You are on page 1of 11

Araling Panlipunan - Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Karanasan at Implikasyon Ng Digmaang


Pandaigdig Sa Kasaysayan Ng Mga Bansang Asyano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Isidra A. Santos
Editor: Rowena D. Roxas
Tagasuri: Allan P. Ulep
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig.
Araling
Panlipunan 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 7
Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa
Pagtatatag ng Sistemang
Mandato sa Silangang Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng
Modyul para sa araling Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa Pagtatatag ng
Sistemang Mandato sa Silangang Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap Araling Panlipunan 7 at Ikapitong Baitang Modyul


ukol sa epekto ng Unang Digmaan sa Pagtatatag ng Sistemang Mandato sa Silangang
Asya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Inaasahan – Sa bahaging ito malalaman moa ng mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

Paunang Pagsubok - Dito masusukat ang dati mo nang


kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa.

Balik-aral - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


naunawaan sa mga na unang paksa.

Aralin . Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na


ito.

Mga Pagsasanay. Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay.


na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

Paglalahat - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

Pagpapahalaga - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

Panapos na Pagsusulit - Dito masusukat ang mga natutuhan


ng mag-aaraal.
INAASAHAN

Matapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:

Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan


ng mga bansang Asyano

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Nabibigyang-kahulugan ang mahahalagang konseptong may kaugnayan sa
paksa.
2. Natutukoy ang mga bansa sa Silangang Asya na naapektuhan ng spheres of
influence pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
3. Nailalarawan kung paano hinarap ng mga bansang ito ang mandatong
spheres of influence.

PAUNANG PAGSUBOK

I. MAPA-Hula: Tukuyin kung anong bansa ang nagmamay-ari ng mga


sumusunod na watawat.

1. _________ 2. ________ 3. __________ 4. _______

BALIK-ARAL

Mayroon bang magandang epektong naidulot sa kalakalang pandaigdig ang


ikalawang yugto ng Imperyalismo sa mga bansang Asyano? Sagutin ito sa
pamamagitan ng pagpupuno sa datos.

SANHI BUNGA KABUTIHAN

Kumpetisyon ng mga Pinamahalaan ng mga 1.


Kanluranin sa Kanluranin ang ekonomiya
pananakop ng mga ng mga Asyano
lupain at pagkontrol ng
kalakalan
Napabilis ang antas Paggamit sa mga likas na 2.
produksyon dulot ng yaman ng mga bansang
pagkaimbento ng mga Asyano upang makagawa
makabagong makinarya ng mas maraming produkto
Mataas na Kinontrol ng mga 3.
pangangailangan sa mga Kanluranin ang kalakalan.
hilaw na materyales Pinagtanim ang mga
Asyano ng mga produktong
agarang tutugon sa
lumalaking
pangangailangan sa mga
hilaw na materyales
Mataas na antas ng Lumakas ang kalakal ng 4.
produksyon mga Kanluranin. Ipinagbili
ng mga ito ang mga labis
na produkto sa mga
kolonya nitong bansa.

ARALIN

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig Sa Pagtatatag ng mandato sa


Silangang Asya

Matatandaan natin na dahil sa matinding tunggaliang imperyalismo at


kolonyalismo ng mga kanluranin, nabuo ang pagkakampihan o alyansa. Nahati ito
sa dalawa: ang Central Powers na binuo ng Germany at Austria-Hungary at Allies
(France, England at Russia). Sumiklab ang Unang Digamaang Pandaigdig (1914-
1918). Natalo ang Central Powers. Upang tapusin ang sigalot at pagbayarin ang
mga natalo sa digmaan, isinagawa ang Pagpupulong sa Versailles, France. Napabago
ng digmaan ang balance ng kapangyarihan (balance of power) sa daigdig. Nabuo ang
Spheres of Influence.
SPHERES OF INFLUENCE at OPEN DOOR Policy Sa China:
Bunga ng mga mandato matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nahati
sa kamay ng mga kanluranin ang kapangyarihan at teritoryo sa mga rehiyon ng
China. Nasakop din ng Japan(noon ay kaalyado ng England) ang mga rehiyon ng
Shantung, Carolina at Marianas teritoryong dati ay hawak ng Germany.
Kinontrol ng mga Kanluranin ang kalakalan sa pagpapairal ng open
door policy. Bumagsak ang dating matatag na kapangyarihan ng mga emperador
dahil sa panghihimasok ng mga dayuhang dinastiya. Hindi nila nakontrol ang mga
mananakop sa pakikialam sa kanilang mga patakaran para sa mga dayuhan.
Pumasok ang impluwensya ng iba’t-ibang kulturang Kanluranin na nakaapekto sa
kanilang iniingatan at ipinagmamalaking kultura.
Japan: Spheres of Influence at Closed Door Policy
Napasakamay ng Japan ang ilang rehiyon ng China at ang mga teritoryo ng
Germany sa Pacific.
Napanatili nitong matatag ang pamahalaan sa pamamagitan ng
pagsasara nito ng kanyang mga daungan sa mga dayuhan (closed door policy).
Naging mas matatag ang kanyang ekonomiya. Mas naging matingkad at
yumabong ang kanyang kultura at nasyonalismo. Nakabilang siya sa mga
tinaguriang super power o pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig.

Korea:
Nagpatupad din ng closed door policy ang Korea. Napanatili nito ang
pagbabawal sa pagpasok ng impluwensya at kapangyarihan ng mga kanluranin.
Subali’t sa kalaunan ay hindi rin ito nakaligtas sa dalawang ideolohiyang
nagsumpungan, ang komunismo na niyakap ng Hilagang Korea at sinuportahan ng
Unyong Sobyet at demokrasya na niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng
Amerika .

Katulad ng digmaang
pandaigdig, isang malaking
hamon ang laban natin sa Milyun-milyong tao na ang
pandemya ng sakit na namatay sa buong mundo dahil sa
Covid–19. Kakaiba nga sakit na ito at patuloy pang
lamang ito sapagkat hindi nadadagdagan ang bilang. Wala
natin nakikita ang ating pang gamot o bakuna na sandatang
kalaban. Mahalaga ang panlaban sa sakit na ito kung kaya’t
pakikiisa at pagsunod ng tanging hiling ng pamahalaan sa
mamamayan sa
mamamayan ay sundin ang mga
pamahalaan upang
pamamaraan at patakaran na
maisalba ang buhay at
kinabukasan ng tao at mga ipinatutupad upang mabawasan ang
bansa sa buong mundo. pagkalat ng mga kaso nito.
MGA PAGSASANAY
Unang Gawain: Talasalitaan: Piliin mula sa kahon ang wastong salitang bubuo sa
pangungusap o mga salita sa ibaba.
Nasyonalismo racial equality Central Powers
Allies Balance of Power spheres of influence closed door policy

1. Hindi binigyang-pansin ng mga Kanluranin ang Japan sa hiningi nitong


___________ o pantay na pagtingin dito na katulad nila.
2. Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig nabago ang ________________ o pantay-
pantay na kapangyarihan ng mga bansang kanluranin.
3. Ang _______________ ay alyansa ng mga bansang Germany at Austria-Hungary
samantalang tinawag na (4) __________ ang alyansa ng France, England at Russia.
5. Sa ______________ o paghahati-hati ng kapangyarihan ng kanluranin, napunta sa
Japan ang China na dati ay nasasakop ng Germany.

Ikalawang Gawain: Paghahambing: Paano nagkaiba ang pamamaraang ginamit ng


Japan, China at Korea sa paglaban sa mga banta ng pananakop matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig?

China Japan Korea

Ikatlong Gawain: Isulat ang letrang O, kung Opinyon at K, kung Katotohanan ang
sinasaad ng mga sumusunod na pangungusap.

___1. Napalakas ng Japan ang pwersang militar nito at nakuhang masakop ang
ilang rehiyon ng China.
___2. Nagtagumpay ang China sa pagpapairal ng closed-door policy at napigilan ang
mga kanluranin na lubusang masakop ito.
___3. Itinuring na ang pagkakabuo ng Central Powers at Allies ay isa sa dahilan
ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig.
___4. Hindi naapektuhan ang Korea sap ag-iral ng spheres of influence.
___5. Mas pinaigting ng mga naging karanasan sa Unang Digmaang Pandaigdig ang
damdaming nasyonalismo sa Silangang Asya.
PAGLALAHAT

Panuto: Tapusin ang pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang. Mula sa
araling ito, natutunan ko ang mga sumusunod:

1. _______________________________________________________________________________.
2. _______________________________________________________________________________.
3. _______________________________________________________________________________.
4. _______________________________________________________________________________.
5. _______________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Bilang isang mag-aaral, paano mo pinapahalagahan ang kalayaan ng bansa


na ating tinatamasa sa kasalukuyan? Sumulat ng limang pangungusap.
1. ___________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Anu-ano kaya ang namuong damdamin sa mamamayan ng mga bansang Japan,
China at Korea sa panahon nasa ilalim sila ng spheres of influence? Sumulat ng 5
pangungusap.
1. ____________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO
4. K (Maaring may iba pang kaisipan ang mag-aaral)
3. K pagmamahal sa bayan .
2. O pag-asa, pagmamahal sa kapwa,
1. K Galit, pangamba, takot, kawalang-

Sanggunian
Gawain III. Panapos na Pagsusulit:

ng mag-aaral tungkol sa aralin


Mga Aklat:
Korea - Pagsasara ng bansa
Ang sagot ay batay sa nabuong ideya
Modernisasyon
Pagpapahalaga:
1. Romela M. Cruz,Ed.D, Mary Dorothy dl. Jose, Joel B. Mangulabnan,
Japan- Militarisasyon at
Michael M. Mercado, Jerome A. Ong,, Araling Asyano: Tungo sa
ng mag-aaral tungkol sa paksa China- Ideolohiya ng mga Imperyo
Pagkakakilanlan(Pilipinas, Vibal Group, Inc., 2015),pp. 2-11
Ang sagot ay batay sa nabuong kaisipan Gawain II. Paghahambing:
Paglalahat: 5. Spheres of Influence
Mga Website: 4. Allies
4. North Korea 3. Central Powers
3. Japan 1. Konsepto Ng Asya-slideshare, June 25, 2012.
2. Balance of power
2. South Koreahttp://www.slideshare,net
1. Racial equality
1. China Gawain1:Talasalitaan
\ Paunang Pagsubok:MAPA-Hula MgaPagsasanay:

Sanggunian
Mga Aklat:
Cruz, Romela M. Ed. D., dl.Jose, Mary Dorothy, Mangulabnan, Joel B.,
Mercado, Michael M.,at Ong Jerome A. Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan.
Vival Publishing.com. 2015.

Mateo, Estela C., Ph.D., Jose, Ricardo T. Ph.D., Camagay, Ma.Luisa T. Ph.D.,
Miranda, Evelyn A. Ph.D., Bocan, Celestina P.,Ph.D. Asya Pag-usbong ng
Kabihasnan. Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon. 2008.

Dept. of Education. Modyul sa Sariling Pagkatuto sa Araling Panlipunan 8.


Pinagmulan, Kasaysayan,Kayamanan, Pagkakakilanlan.

You might also like