You are on page 1of 5

“MGA EUROPEONG NANGUNA SA EKSPLORASYON”

PORTUGAL

 Ang Portugal ay tumuklas ng mga bagong lupain na magdadala ng yaman sa


kaharian dahil interesado ito sa mga bagong produktong pangkalakal at likas na
yamang makukuha sa mga lupaing matutuklasan nila.

 Si Prinsipe Henry ng Portugal ay isa sa mga unang sumuporta sa mga


ekspedisyon para sa pagtuklas ng mga bagong lupain.
 Nauna ang Portugal sa paglalakbay at pagtuklas ng mga lupain sa Karagatang
Atlantiko.
 Unang nakarating ang mga Portuges sa kanlurang bahagi ng Aprika.
 Nasakop ng mga Portugese ang Brazil sa Timog Amerika at Moluccas sa Timog-
Silangang Asya.

Bartolomeu Diaz
 Ang nabigador ay lumibot sa dulo ng Africa at dahil sa malakas na bagyo, siya ay
napadpad sa pook na tinawag niyang “Cape of Storms”. Ang tagumpay niya ay
nagbigay- pahiwatig na talagang may daan tungo sa Silangan. Kaya pinalitan ng
Hari ng Portugal ang pangalang “Cape of Storms” ng “Cape of Good Hope.”

Vasco da Gama
 Narating niya ang kanlurang baybayin ng India noong 1948 na kung saan ay
kontrolado ng mga Muslim ang kalakalan sa teritoryong iyon ngunit nakuha niya
ang kalakalan ng cinnamon at paminta.
 Itinuring siyang isang bayani sa kanyang pagbabalik sa Portugal noong 1499
dahil sa pagputol niya sa monopoly ng kalakalan ng Italy sa Silangan na
nagbigay- daan ng pagkilalang kapangyarihan ng Portugal.

Alfonso de Albuquerque
 Sa pamumuno niya ay nakarating ang mga Portuguese sa Moluccas na
itinuturing na "Isla ng mga Pampalasa."

Pedro Cabral
 Noong 1520, naglakbay sa silangang baybayin ng South America at inangkin
niya ang mga lupain sa silangan ng linya ng demarkasyon para sa Portugal na
tinawag ngayon na Brazil.
ESPANYA
 Ang Espanya ay tumuklas ng mga bagong lupain upang makadagdag sa
karangalan nito at maipalaganap ang Katolisismo sa iba pang bahagi ng mundo.
 Naglunsad ng eksplorasyon ang Espanya nang mag-isang dibdib sina Ferdinand
V ng Aragon at Isabella I ng Castille, na naghudyat sa pagsasanib ng
kapangyarihan ng mga kaharian ng Aragon at Castille.

Christopher Columbus
 Isang marinong Italyano na manlalakbay na naglunsad ng eksplorasyon sa
tulong ni Haring Ferdinand V at Reyna Isabella I ng Espanya. Unang siyang
tinangihan ni Haring John II ng Portugal na gastusan ang kanyang paglalakbay.
 Naguna sa pagtahak ng rutang pakanluran patungong Asya sa halip na rutang
pasilangan na tinatahak ng mga Portuges.
 Nakarating si Columbus sa Bahamas noong 1942 kung saan niya nakita ang mga
taong may balat na kakulay ng sa mga taga-India kaya inakala niyang nakarating
siya sa India. Narating din niya ang Haiti, Dominican Republic, Cuba, Antigua,
Venezuela at Panama. Ginawaran siya ng parangal na Admiral of the Ocean Sea, at
itinalaga siya bilang viceroy at gobernador ng mga lupaing kaniyang natuklasan.

Amerigo Vespuci
 Isang Italyanong na natuklasan naman niya noong 1507 ang "bagong
mundo" o New World na sa kaniya ipinangalan na ang tawag ngayon ay Amerika.
 Sa kanya paglalakbay napatunayan na ang New World ni Columbus ay isang
bagong kontinente at hindi bahagi ng Asya.

Vasco Nuñez de Balboa


 Nagtayo ng permanenting tirahan sa may silangang baybayin ng Isthmus ng
Panama noong 1510.
 Tinahak niya ang South Sea na ngayon ay tinawag na Pacific Ocean, ang
pagtuklas niya sa karagatan ay nagbigay ng panibagong sigla sa mga
 Espanyol na hanapin ang ruta patungong Silangan.

Ferdinand Magellan
 Isang Portuges na manlalakbay na nag-alok ng serbisyo sa Hari ng Espanya
matapos siyang hindi pansinin ng Hari ng Portugal.
 Ang eksplorasyong pinangunahan niya ay itinuturing na mahalaga dahil
napatunayan nitong bilog ang mundo nang makarating ito sa silangan sa
pamamagitan ng paglalakbay pakanluran.
 Layunin ng kaniyang eksplorasyon na marating ang Moluccas o Spice Islands sa
Asya.
 Dumaan siya sa ibabang bahagi ng Brazil. Tinawag na "Kipot ni Magellan"
(Magellan’s Strait) ang daanang ito.
 Narating at nasakop ng mga Espanyol ang kapuluan ng Pilipinas noong 1521.
 Siya din ang nagpangalan sa Karagatang Pasipiko na ibig sabihin ay “mapayapa”
at sa Pilipinas mula sa Haring Philip ng Spain.

Hernando Cortes
 Narating niya ang baybayin ng Mexico noong 1519 at nagtungo sa imperyo
ng Aztec.
 Naging marahas ang pananakop nila ni Pizarro, kaya maraming katutubo ang
namatay kapalit ng kayamanan para sa Espanya.

Francisco Pizarro
 Natuklasan at nasakop niya ang mayamang kaharian ng Inca sa Peru at inangkin
ang halos lahat ng lupain sa South America para sa Spain noong 1532.
 Ang malaking ginto at pilak na nakuha ni Pizzaro sa Gitna at Timog Amerika
ay nagganyak sa maraming adbenturero na maghanap ng yaman.
 Nasakop din niya ang Cuba, Venezuela, at Bolivia.

Miguel Lopez de Legaspi


 Pinapagtuloy nito ang paglalayag ni Magellan at nagtatag ng pamayanan sa
Pilipinas na napasailalim sa kapangyarihan ng Spain.

Juan Ponce de Leon


 Ginalugad niya ang Bahamas sa paghahanap ng “Fountain of Youth”, isang
bukal na pinaniniwalaang nagpapanumbalik ng kabataan ng sinumang maligo
rito.
 Sa kanyang paghahanap, nagalugad niya ang baybayin ng Florida ng US noong
1513.
 Hindi niya nahanap ang mala-alamat na bukal ngunit ang kanyang ekspedisyon
ay naging batayan sa pag-angkin ng Spain sa Timog- Silangan ng Hilagang
Amerika.

Hernando de Soto
 Nagpatuloy sa paggalugad sa Timog- Silangang hangganan ng North America.
 Hindi sila nakatagpo ng kayamanan ngunit sila ang mga unang Europeo na
nakarating sa Mississippi River.

Francisco de Coronado
 Naglakbay pahilaga nagalugad ang rehiyon na tinawag ngayong United States.
1112
 Natuklasan niya ang Grand Canyon na isang nakakamanghang atraksyon sa
kasalukuyan sa Amerika.

Treaty of Tordesillas
 Nagkaroon ng iringan ang Portugal at Spain sa paglalayag ni Christopher
Columbus kaya hinati ang mundo ni Papa Alexander VI na ang silangang bahagi
ay sa Portugal at kanluran naman sa Espanya.
Line of Demarcation
 Isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola
hanggang Timugang Pola.

FRANCE
 Sa unang dekada ng ika-16 na siglo, tinangka ng mga Pranses na humanap
ng lagusan patungong Hilaga ng Amerika.
 Naging unang bansa na ngalugad sa rehiyon ng Great Lakes sa Canada at
nagtayo ng permanenteng tirahan pati sa mga kolonya sa Caribbean tulad ng
 Martinique, Guadalupe, Tortuga, at Haiti.

France Jacques Cartier


 Noong 1534 naabot niya ang St. Lawrence River at isinailalim sa France ang
silangang bahagi ng Canada.

Samuel de Champlain
 Noong 1608, ginalugad niya ilog na naabot ni Cartier at naangkin ang rehiyon
ito na tinawag niyang “Quebec”. Ito ang naging kolonya pinangalanan niyang
“Bagong France”.
 Kinilala siya bilang “Ama ng Bagong France” dahil sa mga itinayo niyang
pamayanan sa Montreal at Nova Scotia sa Canada.

Jacques Marquette at Louies Joilet


 Isang pari at mangangaso ang nagalugad ng Great Lakes at hilagang bahagi ng
Ilog Mississippi noong 1672.

Robert de La Salle
 Itinuloy niya ang pagalugad sa Mississippi River at inangkin ang malawak na
lambak na nakapaligid doon na pinangalanan niyang Louisiana ang bagong
teritoryong parangal kay Haring Loius XIV ng France.

ENGLAND
 Hanggad ng mga Ingles na makahanap ng ruta patungong Silangan sa
pamamagitan ng North America.
 Nagtagumpay sa Battle of Plassey laban sa mga French na naghudyat sa
kanilang pamamayani sa India. Malawakang ginamit nila ang India bilang
taniman at pabrika para sa kalakalang opyo sa China.13
 Nasakop ng Ingles at naging kolonyal naagaw sa mga Espanyol ang Jamaica
Jamestown sa Virginia ang unang kolonya sa America hanggang sa naging 13 .
Virginia, Maryland, North Carolina, South Carolina, Georgia, Delaware, New
Jersey, Pennsylvania, New York, Rhode Island, Connecticut, Massachusetts,at
New Hampshire.

John Cabot
 Italyanong ng-ekspedisyon mula 1496 hanggang 1498 ngunit tanging nakarating
lang pangkat niya ay ang isla ng Newfoundland na bahagi ng Canada.

Ang mga DUTCH/ OLANDES (NETHERLANDS)

 Itinatag nila ang Dutch East India Company noong 1602 upang agawin ang
kontrol ng mga Portuges sa kalakalan sa Asya. Nagtagumpay sila na maagaw
ang Moluccas sa Portugal at nagkaroon ng sistemang plantasyon. Tinawag
nila itong Dutch East Indies na ngayon ay kinilala bilang Indonesia.
 Nakapagpatayo ng mga kolonya ang mga Olandes tulad ng New Netherlands
sa North Amerika at ang mga pulo ng Suriname at Guyana sa Caribbean Sea.

Henry Hudson
 Isang manlalakbay na Ingles na naglagyag ng tatlong beses para sa England
ngunit ang huli ay nanilbihan sa mga Dutch.
 Natuklasan ang New Netherland at New Amsterdam ngayon ay New York
nagbigay daan sa pagkolonya ng mga Dutch sa bahaging ito.
 Nakatuklas ng isang look na pinangalan sa kanya na “Hudson Bay”.

You might also like