You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 5: Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Freddie F. Munar
Editor: Vilma . Estadilla
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7


at Ikapitong Baitang ng Modyul para sa araling Nasyonalismo sa Timog
at Kanlurang Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng
Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-
Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan
ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga
mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto
ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga
kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication,
Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7
at Ikapitong Baitang Modyul ukol sa araling Nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa


ng mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang


dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong


matutuhan at naunawaan sa mga na unang
paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa


sa Modyul na ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro


ng iba’t ibang pagsasanay.
na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang

konsepto na dapat bigyang halaga.

Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin


kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang


mga natutuhan ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa
pagbuo ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
MGA INAASAHANG LAYUNIN:
1. Nailarawan ang mga pangyayaring kung paano nakamit ang nasyonalismo
sa timog at kanlurang asya
2. Nakilala ang mga nasyonalistang nanguna sa pagkamit ng kalayaan mula sa
kamay ng mga dayuhan .
3. Naisa-isa ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa sa pagkamit ng
kalayaan sa timog at kanlurang asya

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot


mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat
sa sagutang papel.
1. Ang mga sundalo sa India na nag lungsad ng rebelyon dahil sa hindi
paggalang sa kanilang paniniwala .

A. Sepoy B. Jepoy C. Amritsar

2. Ano ang tawag sa massacre na naganap sa mga Indianong


nagtipon upang ipakita ang pagkadismaya sa mga Briton?

A. Sepoy massacre B. Jepoy salvage C. Amritsar


massacre

3. Kilala bilang isa sa mga nanguna sa pag hingi ng pagbabago sa india sa


mapayapang pamamaraan .
A. Monhadas gandhi

B. Ali jinnah
C. Muhamad ali

4. Pinangunahan niya ang mga Muslim sa India upang humingi ng kalayaan


sa mga briton
A. Monhadas gandhi B.Ali jinnah C.Muhamad ali

5. Nagsimulang humingi ng kasarilan ang mga bansa sa


kanlurang asya kasabay ng pagbagsak ng anong imperyo?
A. Imperyong Turkz B. Ottoman empire C. Empire State
BALIK-ARAL
Tama o Mali

Panuto: Isulat ang “ T” kung ang pahayag ay tama o “M”


naman kung mali . Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang mga young turks ay pangkat ng grupo na nakilala sa kanlurang


asya.
2. Ang mga sepoy ay nagalit sa hindi pag respeto sa kanilang mga
paniniwala.
3. Ang mga Indiano ay masayang namumuhay sa pamamahala ng mga
Briton.
4. Ang Ottoman Empire ay nanatiling matatag matapos ang Unang
digmaang pandaigdig
5. Ang mga indiano ay nakaranas ng mga pagmamalabis sa mga
dayuhang mananakop sa kanilang bansa

ARALIN

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAKITA NG


NASYONALISMO SA TIMOG ASYA

Si Mohandas Gandhi ang “Dakilang Kaluluwa”

Patuloy ang mga pagmamalabis at hindi pantay na pagtrato ng mga Ingles sa mga
Indiano.Isa sa mga pangyayaring nagpapakita nito ay ang Amritsar Massacre na nakahimok kay
Mohandas Karamchand Gandhi. Si Mohandas Gandhi ay kilalang lider sa larangan ng politika
sa India. Siya rin ang namuno sa kilusang na naghahangad ng kalayaan mula sa mga dayuhan.
Pinasimulan ni Gandhi ang prisinpyong satyagraha , na nagangahulugang walang karahasang
pagtutol ng mga mamayan o mass civil disobendience

Dahil sa kanyang mga turo at paniniwala maraming mga Indiano ang sumunod sa kanya
Kinilala din bilang pandaigdigan lider na nakapagbigay inspirasyon sa mga kilusang
pangkarapatan at pangkalayaan sa buong daigdig.

Si Gadhi ay mas higit na nakilala sa bilang “Mahatmat” na nangangahulugang “Dakilang


Kaluluwa”. Dahil sa kanyang mga nagawa para sa pagkamit ng kasarilan ng India pinarangalan
siya bilang “ Ama ng Bansang India”. Ilan sa mga ginawa ni Gandhi ay pagsama sa mga
magsasaka at manggagawa upang magtatag ng ng isang samahan upang tutulan ang mga
pangaapi na mga dayuhan. Mahigpit na tinutulan ni Gandhi ang di makatarungan pagbubuwis
at diskriminasyon ng mga Briton sa mga mamamayan ng India.
Sa kanyang pamumuno sa Indian National Congress nganuna si Gandhi sa pambasang
kilusan na nagnanais mapagaan ang kahirapan, mabigyan ng karapatan ang mga kababaihan ,
magtatag ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mga Hindu at Muslim sa India ,maayos na
kabuhayan ng mga mamayan sa India at ang panghuli ay ganap na kalayaan sa kamay ng mga
dayuhan.
Hindi nakamit ng mga Indiano ang hustisya mula sa pangyayaring naganap sa Amrtisar,
mas pinaburan ng mga Briton ang panig ng kanilang kapwa Briton at dahil dito walang malinaw
na kaparusahan ang naipataw sa mga responsable sa pagpatay sa Amrtisar. Isa ito sa mga
dahilan kaya hinikayat ni Gandhi ang India National Congress at mga kapwa Indiano na
isagawa ang patakarang hindi pakikiisa sa patakaran ng bansang Britain sa India.

Si Ali Jinah at ang mga muslim sa India

Mula sa mga nag-aral sa mga Kanluraning paaralan, nabuo ang dalawang pangkat na
naglalayong mapatalsik ang dayuhang pamamahala sa India. Ang All Indian National Congress
at ang All Indian Muslim League na itinatag ni Mohammed Ali Jinnah. Hinagad All Indian
National Congress ang kasarinlan mula sa mga Briton para sa lahat ng mga Indian anumang uri
o katayuan nito sa lipunan. Samantala, layon ng All Indian Muslim League ang pagtatatag ng
Hiwalay na bansang Muslim mula sa itatatag na British India noong 1947. Marami sa kanila
ang nangangamba na maging makapangyarihan ang mga Hindu. Gayun pa man magkasama
silang namuhay sa at nagtiis sa ilalim ng mga Briton.

Si Ali Jinah na namuno sa Muslim League ay nanguna sa pagtuligsa sa ideya ng


demorkasya na inangkat ng mga makabayang Hindu mula sa mga Europeo. Ayon sa kanya at sa
kanyang mga kasama, naging kasangkapan ang demokrasya para sa lalong pan-aapi at
pagsasamantala ng naghaharing uri sa India.

Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay pinangunahan ni Ali Jinah ang kanilang
layuning makabuo ng hiwalay na lalawigan para sa mga Muslim sa India dahil na rin sa
pangamba ng diskriminasyon at pagiging minorya ng mga Muslim sa lipunan ng India. Noong
hunyo 1947 hinati ang India sa dalawa – ang mga lugar na maraming Muslim ay napunta sa
Pakistan , samantalang ang lugar na maraming Hindu ay napunta sa India.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAKITA NG NASYONALISMO SA


KANLURANG ASYA
Si Mustafa Kemal at ang mga Turko

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig , Ang bansang Turkey lamang ang naiwan
mula sa Imperyong Ottoman. Ngunit noong 1919, sinugod at madaling nasakop ng mga
hukbong Griyego ang Trukey. Dahil dito unting- unti nabuo sa isipan ng mga turko ang
damdaming makabayan.

Isang patunay ng pagkakaroon ng nasyonalimong Turk ang pagkakabuo ng Samahang


Turkanian ( Turkian Society ) na itinatag ng mga Tartar noong 1839. Isa sa kanilang mga
layunin ang pagbukludin ang mamamayang turko. Ang pangalan ng kanilang samahan ay
nangaling sa salitang “Turan” na nagmula sa isang lupain sa Persia kung saan naninirahan ang
mga Turkic at Turan.

Mas lalong nakilala ang samahan ng mga Turko sa pamumuno ni Mustafa Kemal,
ipinagpatuloy nila ang pakikipaglabang sa kanilang kalayaan. Itinatag ni Mustafa Kemal ang
Republic of Turkey matapos ang Kasuduan sa Lausanne, ang kasuduang ito ang nagtakda ng
lawak at lalawigan sakop ng Turkey. Ang Turkey ay kinilala bilang unang republika sa
Kanlurang Asya at bilang isang bagong talgang pangulo si Mustafa Kemal ay nagpatupad ng
kanyang mga reporma upang matamo ang layuning mabago ang Turkey patungo sa isang
modernong bansa.
Ang Modernisasyon sa Iran at Si Ayatollah

Bago pa man magsimula ang unang digmaang pandaigdig, ang Britain at Russia ay
nakapagtatag na ng sphere of influence sa sinaunang Persia. Ang buong Persia ay sinakop ng
mga Ingles at dahil sa pangyayaring ito ay nagpaalab sa damdaming nasyonalismo ng mga
Persia.

Noong 1925 , isang opisyal sa hukbo ng mga Persian ang iniluklok sa kapangyariahan
bilang shah o hari ng Persia, matapos niyang agawin ang kapangyarihan mula sa dating shah.
Ang persia ay pinamunuan ni Reza Shah Pahlavi. Si Reza ay namuno bilang diktador. Tulad ni
Kemal sa Turkey si Reza ay nanguna din sa paglulungsad ng modernisasyon , westernisasyon at
sekularisasyon sa kanyang bansa. Pinalawig din ang karapatan ng mga kababaihan at
pagpapalit ng panganlang ng Persia bilang Iran lahat ng ito ay naganap sa pamumuno ni Reza.

Sa kabila ng mga nagawa sa pammuno ni Reza , ang kanyang pamumuno ay hindi naging
popular sa mga Persian lalo na sa mga tradisyonal na mamamayan ng Persia. Dahil dito siya ay
napilitang bumaba sa pwesto at pinalitan ng kanyan anak na si Mohammed Reza Pahlavi.
Ipinagpatuloy ng kanyang anak ang mga nasimulan niyang pagbabago at modernisasyon sa
Persia. Unti – unting lumalakas ang boses ng oposisyon sa kanyang pamumuno at naging
tuwiran ang pag pigil sa mga pag-babago kaniyang ipinatutupad.

Nakilala si Ayatollah Ruhollah bilang lider ng oposisyon. Ninais niyang ipabalik sa


prinsiyong Islamic Fundementalism ang pamamahala sa Iran dahil marami sa mga pagbabago
ginagawa sa pamumuno ni Reza ang lubusang nagpabago sa Iran at unti unti nakalimutan ang
batayang islamiko sa pamumuno ng kanilang bansa. Dahil dito nagkaroon ng rebolusyon sa
pagitan ng mga sumosuporta sa oposisyon at administrasyon ni Reza. Naagaw ng oposisyon ang
pwesto at sapilitang pinababa sa pwesto si Mohammed Reza.

Saudi Arabia at ang Tradisyong Islamiko

Nang bumagsak ang Imperyong Ottoman, Itinatag ni Abdul Aziz noong 1926 ang kaharian ng Hejaz
at Nejd. Si Abdul Aziz na higit kilala bilang Sheikh Ibn-Saud ay kabilang sa pinaka makapangyariahang
angkan ng Arab. Pinagbuklod niya ang mga kaharian ng Arab at noong 1932 ito ay tinawag niyang Saudi
Arabia mula sa pangalan ng kanyang angkan.

Si Ibn – Saud ay mahigpit na nananalig sa tradisyonal na pamahalaang Islamiko. Ang kanyang


pamamahala ay batay sa gawi, tradisyon, relihiyon at pag-iisa ng pamilya. Ipinagutos din niya pagpataw
ng mahigpit na parusa na nakabatay sa Koran o Quran sa sinong mang nagkasala. Mahigpit din niyang
ipinagbawal ang paginum ng alak. Tulad ni Kemal at Reza isinulong niya ang pagpapaunlad ng
makabagong teknolohiya sa kniyang bansa.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1 – Tama o Mali


Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at
Mali kung hindi akma sa nilalarawan.Isulat ang sagot sa patlang

________1. Ang mga Hindu at Muslim ay nagkaroon ng di pagkakaintidihan habang sila ay


humihingi ng kalayaan sa mga dayuhan .

________2. Ang turkey lamang ang natira sa bumagsak na Ottoman Empire

________3. Pinangunahan ni Gandhi ang paglaban sa mga Briton sa pamamagitan ng digmaan.

________4. Nakilala si Ali Jinnah bilang lider ng mga Hindu sa bansang India.

________5. Ang Saudi Arabia ay hindi nagka watak watak.

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ng mga salita ang mga patlang upang maipaliwanag ang mga
natutunan tungkol sa nasyonalismo sa timog at kanlurang asya

Ang Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya ay


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Ilarawan ang pinakitang nasyonalismo sa timog at kanlurang asya. Pumili
ng isang simbolo na maaring maglarawan dito at ipaliwanag

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_____________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at Piliin ang wastong sagot


mula sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang
isulat sa sagutang papel.

1. Ang nanguna sa mga Hindu upang makamit ang kanilang kalayaan


A. Mahatma Gandhi

B. Ayatollah
C. Ali Jinnah
2. Tinutulan niya ang pagbabago sa Iran dahil hindi ito naayon sa turo ng
kanilang relihiyon
A. Mahatma Gandhi

B. Ayatollah
C. Ali Jinnah
3. Siya ang namuno sa itinatag na grupo o pangkat ng mga Muslim sa
India na nanghihingi ng kalayaan sa mga dayuhan
A. Mahatma Gandhi

B. Ayatollah
C. Ali Jinnah
4. Pangkat ng mga truko nag hahangad na pagbukoldin ang kanilang mga

mamamayan

A. Mahatma
B. Turkian Society
C. Muslim League
5. Ang Iran ay kilala rin sa tawag na ___________________________

A. Persia

B. Siam
C. Cambodia
SUSI SA PAGWAWASTO

5. A
4. B
3. C
2. B
1. A
Panapos na Pagsusulit

5 mali
4. Mali
3. Mali
2. tama
1. tama
Pagsasanay 1

T 5. 5. B
M 4. 4. C
M 3. 3. A
T 2. 2. C
T 1. 1. A
Balik –aral Paunang Pagsubok

SANGGUNIAN

Mga Aklat:
1. MARLA CARMELITA B SAMSON , ELEANOR D. ANTONIO, EVAGELINE M.
DALLO, CONSUELA M. IMPERIAL, CELIA D. SORIANO ,, KAYAMAN ARALING
ASYANO (Pilipinas, REX BOOK STORE 2017),pp. 295 -310

Mga Website:

1. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA MELC,


https://www.youtube.com/watch?v=4E5omn_P3Rw NOV 22, 2019
2. NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA ,
https://www.youtube.com/watch?v=Wg7H7txfEK4 DEC 17, 2019

You might also like