You are on page 1of 6

AP REVIEWER

Grade 8 – Euclid // Cordova, Kashieca

Unang Yugto Ng Imperyalismong Kanluranin

• naganap noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo


• imperyalismo – panghihimasok, pagimpluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa

3 motibo para sa kolonyalismo:

1. Paghahanap ng kayamanan (Gold)


2. Pagpapalaganap ng kristiyanismo (God)
3. Paghahangad ng katanyagan at karangalan (Glory)

mga instrumentong nakatulong sa manlalayag:

• compass – nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay


• astrolabe – pang sukat ng taas ng bituin

mga manlalakbay:

• Marco Polo – “The travels of Marco Polo”


• Ibn Battuta - isang Arabong Morokanong Berber na dalubhasa sa Islam, manlalakbay, at eksplorador

mga motibo at salik sa eksplorasyon:

• Prinsipe Henry the Navigator – naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon
• Ferdinand ng Aragon at Isabella – mag asawang sumuporta sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga
dugong bughaw sa Castille

Ang Paghahanap ng Spices

• Naganap noong ika-13 na siglo


• naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India

mga spices na may malaking demand para sa Europeo:

- paminta
- cinnamon
- nutmeg

• Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy
• Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na
siyangnagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice.

• Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga
Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan.
• SPICES - ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne.
Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks, at medisina.

Pinanguhan ng Portugal ang Paggagalugad

• Portugal – ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng


Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto.

• 1420 - 1528 – nakapaglayag ang mga mandaragat na Portugese hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa
upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya.

• Agosto 1488 – natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala bilang
“Cape of Good Hope”

• 1497 – apat na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal
hanggang sa India.

• Dom Henrique (Prinsipe Henry the Navigator)


- anak ni haring Juan ng Portugal
- naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag
- taga gawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa
- naging patron ng mga manlalakbay
- nakarating sa Azares, isla ng Madeira, at sa mga isla ng Cape Verde

Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa Silangan

• 1469 – pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille


• treaty of Tordesillas – isang kasunduan kung saan nagkasundo sila na hatiin ang lahat ng mga lupain sa
Mundo na nasa labas ng Europa
•demarcation line – isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa
Timugang Pola.

• Christopher Columbus – isang italyanong manlalayag na pinamunuan ang ekspedisyon sa silangan

• 1492 – tinulungan si Columbus na ilunsad ang kaniyang unang espedisyon patungong india
• 1506 – sumakabilang buhay si Christopher Columbus
• Amerigo Vespucci – isang nabigator na nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo
Paghahati ng Mundo

• Humingi ng tulong sa Papa sa Rome ang Portugal at Spain upang mamagitan sa kanilang paglalabanan
•1493 – gumuhit ng line of demarcation ang papa
• Pope Alexander VI – naglabas ng bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain
• Mayo 4 1493 – hinati ni Pope Alejandro VI ang pamagat ng espanya at Portugal sa kahabaan ng isang
demokrasyang linya
• 1494 – sa pamamagitan ng kasunduan sa Tordesillas, nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin
at ilayo pakanluran

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

• 1519 – nagsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan


• Ferdinand Magellan – isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain
• 1480 – isinilang si Magellan sa Sabrosa
• Ruiz De Mahalgaes – ama ni Magellan
• Alda De Mesquita – ina ni Magellan
• Barkong Victoria – barkong nakabalik sa spain

Ang Mga Dutch

• ika-17 na siglo – napalitan ng mga dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal
• Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga
lupain ay pinataniman ng mga halamang mabili sa pamilihan.
• nagkaroon ng mga kolonya ang dutch sa North America
• Henry Hudson – English na manlalayag na naglakbay para sa mga mangangalakal ng dutch
• 1609 – napasok ni Henry ang New York Bay at pinangalanang New Netherlands
• 1624 – isang trade outpost ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang new Amsterdam
• 1602 – naglag ang kapangyarihan ng dutch dahil sa pagkatatag ng Vereenigde Oostindische Compagnie
• Boers – mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope

Kahalagahan ng Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain

• ika-15 at ika 16 na siglo – nagbunga ang pagbabago ng mga ruta ng kalakalan


• Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France,
Flanders, Netherlands, at England.

mga dumagsang mga kalakal:


1. North America – kape, ginto at pilak
2. South America – asukal at molasses
3. Kanlurang Indies – indigo

• Ang produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru
at Chile.
• dito nagsimula ang pagtatag ng banko
• Sa dami ng salapi ng mga mangangalakal, kinakailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya,
kaya ang salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal.

• salaping papel – nagbigay daan sa pagtatag ng kapitalismo


• kapitalismo – ang Sistema kung saan mamumunuhan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng
tubo o interes

Epekto ng Unang Yugto ng kolonisasyon

• Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuges ang nagbigay-daan sa malawakang
pagkakatuklas
• Nakapukaw ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang mga
eksplorasyon.
• Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon.

• Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan,
paninikil ng mga mananakop at pagsasamantala sa likas nayaman ng mga bansang ito.
• Nagkaroon ngpagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop, halaman, sakit sa
pagitan ng Old World at New World.
• Sa simula ng ika-14 na siglo, natuklasan ng Germany, Sardinia at Bohemia ang pinagmumulan ng Salaping
pilak.
• Sa Italy, nagkaroon noong ika-13 siglo ng malubhang suliranin sa dami ng kalakal na dumarating dito.
• Natuto ang mga mangangalakal na Italyano ng mas sopistikadong pamamaraan ng pagpapatakbong
negosyo.

Rebolusyong Siyentipiko

• ika-15 na siglo – ang pag unawa ng Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga
kristiyano at pilosopiya ni Aristotle
• ika-16 at ika-17 na siglo – hudyat sa pagpasok ng rebolusyong siyentipiko
• bagong ideyang siyentipiko – instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at
paniniwala ng Europeo
• Panahon ng Katuwiran (age of reason) – naging tulong upang magkaroon ng bagong Liwanag ang mga
tradisyonal na ideya at nabigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ang lipunan
• Nicolaus Copernicus – nagpasimula ng kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland
noong 1492.
• binigyang diin ni Copernicus na ang mundo ay bilog na taliwas sa naunang paniniwala na ito ay Patag
• Teoryang Heliocentric – teorya na ang araw ay siyang nasa sentro ng sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng
simbahan na ang mundo ang sentro ng sansinukuban.
Mga Bagong Teorya ukol sa Sansinukuban

• Johannes Kepler – isang Aleman na astronomer, natural scientist, at mahusay na matematisyan


• ellipse – isang pormula sa pamamagitan ng matematika na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog
ang mga planeta at sa araw na di gumagalaw sa gitna
• Galileo Galilei – isang italyano at katoliko na nagkaroon ng malaking oposisyon sa Simbahan.
• 1609 – nabuo ni Galileo Galilei ang kaniyang imbensiyong teleskopyo at naging dahilan ng kaniyang
pagkadiskubre sa kalawakan

Ang Panahon ng Enlightenment

• isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspekto ng buhay
• tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 na siglo. Maaari ding sabihing ito ay kilusang
intelektuwal
• binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng
katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
•Philosophers – pangkat ng mga intelektuwal na humihikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman, at
edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan

Ang Makabagong Ideyang Pampolitika

• Naging daan ang mga pagbabago ng siyensiya upang mapag-isipan ng mga pilosopo at marurunong na kung
ang mga sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob at kapaligiran.
• Maaari ding maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang politikal, pangkabuhayan, at panlipunan
• Inaakala nilang maipapaliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong pangangatuwiran

Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes Tungkol sa Pamahalaan

• Thomas Hobbes – ginamit ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong
monarkiya
• 1651 – isinulat ang aklat na Leviathan
• Leviathan – aklat na inilarawan ang isang lipunan na walang Thomas Hobbes, Pinuno, at ang posibleng
maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan

Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke

• John Locke – kinilalang pilosopo sa England na may paniniwala kagaya ng kay Hobbes
•Two Treatises of Government – lathalaing isinulat ni locke noong 1689
• Ang ideya ni Locke ang naging basehan ng mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Great Britain
• Deklarasyon ng Kalayaan – sinulat ni Thomas Jefferson na naging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika
sa mga Ingles
• Baron De Montesquieu – isa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika na naniniwala sa ideya ng
paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan
tatlong sangay ng pamahalaan:

1. Lebislatura – pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas


2. Ehekutibo – nagpapatupad ng batas
3. Hukuman – tumatayong taga hatol

• Francois Marie Arouet (Voltaire) – isang pranses na sumulat ng ilang mga lathalain laban sa simbahan at
korteng royal ng France
• Binigyan ng pagpapahalaga ni Voltaire ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton.

Rebolusyong Industrial

• 1700 at 1800 – nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa ng
Europe at sa united states.
• ang transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang rebolusyong industriyal dahil sa pinalitan nito ang
gawaing manwal sa kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya
• rebolusyong industriyal – tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa pabrika. Ito ang panahon na
kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya.
• Great Britain – nagpasimula sa pagkakaroon ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa
pagpapatakbong mga makinarya
• 1760 – pinasimulan ang pagbabago ng pagprodyus ng tela
• sistemang domestiko – ang trabaho ng pagpoprodyus ng tela ay ginagawa sa tahanan
• 1793 – naimbento ni Eli Whitney ang cotton gin
• cotton gin – nakatulong para mapadali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga material sa bulak
• Spinning Jenny – nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya

Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong Industrial

• steam engine – naging daan para madagdagan ang suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika

mga imbensyon na ginawa ng tao na karaniwang gawa sa bakal:

- makinarya sa bukid
- baril
- sasakyang dumadaan sa riles

• Alexander Graham Bell – imbentor ng unang telepono


• Thomas Alva Edison – nagpakilala ng lakas ng elektrisidad
• Samuel B. Morse – pinakilala ang telegrapo
• Newcomen steam engine at Watt steam engine – naimbento noong 1705 at 17560 na nakatulong sa
pagpump ng tubig
• enerhiyang hydroelectric – nagpapatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika
• reboluyong industrial – nakatulong sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa paghahanapbuhay
• maraming nagkaroon ng malaking puhunan na nakapagpabago sa kanilang pamumuhay hanggang sa mabuo
ang middle class o panggitnang uri ng lipunan.

You might also like