You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Kasaysayan ng Daigdig
Inihanda ni Gng. Decie A. Burlaos

I. Layunin: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay:


1. Nauunawaan ang paghahangad ng Spain ng kayamanan mula sa silangan.
2. Nailista ang mga manlalayag ng Espanya.
3. Napapahalagahan ang paghahati ng mundo
II. Nilalaman
A. Paksa: Ang paghahangad ng Spain ng kayamanan mula sa Silangan
B. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig p. 331-333
C. Kagamitan: Batayang Aklat, Cartolina, Speaker, music
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban
3. Balik-aral
-Magandang araw sa inyong lahat. -Magandang araw po ma’am
-Kumusta ang gising natin ngayong araw. -Maayos naman po ma’am
-Mabuti! Noong nakaraang araw ay tinalakay
natin ang Mga Motibo at Salik sa
Eksplorasyon, tama? -Tama po ma’am
-Ano-ano ang mga Spices na malaki ang
demand sa Europe? -Ma’am paminta, cinnamon at nutmeg
-Magaling! Isa ito sa mga dahilan kung bakit
nagkaroon ng eksplorasyon ang Espanya.
-Saan nila ginagamit ang mga spices? -Ginagamit nila ang mga spices bilang
pampalasa sa kanilang pagkain at upang
mapreserba ang mga karne. Ginagamit din
nila ito para sa kanilang mga pabango,
-Tama at magaling! kosmetiks, at medisina.
-Sino ang nakadiskubre ng Cape of Good
Hope? -Ma’am, si Bartholomeu Dias po.
-Magaling! Sa pagkadiskubre ni Dias sa Cape
of Good Hope ay nagpakilala na maaring
makarating sa Silangang Asya sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Africa na
matatagpuan ang Cape of Good Hope.
-Sino naman ang itinuring na bayani ng mga
Europea? -Ma’am, si Vasco da Gama po.
-Tama! Itinuring siyang bayani ng mga
Europea dahil hinimok niya ang mga Hindu at
Muslim na natagpuan niya sa India na
makikipagkalakalan sa kanila. Natagpuan kasi
sa kanila ang pangunahing kailanagan ng mga
Portuges kagayan ng seda, porselana at
pampalasa ng pagkain.
-Meron pa kayong maidagdag sa ating
pagbalik aral? -Wala na po ma’am
B. Paggganyak

-Okay! Ngayon dadako na tayo sa bago


nating aralin. Noong nakaraang pagkikita
natin class ay binigyan ko kayo ng asignatura
na magbasa tungkul sa ating aralin ngayon.
Pero bago ‘yan, meron akong inihandang
mga “trivia at facts”. Meron ako ditong
bolang papel. Ipapasa niyo ito sa inyong mga
kamag-aral habang tumutugtog ang musika.
Kung kanino titigil ang musika at bola ay
siyang sasagot. Nagkaintindihan ba tayo?
-Unang trivia at fact. Dahil sa kanilang
pagpapakasal, naging daan ito upang ang -Opo ma’am
Spain ay maghangad din ng mga kayamanan
sa Silangan. Sino itong hari at reyna na
nagpapakasal?

-Ma’am si Haring Ferdinand V ng Aragon at


-Tama! Next. Siya ay isang Italyanong Reyna Isabella ng Castille po ma’am.
manlalayag na nakatagpo ng Bagong Mundo.
-Tama!Sumunod na tanong. Ito ang
kasalukuyang mga bansa ng Haiti, Dominican -Christopher Columbus ma’am
Republic at Cuba.
-Magaling! Isang hindi nakikitang linya mula
sa gitna ng Atlantiko tungo sa hilagang pola -Hispaniola
hanggang sa timugang Pola na ginuhit ng
papa sa Rome upang hatiin ang kalupaan at
katubigan, ang kanlurang linya ay para sa
Spain at ang Silangang bahagi ng linya ay para
sa Portugal.
-Very Good! Ito naman, Siya naman ang
naglabas ng papal bull na naghahati sa -Ma’am, ito po ay ang Line Demarcation
lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at
Spain.

-Magaling! Ang huling tanong, Siya naman ay


isang Portuguese na ang paglalakbay ay -Ma’am, siya po ay si Pope Alexander VI
pinondohan ng Spain, at nilakbay ng kanyang
ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong
Silangan.
-Magaling, patunay lang niyan na kayo nga ay
nagbasa. -Ma’am, siya po si Ferdinand Magellan.
C.Paglalahad
-Ngayon ang ating tatalakayin ay tungkol sa
Paghahangad ng Spain ng kayamanan mula
sa Silangan. (Power Point)

You might also like