You are on page 1of 3

ANG MGA PAGBABAGO AT PATAKARANG IPINAIRAL NG GREAT BRITAIN SA INDIA.

MATAPOS ANG PANANAGUMPAY NG GREAT BRITAIN NA MAKONTROL ANG HALOS KABUUAN NG INDIA,
NAPAGPASYAHAN NANG BRITANYA NA UPANG MADALING MAKONTROL ANG BAGONG KOLONYA AY
NAGPATUPAD ITO NG IBA’T IBANG PATAKARAN NA MAGPAPADALI NG KANILANG PAAMAMAHALA SA
INDIA. ILAN SA MGA PATAKARANG ITO AY MAY KINALAMAN SA PULITIKA, EKONOMIYA AT
PAGBABAGONG PANLIPUNAN.

1. PATAKARANG PAMPULITIKA

Matapos wakasan ng Parliament ng Britanya ang kapangyarihang Pulitikal ng British East India Company
sa India, maraming mga pagbabagong pampulitika ang ipinatupad ng Pamahalaang Ingles sa bansa.

Ilan sa mga ito ay ang Pagtatatag ng isang SENTRALISADONG PAMAHALAAN. Sa ilalim ng pagbabagong
ito, winakasan ng mga Ingles ang pamamahala ng dating mga local na pinunong Indian . Sa
pamamagitan ng Sentralisadong Pamahalaan, napag isa ng Britanya ang lahat ng kapangyarihan ng
Gobyerno sa India sa kontrol ng Great Britain. Ang lahat ng mga batas at patakarang ipinatutupad sa
India ay nagmumula na sa mga Batas na ginawa ng Parliament mula sa Britanya. Ang Parliament na rin
ng Britanya ang pumipili ng Gobernador Heneral na mamahala sa India sa ngalan ng Hari at ng
pamahalaang Ingles. Bagamat nagkaroon ng mga pagbabago sa Gobyerno sa ilalim ng India Act noong
1784 kung saan sinala ng mga Ingles ang sinumang nais maglingkod at tanggapin sa matataas na
posisyon sa pamahalaan, nakakalungkot na hindi kabilang sa mga nabiyayaan ng repormang ito ang mga
katutubong Indian dahil na rin sa mababang pagtingin ng mga Ingles sa mga katutubo. Dahil dito sa halip
na magkaroon ng boses sa gobyerno ang mga Indiano, sila ay nawalan ng kapangyarihan mangialam sa
pamamahala ng kanilang sariling bansa.Lahat ng matataas na posisyon sa Gobyerno ay pinahawakan
lamang sa mga puting Ingles habang nanatili sa mababang posisyon ang mga katutubo. Matapos ang
rebelyong Sepoy noong 1857, tuluyan nang napasailalim bilang bahagi ng British Empire ang India kung
saan lahat ng mga mamamayan ng India ay nasasakop na ng kapangyarihan ng Reyna ng Britanya. Ito ay
sa kabila ng malaking pakinabang na naibibigay ng India at mga mamamayan sa pagyaman ng mga
dayuhang British.
2. PAGBABAGONG PANG LIPUNAN/ KULTURA

MATAPOS MASAKOP ANG INDIA, HINDI LAMANG PULITIKA ANG NINAIS BAGUHIN NG MGA INGLES SA
BANSA. NINAIS RIN NG MGA INGLES NA BAGUHIN ANG MGA LUMANG KULTURANG NAKAGISNAN NG
MGA KATUTUBO. ISINAGAWA NILA ANG UNTI- UNTING PAGBABAGO NA ITO SA PAMAMAGITAN NG
PAGPAPATUPAD NG BAGONG SISTEMA NG EDUKASYON SA INDIA. MARAMING PAARALAN AT
UNIBERSIDAD NA NAGTUTURO NG EDUKASYONG BRITISH ANG IPINATUPAD SA INDIA. NAGING WIKANG
PANTURO RIN SA INDIA ANG WIKANG ENGLISH. ANG ILANG MGA INDIANO RIN AY NAGKAROON NG
PAGKAKATAONG MAKAPAG-ARAL SA EUROPA DAHILAN UPANG MATUTO ANG MGA KATUTUBO NG
MAKABAGONG KULTURA AT KAUGALIANG DAYUHAN.

HINDI LAMANG EDUKASYON ANG BINAGO NG MGA DAYUHAN, MARAMI RIN SILANG MGA
IPINAGBAWAL SA MGA SINAUNANG KAUGALIAN NG MGA INDIAN. IPINAGBAWAL ITO NG MGA INGLES
DAHIL SA PANANAW NG MGA PUTI NA ANG MGA GAWAING ITO NG MGA INDIANO AY BARBARO AT
WALANG PUWANG SA MODERNONG LIPUNAN. IPINAG UTOS NILA ITO NA SUNDIN NG MGA INDIAN SA
KABILA NG PAGTUTOL NG MARAMING KATUTUBO. NOONG 1829, IPINAGBAWAL NG MGA BRITISH ANG
KAUGALIANG SUTTEE . Ang Suttee ay ang kaugalian ng mga biyudang babae na boluntaryong
pagpapakamatay o pagtalon sa nasusunog na katawan ng kanilang namatay na asawang lalaki. Ang
matandang kaugalian na ito ng mga Indian ay nagpapakita ng katapatan ng asawang babae sa kanilang
namatay na asawang lalaki. Noong 1856 naman ay lumikha ng batas ang mga Ingles na nagbibigay na ng
pahintulot sa mga babaeng biyuda na muling mag-asawa matapos mamatayan ng asawa. Ang muling
pag-aasawa ng mga babaeng nabiyuda ay hindi katanggap tanggap sa kulturang nakagisnan ng mga taga
India. Ipinag utos din ng mga Ingles na ang mga kawal Indiano ( SEPOY) na naglilingkod sa Hukbo ay
kinakailangang lumabas sa India upang maglingkod sa ibang bansang hawak ng mga Ingles bilang kawal
sakaling kailanganin ang serbisyo nila sa Digmaan. Dahil dito, maraming mga kawal na Indiano ang
nangamba na maaaring maapektuhan ang katayuan nila sa kanilang Caste na kinabibilangan kung
sakaling lumabas sila ng India dahil ipinagbabawal ito ng kanilang Relihiyon.

Patunay lamang ang mga patakarang ito ng kawalan ng respeto o paggalang ng mga dayuhang Ingles sa
mga kaugaliang kinagisnan ng mga katutubo sa India. Nagdulot ito ng insulto at diskriminasyon sa
maraming katutubo na tutol sa mga naging pagbabago.
3. PAGBABAGONG PANG EKONOMIYA

UPANG MAIPALAGANAP ANG PANGUNAHING INTERES NG MGA BRITISH SA KALAKALAN AT NEGOSYO


SA INDIA, SINIKAP NG MGA DAYUHANG INGLES NA I-MODERNISA ANG MGA IMPRASTRAKTURA SA
BANSA. DINALA NG MGA INGLES ANG MAKABAGONG MGA TEKNOLOHIYA , DAAN , TULAY, RILES NG
TREN, MGA FACTORIES, SISTEMA NG COMMUNICATION AT IRIGASYON SA INDIA.

ISINAAYOS NG MGA INGLES ANG MGA KALSADA AT TULAY SA BUONG BANSA NA UMABOT SA HALOS
80,000 Kilometro sa pagpasok ng 1900. Ang riles ng tren na kanilang ipinagawa ay umabot sa 48, 000
kilometro ang haba na nagdugtong sa malalayong probinsiya at nagpasigla ng kalakalan sa bansa.

Nagkaroon ng mga unang Sistema ng Telegrapo o telepono ganun din ang pahatiran ng mga sulat.

Umunlad ang pagtatanim dahil sa modernong patubig na dumilig sa mga lupa kaya sumagana ang mga
ani. Gumanda man ang ani, di rin nakinabang ang mga Indian dito dahil mga produktong
kinanakailangan lamang ng mga dayuhang Ingles ang binigyan ng pagkakataon na maitanim para sa
kapakinabangan ng mga puti. Nagpatayo ng maraming mga Hospital na lalong nagpabuti sa kalusugan at
sanitasyon sa bansa. Maraming mga paaralan ang naipatayo at ganun din ang mga gusali.

Sa larangan naman ng kapayapaan, sinikap ng mga Dayuhang Ingles na mapagkaisa ang mga estado at
pinunong Indian na nag-aalitan upang mapanatili ang kapayapaan at pagtatag ng ekonomiya sa India.

Kinolektahan din ng mga buwis ng mga Ingles ang mga katutubong Indian upang pagmulan ng salapi ng
Pamahalaang Dayuhan.

You might also like