You are on page 1of 6

Masusing Banghay sa Aralin ng Araling Panlipunan

Student Teacher: Joana-Mae C. Sapotalo

Cooperating Teacher: Beverly T. Alvizo-Fuertes

I- Layunin: Sa loob ng anim-na-pung minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang mga pangyayari sa paglalakbay ni Magellan;


b. natatalakay ang tungkol sa pagkolonya ng mga dutch sa pamamagitan ng presentasyon;
c. nailalahad ang mga kahalagahan sa paglalayag at pagtuklas ng mga lupain; at
d. naibabahagi ang epekto ng unang yugto ng kolonyalismo.
II- Paksang Aralin:
Paghahangad ng Spain ng Kayamanan mula sa Silangan
1. Ang paglalakbay ni Magellan
2. Ang pagkolonya ng mga Dutch
3. Kahalagahan sa paglalayag at pagtuklas ng mga lupain
4. Epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo
Sanggunian: Kasaysayan ng daigdig pp. 334-341
Mga Kagamitan:, pisara, yeso, manila paper, filt-tip pen, fact sheets, larawan

III- Pamaraan: Cooperative Learning


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

Ang lahat ay inaanyayahan na tumayo para sa


ating panalangin.

b. Attendance
Magandang umaga, Klas?
Magandang hapon po, titser.
Mayroon bang lumiban sa ating klase ngayon Wala po, titser.
klas?

c. Balik-aral
Tungkol saan ang ating tinalakay noong nakaraang
Tungkol po sa paghahangad ng Spain ng
tagpo?
Kayamanan mula sa silangan at ang Paghahati ng
mundo.
Mayroon akong idinikit na mga katanungan sa
ilalim ng inyong mga upuan. Maaari niyo na itong
tingnan at kunin. Basahin ang tanong
At sagotan ito.

Mga tanong

1. Sino ang italyanong manlalayag na unang


namuno sa ekspedisyon pa Silangan?
Christopher Columbus
2. Ano-ano ang dalawang bansa na
nagpapaligsahan ng pagpapadala ng
ekspedisyon?

3. Ano ang tawag sa kasunduan ng Spain at Spain at Portugal


Portugal na kung saan ay hinati ni Pope
Alexander VI ang mga lupain sa labas ng
Europa? Kasunduang Tordesillas

B. Pagganyak
Ngayon ay magkakaroon tayo ng isang
pampasiglang gawain, Mayroon akong ipapakita
na video presentation ito ay tungkol sa kanta ni
Yoyoy Villame na Philippine History. Sabay sabay
natin itong kakantahin
Opo, titser.
Handa na ba kayo klas?
C. Paglinang na Gawain
Ang ating paksang tatalakayin ay tungkol sa
Paghahangad ng Spain ng Kayamanan mula sa
Silangan.

a. Pamantayan
Ngunit bago natin simulan ang ating talakayan,
nais kong inyong basahin ang patakaran sa silid-
aralan. Inaasahan ko na inyo itong susundin.

b. Paglalahad ng Gawain

Bibigyan ko kayo ng mga fact sheets na


naglalaman ng iba’t-ibang impormasyon at mga
katanungan. Sa loob ng limang minuto kailangan
ninyong basahin at sagutan ang tanong na
nakaatas sainyo.

Mayroong mga numero sa likod ng inyong mga


fact sheets at ito ang inyong magiging grupo.
Ngayon, pupunta kayo sainyong mga grupo at
ipagsalin-salin ang mga sagot na inyong nakuha.
Gagawin niyo lamang ito sa loob ng limang minuto.

Unang Pangkat
Basahin ang tungkol sa paglalakbay ni Magellan at
sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Kailan nagsimula ang ekspidisyon ni Magellan?


2. Ano ang nilakbay ng kanyang ekspidisyon?
3. Ano ang napatunayan sa ekspidisyon ni
Magellan?

Pangalawang Pangkat
Basahin ang tungkol sa mga dutch at sagutan ang
mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang bansang inagaw ng mga dutch mula sa
pagkakakolonya ng mga Portuguese?
2. Sino ang nanguna sa pagkolonya sa North
America?
3. Bakit mas naging matagal ang pananakop ng
mga Dutch sa Asya kung ihahambing ito sa
America?

Pangatlong Pangkat
Basahin ang tungkol sa kahalagahan ng mga
Manlayayag at Pagtuklas ng mga Lupain at
sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong mga bansa ang naging sentro ng


kalakalan?
2. Ano ang mga produktong nagpalawak ng mga
salaping ginto at pilak?
3. Ano ang kapitalismo?

Ika-apat na pangkat
Basahin ang tungkol sa epekto ng Unang Yugto ng
Kolonyalismo at sagutan ang mga sumusunod na
tanong.

1. Ano ang nagbigay daan sa malawakang


pagtuklas ng mga lupain?
2. Ano ang mga suliranin sa mga bansang Nagsimula ang ekspidisyon ni Magellan noong
nasakop? taong 1519.
3. Ano ang resulta ng pagbabago sa ecosystem ng
daigdig? Nilakbay ng kanyang ekspidisyon ang rutang
pakanluran tungong Silangan.

c. Pamprosesong Tanong Napatunayan niya na maaaring ikutin ang mundo


at muling makabalik sa pinanggalingan.
Kailan nagsimula ang ekspidisyon ni Magellan?
Ito po ay ang bansang Moluccas.

Ano ang nilakbay ng kanyang ekspidisyon?


Pinangunahan ito ng Ingles na manlalayag na si
Henry Hudson.
Ano ang napatunayan sa ekspidisyon ni Magellan?
Dahil nagtatag sila ng Dutch East India Company
Ano ang bansang inagaw ng mga dutch mula sa noong 1602.
pagkakakolonya ng mga Portuguese?
Sino ang nanguna sa pagkolonya sa North Ang mga pantalan sa baybay dagat ng Atlantic
America? patungong Spain, Portugal, France, Flanders,
Netherlands, at England.
Bakit mas naging matagal ang pananakop ng mga
Dutch sa Asya kung ihahambing ito sa America? Spices mula sa asya, kape, ginto, pilak, asukal,
molasses at indigo.
Anong mga bansa ang naging sentro ng
kalakalan? Ito ay sistema na kung saan mamumuhunan ng
salapin ang tao upang magkaroon ng tubo at
interes.
Ano ang mga produktong nagpalawak ng mga
salaping ginto at pilak? Pinangunahan ito ng Spain at Portugal

Kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa likas


Ano ang kapitalismo? na yaman.

Pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati mga


Anong bansa ang nagbigay daan sa malawakang sakit.
pagtuklas ng mga lupain?

Ano ang mga suliranin sa mga bansang nasakop? Tungkol pos a paglalakbay ni Magellan,
Pagkolonya ng mga Dutch, Kahalagahan ng mga
Ano ang resulta ng pagbabago sa ecosystem ng paglalayag at pagtuklas ng mga lupain at Epekto
daigdig? ng Unang yugto ng Kolonyalismo

D. Paglalahat

Tungkol saan ang ating tinalakay ngayong hapon? *inaasahang sagot*

E. Pagpapahalaga

Bilang isang mag-aaral ano ang naging


kagandahang dulot ng kolonyalismo sa ating
bansa?
IV- Pagkikilatis

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

Henry Hudson Victoria Dutch French

Magellan Santiago Vasco da Gama

Circumnavigation

1. Siya ay isang Porguese na ang Paglalakbay ay pinondohan ng Spain.


2. Ano ang pangalan sa barkong nakabalik sa Spain kahit pa napatay na si Magellan?
3. Sino ang umagaw sa Moluccas mula sa mga Portuguese?
4. Ito ay nangangahulugang pag-ikot sa mundo.
5. Sino ang English na manlalayag na naglakbay para sa mangangalakal na Dutch?

V- Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang maikling Reaction Paper tungkol sa Epekto ng Unang Yugto ng
Kolonisasyon at Imperyalismo. Isulat ito sa kalahating papel.
Gabay na tanong:

1. Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng


kolonisasyon at imperyalismo?
2. Pabor ka ba na muling maipasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit

You might also like