Professional Documents
Culture Documents
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
13.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
MGA GAWAIN
MAIKLING TALAKAYAN
Narito ang ilan sa mga mahahalagang isyu na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa sekswalidad at
dignidad:
TANDAAN
Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang sekswalidad upang maging ganap ang pagkababae
o pagkalalaki. Kasama sa hamon na ito ay ang pagsisiguro na tama ang mga impormasyon na ating nalalaman
upang tayo ay hindi maligaw sa tunay na kahulugan ng sekswalidad. Tatandaan na kapag ang tao ay
nagiging kasangkapan sa sekswal na pangangailangan, lahat ng mabuting layunin ng
pakikipagkapwa ay maaaring hindi matupad. Ang esensiya ng sekswalidad ay paggamit ng kasarian
para sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing
magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya.
GAWAIN 1:
PANUTO: Pag-aralan ang iyong sariling pananaw ukol sa sekswalidad. Gaano mo kadalas
nararamdaman ang mga sumusunod? Lagyan ng tsek (✓) ang kolum na angkop sa iyong
sagot.
HINDI
LAGI MINSAN
MGA PANANAW (5 PUNTOS) (3 PUNTOS) KAILANMAN
(WALANG PUNTOS)
1. Nagagandahan sa taong may maayos na kasuotan.
2. Nagkakaroon ng mabuting pakikipagkaibigan sa
kapuwa babae o lalaki
3. Nakaiiwas sa mga taong may labis na pagtingin sa akin.
4. Nakikilala at naipaliliwanag ang sariling mga
pagpapahalaga ukol sa sekswalidad at kalinisang-puri.
5. Nakikita sa aking kilos ang mataas na pagpapahalaga
ukol sa sekswalidad.
6. Inaari ang responsibilidad sa aking ikinikilos ukol sa
aking sekswalidad at kalinisang-puri.
7. Malayang makipag-usap sa aking pamilya at mga
kaibigan tungkol sa sekswalidad.
8. Inuunawa ko ang mga taong taliwas ang kilos, gawi, at
pananamit sa kanilang kasarian.
9. Naniniwala akong naiimpluwensiyahan ng media ang
pananaw, kaisipan, pagpapahalaga at kilos ukol sa
sekswalidad.
10. Naniniwala akong ang sekswalidad ay kaganapan ng
pagkatao, hindi lamang ng pisikal kung hindi pati na ng
sikolohikal at moralidad ng tao.
Kabuuang Iskor
Page 2 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP10-Q4-W1-D1
46-50 Magaling! Pinayayaman ng iyong mga pananaw sa seks-walidad ang iyong buhay at
relasyon sa ibang tao.
41-45 Hindi na masama. Maaari kang magbalak na gumawa ng paraan upang mapabuti mo
ang iyong pananaw sa mga sinagutan mo ng Minsan at Hindi Kahit Kailan.
36-40 Marami-rami kang mga pananaw na kailangan mong pag-aralang baguhin upang
mapayaman mo ang iyong buhay at relasyon.
35- Pababa Kailangan ang malaking pagtatiyaga upang mapaunlad ang iyong pananaw sa
sekswalidad upang ito’y makatulong sa pagpapayaman ng iyong pagkatao at relasyon
sa ibang tao.
Halaw at salin mula sa: Sexually Healthy Adolecents. 1992, pp 21-28
Sipi mula sa: Edukasyon sa Pagpapakatao. De Vega et. al. 2013, pp. 225-226
GAWAIN 2
PANUTO: Sa isyu sa bawat kahon, isulat ang epekto ng kawalan ng paggalang sa
sekswalidad sa dignidad ng tao.
PANG- AABUSONG
PRE-MARITAL SEX PORNOGRAPIYA SEKSWAL PROSTITUSYON
PAGTATAYA
PANUTO: Tukuyin kung anong gawain ito na hindi nagpapakita ng paggalang sa
sekswalidad at dignidad ng isang tao.
A. Pre-marital sex B. Pornograpiya C. Pang-aabusong sekswal D. Prostitusyon
1. Binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kaligayahang sekswal.
2. Pamimilit ng isang tao na gumawa ng isang sekswal na gawain nang walang pagsang- ayon nito.
3. Pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
4. Mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang
sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
5. Pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ang pera.
Inihanda ni:
Rachel S. Samson
Pres. Corazon “Cory” C. Aquino National High School
SANGGUNIAN
• Brizuela, MJ. B, et. al. (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa mga-
aaral (pp.184- 207)
• Dela Cruz, I. P, et. al. (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (pp.140- 149)
• De Vega, N. I, et. al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao (pp.224- 233)
• Linsangan, L. DV, et. al. (2017). Pagyamanin- Edukasyon sa Pagpapakatao 10. (pp. 159- 164)
• Punsalan, T. G, et. al. (2015). Pagpapakatao 10 (pp.173-183)
Page 3 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP10-Q4-W1-D2
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
13.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.
MGA GAWAIN
MAIKLING TALAKAYAN
Sa nakaraang aralin, ating tinukoy ang mga isyung moral na nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa dignidad at sekswalidad. Atin ding tiningnan kung ano ang sanhi ng mga kilos na ito
at ano ang mga maaaring maging resulta kung hindi mapipigilan ang pagsasagawa ng mga gawaing
ito. Ngunit ano nga ba ang malalim na dahilan kung bakit ang pre-marital sex, pornograpiya, pang-
aabusong sekswal at prostitusyon ay maituturing na gawain na hindi nagpapakita ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad? Atin itong suriin gamit ang pagpapaliwanag ni Bernardo Villegas (2012)
tungkol sa “Ang Tunay na Pag-ibig ay Naghihintay”.
Dagdag pa ni Villegas (2012), ang sekswalidad ay hindi lamang ukol sa pagpapahayag nito kung
hindi ito ay ang pag-uugnay ng sikolohikal, emosyonal, pisikal, at espiritwal na dimensiyon ng buong
katauhan. Sa pamamagitan lamang ng ganitong pananaw maiiwasan ng tao ang nakasisirang gamit
ng seks.
EMOSYONAL
DIMENSYON NG PAGKATAO
ESPIRITWAL NA MAY KAUGNAYAN SA PISIKAL
SEKSWALIDAD
SIKOLOHIKAL
Page 4 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP10-Q4-W1-D2
Ang mga nabanggit ni Villegas ukol sa nakasisirang gamit ng seks ay ang mga isyu ukol sa kawalan
ng paggalang sa dignidad at sekswalidad na dapat mabigyan ng pansin upang maibalik sa tamang
pananaw ang mga kabataan ukol dito. Ang paglabag sa dignidad ng sekswalidad ay paglabag sa
karapatang pantao sa paggalang sa pribadong buhay, at maaaring mauwi ito sa hindi makataong
pagtrato. Sa kabila ng katotohanang ang pagtatanggol sa karapatang ito ay sakop ng pambansa at
internasyonal na batas, patuloy pa rin ang paglabag sa mga ito.
Sipi mula sa: Edukasyon sa Pagpapakatao 10 by Dela Cruz, I. P, et. al. (2018) (pp.198- 199)
TANDAAN
Hindi maaaring magkaroon ng kasiya-siyang sekswal na relasyon, kung mayroong
negatibong damdamin sa isang hindi sekswal na aspeto ng relasyon, o kung ang lahat ay
natutuon lamang sa isa sa mga dimensiyong nabanggit ni Bernado Villegas. Ang
paggalang sa sarili ay makatutulong sa pagkakaroon ng paggalang sa sekswalidad at
dignidad. Mamuhay nang may paggalang sa sariling sekswalidad lalo na ng ibang tao. Iwasan ang
pangungutya sa iba, pagsukat sa sariling kakayahan, babae man o lalaki. Sa ganitong paraan,
maiiwasan ang anumang pananamantala o pagkawalang galang sa kapwa.
GAWAIN 1:
PANUTO: Suriin at bigyang paliwanag kung paano ipinakita ang kawalan ng paggalang
sa dignidad at sekswalidad sa mga sumusunod na pahayag.
PAHAYAG PALIWANAG
Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang
nagmamahalan at ito ay kailangan upang makaranas
ng kasiyahan.
Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat
na pangangailangan sa pera.
GAWAIN 2:
PANUTO: Suriin kung nararapat ba o hindi nararapat ang mga pagpapasyang ginawa ng
mga tauhan sa kwento ayon sa ating aralin. Isulat ang N kung nararapat at HN kung
hindi nararapat. Bigyang din ng paliwanag ang iyong kasagutan.
SITWASYON SAGOT PALIWANAG
Hiniling ng kapitbahay ni Maria kung maaari siya
nitong kunan ng litrato na nakabikini. Maaari
itong ipagbili sa isang kompanya ng pagmomodelo
at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Maria at
sinabing ang katawan niya ay hindi kailanman
maaaring i-display.
Page 5 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP10-Q4-W1-D2
PAGTATAYA
PANUTO: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang MG kung ang pahayag ay nagpapakita ng
na may galang sa dignidad at sekswalidad at KG naman kung nagpapakita ng kawalang
galang.
Inihanda ni:
Rachel S. Samson
Pres. Corazon “Cory” C. Aquino National High School
SANGGUNIAN
• Brizuela, MJ. B, et. al. (2015) Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para
sa mga-aaral (pp.287- 287)
• Dela Cruz, I. P, et. al. (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (pp.194- 205)
• De Vega, N. I, et. al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao (pp.224- 233)
• Linsangan, L. DV, et. al. (2017). Pagyamanin- Edukasyon sa Pagpapakatao 10. (pp. 207-220)
• Punsalan, T. G, et. al. (2015). Pagpapakatao 10 (pp.245-257)
Page 6 of 6