You are on page 1of 11

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 3


Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang
Digmaang Pandaigdig

Alamin
Ang

pagsiklab ng mga Digmaang Pandaigdig ang higit na nag-udyok sa mga Asyano na


mithiin ang pagbabago sa kani-kanilang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Ito rin
ang nagbigay-daan upang higit na ipaglaban at itaguyod ang kalayaan sa pangunguna
ng kanilang mga pinuno. Kaya, tunghayan mo sa araling ito ang mga tunay na
karanasan at implikasyon sa panahong iyon.
Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang
malilinang sa iyo ang mga sumusunod na karunungan:

1. Naiisa-isa ang mga karanasan at implikasyon sa Una at Ikalawang Digmaang


Pandaigdig ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
2. Nakagagawa ng timeline sa mga pangyayari sa Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
3. Naipapahayag ang mga epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa buhay ng mga
tao sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Ang Timog at Kanlurang Asya sa


Aralin
Dalawang Digmaang Pandaigdig
Magandang buhay!
Bago natin simulan ang ating talakayan, balikan muna natin ang iyong
natutunan mula sa nakaraang paksa. Sagutin ang gawain sa ibaba.

Balikan Gawain 1: “Ako’y Ilarawan Mo!”


Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang Nasyonalismo. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa:

pagmamahal sa
bansa

Tuklasin
Gawain 2: “Ano Ako?”
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga larawan at ayusin ang mga letra sa ibaba
nito upang makilala ang konseptong tinutukoy. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.

ALILES

2.

CETNARL POREWS C

Upang mas maunawaan mo ang ating aralin, basahin mo ang kasunod na talahanayan
na tungkol sa mga pangyayaring naganap sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
noong panahon ng mga Digmaang Pandaigdig.

Suriin
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
PETSA/TAON MGA PANGYAYARI RESPONSABLE SA PANGYAYARI
 sumiklab ang Unang  pag-aalyansa ng mga bansang
Digmaang Pandaigdig Europe
Agosto 1914  pag-uunahan ng mga ito na
maisakatuparan ang kani-
kanilang interes
 Nabuo ang mga alyansang:  Binubuo ng mga bansang:
1. Central Powers 1. Germany, Austria-Hungary(GAH)
2. Allies 2. France, England, Russia(FER)
 Isang pinuno ng Europe ang
namatay na nagpasiklab sa Archduke Francis Ferdinand
digmaan
 Nagkaisa ang nasyonalismo at Mga nasyonalismo at pangkalayaang
pangkalayaang kilusan at kilusan sa bansang India
tumulong sa panig ng Allies
 Pinangunahan ang kilusan sa Mahatma Gandhi
pamamagitan ng mapayapang
pamamaraan ayon sa
satyagraha
(non-violence)
 Inatake ang Ottoman Empire
(Iran) na nakipag-alyado sa
Germany
 Ito ay nagdulot ng Russia at Great Britain
malawakang pagkasira ng
mga pamayanan, ari-arian,
pagkamatay ng maraming
Iranian at pagkagutom
 Humigit kumulang sa anim na
1915-1921 taon ang pag-aalsa ng mga mga mamamayan ng Iran
mamamayang Iran
 Hiniling ng Great Britain sa
punong ministro ng Iran na
lumagda sa kasunduang
magbibigay ng kapangyarihan
1919 sa pagkontrol ng ekonomiya, Great Britain
politika at pangmilitar sa
bansang Iran. Ito rin ay
magbibigay-daan sa pagiging
ganap na protektadong bansa
ng Great Britain ang Iran.
 Napigilan ang kasunduan ng
Great Britain sa Iran sa mga pangkat ng nasyonalista sa
1926 pamamagitan ng pagbatikos Iran
nito sa mga pahayagan at sa
pag-aalsa.
 Natalo sa digmaan ang Central  Central Powers
Powers
 Treaty of Versailles
- Kasunduang naghudyat
sa pormal na pagtatapos
ng Unang Digmaang
Pandaigdig
 Natuklasan ang mina ng langis  Kanluraning bansa
sa Kanlurang Asya na naging
1914
dahilan upang maging mas
interesado ang mga
Kanluraning bansa na rito at
magtatag ng sistemang
mandato.
 Ang mandato ng Syria at  France at mga Ingles
Lebanon ay napasakamay ng
France habang ang mandato
ng Palestine ay nasa mga
Ingles.
1917 Balfour Declaration  Mga Ingles
- Nakasaad na ang Palestine
ay bubuksan sa mga Jew o
Israelite upang maging
tahanan (homeland)
- Naging dahilan upang
magkaroon ng hindi
pagkakaunawaan ang mga
Muslim at Jew.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, lumakas ang kilusang nasyonalismo sa
India na naging daan upang magkaisa ang Hindu at Muslim. Nagkaroon ng malawakang
demonstrasyon, boykot at hindi pagsunod sa mga kautusan ng Ingles sa bansang India,
na siya namang naging dahilan upang mabigyan ng autonomiya ang bansa.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


PETSA/TAO RESPONSABLE SA
MGA PANGYAYARI
N PANGYAYARI
Setyembre Nagsimula ang Ikalawang
1939 Digmaang Pandaigdig
Tehran Conference
- Nagsasaad na lilisanin ng
1942 Russia at Great Britain United States
ang Iran upang
makapagsarili at maging
malaya
Sinimulang alisin ng Russia ang
kanyang tropa ngunit hindi
Mayo 1946 naisakatuparan at nagdulot ng Russia
Azerbaijan Crisis.

Itinuring na hindi United States at mga


pagkakaunawaan ng Security kaalyado laban sa
Council ng United Nations at Russia at mga
nagbigay-daan sa Cold War kaalyadong bansa nito
Lalong sumidhi ang
ipinaglalaban ng mga taga-
India para sa kalayaan, ngunit
naging dahilan ito upang sila’y
muling hindi sila magkaisa.
1947 India at Pakistan
Nahati ang India sa dalawang
pangkat:
1. India para sa mga Hindu
2. Pakistan para sa mga
Muslim

Maituturing na ang pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya


ay ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at dahil dito
inaasahang makamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya.
Pagyamanin
Gawain 3: “Epekto ng Digmaan”
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba na nagpapakita ng mga epekto ng Una at
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya. Gawin ito sa sagutang
papel.

ANG MGA EPEKTO SA ASYA NG PANDAIGDIGANG DIGMAAN


UNANG DIGMAANG IKALAWANG DIGMAANG
PANDAIGDIG PANDAIGDIG
KANLURANG TIMOG KANLURANG
TIMOG ASYA
ASYA ASYA ASYA
Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:
Pansamantalan Ang mandato ng Nahati sa Nilisan ng Russia
g isinantabi ng Syria at Lebanon dalawang at Great Britain
mga Hindu at ay napasakamay pangkat ang ang Iran dahil sa
Muslim ang sa France. India: Tehran
hindi nila Hindu at Conference.
pagkakasundo. Muslim.

Isaisip

Gawain 5: “Sagot Na!”


Panuto: Sagutan ang tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng


mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

2. Nakakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga bansa sa


Timog at Kanlurang Asya sa pamamagitan
ng________________________________________________________
_________________________________________________________.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT


Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2
Kaangkupa Angkop at makakaingganyo sa bumabasa. 2
n
Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1
Kabuuan 5

Isagawa

Gawain 6: “Ako In Action!”


Panuto: Pumili ng isang larawan sa ibaba. Magbigay ng posibleng solusyon na iyong magagawa
upang maiwasan ang sitwasyon sa napiling larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Larawan 1

Larawan 2

Larawan 3

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT


Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2
Kaangkupan Angkop at makaiingganyo sa bumabasa. 2
Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1
Kabuuan 5

Tayahin

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tehran Conference 1939


Balfour Declaration 1940
Treaty of Versailles Cold war
1915 Archduke Francis Ferdinand
1914 Central Powers
Allies Azerbaijan Crisis

_______1. Tawag sa alyansang binubuo ng Germany, Austria-Hungary.


_______2. Katawagan sa isang alyansang binubuo ng mga bansang
England, Russia at France.
_______3. Sa taong ito, sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig.
_______4. Ang kasunduan na naging hudyat sa pormal na pagtatapos ng
Unang Digmaang Pandaigidig.
_______5. Ang taon kung kailan natuklasan ang mina ng langis sa Kanlurang
Asya na naging dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa rito.
_______6. Isang deklarasyong ipinalabas ng mga Ingles noong 1917 na
nagsasaad na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite
upang kanilang maging tahanan.
_______7. Taon nang nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
_______8. Isang kasunduang nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at
Great Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging
malaya.
_______9. Katawagan sa digmaang kinasangkutan ng United States at ng
kanyang mga kaalyado, kontra sa Russia at mga kaalyadong
bansa nito.
_______10. Siya ang lider na namuno sa pamamagitan ng mapayapang
pamaraan ayon sa satyagraha.
B. Panuto: Lagyan ng (+) kung ito ay nagpapakita ng positibong epekto at (-) kung nagpapakita ng
negatibong epekto sa Timog at Kanlurang Asya.
_______1. Nagkaisa ang mga kilusang pangkalayaan at tumulong sa panig ng Allies.
_______2. Nagsimula ang sigalot sa pagitan ng mga Islam at Hindu sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
_______3. Naging interesado ang mga kanluranin sa pagtatag ng sistemang
mandato.
_______4. Nagtulak sa mga Asyano na ipaglaban ang kalayaan
_______5. Hindi nagkaroon ng malawakang demonstrasyon ng mga Hindu
laban sa mga Ingles.

Karagdagang Gawain

Gawain 7: “Larawan Suri”


Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1 2
1. Ano ang ideya na
ipinahihiwatig ng
mga larawan?
2. Bilang isang
kabataan, paano
mo maiiwasan ang
muling pagsiklab ng
digmaan?

3 4

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT


Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2
Kaangkopan Angkop at makakaingganyo sa bumabasa. 2
Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1
Kabuuan 5

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Aklat

Rosemarie C. Blando, et al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Eduresources Publishing,


Inc., pahina 234-237

Website

https://edu.glogster.com/glog/world-war-ii-47573294/25qedhvf2ja?=glogpedia-source
https://slideplayer.com/slide/13182308/
https://www.wikiwand.com/tl/Unang Digmaang Pandaigdig
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon- Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531 – 1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

You might also like