You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 7: Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Pag-angat ng


Malawakang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marivic I. Araullo
Editor: Vilma C. Estadilla
Tagasuri: Zenaida N. Raquid
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
Asst. School Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC- Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto7
Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa
Pag-angat ng Malawakang Nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang
ng Modyul para sa araling Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Pag-angat ng
Malawakang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang


Modyul ukol sa Epekto ng Digmaang Pandaigdig sa Pag-angat ng Malawakang
Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin,ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Layuning Pampagkatuto
Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan
ng mga bansang Asyano
MGA INAASAHANG LAYUNIN:

1. Nailarawan ang epekto ng Una at Ikalawang digmaang Pandaigdig sa Timog at


kanlurang Asya.

2. Nabigyang-halaga ang pagsusumikap ng mga Asyano na maghangad ng


kalayaan para sa kani-kanilang bansa.
3. Naitala ang mga naging epekto ng digmaan sa kanluran at Timog Asya.

PAUNANG PAGSUBOK

TAMA O MALI. Panuto: Isulat kung TAMA ang pangungusap at kung Mali, Iwasto
ang salitang may salungguhit.

1. Ang China at ang United States ang matatawag na pinakamakapangyarihang


bansa matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.
2. Ang Sistemang Mandato ay ipinatupad ng mga kanluranin sa kanlurang Asya.
3. Nilagdaan ang Kasunduang Versailles upang pormal nang tapusin ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
4. Ang Iran, Saudi Arabia at Syria ay mga bansang matatagpuan sa Timog Asya.
5. Ang Balfour Declaration ang nagbigay-daan para makabalik ang mga Hudyo sa
India.

BALIK-ARAL
Panuto: Kilala mo ba sila? Isulat sa kahon ang pangalan ng mga nasa larawan at
ibigay ang kanilang pagkakakilanlan.
Larawan

images.app.goo.gl/hNw images.app.goo.gl/BM images.app.goo.gl/Bb


aTNNZNvyNLEnE7 BY45dhS8HPb39f6 fPzYqUhgJZfwv6A
Pangalan 1 2 3
Pagkaka 4 5
kilanlan

ARALIN

Picture Diagram
Panuto: Suriin ang Larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mga Tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng larawan?


2. Ano ang iyong reaksyon ukol dito?

Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig


Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nag-
udyok sa mga Asyano na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya. Ito rin ang nagtulak sa mga Asyano upang higit na
ipaglaban ang kalayaang minimithi para sa kani-kanilang bansa, sa pangunguna
ng kanilang mga lider nasyonalista. Nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng
mga Asyano ang naganap na dalawang digmaang Pandaigdig.
Mga Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
Sumiklab ang Unang Digmaang pandaigdig noong Agosto 1914. Kumplikado
ang dahilan: pag-aalyansa ng mga bansang Europeo at pag-uunahan sa teritoryo,
militarismo at iba pa. May dalawang Alyansa ang naglaban sa labanan na ito. Ang
Central Powers na binubuo ng Germany, Austria-Hungary at ang Allied Powers na
binubuo ng France, England at Russia.Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig
nang pinatay si Archduke Francis Ferdinand ng isang Serbian na si Gavrilo
Princip. Si Archduke Francis Ferdinand ang tagapagmana sa trono ng Austria-
Hungary.
Bagamat nakasentro sa Europa ang digmaan, Malaki ang naging epekto nito
sa mga Asyano. Tulad sa India, ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay
nagkaisa at tumulong sa panig ng Allies. Nagpadala sila ng mga Indian upang
tulungan sa labanan ang mga Ingles. Kaalinsabay nito ay nagkaisa ang mga
Muslim at Hindu.Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng
mapayapang pamamaraan ayon sa Satyagraha (non-violence). Nagkaroon ng
malawakang demonstrasyon, boykot, at hindi pagsunod sa mga kautusan ng Ingles
sa bansang India, na siya namang naging dahilan kalaunan upang bigyan ito ng
awtonomiya.
Sa pamamagitan naman ng bansang Iran, ang Russia at Great Britain ay
nagsagawa ng pag-atake sa Ottoman empire na nakipag-alyado sa Germany. Sa
kabila nito, ang Iran ay walang pinanigan. Ang digmaan ay nagdulot ng
malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagkamatay ng maraming
Iranian, at nagdulot ng pagkagutom.Ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaang Iran
sa pagkakataong ito ay nagbigay-daan sa malawakang pag-aalsa at pagkilos ng
mamamayan na humihingi ng kalayaan para sa Hilagang iran noong 1915-1921.
Natalo ang Central Powers sa digmaan at isinagawa ang pagpupulong sa
Versailles, France upang pormal ng tapusin ang digmaan at pag-usapan ang
kaparusahan ng mga talunang bansa. Sa kabuuan, nanghina lahat ng bansang
European dahil sa tagal, hirap, at gastos ng digmaan. Samantala, dahil malayo sila
sa lugar ng labanan, lumakas naman ang United States at Japan. Matapos ang
digmaan, naiba ang balanse ng kapangyarihan (balance of power) sa daigdig.
Matatawag na mga superpower o pinakamakapangyarihang bansa noong panahong
yaon ang United States at Japan.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isa pa rin sa mga naging
epekto nito ay itinatag ang League of Nations upang maiwasan na ang
pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Ang Japan ang tanging miyembro nito na
galing sa Asya. Ang United States naman ay hindi sumama dahil ayaw nitong
sumali sa mga bagay na hindi ukol sa kanya at baka masali lang ito sa mga
problema na walang kinalaman sa kanya.
Isa pang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga
kanluranin sa kanlurang Asya. Ang Kanlurang Asya ay bahagi ng Ottoman Empire
na nanghina at dahan-dahang bumagsak. Noong 1914 nadiskubre ang langis sa
lugar na ito at lumaki ang interes ng mga kanluranin dito. Sinakop at hinati-hati
ito ng mga kanluranin noong panahon ng digmaan at pagkatapos, nagtatag sila ng
sistemang mandato. Ang mandato para sa Syria at Lebanon ay ibinigay sa mga
French at ang mandato naman para sa Palestine ay kinuha ng mga English.
Nanatili ang mga lokal na pamunuan ngunit hawak ito ng mga dayuhan, lalo na sa
mga aspektong pang-ekonomiya. Ang iba pang mga bansa ay pawang malaya pero
sa katotohanan ay kontrolado ng mga kanluranin. Napanatili ng Saudi Arabia ang
kalayaan nito sa ilalim ni Haring Ibn SAud, pero lahat ng mga kompanya na
naglinang ng mga langis ay pag-aari ng mga dayuhan.
Noong 1917, nagpalabas ng Balfour Declaration ang mga English kung saan
sinabi na ang Palestine ay bubuksan para sa mga Jew o Israelite upang maging
kanilang tahanan o homeland. Dito nag-ugat ang problema ng mga Jew at mga
Muslim, dahil nagsimulang bumalik ang mga Jew na nasa Europa sa Kanlurang
Asya.
Mga Epekto ng Ikalawang digmaang Pandaigdig
Nagsimula sa Europe ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre
1939. Taong 1941 naman ito nagsimula sa Asya ng sorpresang inatake ng Japan
ang Pearl Harbor sa Hawaii. Nagdulot ito ng malaking pinsala sa ari-arian at buhay
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa digmaan, maraming mga lungsod
ang nasira sa Asya at milyon-milyong tao ang namatay. Taong 1942, isang
kasunduan ang pinangunahan ng United States ang Tehran Conference. Ang
kasunduan ay nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang
bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya ito. Mayo 1946 nang
simulang alisin ng Russia ang kanyang mga tropa sa Iran na hindi naman
tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis.
Itinuturing ito na unang hindi pagkakaunawaan na dininig ng Security Council ng
United Nations. Ito ang nagbigay daan sa Cold War na kinasangkutan ng United
States at ng kanyang mga kaalayado, kontra Russia kasama rin ng kaniyang mga
kaalyadong bansa.
Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng England ang naapektuhan
matapos ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng suporta ang
England sa pakikipagdigmaang ginawa nito. Si Gandhi at ang kaniyang mga
kasamahan ay nagprotesta tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa pagtatapos
ng digmaan lalong sumidhi ang ipinaglalaban ng mga taga-India para sa kalayaan,
ngunit ito ay naging daan upang muling hindi magkaisa ang mga Indian. Sa
paglaya ng India noong 1947 nahati ito sa dalawang pangkat, ang pangkat ng mga
hindu at Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan naman para sa mga
Muslim.
Maituturing na ang pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ay
ang pagtatapos ng Ikalawang digmaang Pandaigdig dahil dito inaasahang
makakamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog at Kanlurang asya.
Kasunod nito ang pagtatag ng United Nation o Nagkakaisang mga bansa.
Maraming pagbabago ang naganap sa Asya dulot ng dalawang digmaang
pandaigdig. Maraming bansa ang lumakas at naging malaya. Subalit kung
susuriing mabuti, nakahihigit pa rin ang masamang epekto ng kahit anong
digmaan kaysa magandang epekto nito. Hindi natuldukan ng Ikalawang digmaang
pandaigdig ang muling pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansa at sinundan ito ng
Cold War, hidwaan sa pagitan ng US at USSR.

MGA PAGSASANAY
Panuto: DATA RETRIEVAL CHART. Mula sa binasang teksto, Magtala ng ilan sa
mga naging Epekto ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Kanluran at
Timog Asya.

Unang Digmaang pandaigdig Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Timog Asya

Kanlurang
Asya
PAGLALAHAT
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag na may kinalaman sa Una at
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA
Panuto:Isulat ang sagot sa patlang.

1. Hindi maikakaila ang pinsalang dulot ng una at ikalawang digmaang Pandaigdig


sa mga Asyano. Dahil sa pinsalang dulot nito ay wala ng magnanais pang maulit
ito sa kasaysayan. Bilang mag-aaral, Sa paanong paraan ka makakatulong upang
ikaw at ang ating bansa ay makakaiwas sa alitan o anumang digmaan?

a. Tahanan _____________________________________________________________________.
b. Paaralan _____________________________________________________________________.
c. Kapwa bansa_________________________________________________________________.

2. Ipaliwanag “Kailanman ay walang naging mabuting Digmaan”

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat kung Sanhi o Bunga ang mga sumusunod na pahayag.

1. Nagkaroon ng hidwaan ang mga Jew at Muslim.


2. Ipinalabas ang Balfour Declaration upang makabalik ang mga Hudyo sa
Palestine.

3. Itinatag ang Liga ng mga bansa.


4. Nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig.

5. Pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


6. Nagtulak sa mga Asyano para ipaglaban ang kalayaang minimithi para sa
kanilang bansa.

7.Nakontrol ng mga kanluranin ang langis sa kanlurang Asya.


8. Ipinatupad ang sistemang Mandato s akanlurang Asya.

9.Pag-aalyansa at pag-aagawang ng teritoryo ng mga bansang Europeo.


10. Sumiklab ang Unang digmaang Pandaigdig.

SUSI SA PAGWAWASTO

5. PALESTINA
ASYA
4. KANLURANG
PANDAIGDIG BUNGA 6.
DIGMAANG SANHI 5.
3. UNANG 10. BUNGA SANHI 4.
9. SANHI BUNGA 3.
2. TAMA
8. SANHI SANHI 2.
1. TAMA
7. BUNGA BUNGA 1.
PAGSUBOK
PAUNANG PANAPOS NA GAWAIN

KALULUWA
DAKILANG
MAHATMA O
5. KILALA BILANG
TURK
4. AMA NG MGA
GANDHI
3. MOHANDAS
JINNAH
2. MOHAMED ALI
1. MUSTAFA KEMAL
BALIK-ARAL
HT V 10/17/2020
VILMA C. ESTDADILLA
Iwinasto:
https://images.app.goo.gl/dAqNrgABaAsvMSoe9
https://images.app.goo.gl/PDZ7io2h291DsgWG7
https://images.app.goo.gl/3huZ6L3UQHEBjbWDA
https://images.app.goo.gl/BMBY45dhS8HPb39f6
https://images.app.goo.gl/hNwaTNNZNvyNLEnE7
https://images.app.goo.gl/BbfPzYqUhgJZfwv6A
Mga Website na pinagkunan ng larawan:
Asya: Pagkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba-Modyul ng mag-aaral pp, 235-237
Aklat:
Sanggunian
Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig Epekto ng ikalawang Digmaang
Pandaigdig
PAGSASANAY
• Nagsagawa ng mapayapang • Nagdulot ng malaking
pagkilos ang mga Indian ayon sa pinsala sa ari-arian at
Satyagraha o non-violence. buhay ng tao. Maraming
lungsod ang nasira at
milyon-milyong tao ang
namatay.
• Ito ang nagtulak sa mga
Timog Asya Indian na ipaglaban ang
minimithing kalayaan.
• Nahati ang India sa
dalawang pangkat, Ang
India para sa mga Hindu
at Pakistan para sa mga
Muslim.
• Ipinatupad ang Mandate System sa • Nagdulot ng Azerbaijan
Kanlurang Asya. Crisis na nagbigay-daan
• Ipinalabas ang Balfour Declaration sa Cold war ng Russia at
na naging daan sa paglikha ng US.
Kanlurang estado para sa mga Israel na
naging ugat ng hidwaan sa pagitan
Asya ng mga Jews at Muslim.
• Napanatili ng Saudi Arabia ang
kalayaan ngunit hawak ng mga
dayuhan ang halos lahat ng
kompanya ng langis.

You might also like