You are on page 1of 4

ARALIN 2 PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE

 Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:


(1) paghahanap ng kayamanan (GOLD); (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo
(GOD); (3) paghahangad ng katanyagan at karangalan (GLORY).

 The Travels of Marco Polo – isinulat ni Marco Polo ipinabatid nito sa mga Europeo
ang yaman at kaunlarang taglay ng China
• Ibn Battuta-Muslim na manlalakbay na naglarawan ng kanyang paglalakbay sa Asya at
Africa.
• Compass-ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay
• Astrolabe-sinusukat ang taas ng bituin
• Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong
lupain - ang Portugal at Spain
• Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the
Navigator na naging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon.
• Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang
mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango,
kosmetiks at medisina.
• Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng
Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias
ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot
sa Africa.
• Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay na
pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing
ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa
upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India.
• Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng
mahuhusay na seda, porselana at panlasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa
kanilang bansa.
• Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan
sa Silangan
• Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan siya
ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon na ang kaniyang adhikain
ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pakanluran ng Atlantiko.
• Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at
binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga
islang kaniyang natagpuan sa Indies. Narating niya ang mga isla sa Carribean at sa
South America
• Noong 1507, isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si
Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay
isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng
Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla.
• Si Prinsipe Henry, anak ng Haring Juan ng Portugal, ikinabit sa kaniyang pangalan ang
katawagang Ang Nabigador. Sa kaniyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating
ito sa Azores, isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape Verde.
• Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring
tuklasin ng Portugal at Spain.
• Line of Demarcation isang di nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa
Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga
matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at
sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.
• Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang
line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran.

• Si Henry Hudson, sa kaniya ipinangalan ang Ilog ng Hudson sa Manhattan, USA.


• Boers-mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope.
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese ang
nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at
mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.
2. Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya
at paglalayag ang mga eksplorasyon.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa
kolonisasyon.
4. Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop tulad ng
pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman
ng mga bansang ito.
5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng
hayop halaman, sakit sa pagitan ng Old World at New World.

• Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito
ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng
kanilang pagmamasid sa sansinukob.
• scientia -nangangahulugang “kaalaman”
• Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer, natural scientist at mahusay na
matematisyan ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika tungkol sa
posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na di gumagalaw sa gitna
ng kalawakan. Ito’ y tinawag niyang ellipse.
• Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment)-Isa sa bunga ng pamamaraang
makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Tumutukoy sa
pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang
kilusang intelektuwal.
• Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na
ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
• John Locke - kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng
kanilang pinuno. Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na
kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral at mayroong mga
natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari.
• Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang
sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa
kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan.
• Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang
pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura na
pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na nagpapatupad ng
batas at ang hukuman na tumatayong tagahatol.
• Voltaire o Francois Marie Arouet - nagsulat ng ilang mga lathalain laban sa
Simbahan at Korteng Royal ng France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang
beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya ay napatapon sa Inglatera.
• Rebolusyong Industriyal – panahon kung saan nagkaroon ng malaking pagbabago sa
aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States kung
saan pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong
makinarya.
• Ang Great Britain ang nagpasimula ng Rebolusyong Industriyal dahil sa pagkakaroon
ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga
makinarya at pabrika.
• Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang
cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang
mga materyal sa bulak.
• Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para maragdagan ang suplay ng
enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika.
• Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang
telepono at ni Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad
• Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para
makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan sa ibang
lugar.
• Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na naimbento noong 1705 at
1760 na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapagsuplay ng tubig na
magbibigay ng enerhiyang hydoelectric na nagpatakbo ng mga makinarya sa mga
pabrika
EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO
1. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-probinsya.
2. marami ang naging palaboy
3. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho noong ika-19 na siglo.
4. pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class society
5. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggang noong
kalagitnaan ng ika-19 na siglo.
DAHILAN NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN
1. Ayon sa doktrinang manifest destiny may karapatang ibigay ng Diyos ang United
States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America.
2. Paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng mga Europeo at ng
kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo
ng mga kolonyang kanilang sinakop
URI NG PANANAKOP NG MGA KANLURANIN
1. Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang
bansa.
2. Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo.
3. ang sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan
kontrolado ang pamahalaan at pulitika ng makapangyarihang bansa.

• Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan na
nakamasid sa magandang talon ng Victoria sa Africa na ipinangalan sa reyna ng
England. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay dahil sa
sakit.
• Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa - ang hilagang bahagi na
nakaharap sa Dagat Mediterranean, ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na
bahagi at ang malamig na bahagi sa may tiimog.
• Sa mga mananakop, hindi natinag ang imperyo ng Great Britain. Sa halip, lalo pang
lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong Amerikano,
nadagdagan naman ito sa ibang dako.
• Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo ang India.
• Sa Kasunduan sa Paris noong 1763 na nagwakas sa Pitong Taong Digmaan ng France
at Britain, nawalan ng teritoryo sa India ang France
• Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado.
• Ang tagumpay ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto
Rico at Pilipinas.
• Nakuha ng United States ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain tulad ng
Guam na naging himpilang-dagat patungo sa Silangan at ang Puerto Rico bilang
himpilang-dagat sa Carribean.
• Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo -
ang Samoa na naging mahalagang himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita
ang Pearl Harbor, pinakatampok na baseng pandagat ng United States sa Pacific.
• Isa pang pook na nakaligtas sa pagkakaroon ng hidwaan ng mga bansang mananakop
ang Australia at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong hawak ng Great
Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ang himagsikan sa
America.
• Nang makatuklas ng ginto sa Australia, maraming Ingles ang lumipat dito at ito ang
simula ng pagtatatag ng mga kolonya sa Australia at New Zealand. Ito ang isang
halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay magagamit na tirahan ng dumaraming
tao.

You might also like