You are on page 1of 14

Pa

Heograpiya at
Kasaysayan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Natutukoy ang pananaw at paniniwala ng
mga katutubong Muslim sa pagpapanatili ng kalayaan ng bansa
Unang edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyong Pandibisyon ng Lungsod ng Pasig

Inilathala ng Kagawaran
Komite ng
saEdukasyon
Pagsulat Dibisyon
ng Modyulng Lungsod ng Pasig.

Manunulat: Katherine P. Tañazana


Editor: Rose B. Impuesto
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod ng Pasig

Araling
Panlipunan 5
Ikaapat Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Natutukoy ang mga pananaw at
paniniwala ng mga sultan at
katutubong Muslim sa pagpapanatili ng
kalayaan ng bansa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng
Modyul ukol sa pananaw at paniniwala ng mga sultan at katutubong Muslim sa
Pagpapanatili ng kalayaan ng bansa !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 Modyul ukol sa


pananaw at paniniwala ng mga sultan at katutubong Muslim sa Pagpapanatili ng
kalayaan ng bansa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na nakatutukoy ng mga
pananaw at paniniwala ng mga sultan at katutubong Muslim sa pagpapanatili ng kalayaan ng bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Pusuan ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pananaw at


paniniwala ng mga katutbong Muslim at tatsulok naman kung hindi. Iguhit
ang sagot sa patlang.

______1. Matatapang ang mga Muslim, hindi agad agad sila nakikipagkasundo sa
mga dayuhan.
______ 2. Gusto ng mga Muslim na mapasailalim sa kapangyarihan ng mga
dayuhan.
______ 3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking
digmaan hanggang kamatayan.
______ 4. Hindi mahalaga sa kanila ang relihiyon kaya nagpasakop sila sa mga
dayuhan.
______ 5. Malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang kalayaan.

BALIK-ARAL
Panuto: Pagtapatin sa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

Hanay A Hanay B

___1. Ipinagtanggol ang Jolo laban sa Espanyol noong A. Datu Malinug ( Tahir-
1638. Ud- Din)
___2. Namuno sa pagtatanggol ng Maguindanao laban sa B. Datu Dimasankay
pag – atake ng mga Espanyol.
C. Sultan Muwallil Wasit
___3. Namuno sa pagtatanggol sa Buayan, Cotabato
D.Sultan Kudarat( Cachel
noong 1596
Corralat
___4.Ang tinaguriang pinakamagiting na mandirigma ng
E. Raha Sirongan
Mindanao. Ipinagtanggol ang Lamitan laban sa
(Silongan)
mga Espanyol noong 1619 hanggang 1671
___5.Namuno sa pagtatanggol sa Maguindanao laban sa
pag atake ng mga Espanyol
ARALIN

Mga Paniniwala at Pananaw ng mga katutubong Muslim

Pakikipaglaban ng mga Muslim para sa Kalayaan


Sa mahabang panahong na lumipas ay napanatili ng ating mga
kapatid na Muslim ang kanilang paniniwala at kultura sa mahabang
panahong pananakop. Ang masidhing pagyakap at pagtupad ng mga
Muslim sa relihiyong Islam ang dahilan upang hindi matinag ang mga
kastila sa kabila ng masidhing pagpapalaganap ng relihiyong kristiyanismo
sa buong kapulungan. Matatag ang pananalig ng mga Pilipinong Muslim sa
kanilang pananampalatayang Islam. Paano’y di lamang nila itinuturing na
relihiyon ang Islam kundi ito rin ang paraan ng kanilang pamumuhay.
Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa sila ay umalis,
naging malaking hamon ang mga Muslim sa kanila. Maraming matapang na
Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga Espanyol upang hindi sila masakop
ng mga ito. Sila ay gumawa ng sarili nilang armas na kanilang ginamit
laban sa mga Espanyol.
May Gobernador na nagpadala ng kawal upang sakupin ang
Mindanao. Nakapagpatayo sila ng mga pamayanan at kuta sa Zamboanga,
ngunit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na lupigin ang mga Muslim at
masakop ang buong Mindano. Hindi nila nasakop ang lugar na ito dahil
hindi nila napasuko ang mga Muslim. Bilang paghihiganti sinalakay ng mga
Muslim ang mga pamayanan sa Luzon at Visayas. Tinangay nila ang mga
mamamayan at ipinagbili sa ibang bansa. Likas sa mga Muslim ang
pagiging matapang. Ang katangiang ito ay naging susi upang hindi masakop
ng mga kastila ang mga teritoryong pinamumunuan ng mga Muslim o ang
nasa ilalim ng kapangyarihang sultanato. Ang matibay na paninindigan at
pagmamahal sa kalayaan ang hindi nagapi ng mga mananakop.

Mga Paniniwala at Pananaw ng mga katutubong Muslim

1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang kalayaan.

 Malaki ang pagpapahalaga ng mga muslim sa kanilang


kalayaan. Hindi nila gustong magpasailalim sa kapangyarihan
ng mga dayuhan. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang mga
muslim dahil sa pagmamahal sa kalayaan, mas gugustuhin pa
nilang mamatay kaysa magpaalipin sa mga dayuhan.
 Nais ng mga muslim na maglingkod lamang sa paglilingkod ng
kanilang kalahi.

2. Handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anomang


kahinatnan ng labanan

 Kinilala ang kanilang kakayahang mamuno sa kanilang


teritoryo kasabay ng pag kilala sa kapangyarihan ng mga
sultan.

 Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng


malaking digmaan hanggang kamatayan.

 Higit ding katanggap- tanggap ang sultanato kaysa


kolonyalismo dahil sa ilalim ng sultanato, hindi sapilitang
ipinasailalim sa kapangyarihan ng sultan ang mga dating datu
at rajah.

3. Hindi nila gusto na sumailalim sa kapangyarihan ng dayuhan

 Kung masasailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol ay


masasayang lamang ang kaunlaran at katatagang tinatamasa
ng kanilang mga sultanato at ang kalayaan sa paniniwala

4. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang “pinuno”


datu o sultan gayundin sa kanilang pamahalaan ,ang
pamahalaang sultanato.
 Mataas ang respeto ng mga muslim sa kanilang pinuno, datu
man o sultanito. Lahat ng mga batas pinapairal ng kanilang
pinuno ay kanilang sinusunod at pinahahalagahan.Ang hindi
pagsunod sa anumang batas ay may katapat na kaparusahan.

5. Matibay ang pagpapahalaga sa relihiyon


 Matatag ang pananalig ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang
pananampalatayang islam. Mahalaga sa mga muslim ang
pagpapanatili ng kalayaan lalo nasa relihiyon.
 Ang pakikipaglaban ng mga muslim ay nagpapakita ng kanilang
pagtatanggol sa kanilang nakagisnang relihiyon Para sa kanila,
ang Islam ay hindi lamang isang relihiyon kung hindi isa ring
paraan ng pamumuhay.
 Ang kanilang pang araw- araw na pamumuhay ay umiinog sa
pagsamba kay Allah.

6. Matibay ang pagmamahal sa pamahalaan

 Dinatnan ng mga Espanyol na may matatag at malakas na mga


sultanato at may mabuting ugnayan sa Brunei at Indonesia
kung kaya’t malakas ang loob ng mga muslim na labanan ang
mga Espanyol.

Pinatunayan ng mga muslim ang kanilang paninindigan. Hinadlangan


nila ang pagsakop ng mga kastila. Lumaban sila sa lahat ng pagkakataon anuman
ang kanilang kahihinatnan sa labanan. Gayon ang kanilang ginawa kung kaya
hindi nasakop at di nalupig ng mga kastila ang kanilang kamorohan.

MGA PAGSASANAY
(anchor sa activi
Pagsasanay 1
Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno
ng wastong letra sa loob ng kahon.

1. Ugali ng mga Muslim na hindi basta basta nakikipagkasundo.

A P N

2. Pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao.

S L T N O

3. Mahalagang mapanatili ng mga Muslim ang kanilang kalayaan lalo na


sa aspektong ito.

E L H Y N

4. Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ito lalo na sa aspektong


relihiyon

A L Y N

5. May magandang ugnayan ang mga Muslim sa dalawang bansang ito.

R U E T N D N S A
Pagsasanay 2

Ikahon ang titik na nagpapakita ng pananaw at paniniwala ng mga katutubong


Muslim at bilugan naman ito kung hindi.
A. Gusto nilang mapasailalim ng kapangyarin ng mga dayuhan.

B. Handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anomang


kahinatnan ng labanan

C. Matibay ang pagpapahalaga sa relihiyon

D. Ang relihiyon Islam ay tinalikuran ng mga Muslim.

E. Matibay ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan

F. Mahalagang mapanatili ng mga Muslim ang kanilang kalayaan lalo na


sa aspektong relihiyon

G. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang kalayaan.

H. Nagpasakop ang mga Muslim sa mga Espanyol upang matutunan ang


kanilang gawi.

I. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking


digmaan hanggang kamatayan.

J. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang “pinuno”


datu o sultan gayundin sa kanilang pamahalaan ,ang pamahalaang
sultanato

Pagsasanay 3
Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangugusap ay nagpapakita ng
pananaw at paniniwala ng mga Muslim at ekis (×) kung hindi. Isulat ang
sagot sa patlang.
______ 1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
______ 2. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng pamumuhay ng mga
Muslim kung kaya ito ay kanilang ipinaglaban.
______ 3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng
malaking digmaan hanggang kamatayan
______4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong
Katoliko.
______5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa
kanilang kinagisnang relihiyon

PAGLALAHAT

Anu ano ang mga pananaw at paniniwala ng mga Muslim hinggil sa


kalayan?

1. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3 _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
May kaklase kang isang Muslim. Tuwing kayo ay nagdarasal sa silid-aralan
napansin mong iba ang paraan ng kanyang pagdarasal. Ano ang dapat mong
gawin? _________________________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. Ano ang dahilan ng hindi tuluyang pagsakop ng mga Espanyol sa
Mindanao?
A. Hindi nila kabisado ang lugar
B. Ang mga Espanyol ay hindi interesado sa lugar
C. Nagbigay ang mga Muslim ng kanilang kayamanan
D. Nagkaisa ang mga Muslim sa pakikipaglaban sa mga Espanyol

2. Ano ang pananaw ng mga Muslim hinggil sa kalayaan?

A. Malaki ang pagmamahal nila sa kanilang pamahalaan at


teritoryo.
B. Organisado ang mga sultanato.
C. Matatapat ang mga muslim
D. Masisipag sila

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi paniniwala ng


Muslim hinggil sa kalayaan.
A. Matibay ang pagmamahal sa pamahalaan
B. Matibay ang pagpapahalaga sa relihiyon
C. Handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anumang
kahihinatnan ng labanan
D. Natatakot ang mga Muslim sa Espanyol dahil sa kanilang
katalinuhan at katapangan.

4. Ano ang dahilan kung bakit ang mga Muslim ay hindi nagpasakop sa
mga Espanyol?

A. Madamot ang mga Espanyol


B. Mas magaling ang mga Muslim kaysa sa mga Espanyol
C. Naiinggit sila sa Espanyol sa dami ng kanilang kayamanan
D. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang kalayaan.

5. Bakit mahalaga sa mga Muslim ang kanilang kalayaan?


Dahil sa _______.

A. Mas magaling sila sa mga Espanyol


B. Mas yayaman sila kung sila ay malaya
C. Walang magdidikta sa kanila ng mga gagawin
D. Paniniwalang panrelihiyon na manganib na mawala kapag sila ay
nagpasakop sa mga Espanyol
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3 Panapos na


Pagsubok pagsusulit

1. 1.MATAPANG A F 1. / 1. D

2.SULTANATO 2. / 2. A
2. B G
3. RELIHIYON 3. / 3. D
3. C H
4. KALAYAAN 4. X 4. D
4.
5. BRUNEI AT D I 5. / 5. D
INDONESIA
5.
E J

Sanggunian
Araling Panlipunan 5- Pilipinas Bilang Isang Bansa 213-223
May akda: Maria Annalyn P. Gabuat, Michael M. Mercado, Mary Dorothy
dL. Jose
https://www.youtube.com/watch?v=ypnGvlTSPS8
https://www.coursehero.com/file/20765306/Pananaw-ng-mga-Muslim-
sa-Pagpapanatili-ng-kanilang-KalayaanLearners-Material-cora/

You might also like