag-aaral, inaasahang iyong:


1. Natatalakay ang pagkakatag ng Kongreso sa Malolos.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang


titik ng tamang sagot.
1. Kailan idineklara ni Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas?
a. Hunyo 11,1898 c. Hunyo 12,1998
b. Hunyo 11,1998 d. hunyo 12, 1898

2. Sa pagpahayag ng Kalayaan , ano ang iwinagayway ni Aguinaldo?


a. Pambansang Kasunduan c. Pambansang Watawat
b. Pambansang Dekreto d. Pambansang Liham

3. Sa simbahang ito unang idinaos ang pagpupulong ng Kongreso


noong September 15,1898.
a. Simbahan ng Immaculada c.Simbahan ng San Antonio Abad
b. Simbahan ng Barasoain d. Simbahan ng Santo Rosario

4. Itinatag ang Republika ng Pilipinas ay binubuo ng ilang sangay?


a. 3 c. 5
b. 4 d. 2

5. Anong anyo ng demokrasya ang itinatag ng Saligang-Batas ng


Malolos?
a. Asyano c. Sibil
b. Republikano d. Hispano
BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na mga kababaihan na


nakipaglaban at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang babaeng nakipaglaban sa laguna.


a. Agueda Kahabagan c. Teresa Magbanwa
b. Gregoria Montoya d. Gregoria De Jesus

2. Siya ay tinaguriang ina ng Katipunan.


a. Melchora Aquino c. Gregoria De Jesus
b. Teresa Magbanwa d. Gregoria Montoya

3. Tinatawag siyang lakambini ng Katipunan at tagadala ng dukumento


ng samahan.
a. Melchora Aquino c. Gregoria De Jesus
b. Teresa Magbanwa d. Gregoria Montoya

4. Tinagurian Joan of Arc ng Visayas.


a. Gregoria De Jesus c. Melchora Aquino
b. Teresa Magbanwa d. Gregoria Montoya

5. Siya ang lumaban sa kawit kasama ng mga sundalo ni Aguinaldo


a. Teresa Magbanwa c. Gregoria Montoya
b. Melchora Aquino d. Gregoria De Jesus
ARALIN

Noong Hunyo 5, 1898 ay ipinalabas ni Aguinaldo ang isang


dekreto na nagtatakda ng Hunyo 12 bilang araw ng pagpapahayag ng
kalayaan ng Pilipinas sa Kawit Cavite. Matapos nito ay binasa ng may-
akdang si Ambrosio Rianzares Bautista ang "Acta ng Deklarasyon ng
kalayaan na nilagdaan ng 98 katao kabilang ang isang opisyal-militar na
Amerikano. Layunin ng deklarasyon na maipakita sa buong daigdig na ang
Pilipinas ay isa nang ganap na malayang Bansa.

Ang Kongreso ng malolos ay itinadhana sa bisa ng deklarasyong


ipinalabas ni Aguinaldo bilang pinuno ng Pamahalaang Diktatoryal noong
Hunyo 18, 1998. Nagsimulang mabuo ang kongreso sa panahon ng
Pamahalang Rebolusyonaryo. Idinaos ang unang pagpupulong ng Kongreso
noong Septembre 15, 1898 sa simbahan ng Barasoain Malolos, Bulacan.
Dito nakuha ng naturang kongreso ang taguring “Kongreso ng Malolos”.
Noong Enero 21,1899 ganap nang pinagtibay ang nasabing Saligang-Batas
matapos ang paglagda ni Aguinaldo.

Ang Saligang-Batas ng Malolos ay hango mula sa panukalang


balangkas ng abogadong si Felipe calderon. Ang ilang probisyon nito ay
hinango mula sa Saligang-Batas ng maraming bansa tulad ng Mexico,
Belgium, Guatemala,Costa Rica, Brazil at Pransiya. Ang nagging
pinakamainit na usapin na piangtalunan sa mga probisyon ng Saligang-
Batas ay ang usapin sa pagtatalaga sa Katolisismo bilang opisyal na
relihiyon ng estado. Sa dakung huli nanaig pa rin ang prinsipyo ng
paghihiwaalay ng simbahan at ng estado.

Ang Batas na ito ay nagtatadhana rin ng Karapatan ng mamamayan.


Ito ay nagtatag ng isang pamahalaang demokratiko na ang kapangyarihan
ay nagmumula sa mamamayan. Republikano ang anyo ng demokrasyang
itinatag ng Saligang-Batas dahil ang mga mamamayan ay nagkaroon ng
boses sa pamahalaan sa kanilang mga halal na opisyal.
Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nahahati sa tatlong sangay-
ehekutibo, lehislatibo at hudisyal. Ang ehekutibo o tagapagpaganap ay nasa
kamay ng pangulo at ng kanyang gabinete, ang lehislatibo o kongreso ay
isang kapulungan na mga kinatawa na inihahalal ng mga mamamayan,at
ang hudisyal sa isang korte Suprema at ang mga mababang hukuman na
itatatag ayon sa batas. Ang kongreso ay itinatag ng Saligang-Batas ng
Malolos na unicameral o isa lamang ang kapulungan.Itinatag din ang isang
Permanenteng Konisyon na binubuo ng ilang kasapi rin nito na magsisilbing
pansamantalang lehislatura kung ang Kongreso ay hindi nagpupulong. Ang
Komisyong ito ay naglalayon mahadlangan ang pang-aabuso ng pangulo
kapag ang Kongreso ay hindi nagpupulong.

Napakahalaga ng Kongreso at Saligang-Batas ng Malolos dahil sa


ipinakita nito ang kakayahan ng mga Pilipinong magpatakbo ng sariling
bansa sa ilalim ng isang demokratikong pamahalaan.

MGA PAGSASANAY

Panuto: Isulat ang tama o mali ayon sa pahayag.

1. Republikano ang anyo ng ititnatag na Saligang Batas ng malolos.


2. Idineklara ni pangulong Emilio Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas
noong Hulyo 12, 1898.
3. Ang pamamahalaan ng malolos ay nahahati sa tatlong sangay.
4. Sa simbahan ng Barasoain unang idinaos ang pagpapatibay mg
kongreso noong Setyembre 15, 1898.
5. Iwinagayway ni pangulong Aguinaldo ang Pambansang watawat ng
Pilipinas matapos ipahayag ang Kalayaan.
PAGLALAHAT

Panuto: Kumuha ng kwaderno at isulat ang 5 paraan upang


maipakita mo ang iyong katapatan sa bansa.

1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
4. ________________________________________
5. ________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Iguhit sa kwaderno ang isa sa nakatalang katapatan na


maari mong ipakita sa sa bansa.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Hanapin sa Box ang mga kasagutan sa mga tanong na


makikita sa baba.

Hunyo 12, 1898 Republikano Apat na sangay

Emilio Aguinaldo Barasoain

Hulyo 12, 1898 Tatlong sangay

1. Petsa sa pagdineklara sa kalayan ng Pilipinas?


2. Lugar kung saan unang idinaos ang pagpapatibay sa kongreso ng
Malolos.
3. Anyo ng demokrasya na itinatag ng saligang Batas ng Malolos.
4. Bilang ng sangay ng pamahalaan noon.
5. Siya ay naging pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo ng Pilipinas.
By: Dr. Ronaldo B. Mactal
HISTORIA 7 pages 208-210
Sanggunian
BALIK- ARAL PAUNANG PAGSUBOK
1. A 1. D
2. A 2. C
3. C 3. B
4. B 4. A
5. D 5. B
MGA PAGSASANAY PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. TAMA 1. HUNYO 12, 1898
2. MALI 2. BARASOAIN
3. TAMA 3. REPUBLIKANO
4. TAMA 4. TATLONG SANGAY
5. TAMA 5. EMILIO AGUINALDO
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like