You are on page 1of 25

Ang Paghahangad

ng Spain ng
Kayamanan Mula sa
Silangan
• Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng
Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong
1469 ay naging daan upang ang Spain ay
maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan.
Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian
ang naging daan sa pagpapadala ng mga
ekspedisyon sa Silangan na ang una ay
pinamunuan ni Christopher Columbus, isang
Italyanong manlalayag
• Noong 1492 ay tinulungan si Columbus na ilunsad ang
kaniyang unang ekspedisyon patungong India na dumaan
pakanluran ng Atlantiko.
• Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming
paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating
nila ang Silangan, pagod at gutom sa kanilang
paglalakbay, at haba ng panahon na kanilang inilagi sa
katubigan. Nguni't naabot din niya ang mga isla ng
Bahamas na sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil
sa ang kulay ng mga taong naninirahan doon ay gaya ng
mga taga-India kaya tinawag niya ang mga itong Indians.
• Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang paglalakbay ng
maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang
mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang
Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na
makasasapat na sa pangangailangan ng Spain nguni't
sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na narating ang
mga kilalang sibilisasyon sa Asya.
Paghahati ng Mundo
• Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang
ito ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang
mga paglalabanan.
• Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa,
isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo
sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag
nito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan
sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang
bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.
• Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na
naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain.
• Nagduda ang mga Portuguese sa naging kinalabasan ng
kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang
naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain.
• Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494
nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at
ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay
pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng
mundo na di pa nararating ng mga taga Europe.
Ang Paglalakbay ni
Ferdinand Magellan
 Isinilang si Ferdinand Magellan
noong 1480 sa Sabrosa, Portugal.
Si Rui de Magalhaes, ang kanyang
ama at Alda de Mesquita, ang
kaniyang ina.
• Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni
Ferdinand Magellan, isang Portuges na ang
paglalakbay ay pinondohan ng Spain. Nilakbay ng
kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong
Silangan.
• Natagpuan nila ang silangang baybayin ng South
America o ban- sang Brazil sa kasalukuyan.
• Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng
tubig; ang Strait of Magellan ngayon, pinasok ang
malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating
ang Pilipinas.
• Sa pangkalahatan, nagpatunay ang mga ekspedisyon na
maaaring ikutin ang mundo at muling makababalik sa
pinanggalingan. Pinatunayan ito nang ang barkong
Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si
Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-
lapu.

• Ito ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo.


Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang
mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa
Silangan kaya't lalo pang nakilala ang mga yaman nito.
Ang mga Dutch
• Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch ang
mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa
Asya.
• Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng
bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay
pinataniman ng mga halamang mabili sa pamilihan.
• Ang naging epekto nito ay ang sapilitang paggawa na naging
patakaran din ng mga Español sa Pilipinas
• Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa
North America. Pinangunahan ito ng English na
manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa
mga mangangalakal na Dutch.
• Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at
pinangalanan itong New Netherland. Noong 1624,
isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang
itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam.
Ito ngayon ay kilala bilang New York City.
• ang pananakop ng mga Dutch sa America, mas
nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa
pagkakatatag ng Dutch East India Company o
Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong
1602. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng
proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa paminta at
iba pang rekado.
• Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch
sa pamamagitan ng mga Boers; mga magsasakang
nanirahan sa may Cape of Good Hope.

• Nguni't noong ika- 17 na siglo, humina ang


kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at ito'y
pinalitan ng England bilang pinakamalakas na
imperyong pangkatubigan ng Europe.
Kahalagahan ng mga
Paglalayag at Pagtuklas ng
mga Lupain
• Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang
pagtuklas at paglalayag noong ika-15 at ika-16 na siglo.
Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na
kaniyang pinamunuan sa Medieval Period.

• Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat


ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders,
Netherlands, at England.
• Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga
kalakal katulad ng spices na nagmula sa Asia. Sa North
America, kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at
molasses; at sa Kanlurang Indies, indigo.
• Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng
mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru, at
Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko.

• Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan


nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya
ang salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa
mga mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay- daan
sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan
mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interes.
• Noong Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang
pag-iipon ng salapi. Nasisiyahan na sila kung sapat na
ang kanilang kita para sa pangangailangan. Ngunit sa
pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping
naipon. Hindi nila ito itinago. bagkus, ginamit nila
itong puhunan para higit na lumago pa.
Epekto ng Unang
Yugto ng
Kolonisasyon
Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at
Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas
sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong
hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang
silangan at kanluran.
Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan
at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa
silangan.
Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga
bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan,
paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.

Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na


nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman,
pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New
World.
THANK YOU
FOR YOUR ATTENTION

You might also like