You are on page 1of 15

Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 8


Kasaysayan ng Daigdig
Ikaapat na Markahan/ Ikatlong Linggo/ Unang Araw

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVb-2

A. LAYUNIN
Nasusuri ang mga dahilang nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

B. PANIMULA
Halina! Ating umpisahan ang pag-aaral sa pamamagitan
ng pagbabasa sa mga inihanadang babasahin upang lubos mong
maunawaan ang aralin. Handa ka na ba?

Sa bahaging ito ng modyul ating suriin ang mga dahilan nagbigay daan sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
KONSEPTO NG PAGKATUTO
MGA DAHILAN NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Itinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal, at pinakamadugong labanan
sa kasaysayan ng sangkatauhan. Hindi paman lubusan nakakabangon sa mga
pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig, muli
umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga
bansa. ng ambisyon ng mga makapangyarihang
bansa na maipagpatuloy ang pananakop at
pagpapalawak ng kanilang teritoryo, ay nagbigay
daan sa isa ikalawang digmaan pandaigdig Bumuo
ng alyansang militar ang Italya, Germany at Japan
na tinawag na Axis Power. natatag nman ng Allied
Powers ang France, Great Britain at United States.

I. ANG PAG-AGAW NG JAPAN SA MANCHURIA


Ang agresyon ng Japan sa Manchuria noong 1931 ay
kinundena ng Liga ng mga Bansa dahil sa ginawang pananlakay,
tumiwalag ang Japan sa samahan noong 1933. Itinuloy ang
kanyang pananakop, pagkaraan ng anim na taon, sinalakay ang
bansang China at napaurong ang puwersa plano ng Japan na
idagdag ang mainland upang mabuo ang Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere. Ang Sphere na ito ang mag bibigay sa Japan
ng supply ng goma, langis, at lata para sa industriya nito, bigas
para sa mga Haponesni Chiang Kai-skeksa kanlurang China

Page 1 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D1

II. PAG-ALIS NG GERMANY SA LIGA NG MGA BANSA


Natamo ni Adolf Hitler ang kapangyarihan, na ngako siyang
sisirain niya ang kasunduan sa Versailles noong 1930. Ang
pinasimulan ni Adolf Hitler ang pagpapatag muli ng sandatahang
lakas ng bansa. Nakipag alyansa ang France sa Russia.
Samantalang ang England naman ay pinalilimitahan ang
bilang o laki ng puwersa ng Germany.
Marso 1936, nagpadala ng mga sundalo si Hitler sa Rhine,
bahagi ng France. Isa ito sa pagsuway sa kasunduan sa Versailles. Ang ginawa na ito ni Hitler
ay nagbunga, salamat na lamang sa patakarang appeasement ng Kanlurang Europe na bilang
pagsang –ayon sa mga kahilingan at upang maiwasan ang anumang alitan o labanan.
III. ANG PAGSAKOP NG ITALY SA ETHIOPIA

Sa pamumuno ni Benito Mussolini sinakop ng Italy ang Ethiopia noong 1935. Itoy isang
paglabag sa kasunduan sa Liga. Ang krisis sa ekonomiya ay nagpasidhi sa mga radikal. Si
Mussolini ay isang peryodista ay nagtatag ng isang kilusang kung tawagin ay Pasismo. Noong
1922, inagaw niya ang pamahalaan at ginawang diktadok ang sarili. Silang dalawa ni Hitler ay
bumuo ng tinawag na Rome-Berlin Axis.

IV. DIGMAANG SIBIL SA SPAIN


Ang digmaan ay nagsimula noong 1936, dalawang panig ang naglaban: Fascistang Nationalist
Front at ang Sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nationalista. Maraming nadamay sa
digmaan sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng ibang bansa. Ang mga kasama sa Axis ay
hayagang sumuporta sa mga rebelde samantala tinutulunagn ng Russia ang pamahalaan nito.
V. PAGSASANIB NG AUSTRIA AT GERMANY (Auschluss)
Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany.
Ngunit ang pagsisikap ay sinalungat ng mga bansang kasapi ng Allied Powers (France,
Great Britain at United Staes). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany na
kinalabasan ng Rome-Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing unyon
ng Austria at Germany ay nawalan ng bias noong 1938.
Vi. SULIRANIN SA CZECHOSLOVAKIA
Noong 1938, matapos makuha ni Hitler ang Austria. Ang diplomat ni Hitler ay naghingi
sa pamahalaan ng Prague na bigyan ng kompletong autonomiya ang Sudeten, isang rehiyon
na maraming Aleman. Hinikayat ni Hitler ang mga mamamayan ng Sudeten na magpursigi sa
pagtatamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito nag karoon ng gulo sa Czechoslovakia.

Upang malutas ang suliraning ito, hinikayat ng England si Hitler na madaos ng isang
pagpupulong sa Munich. Nakuha ni Hitler ang isang parte ng Czechoslovakia, at noong 1939,
ang mga natitirang lupa sa Czecoslovakia ay napunta na din sa Germany.

VI. PAGLUSOB NG GERMANY SA POLAND


Ang higit na nag pang nagpasiklab sa digmaan ay ng nilusob ng
puwersnag Nazi ang Poland noong Setyembre1939, dalawang araw
matapos masakop ang Poland, nag deklara ng digmaan ang Britain at
France.
Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia sa
Kasunduang Ribbentrop- Molotov. Nais ni Hitler ang Baltic Port at Polish Corridor. Hindi nag
tagal nalupig ang Poland. Matapos makuha ang Poland, ipinahayag ni Hitler na hindi siya
hihingi ng pabor sa ibang bansa. Naghanda naman ang mga Allies sa anumang mangyayari.

Page 2 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D1

TANDAAN NATIN
Ang mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga sumusunod na
kaganapan. Ang pag-agaw ng Japan sa Manchuria, Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga
bansa, Pagsakop sa Italy sa Ethiopia, Digmaang Sibil sa Spain, pagsasanib ng Austria at
Germany, Suliranin sa Czechoslovakia, at ang paglusob ng Germany sa Poland.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO / PRACTICE EXERCISES

Nadagdagan ba ang iyong kaalaman tungkol sa mga dahilan ng


pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Kung gayon,
subukin ang kakayahan. Sagutan na ang mga sumusunod na
pagsasanay.
GAWAIN 1: HANAP-LETRA

PANUTO: Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Punan ng letra ang konsepto sa loob ng
kahon.

1. Tirahan ng German sa Czechoslovakia

S . D . T . N
2. Sinakop ng Germany noong Setyembre 1939.
.
P . A .
3. Ang katawagan sa mga sumasalakay ng Germans.

N . Z .
4. Ang sumakop sa Ethiopia noong 1935.

I . A .
5. Bansang natanggal sa Liga ng mga bansa dahil sa pagsakop sa Manchuria.

A . N

GAWAIN 2: Tama o Mali


PANUTO: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pangungusap, at MALI kung di wasto
ang pangungusap.
_________ 1. Noong 1931, inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria.
_________ 2. Matapos tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga Bansa, pinasimulan ni Adolf
Hitler, lider ng Nazi ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa.
_________ 3. Sa pamumuno ni Adolf Hitler, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935.
_________ 4. Ang kasunduang Ribbentrop-Mololov ay isang kasunduan ng hindi pakikidigma.
_________ 5. Noong 1939 ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta rin sa
Germany.
_________ 6. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglalagay sa
Germany sa kahiya hiyang sitwasyon.

Page 3 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D1

_________ 7. Nagsimula ang Digmaang Sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng Pasistang
Nationalist Front, at Sosyalistang Popular Army.
_________ 8. Sinuportahan ng Liga ng mga Bansa ang Japan dahil sa pag-agaw nila sa
Manchuria
_________ 9. Ang Germany ay tumiwalag sa Liga sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pagaalis
at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng
karapatang mag-armas.
_________ 10. Bilang sagot ng mga bansa ang paghahanda ng Germany, Ang France ay
nakipag-alyansa sa Russia.

PAGTATAYA: PILI-LETRA
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
letra ng napiling sagot sa nakalaang linya bago ang bilang.

_______1.Kailan ang eksaktong petsa ng pasimula ng Ikalawang digmaan


pandaigdig?
A. Setyembre 1, 1939 C. Setyembre 1, 1942
B. Setyembre 1, 1940 D. Setyembre 1, 1945

_______2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Axis Powers?

A. Germany C. Japan
B. Italy D. Russia

_______ 3. Ano ang tawag sa taktikang pandigma na ginamit ng Nazi?


A. Biological Warfare C. Luftwaffe
B. Blitzkrieg D. Trench Warfare

________ 4. Sino ang pinuno ng Nazi na namuno sa Germany noong Ikalawang


Digmaang Pandaigdig?
A. Adolf Hitler C. Harry Truman
B. Benito Mussolini D. Winston Churchill

________ 5. Ang mga sumusunod ay bumubuo ng Allied Powers maliban sa _____.


A. France C. Japan
B. Great Britain D. United States

________ 6. Ang bansang naalis sa Liga ng mga Bansa dahil sa pananakop sa


Manchuria.

A. France C. Japan
B. Germany D. Russia

Page 4 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D1

_________ 7. Nagkaroon ng digmaan sibil sa bansang ito dahil sa alitan ng


Fascistang – Nationalista at ang Sosyalistang Popular Army .
A. Austria C. Poland
B. Germany D. Spain

_________ 8. Isang lugar sa Czechoslovakia na hinikayat ni Hitler na magkaroon ng


awtonomiya dahil tirahan ng maraming Aleman.
A. Austria C. Manchuria
B. Ethiopia D. Sudeten

________ 9. Ang pagsakop ni Hitler sa bansang ito ang nagpasabog ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.
A. Belgium C. Poland
B. Czechoslovakia D.Spain

________ 10. Samahan ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan na itinatag
pagkaraan ng Unang Digmaan Pandaigdig.
A.Alyansa ng mga Bansa C. Liga ng mga Bansa
C. Liga ng Mga Bansa D. Unyon ng mga Bansa

SANGGUNIAN
o Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan-Manwal ng mag-aara: Unang Edisyon 2014 ,Lydia
N. Agno p. 475-476
o https://www.slideshare.net/rynpale_27/mga-sanhi-ng-ikalawang-digmaang-pandaigdig
o https://www.slideshare.net/eliasjoy/ikalawang-digmaang-pandaigdig-85365964
o https://www.historyhit.com/the-invasion-ofpoland-in-1939-how-it-unfolded-and-why-the-allies-
failed-to-respond/.

Inihanda ni:
Bb. Jennifer A. Cadiz
Kalayaan National High School

Page 5 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D2

DEPARTMENT OF EDUCATIONATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 8


Kasaysayan ng Daigdig
Ikaapat na Markahan/ Ikatlong Linggo/ Ikalawang Araw

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVb-2

A. LAYUNIN
Nasusuri ang mga pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

B. PANIMULA

Halina! Ating umpisahan ang pag-aaral sa pamamagitan


ng pagbabasa sa mga inihanadang babasahin upang lubos mong
maunawaan ang aralin. Handa ka na ba?

Sa bahaging ito ng modyul ating suriin ang mga mahahalagang pangyayaring naganap
sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

KONSEPTO NG PAGKATUTO
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARING NAGANAP
SA IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Digmaan sa Europe

Sa Kanluran Europe nagsimula ang


labanan ng Frances at Ingles na nag-aabang sa
likod ng Maginot Line. Hindi kaagat sumalakay ang
mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang
Poland.
Samantalang umaasa ang France sa
tanggulan, nasakop ito ng Germany at bumagsak
noong ika 10- ng Hunyo, 1940.Sinimulan ni Hitler
ang blitzkrieg o biglan paglusob nawalang bahala
at nagtapos ang Phony War noong Abril 1940. Ang mga taga Norway ay madaling
natalo. Biglang sinalakay ng Nazi ang Belhika, Holand
at Luxembourg. Binomba ng Aleman ang mga bansang
ito na kung tawagin ay low countries. Nasakop ang
Belguim.
Umurong sa tabing-dagat ng Dunkrik ang
hukbong Pranses. Sa ganitong gipit na kalagayan ay
ipinasya ng Punong Ministro ng England na si Wiston
Churchill na umurong ang Hukbo. Ito ay itinuring na
Epiko ng Dunkirk, ipinakita ang kagitingan at
katapangan ng mga sundalo laban sa Germany.

Page 6 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D2

Ang United States at ang Digmaan


Ang pagkapanalo ng Germany sa Europe, pagbasak
ng France, naiwan ang Great Britain nag-iisang
nakikipaglaban sa Germany ay nagdulot ng pangamba sa
Amerika. Pinagtibay ng Kongreso ng Amerika ang Batas na
Lend Lease. Nagsasabi na ang United States ay magbibigay
ng kagamitan pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi
ng Axis Powers.
Agosto 1941, ay nagpulong sila Pangulong Roosevelt ng
United States at Winston Chruchill Punong Ministro ng
England, bumuo sila ng kasunduan tinawag na Atlantic
Charter. Tiniyak sa kasunduan na pagkatapos wasakin ang
tiraniyang Nazi ,” lahat ng mag bansa ay mabubuhay sa kapayapaan , malaya sa
takot, at di na muli gagamit ng puwersa.”.

Ang Digmaan sa Pasipiko


Ang Digmaang Pasipiko (Pacific War) ay bahagi ng ikalawang digmaang
pandaigdig na naganap sa Karagatn ng Pasipiko, mga
pulo nito, at sa Silangang Asya, mula Hulyo 7, 1937
hanggang Agosto 14, 1945.
Ang bansang Japan ay nagnanais na maging
makapangyarihan dahil sa kanilang prinsipyo na “Ang
Asya ay para sa Asyano lamang”. Noong ika -7
Disyembre 1941, bigyang sinalakay ng Japan ang Pearl
Harbor, isa sa maga himpilan ng hukbong pandagat ng
United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na
ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy”ng dating
pangulo na si Franklin Roosevelt. Nagpahayag ng
pakikidigma ang United States sa Japan, gayundin ang
Great Britain. Ang Germany at Italy ay tumulong sa
Japan at nagpahayag ng pakikidigma sa United States. Ilang oras matapos an Pearl
Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay sa Pilipinas.
Kanilang winasak ang hukbong pamhimpapawid ng United States sa Clark Field
Pampanga, Pagkaraan ng dalawang araw, sinalakay naman ang Hilagang Luzon. At
Enero 2, 1942 kinuha ang Maynila at ideneklarang Open City. Ngunit pinag patuloy ng
mga Pilipino ang pakikipaglaban.
Ang Pilipinas sa pamumuno si Pangulong Manuel Quezon at si Heneral Douglas
McArthur ay magiting na lumaban. Ngunit sumuko sa labanan sa Bataan noong
Abril 9,1942. ang huling pananggalang ng demokrasya sa Asya na sumuko ay ang
Corregidor noong May 6, 1942. Nakatakas si MacArthur at nangakosa mga Pilipino
na” I Shall Return “. Setyembre 2, 1945 Naganap ang pormal na lagdaan ng pagsuko
ng Japan na kilalang V-J Day sa barkong pandigma na USS Missouri ng mga
amerikano.

Page 7 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D2

TANDAAN NATIN
Ang Ikalawang Digmaang pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na
nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taong 1939. Natapos noong ika-2 ng Setyembre 1945.
At nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.
Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamdugong labanan sa kasaysayan ng
sangkatauhan.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO / PRACTICE EXERCISES

Nadagdagan ba ang iyong kaalaman tungkol sa mga pangyayaring


naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Kung gayon, subukin
ang kakayahan. Sagutan na ang mga sumusunod na pagsasanay.

GAWAIN 1: Match-the-Date

PANUTO: Piliin ang petsa ng kaganapan ng bawat pangyayari. Isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

_________ 1. Sinalakay ang Pearl Harbor


A. HULYO 7, 1937
_________ 2. Simula ng Digmaan sa Pasipiko B. ABRIL 9, 1942
_________ 3. Pagsuko ng Bataan C. ENERO 2, 1942
D. DISYEMBRE 7, 1941
_________ 4. Open City ang Maynila
E. HUNYO 10, 1940
_________ 5. Pagsakop sa France ng Germany F. MAY 6, 1942

GAWAIN 2: Venn Diagram


PANUTO: Isulat sa bilog ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa mga tinutukoy na
lugar.

Page 8 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D2

PAGTATAYA: PILI-LETRA
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
letra ng napiling sagot sa nakalaang linya bago ang bilang.

_______1. Batas na nagpapahayag ng sa pagbibigay ng United States ng kagamitan


pangdigma sa mga kalaban ng puwersang Axis?
A.Atlantic Charter
B.Lend Lease
C. Truman Act
D. Versailles Treaty

_______2. Ang kasunduan, “na lahat ng mga bansa ay mabubuhay na sa


kapayapaan” pagkatapos mawasak ang Nazi.
A. Atlantic Charter
B. Lend Lease Treaty
C. Treaty of Paris
D. Treaty of Versailles

_______3. Kailan nagsimula at natapos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig.


A. Setyembre 1936-1942
B. Setyembre 1939-1945
C. Setyembre 1934-1943
D. Setyembre 1937-1940

_______4. Ang ginamit na paraan para mapasuko ang Japan, ng puwersang Alyado
sa Hiroshima.
A. Bomba Atomika
B. Poison Gas
C. Raiders
D. Submarine

_______5. Ang pangalan ng barko kung saan lumagda ang Japan sa isang walang
pasubaling pagsuko.
A. Atlantic
B. Lusitania
C. Royal Bay
D. USS Missouri

_______6. Ang huling tanggulang ng demokrasya sa Asya na sumuko sa Japan.


A. Bataan
B. Corregidor
C. Pampanga
D. Rizal

Page 9 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D2

_______7. Ang Pangulo ng Pilipinas na magiting na nakipaglaban kasama si Hen.


Douglas MacArthur laban sa mga Hapones noong 1942.
A. Fidel Ramos
B. Manuel Quezon
C. Ninoy Aquino
D. Roman Romulo

_______8. Anong bansa sa Asya ang nagnanais na maging makapangyarihan dahil


sa kanyang prinsipyong “Ang Asya ay para sa Asyano lamang”?
A. China
B. Japan
C. Iraq
D. Turkey

_______9. Ang pagbomba sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 ay itinuring na


“Day of Infamy”. Sinong pangulo ng United States ang nag wika nito?
A. George Washington
B. John F. Kennedy
C. Franklin Roosevelt
D. Woodrow Wilson

_______10. Ang labanan sa Dun kirk ay nagpamalas ng kabayanihan ng mga Ingles


ay naganap sa_______.
A. Dagat
B. Disyerto
C. Himpapawid
D. Lupa

SANGGUNIAN
o Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan-Manwal ng mag-aara: Unang Edisyon 2014 ,Lydia
N. Agno p. 478-480
o https://www.slideshare.net/eliasjoy/ikalawang-digmaang-pandaigdig
o ""Ikalawang Digmaang Pandaigdig"." Prezi.com. Accessed July 5, 2020.
https://prezi.com/41hocju0bbu/ikalawang-digmaang-pandaigdig/
o IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG." Share and Discover Knowledge on
LinkedIn SlideShare. Last modified December 30, 2017.
https://www.slideshare.net/eliasjoy/ikalawang-digmaang-pandaigdig-85365964

Inihanda ni:
Bb. Jennifer A. Cadiz
Kalayaan National High School

Page 10 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 8


Kasaysayan ng Daigdig
Ikaapat na Markahan/ Ikatlong Linggo/ Ikatlong Araw

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVb-2

A. LAYUNIN
Nailalahad ang paglaganap ng ikalawang digmaang pandaigdig sa iba’t- ibang panig
ng daigdig

B. PANIMULA
Halina! Ating umpisahan ang pag-aaral sa pamamagitan
ng pagbabasa sa mga inihanadang babasahin upang lubos mong
maunawaan ang aralin. Handa ka na ba?

Sa bahaging ito ng modyul ating suriin ang mga dahilan nagbigay daan sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig

KONSEPTO NG PAGKATUTO

Page 11 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D3

Page 12 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D3

TANDAAN NATIN
Ang ikalawang Digmaang Pandaigdig ay madugong lumaganap sa halos lahat ng bansa sa
daigdig. Nasakop ni Hitler ang Belgium, Denmark, France, Greece, Luxembourg, Netherlands,
Norway, at Western Poland. Sinubukan naman ni Mussolini na sakupin ang Ethiopia na siyang
ikinagalit ng mga kaanib na bansa nito. Ang kamaynillan naman ay nasakop ni Tojo. Itinatag
ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa o United Nations pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO / PRACTICE EXERCISES

Nadagdagan ba ang iyong kaalaman tungkol sa mga dahilan ng


pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Kung gayon,
subukin ang kakayahan. Sagutan na ang mga sumusunod na
pagsasanay.
GAWAIN 1: CROSSWORD PUZZLE

PANUTO: Gamit ang mga clue words sa bawat bilang, alamin ang salitang tinutukoy mula sa
aralin. Gawing gabay ang mga titik nakahanda sa loob ng crossword box puzzle.Tandaan na
walang espasyo sa mga salita.

Halimbawa: salitang United Nations, ito ay isusulat na UNITEDNATIONS

Page 13 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D3
GAWAIN 2: FILL-the-Chart
PANUTO: Ilagay ang mga bansang nasakop noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ayon sa
mga pinunong sumakop sa kanila.

HITLER MUSSOLINI TOJO

PAGTATAYA: PILI-LETRA
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
letra ng napiling sagot sa nakalaang linya bago ang bilang.

_______1. Anong mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States sa


pamamagitan ng atomic bomb?
A. Ethiopia at Dunick
B. Hiroshima at Nagasaki
C. France at Portugal
D. Manila at Pearl Harbor

_______2. Anong ideolohiya ang pinairal ni Hitler noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
A. Fascism
B. Idealism
C. Nazism
D. Socialism

_______3. Ito ay tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng


Ikalawang Digmaang pandaigdig
A. League of Nations
B. United Nations
C. World League
D. World System

Page 14 of 15
Module Code: Pasay-AP8-Q4-W3-D3

_______4. Idineklara ni Douglas macArthur na __________ ang Manila upang hindi


na ito lubusang masira sa pabobomba ng mananakop na Hapon.
A. Open Barrio
B. Open Caravan
C. Open City
D. Open Country

_______5. Alin ang hindi naglalarawan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


A. Nagbuhos ng napakaraming puwersang military upang lupigin ang kalaban
B. Nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig
C. Pinakamalawak at pinakamadugong labanan sa kasaysayan
D. Pinakamaikling digmaan naganap lamang sa Europa

SANGGUNIAN
o Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan-Manwal ng mag-aara: Unang Edisyon 2014 ,Lydia
N. Agno p. 475-476
o https://www.slideshare.net/rynpale_27/mga-sanhi-ng-ikalawang-digmaang-pandaigdig
o https://aralipunan.com/ano-ang-ikalawang-digmaang-pandaigdig-wwii/
o https://www.google.com/search?q=allied+and+axis+powers+ww2&tbm=isch&rlz=1C1CHBD_e
nPH923PH923&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwi70L_prKDvAhUJXpQKHdRgD50QrNwCKAF6B
QgBEPQB&biw=1263&bih=578#imgrc=g89bKojC30COZM&imgdii=AWPYzmHAoXAYHM

Inihanda ni:
Bb. Jennifer A. Cadiz
Kalayaan National High School

Page 15 of 15

You might also like