You are on page 1of 21

Kolonyalismong

Netherlands
(Holland)
Lalong tumanyag ang
kakayahan ng mga Dutch
sa paglalayag sa Dagat
noong ika-16 na siglo.
Mas metatag at mahusay
ang kanilang mga barko
kaya sa mga barkong
Portuges at mas malaki ang
kapital na pinondohanng
mga piratang
mangangalakal. Noong
1595, naglayag ang grupo
ni Cornelis de Houtman
sa Asya. Natuklasan nilang
labis na kinasusuklaman
ang mga Portuges ng mga
Asyano dahil sa kanilang
kalupitan. Kaya mabilis
nilang nabuwag ang
monopolyo ng mga
Portuges sa mga
produktong panrekado.
Nagtagumpay ang mga
Dutch sa digmaan sa
karagatan laban sa mga
Portuges noong 1601 at
nakontrol nila ang daungan
ng Indonesia at kalapit na
Malaya. Sila ang
sumusunod na naghari sa
Melaka o Malacca noong
1641, kung saan
nanggaling ang mga
panrekado.

Taliwas sa ginawa ng
mga Portuges, Iniwasan ng
mga Dutch ang
pagpapahayag ng
Kristyanismo at
pakikisangkot sa lokal na
politika. Itinatag nila ang
Dutch East India
Company noong 1602 na
siyang naghari sa
monopolyo ng lahat ng
kalakalan sa Silangang
Asya. Gumamit sila ng
malulupit na pamamaraan
hindi lamang sa mga
Asyano kundi rin sa mga
karibal na Kanluranin.
Naitaboy nila ang mga
Ingles sapagkat metatag
ang kanilang
kapangyarihang militar.
Napanatili ng mga Dutch
ang kanilang daungang
pangkalakalan sa kalupaan
ng Timog- silangang Asya,
Formosa(Taiwan)
Guangzou at
Nagasaki(Japan) ngunit
pinagtuonan nila ang East
Indies lalo na ang
mayamang lupain ng Java.
Lubos nilang nakontrol ang
Mollucas noong 1800.

Malaking ambag sa
tagumpay ng mga Dutch si
Governor- General Jan
Pieterzoon Coen na
natalaga noong 1618.
Marahas niyang
pinamahalaan ang
pagkontrol nila sa Batavia
(ngayon ay Jakarta) at
Sunda Straits. Sa
pamamagitan ng
pananaboy, pambabarat
at pagkita ng malaki,
pakikipag- kasundo,
pakikipagkampihan,
paghahati- hati at
pamumuno (divide and
rule) sa mga katutubo.
Malaki ang dagdag sa kita
ng mga Dutch sa mga
nakakalap na tributo,
buwis at sapilitang
bilihan ng kalakal sa
napakababang halaga sa
mga katutubo. Sa
katapusan ng ika- 17 siglo
pinasimulan ng mga Dutch
ang pagpapatanim ng
kape, tubo at indigo na
naging malaking
pangangailangan sa
kalakalan. Kinontrol nila
ang produksyon at
bilihan at sapilitang
pinagtrabaho ang mga
katutubo. Nakapagsara
sila ng mga kasunduan sa
mga katutubo at karibal na
bansa na kumikiling sa
kanilang interes. Malaya
rin silang nakapangasawa
ng mga babaeng Asyano
subalit itinakwil ng
lipunang katutubo ang mga
babaeng ito sampu ng
kanilang naging mga anak.

You might also like