You are on page 1of 11

Kasaysayan ng Pilipinas

Araling Panlipunan – Ika-Anim na Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 10: Mga Kontemporaryong Isyu sa Politika na
Tumutugon sa mga Hamon ng Malaya at Maunlad na Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Donald A. Gunda
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/Aurelio O. Bermudez Jr. Ph.D
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10
Mga Kontemporaryong Isyu sa Politika
na Tumutugon sa mga Hamon ng
Malaya at Maunlad na Bansa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Modyul
para sa araling Mga Kontemporaryong Isyu sa Politika na Tumutugon sa mga
Hamon ng Malaya at Maunlad na Bansa
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa Mga


Kontemporaryong Isyu sa Politika na Tumutugon sa mga Hamon ng Malaya at
Maunlad na Bansa

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipaliliwanag
ang mga dahilan at layunin ng mga programa ng mga naging pangulo ng
Pilipinas.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik sa sagutang papel
bilang inyong sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga kontemporaryong isyung pampolitika
maliban sa isa, alin ito?
A. Open trade.
B. Korupsiyon.
C. Terorismo.
D. Graft.
2. Alin sa mga sumusunod ang indikasyon na may matinding isyung
pampolitika ang isang bansa?
A. Umuunlad ang bansa.
B. Naghihirap ang mga mamamayan.
C. Lumalago ang ekonomiya.
D. Payapa ang bansa.
3. Ito ay isang halimbawa ng kontemporaryong isyung pampolitika,
alin ito?
A. Globalisasyon.
B. Mga Pang-aabuso.
C. Panteritoryong usapin.
D. Illegal drugs.
4. Ito ay isang isyung pampolitika kung saan nagkakaroon ng
sabwatan ang mga tao para maisakatuparan ang masamang balakin
sa tungkulin, ano ito?
A. Graft.
B. Panteritoryong usapin.
C. Illegal drugs.
D. Korupsiyon .
5. Ang isyung ito ay may kinalaman sa pagkuha ng salapi o posisyon
sa paraang madaya, ano ito?
A. Graft C. Mga Pang-aabuso
B. Panteritoryong usapin D. Korupsiyon
BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI naman
kung ang pahayag ay mali.

1. Dahil sa mga programa ng pamahalaan nagiging maunlad ang isang


bansa.
2. Ang mga programa ng pamahalaan ay dapat naisasakatuparan.
3. Mahalaga ang mga programa ng pamahalaan para sa katatagan ng
bansa.
4. Mabilis umunlad ang isang bansa kahit wala gaanong mga programa.
5. Ang katatagan ng bansa ay nakabatay sa mga programa nito.

ARALIN

pa

Pagmasdang mabuti ang mga larawan. Ano-ano kaya ang ipinahihiwatig nito?
Aalamin natin yan mula sa ating paksang aralin na pinamagatang:

Mga Kontemporaryong Isyu sa Politika na Tumutugon sa mga Hamon ng


Malaya at Maunlad na Bansa

Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning kinakaharap ng ating


bansa nitong mga nakaraang taon. Ang mga ito ay mga suliraning humahadlang at
balakid sa ating pag-unlad.

Mga Isyung Pampolitika

1. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea


An gating bansa at ang iba pang mga kalapi-bansa sa Timog- Silangang
Asya ay naninindigan laban sa pag-aangkin ng Tsina laban sa malaking
bahagi ng South China Sea. Ang ikinakatwiran ng Tsina ay ang
karapatan nito batay sa kasaysayan. Dahil mas malaking bansa ang
China kumpara sa mga kalapit-bansa nito at mas malakas ang
kanilang pwersang military, umaasa ang mas maliliit na bansang tulad
ng Pilipinas at Vietnam na tutulong ang Amerika at iba pang
makapangyarihang bansa sa paghahanap ng mapayapang solusyon sa
suliranin.
2. Graft at Korupsiyon
Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad,
pangamba at ligalig sa ating bansa. Sa ganitong kalagayan ang mga
namumuhunan sa pagnenegosyo ay nag-aalangang mamuhunan sa
ating bansa.
Ang korupsiyon (corruption) ay ang tahasan at intensiyonal na
pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan
o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng integridad o
prinsipyo. Nagaganap ang korupsiyon sa pamamagitan ng sabwatan ng
mga tao. Ilan sa mga uri ng korupsiyon ay ang Tax Evasion o Pag-iwas
sa pagbabayad ng kaukulang buwis, Ghost project o Ghost payroll,
Paboritismo at Tong o Protection money.
Ang graft ay ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya
at kwestiyonable, tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang
pampublikong serbisyong dapat na naibigay ng libre o kaya’y paggamit
sa isang kontrata o lehislasyon bilang pagkakakitaan. Ang graft ay
karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang.
3. Terorismo
Ang terorismo ay isa sa pinakamatinding suliranin sa
kapayapaang pandaigdig sa kasalukuyan. Ito ay isinasagawa ng mga
grupo, samahan o pamahalaan upang makamit ang kanilang mithiing
politikal o kriminal. May mga terorista din sa Pilipinas na naghahasik
ng lagim upang magkaroon ng pera at guluhin ang pamayanan. Mga
dahilan ng terorismo: 1.Pangkabuhayan- halimbawa: pangingikil
(extortion), pagdukot (kidnapping), pagnanakaw o hijacking. 2.
Relihiyon
3. Paghihiganti

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Alamin kung anong uri ng
kontemporaryong isyu ang mga sumusunod.

1. Labanan sa relihiyon
2. Suholan sa Gobyerno
3. Panggugulo sa mga pamayanan
4. Usapin sa West Philippine Sea
5. Paboritismo
Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na sitwasyon kung anong kontemporaryong
isyu ang tinutukoy. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea


B. Graft at Korupsiyon
C. Terorismo

1. Pagpapasabog sa mga simbahan.


2. Pagbibigay ng lagay sa mga lumalabag sa batas.
3. Pag-aangkin ng Tsina sa ilang mga lugar sa West Philippine Sea.
4. Talamak na mga fixers sa pamahalaan.
5. Hindi pagbabayad ng tamang buwis.

PAGLALAHAT
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga salita.

Usaping panteritoryo sa Philippine Sea


Graft at Korupsiyon
Terorismo

PAGPAPAHALAGA

Batay sa paksang aralin, ano ang masasabi mo tungkol sa larawan sa


ibaba?
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik sa sagutang papel
bilang inyong sagot.
1. Isa itong kontemporaryong isyu pampolitika kung saan ang may kagagawan
ay mga terorista.
A. Usaping panteritoryo sa Philippine Sea C. Terosismo
B. Graft at Korupsiyon D. Gobalisasyon

2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng korupsiyon maliban sa isa, alin


ito?
A. Tax Evasion C. Paboritismo
B. Kidnapping D. Protection money

3. Ano ang graft?


A. Karaniwang ginagawa ng isang indibidwal lamang.
B. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kwestiyonable.
C. Paggamit sa isang kontrata.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

4. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng terorismo?


A. Tax evasion
B. Paghihiganti
C. Globalisasyon
D. Open trade

5. Paano masusulosyunan ang mga kontemporaryong isyung pampolitika ng


bansa?
A. Pakikiisa sa mga adhikain ng pamahalaan
B. Pagkilos ng naayon sa batas.
C. Hindi pagtugon sa mga nagnanais pabagsakin ang pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
SUSI SA PAGWAWASTO

5. D 5. B 5.TAMA

4. B 4. B 4.MALI

3. D 3. A 3.TAMA

2. B 2. B 2.TAMA

1. C 1. C 1.TAMA

Panapos na Pagsusulit Pagsasanay 2 Balik Aral

5. Graft at Korupsyion 5.A

4. Usaping Panteritoryo sa Philippine Sea 4.D

3.Terorismo 3.C

2.Graft at Korupsyion 2.B

1.Terorismo 1.A

Pagsasanay 1 Paunang Pagsubok

Sanggunian
1. Kayaman 6
Edisyon 2017
Mga May Akda: Eleanor D. Antonio, Emilia L.Banlaygas, Evangeline M. Dallo
Published and Distributed by REX Bookstore

2. Ang Kasaysayan ng Pilipinas sa Nakalipas at Kasalukuyang Panahon


Karapatang Sipi 2005
May Akda: Vanessa Policarpio-Alcantara
Editor: Rosemarie R. Tiongson, M.A.
SNS Publishing Inc.

You might also like