You are on page 1of 28

Asignatura: Kontemporaryong Isyu 10 Markahan: Ika-apat

Paksa ng Yunit: Mga Isyu sa Karapatang Panato Oras ng Paggugol: 240 na

At Gender minuto

MODYUL 7
KASARIAN, SEKSUWALIDAD, AT ANG RH LAW

PANIMULA

Makikita sa itaas ang mga simbolong pangkasariang nagmula pa sa panahon ng

mga Romano. Ang simbolong Venus sa kaliwa na may krus ay kumakatawan sa babae

habang ang simbolong Mars sa kanan na may arrow ay kumakatawan sa lalaki. Sa

pagdaan ng panahon, nagkaroon ng iba pang variation ang mga nasabing simbolo bilang

pagkilala sa iba pang kasarian sa lipunan.

1|Pahina
Sa araling ito, tatalakayin natin at sa susunod na aralin ang ilang isyung
pangkasarian katulad ng pagkakaiba ng seks, kasarian, at seksuwalidad. Pag-uusapan din
natin ang isyu ng kalusugang reproduktibo sa Pilipinas bilang isa sa mahahalagang
isyung pangkasarian na nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan kung hindi maging sa
buhay lalo na ng kababaihan. Mahalagang tatalakayin ang mga isyung pangkasarian,
kasama na rito ang mga karapatang pangkababaihan, dahil ayon nga sa panayam kay
dating First Lady ng US na si Hillary Clinton sa United Nation’s Fourth World
Conference on Women sa Beijing noong 1995, “ang karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao”. Gayon din, maaari nating idagdag na ang karapatan ng LGBT ay
karapatang pantao.

May mga araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:

Kasarian at Seksuwalidad

Mga Salik na Humuhubog sa Gender Ideology

Mga Gender Role sa Lipunang Pilipino: Noon at Ngayon

Katayuan ng Iba’t Ibang Kasarian sa Iba’t Ibang Bansa

Reproductive Health Law

LAYUNIN

Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga paksang nakatala sa itaas,


inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Natutukoy ang kaibahan ng seks, kasarian, at seksuwalidad;
2. Napaghahambing ang gender role sa lipunang Pilipino mula sa
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan;
3. Natatalakay ang mga salik na nakaaapekto sa gender ideology, na
nagsisilbing salik sa pagkakaroon ng diskriminasyong pangkasarian
sa lipunan;
4. Natatalakay ang katayuan ng iba’t ibang kasarian sa iba’t ibang
bansa;
5. Natatalakay ang mahalagang probisyon ng Reproductive Health
Law; at
6. Natatalakay ang iba’t ibang pananaw hinggil sa Reproductive
Health Law.

2|Pahina
SIGLANG-DIWA
Panuto: Tukuyin kung sa anong kasarian mas naiuugnay ang nakalista sa bawat bilang. Isulat
ang sagot sa kahon. Pagkatapos, sagutin ang pamprosesong tanong.

1. haligi ng tahanan

2. ilaw ng tahanan

3. driver ng pampasaherong sasakyan

4. mananahi ng damit

5. sekretarya

Pamprosesong Tanong:

1. Ano sa iyong palagay ang kahulugan ng kasarian? Paano ito naiiba sa seks at
seksuwalidad?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ano ang iyong naging basehan sa pagsagot sa nakalista sa bawat bilang?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, magdudulot ba ng suliranin sa lipunan ang pag-uugnay ng gawain


sa partikular na kasarian? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3|Pahina
ALAMIN NATIN!

Sa gitna ng modernong panahon, marami pa ring manipestasyon na hindi

nabibigyan ng pantay na pagkilala ang mga kasarian sa lipunan. Sa kaso ng halimbawa

ng karapatan sa pagboto ng kababaihan, may mga bansa sa Kanlurang Asya na kalian

lamang nagpahintulot sa kanilang kababaihan ng karapatang bumuto. Samantala,

nagpapatuloy ang kaso ng kitchen fire sa India kung saan ang kadalasang biktima ay

kababaihan. Sa China, mataas pa rin ang insidente ng infanticide kung saan ang

karamihan sa biktima ay babaeng sanggol. Kung sa kababaihan ay matindi pa rin ang

diskriminasyon, gayundin ang karahasan ng mga indibidwal na may ibang kasarian

katulad ng mga lesbian, gay, bisexual, transgender, at iba pa.

Bakit nga ba nagkakaroon ng diskriminasyong pangkasarian? Maaaring sabihing

dahil ito na ang nakagisnan natin sa lipunan at ipinagpapatuloy lamang natin ang

tradisyon Subalit kung mauunawaan lamang ng lahat ang pinag-ugatan ng

diskriminasyong pangkasarian bilang bunga ng tradisyon at iba pang salik na gawa ng

tao at hindi itinatakda ng bayolohiya, maaaring mawala ang hindi pantay na pagtingin sa

mga kasarian at makabuo tayo ng isang gender-fair na lipunan. Marahil ay panimulang

hakbang ang pag-unawa sa kahulugan ng mga batayang konseptong pangkasarian.

4|Pahina
KASARIAN AT SEKSUWALIDAD

Kadalasang ang diskriminasyong pangkasarian

ay nagmumula sa maling akalang may mga bagay

o gawaing panlalaki lamang o pamababae lamang.

Halimbawa, dahil iniuugnay natin sa kababaihan

ang pag-aalaga ng bata at iba pang gawaing bahay,

nabuo ang imahe ng kababaihan na sa bahay

nananatili kung magpakasal na at hindi na siya

inaasahang magtrabaho at ipraktis ang kaniyang napag-aralan o kasanayan. Nakagisnan

na rin nating ang kalalakihan ay matapang kung kaya’t sa tuwing nakakakita tayo ng

lalaking umiiyak, tinatawag natin siyang bakla.

Ang pagkakahon sa mga indibidwal sa mga

partikular na katangian na hindi naman batay sa

biyolohiya ay humahantong sa pagkakaroon ng

ideolohiyang pangkasarian na naging batayan ng diskriminasyong pangkasarian. Dahil

dito, mahalagang maunawaan muna natin ang mga batayang konseptong may kinalaman

sa kasarian upang mas maunawaan natin ang mga isyung pangkasarian.

SEKS (Sex) KASARIAN (Gender)

Tumutukoy sa biyolohikal na batayan Tumutukoy sa distinksiyong sosyolohikal o


kultural

5|Pahina
SEKSUWALIDAD

Ang seksuwalidad (sexuality) ay tumutukoy sa interes

at atraksiyong seksuwal sa ibang tao, kasama ang kapasidad

na magkaroon ng erotikong karanasan at tugon. Kadalasang

ito ay hinuhubog ng oryentasyong seksuwal (sexual

orientation) ng isang tao na may kinalaman sa atraksiyong seksuwal at emosyonal sa

mga partikular na seks o kasarian. Maaaring maranasan ang seksuwalidad sa iba’t ibang

paraan tulad ng kaisipan, pantasya, paghahangad, paniniwala, pakikitungo, halagahin,

praktis, papel, at relasyon.

GENDER IDENTITY

Ang gender identity o pagkakakilanlang pangkasarian ay tumutukoy naman sa

pagtingin ng isang indibidwal sa kaniyang sarili bilang kasapi ng isang partikular na

kasarian. Ilan sa mga uri ng gender identity ang sumusunod:

IBA’T IBANG URI NG GENDER IDENTITY


GENDER IDENTITY PAGLALARAWAN
Lesbian Babaeng ang gusting kapareha ay kapwa babae.
Gay Lalaking ang gusting kapareha ay kapwa lalaki.
Bisexual Indibidwal na ang gustong kapareha ay parehong babae
at lalaki.

6|Pahina
Transgender Indibidwal na iba ang gender identity sa taglay na seks.
Transexual Indibidwal na sumailalim ng sex transplant sa gender
identity na nais nito.
Queer Indibidwal na hindi sumasang-ayong mapasailalim sa
anomang kategoryang pangkasarian subalit maaaring ang
pagkakakilanlan ay wala sa mga kategoryang lalaki o
babae o kombinasyon ng mga ito.
Asexual Indibidwal na hindi nakakaramdam ng anomang
atraksiyong seksuwal sa kahit na kanino.
Cisgender Indibidwal na ang gender identity ay tugma sa kaniyang
seks.
Intersex Indibidwal na may parehong ari ng lalaki at babae.
Questioning Indibidwal na hindi pa segurado sa kanyang gender
identity o sexual orientation.
Agender Indibidwal na walang koneksiyon sa kaniyang sariling
kasarian o nabubuhay ng walang kasarian.
Gender Fluid Pakiramdam ng indibidwal na hindi lamang isang
kasarian ang kanyang taglay.
Pansexual Indibidwal na nakakaranas ng atraksiyong seksuwal sa
lahat ng uri ng gender identity.

MGA GENDER ROLE

Ang mga gender role ay tumutukoy sa mga gawaing iniuugnay sa babae at lalaki

batay sa nakagisnan natin sa lipunan. Halimbawa, ang pagluluto ay iniuugnay natin sa


7|Pahina
babae habang ang pagmamaneho ay inuugnay natin sa lalaki. Subalit ang parehong

gawain ay maaaring gawain ng babae o lalaki, depende sa kaniyang hilig at kakayahan.

Gayundin, may mga propesyong iniuugnay natin sa babae at lalaki (tulad ng nursing sa

babae at engineering sa lalaki) subalit sa katunayan, parehong maaaring pasukin ng

babae at lalaki. Wala itong biyolohikal na batayan at sa halip ay bunga lamang ng

tradisyong nakagisnan sa lipunan.

MGA SEX ROLE

Ang mga sex role ay mga gawaing babae o lalaki

lamang ang maaaring gumawa batay sa kanilang

biyolohikal o pisyolohikal na katangian. Halimbawa,

ang pagreregla, pagbubuntis, panganganak, at

pagpapasuso ay mga sex role na pambabae lamang.

Mahalagang maunawaan na magkaiba ang mga sex role at mga gender role dahil ang

una ay mga gawaing maaari lamang gawin ng isang partikular na kasarian batay sa

kaniyang biyolohiya, samantalang ang huli ay mga gawaing maaaring gawin ng babae at

lalaki. Kadalasan ang diskriminasyong pangkasarian ay nagmumula sa persepsiyong

ang mga gender role ay kapreho lamang ng mga sex role kung kaya’t nagkakaroon ng

limitasyon ang mga indibidwal kung ano ang maaari nilang gawin na katanggap-

tanggap sa lipunan batay sa kanilang seks.

GENDER IDEOLOGY

8|Pahina
Ang gender ideology o ideolohiyang

pangkasarian ay tumutukoy sa kalipunan ng

mga paniniwala at pakikitungo hinggil sa

angkop na papel ng kababaihan at

kalalakihan sa lipunan. Halimbawa ng gender

ideology ang paniniwalang ang lalaki ang kailangang magtrabaho habang ang babae ang

kailangang manatili sa bahay upang mag-alaga ng mga anak. Kadalasan ang gender

ideology ang siyang pinagmulan ng diskriminasyong pangkasarian sa lipunan dahil

nagtataguyod ito ng angkop na papel para sa kalalakihan at kababaihan, at sinomang

tumaliwas sa papel na ito ay itinuturing na hindi tumutupad sa kaniyang “nakatakdang”

papel sa lipunan.

MGA SALIK NA HUMUHUBOG SA GENDER IDEOLOGY

Kung gender ideology ang pangunahing

pinagmumulan ng diskriminasyong pangkasarian,

mahalagang matukoy natin kung ano ang mga salik

na nagbibigay-daan sa pagkabuo ng gender

ideology ng isang indibidwal o isang lipunan. Makatutulong ito upang mapagtuonan ng

pansin ang sumusunod na salik nang sa gayon ay maitaguyod ang pantay na pagtingin

sa mga kasarian sa lipunan at maiwasan ang sexism. Pangunahin sa mga salik na ito ang

pamilya, edukasyon, relihiyon, media, at mga kaibigan.

9|Pahina
Pamilya. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamilya sa paghubog ng ating

kamalayang pangkasarian. Dahil pamilya ang unang institusyong ating kinamulatan,

kung ano ang makita natin dito ang siyang nagiging batayan ng ating paniniwala sa

kung ano ang nararapat na papel ng kalakihan at kababaihan. Halimbawa, kung sa ating

pamilya ay malinaw ang hatian ng gender role kung saan ang ama ang

naghahanapbuhay, nagkukumpuni ng mga sirang tubo o bubong, nagmamaneho ng

sasakyan, habang ang ina ang nag-aalaga sa mga anak, nagluluto, naglilinis ng bahay,

naglalaba, namamalantsa, tumutulong sa takdang aralin ng anak, nag-aasikaso sa asawa,

naghuhugas ng pinagkainan, maaaring ito ang maging batayan n gating pananaw hinggil

sa mga gender role ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan.

Edukasyon. Sa pagtuntong sa paaralan,

nakakikita rin tayo ng batayan sa magkakaibang

gawain ng lalaki at babae. Sa bilang ng guro

halimbawa, mapapansing mas maraming gurong

babae kaysa sa lalaki, at ang obserbasyong ito ay

maaaring magpaunlad ng kaisipang ang pagtuturo ay isang pambabaeng gawain. Sa

asignaturang Technology and Livelihood Education (TLE), kung ang paaralan ay may

magkahiwalay na asignatura para sa kalalakihan at kababaihan kung saan ang

kalalakihan ay kadalasang tinuturuan ng industrial arts habang ang kababaihan ay

tinuturuan ng home economics, maaaring magkaroon tayo ng ideya na may mga

gawaing maaari lamang gampanan ng mga partikular na kasarian, na maaaring

humantong sa pagtatakda ng limitasyon sa sariling hilig at kakayahan.

Relihiyon. Mahalaga rin ang papel ng

relihiyon sa paghubog ng kamalayang

pangkasarian, kung kaya’t mahalagang suriin kung

10 | P a h i n a
ano ang katayuan ng kababaihan at iba pang kasarian sa iba’t-ibang relihiyon.

Mahalagang pansinin ang mga gawaing panrelihiyon na nagpapahiwatig kung paano

tinitingnan ang kababaihan sa lipunan. Halimbawa, ang pagtatakip ng katawan at buhok

ng kababihang Muslim; ang pagtalon ng biyuda sa funeral pyre ng asawang namatay sa

tradisyonal na Hinduismo; ang pagbabawal sa kababaihang maging pari at humawak ng

pinakamataas na posisyon sa Katolisismo; at ang paniniwalang ang babae ay kailangan

mabuhay muli bilang lalaki (sa pamamagitan ng reinkarnasyon) sa ilang sekta ng

Buddhismo.

Media. Sa kasalukuyang panahon kung

saan maagang nalalantad ang mga bata sa

media, lalo na sa mass media at social media,

malaki ang nagiging impluwensiya ng nakikita

nila sa media sa kanilang kamalayang

pangkasarian. Sa telebisyon, kung napapanood nila halimbawa sa mga teleserye ang

mga babae bilang mahina at laging inaapi habang ang mga lalaki ang malakas at

tagapagtanggol ng kababaihan, mabubuo sa kanilang isipan ang ganitong

karakterisasyon ng babae at lalaki sa tunay na buhay. Sa mga patalastas sa telebisyon,

kung ang mapapanood nila ay magaganda at seksing babae ang tagaendorso ng mga

produkto katulad ng gulong ng sasakyan, pintura o bolpen (mga bagay na walang

kinalaman sa kanilang pagiging babae), maaaring mabuo sa isipan ng mga bata na ang

kababaihan ay pandekorasyon lamang upang mabili ang mga produkto. Sa social media,

kung ang mababasa, makikita, o mapapanood nila ay mga pangungusap, larawan, o mga

video clip na nagpapahiwatig na ang mga babae ay mas mahina o mas mababa ang

katayuan kaysa sa mga lalaki, gayon din ang mabubuo sa kanilang isipan.

11 | P a h i n a
Kaibigan. Bukod sa pamilya, ang mga kaibigan ang madalas na makasama ng

kabataan. Kung gayon, malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga kaibigan sa

paghubog ng kamalayang pangkasarian ng isang indibidwal. Halimbawa, may mga

grupo ng magkakaibigang lalaki kung saan may mga bagay na hindi maaaring gawin,

kung hindi ay tatawagin kang bakla at hindi tatanggapin sa grupo. Halimbawa, hindi

dapat umiyak, hindi dapat gumamit ng bagay na kulay pink. May mga grupo naman ng

magkakaibigang babae kung saan kailangang kasapi ay mahilig gumamit ng make-up,

pagsasayaw lamang ang kailangang salihang aktibidad, o dapat mahaba ang buhok.

Kabilang ang ganitong mga tuntunin sa mga nagiging batayan ng kung ano ang mga

katangiang dapat taglayin ng lalaki at babae.

MGA GENDER ROLE SA LIPUNANG PILIPINO: NOON AT NGAYON

Upang mas maunawaan ang kaugnayan ng seksuwalidad sa kaayusang panlipunan,

mahalagang maunawaan ang mga gender role na ginagampanan ng mga katutubo sa

iba’t ibang yugto ng kasaysayan. Kung babalikan ang sinaunang panahon, masasabing

ang pamumunong politikal ay hawak ng kalalakihan bilang mga datu, raha, o sultan.

Samantala, ang pamumunong espiritwal naman ay hawak ng kababaihan bilang mga

babaylan (sa Kabisayaan) o katalonan (sa Katagalugan). Magkaibang larangan ang

politika at relihiyon subalit magkaugnay at parehong mahalaga sa lipunan, kung kaya’t

12 | P a h i n a
masasabing parehong pinapahalagahan ang kababaihan at kalalakihan sa lipunan.

Samantala, kung may mga lalaking gusting maging babaylan, pinapayagan naman sila

matapos dumaan sa mga pagsubok. Tinatawag silang bayog, o lalaking babaylan.

Kinakailangang magmistulang babae upang magampanan ang prestihiyosong gawaing

ito, at ayon sa mga salaysay, sila ay nag-aasawa ng kapwa lalaki.

Nagsimulang bumaba ang katayuan ng kababaihan

at iba pang kasarian sa lipunan sa simula ng

kolonyalismong Espanyol. Naging ekstensiyon ang

Pilipinas ng patriyarkal na lipunang pinaggalingan ng

mga Espanyol, na pinagtibay pang lalo ng mga katuruan ng Simbahan na naglagay sa

kababaihan sa mababang posisyon sa lipunan. Gayon din, itinuturing na kasalanan ang

pakikipagpareha sa kaparehong kasarian sa Bibliya diumano ay babae at lalaki lamang

ang nilikha ng Diyos. Nagpatuloy ang ganitong kaayusan sa panahon ng

kolonyalismong Amerikano, subalit nagkaroon ng kaunting pagbabago sa kaso ng

kababaihang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral at magkaroon ng karapatang

politikal. Sa panahon ng okupasyong Hapones, dumanas ng matinding dagok ang mga

kababaihang hinalay ng mga sundalong Hapones.

GENDER BIAS AT DISKRIMINASYON

13 | P a h i n a
DISCRIMINATION
(negative action)

STEREOTYPE
(negative opinion)

PREJUDICE
(negative feeling)

o Gender Bias
– isang uri ng diskriminasyon; hindi pantay na
pagturing sa iba’t ibang kasarian

Manipestasyon ng Gender Bias:

1. Multiple burden – patong-patong na gawain na pasanpasan ng kababaihan.


2. Stereotyping – pagkakahon ng
isang kasarian sa isang takdang katangian,
kakayahan, at tungkulin na nilikha lamang ng
lipunan.
3. Diskriminasyon – hindi pantay na
pagtingin at pagturing sa tao dahil lamang sa
kanilang uri, edad, lahi, etnisidad, at kasarian.

o Senate Bill 1271 o Anti-


Discrimination Act

14 | P a h i n a
– nilalayon nito na protektahan ang mga indibidwal na kinikilala ang sarili
bilang LGBTQI laban sa diskriminasyon base sa kanilang kasarian.

Iba’t Ibang Uri ng Diskriminasyon sa Kasarian:

1. Pambu-bully – isang anyo ng pagkondena mula sa isang tao upang mapasunod ang isa
pa sa nais niyang ipagawa.
2. Diskriminasyon sa Trabaho – hindi pagbibigay
ng pantay na pagtingin at oportunidad sa kanila sa
trabaho.

3. Diskriminasyon sa Politika – si Gerladine


Roman, ang kauna-unahang transgender na
miyembro ng kongreso sa ating bansa.

Karahasan sa Kababaihan at LGBTQ:

1. Seksuwal na panliligalig (sexual harassment)


“Incest” – tawag sa isang kaso ng panliligalig kung saan ang gumawa ng aksiyon ay
kadugo ng biktima.
Mga Halimbawa:
a. Panghihipo – paghawak sa bahagi ng katawan ng menor de edad o kababaihan o
LGBTQ na may layuning seksuwal.
b. Nakakabastos na tingin – nagbibigay ng “discomfort” sa tao.
c. Paggamit ng mga seksuwal na salita.
2. Rape (panggagahasa) – isang akto ng imposisyon ng kapangyarihan sa isang tao.

15 | P a h i n a
3. Prostitusyon – karahasan ito dahil napipilitan silang gamitin ang kanilang katawan
para lamang kumita.
4. Pananakit – pambubugbog sa mga babaeng asawa o battered wife kung tawagin.
5. Hate Crime sa LGBTQ – tawag sa karahasan
sa LGBTQ; halimbawa rito ay si Angie Zapata
na naging biktima nito dahil sa pagiging isang
transwoman.

KATAYUAN NG IBA’T IBANG KASARIAN SA IBA’T IBANG BANSA

Bagama’t masasabing malayo na ang

narating ng kababaihan sa kanilang

pakikibaka para sa pantay na karapatan sa

iba’t ibang bahagi ng daigdig, hindi pa

rin ganap na nawawala ang

diskriminasyon at opresyong pangkasarian sa lipunan. Halimbawa, may mga bansa pa

rin sa kanlurang Asya kung saan pinarurusahan ng pagbato hanggang mamatay ang

kababaihang napatunayang nagkasala ng pakikiapid habang ang kalalakihan ay

pinapayagang mag-asawa nang higit sa isa. May mga bansa rin sa rehiyon kung saan

ipinagbabawal pa rin ang pagmamaneho ng babae. Samantala, nakaboto lamang sa

unang pagkakataon ang kababaihan sa Saudi Arabia noong 2015.

Sa kaso ng LGBT, magkakaiba rin

ang pagtanggap sa kanila sa iba’t ibang

bahagi ng daigdig. Sa sarbey na

isinagawa ng Pew Research Center

noong 2013 tungkol sa pagtanggap sa

homoseksuwalidad o pakikipagpareha sa parehong kasarian, lumitaw na mas tanggap

16 | P a h i n a
ang homoseksuwalidad sa North America, European Union, at karamihan sa mga bansa

sa Latin America. Laganap naman ang hindi pagtanggap dito sa mga bansang Muslim at

sa Africa, gayon din sa ilang bahagi ng Russia at Asya. Lumabas din sa sarbey na

mataas ang porsiyento ng hindi pagtanggap sa homoseksuwalidad sa mga bansang

mataas ang antas ng pagiging relihiyoso. Mas marami ring babae kaysa lalaki ang

tumatanggap sa homoseksuwalidad, at mas maraming bata kaysa lalaki ang

tumatanggap sa homoseksuwalidad, at mas maraming bata kaysa sa matanda ang may

positibong pagtingin dito. Sa nasabing sarbey, lumabas na 73% ng sinarbey nila sa

Pilipinas ay tanggap ang LGBT.

Samantala, ayon naman sa The Guardian, may anim na bansa sa daigdig kung saan

itinuturing na malayo na ang narating ng kampanya para sa karapatan ng LGBT. Ito ang

sumusunod:

1. Colombia – kung saan pinahihintulutan ang same-sex marriage at tinggal ang

restriksiyon ng mga same-sex couple sa pag-aampon;

2. Jamaica – kung saan sinusugan ang anti-sodomy law;

3. Mozambique – kung saan hindi itinuturing na krimen ang homoseksuwalidad;

17 | P a h i n a
4. Nepal – noong 2005 ay kasama sa iilang bansa na naglagay ng pangatlong

kasarian (o para sa indeterminate gender) sa pasaporte;

5. Taiwan – kung saan maaari nang ipatala ng mga same-sex couple ang kanilang

pagiging magkapareha sa mga lokal na household registration office sa Taipei;

at

6. Vietnam – kung saan pinapayagan ang same-sex marriage.

Gayon pa man, may mga bansa pa rin

kung saan matindi ang

diskriminasyon at opresyon sa

LGBT. May mga bansa kung saan

itinuturing na krimen ang

homoseksuwalidad at ilan dito ay nagpapataw ng parusang kamatayan sa mga

homoseksuwal. Kabilang dito ang Saudi Arabia, Yemen, Iran, Sudan, at Mauritania.

Pagkakulong naman ang parusa sa mga homoseksuwal sa India, Egypt, Papua New

Guinea, at Algeria, habang may batas laban sa pagpapahayag ng homoseksuwalidad sa

Russia.

TUGON SA MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN

Stonewall Riot/Kilusang LGBTQ

Taong 1960’s, naging kalakaran

at normal noon ang palagiang

pag-raid ng mga pulis sa mga

bar na madalas pinupuntahan

18 | P a h i n a
ng mga LGBTQ.

Madalas hinuhuli ang mga bakla na nagdadamit babae at mga tomboy na

nagdadamit lalaki. Gayon rin ay hinuhuli ang mga nasa aktong

romantiko.

Nagpatuloy ito hanggang sa

dumating ang rebelyon sa

Stonewall Inn sa Greenwich, New

York City noong Hunyo 28,

1969.

Umabot sa 600 katao ang nagtipon laban sa iilang kapulisan.

Ito ang naitalang kauna-unahang paglaban ng mga LGBTQ para sa

kanilang karapatan.

Tuwing Hunyo ay

pinagdidiwang ang anibersaryo

ng Stonewall Riot at tinawag

itong Gay Pride March.

GABRIELA

General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,

Equality, Leadership, and Action


19 | P a h i n a
Nananawagan sila ng pantay na karapatan na kapareho ng sa

kalalakihan.

Nananawagan sila ng pagbabagong panlipunan (partisipasyon ng

kababaihan sa politika, ekonomiya, lipunan, at kultura).

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

Isang mahalagang isyung may kinalaman sa kababaihan ang reproductive health o

kalusugang reproduktibo. Ito ay dahil itinuturing pa ring mataas ang maternal

mortality ration (MMR) sa Pilipinas sa kabila ng universal health care program na

ipinatutupad ng pamahalaan. Noong 2013, tinatayang 13 babae ang namamatay araw-

araw dahil sa komplikasyon sa panganganak. Dahil dito, itinakdang mapababa ang

maternal mortality ratio (MMR) sa bilang na 54 sa taong 2015 bilang bahagi ng

Millenium Development Goals (MDG). Ayon sa World Health Organization (WHO),

nakaaalarma ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kababaihang namamatay sa

20 | P a h i n a
panganganak sa Pilipinas kung ihahambing sa mga kalapit-bansa nito sa Timog-

silangang Asya na kahit papaano ay napababa na ang MMR bilang pagtupad sa MDG.

MAHALAGANG PROBISYON NG REPRODUCTIVE HEALTH LAW

Upang maiwasan ang insidente ng

pagkamatay ng kababaihan sa

panganganak, gayon din upang

mapangalagaan ang kalusugan ng babae

lalo na sa panahon ng pagbubuntis at

panganganak, kinakailangang mapagtuonan ng pansin ang kalusugang maternal. Ang

pagtataguyod ng reproductive health ay mabisang paraan upang maisakatuparan ito.

Ayon sa pakahulugan ng United Nations sa International Conference on Population and

Development noong 1994, ang reproductive health ay isang estado ng ganap na

pisikal, mental, at panlipunang kagalingan sa lahat ng usaping may kinalaman sa

sistemang reproduktibo. Nangangahulugan itong ang mga indibidwal ay may

pagkakataong magkaroon ng ligtas at kasiya-siyang pakikipagtalik, kapasidad na

magka-anak, at kalayaang magdesisyon kung kailan at gaano kadalas isagawa ito.

21 | P a h i n a
Binuod ng “A Primer on the

Reproductive Health Law” ng PLCPD

ang mga pangunahing probisyon ng

Reproductive Health Law (RH Law)

na naisabatas noong 2012 sa

sumusunod na probisyon: (1) access sa mga serbisyo sa kalusugang reproduktibo at

pagpaplano ng pamilya, na isinasaalang-alang ang informed choice ng mga indibidwal

at mga magkapareha na tatanggap ng mga serbisyong ito; (2) mga serbisyong maternal

at pangangalagang pangkalusugan, kasama ang skilled birth attendance at facility-based

delivery; (3) RH at edukasyong seksuwal para sa kabataan; at (4) regular na pondo para

sa ganap na implementasyon ng batas.

PAKIKIBAKA PARA SA REPRODUCTIVE HEALTH LAW SA PILIPINAS

Mula 1998 ay nagsimula na

ang pangangampanya ng mga

tagapagtaguyod ng karapatang

pangkababaihan upang

magkaroon ng batas na

magtataguyod sa kalusugang

reproduktibo ng kababaihan. Subalit dahil sa matinding oposisyon ng Simabahang

Katoliko gayundin ng mga mambabatas na sumang-ayon sa paniniwalan ng Simabahang

Katoliko hinggil sa usaping reproduktibo, noon lamang 2012 naaprubahan ang

Republic Act 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of

2012. Sa pangkalahatan, ang nasabing batas ay inaasahang magpapatupad ng mga

pamamaraan upang makatulong ang pamahalaan sa pagpaplano ng pamilya sa

pinakamabisa at ligtas na paraan. Kabilang dito ang pamamahagi ng wastong kaalaman

at paglalaan ng pondo para sa libreng kontrasepsiyon para sa mahihirap na mag-asawa.

22 | P a h i n a
MGA PANANAW HINGGIL SA REPRODUCTIVE HEALTH LAW

Para sa mga nagsulong at sumusuporta sa

RH Law, makatutulong ang pagkakaroon ng

batas para pangalagaan ang kalusugang

reproduktibo dahil mabibiyayaan nito hindi

lamang ang kababaihan sa pamamagitan ng

mas mababang insidente ng pagkamatay ng

kababaihan dulot ng kumplikasyon sa panganganak. Ang kaakibatnitong edukasyong

seksuwal ay makatutulong naman upang sa wastong edad ay mamulat na ang kabataan

hinggil sa mahahalagang bagay na may kinalaman sa pagbubuntis. Dahil hindi na sila

aasa lamang sa mga naririnig sa iba na wala namang siyentipikong batayan, maiiwasan

ang maaga at hindi planadong pagbubuntis. Makatutulong din ang edukasyong seksuwal

upang mabawasan ang kaso ng aborsiyon o pagpapalaglag, na isa rin sa dahilan ng

maternal death sa Pilipinas. Sa pamamagitan din ng pagkakaroon ng libreng access sa

mga kontraseptibo, magkakaroon ng pagkakataon ang mag-asawa na makapamili kung

ano ang pamamaraang maaari nilang gamitin sa pagpaplano ng pamilya. At dahil may

batas, matitiyak ang implementasyon nito dahil may nakatakdang kaparusahan sa mga

institusyong mapatunayang hindi sumusunod sa mga porbisyon ng batas.

Sa kabilang banda, mahigpit

naman ang pagtutol ng Simbahang

Katoliko sa RH Law sapagkat

taliwas diumano ito sa katuruan ng

Simbahan hinggil sa layunin ng

pakikipagtalik. Para sa Simbahan,

ang pagtalik ay dapat lamang isagawa kung layunin ng mag-asawang magkaroon ng

anak. Ang paggamit diumano ng kontrasepsiyon ay nagkakaroon ng pagkakataon ang

mag-asawa na magtalik para lamang sa kaligayahang seksuwal at hindi para sa layuning

magkaanak. Iginiit din ng Simbahan na ang paggamit ng kontrasepsiyon ay para na ring

23 | P a h i n a
pagpatay sa sanggol, o pagpapalaglag, isang bagay na mahigpit ding tinututulan ng

Simabahan. Hindi rin sang-ayon ang Simbahan sa pagkakaroon ng edukasyong

seksuwal sa mga paaralan at sa pagpataw ng parusa sa mga institusyong hindi susunod

sa batas.

PAGBUBUOD
 Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng seks,
kasarian, at seksuwalidad bilang panimulang hakbang
tungo sa pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
sa lipunan.

 Pangunahing salik sa pagkabuo ng gender ideology, na


nagiging batayan ng diskriminasyon laban sa mga
kababaihan at LGBT, ang pamilya, paaralan, relihiyon,
media, at mga kaibigan.

 Sa Pilipinas, may pagpapahalaga sa lahat ng kasarian sa


sinaunang panahon, subalit dahil sa kolonyalismong
Espanyol at pamamayani ng Simbahang Katoliko, unti-
unting bumaba ang katayuan ng kababaihan at iba pang
kasarian sa lipunan.

 May iba’t ibang katayuan ang LGBT sa iba’t ibang panig


ng daigdig, at habang may mga bansa kung saan
lumalawak na ang pagtanggap sa kanila, may mga bansa
pa ring itinuturing na krimen ang homoseksuwalidad.

 Ang RH Law na naisabatas noong 2012 ay inaasahang


magtaguyod ng kalusugang reproduktibo ng kababaihan
at magbigay-daan upang mabawasan ang bilang ng mga 24 | P a h i n a
babaeng namamatay dahil sa panganganak at
pagpapalaglag.
PAGSASANAY
A. Panuto: Isulat ang tinutukoy ng sumusunod.

_______________1. Biyolohikal na batayan ng pagiging babae at lalaki.


_______________2. Sosyo-kultural na batayan ng pagiging babae at lalaki.
________________3. Interes at atraksiyong seksuwal sa ibang tao, kasama ang kapasidad
na magkaroon ng erotikong karanasan at tugon.
________________4. Mga gawaing iniuugnay sa babae at lalaki batay sa nakagisnan
natin sa lipunan.
________________5. Mga gawaing babae o lalaki lamang ang maaaring gumawa batay
sa kanilang biyolohikal o pisyolohikal na katangian.
________________6. Kalipunan ng mga paniniwala at pakikitungo hinggil sa angkop na
papel ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan.
_______________7. Hindi matuwid na palagay, diskriminasyon, pagkiling laban sa isang
ksarian, kadalasan ay kababaihan.
_______________8. Mga babaeng nagsilbing pinunong espirituwal sa sinaunang
lipunang Pilipino.
________________9. Batas na nagtatakda sa mga partikular na gawaing seksuwal bilang
krimen.
_______________10. Isang estado ng ganap na pisikal, mental, at panlipunang
kagalingan sa lahat ng usaping may kinalaman sa sistemang
reproduktibo.

B. Panuto: Hanapin ang kapareha ng mga deskripsiyon sa Hanay A mula sa mga sagot sa
Hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

SAGOT HANAY A HANAY B

25 | P a h i n a
1. Babaeng ang nais na kapareha ay kapwa
babae.
2. Lalaking ang nais na kapareha ay kapwa A. Bisexual
lalaki.
3. Indibidwal na tugma ang pagkakakilanlang B. Lesbian
pangkasarian sa kaniyang seks.
4. Indibidwal na hindi tugma ang C. Gay
pagkakakilanlang pangkasarian sa kaniyang
seks. D. Cisgender
5. Indibidwal na nakakaranas ng atraksiyong
seksuwal sa lahat ng uri ng gender identity. E. Transgender
6. Indibidwal na gusting kapareha ang
parehong babae at lalaki. F. Intersex
7. Indibidwal na hindi nakakaramdam ng
anomang atraksiyong seksuwal sa kahit na G. Asexual
kanino.
8. Indibidwal na kinukwestiyon ang mga H. Queer
kategoryang pangkasarian.
9. Indibidwal na may parehong seks ng babae I. Pansexual
at lalaki.
10. Indibidwal na walang koneksiyon sa J. Agender
kaniyang sariling kasarian o nabubuhay ng
walang kasarian.

C. Panuto: Bilang ang pamilya ang unang institusyon na ating kinamulatan at sila rin ang
isa sa mga salik na humuhubog sa gender ideology at iba pang sensitibong usapin,
gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga isyu na kinakaharap natin sa
kontemporaryong panahon sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa iyong mga
magulang kung ano ang masasabi o opinyon nila tungkol rito, at base na rin sa kanilang
karanasan.

Mga Posibleng Tanong:


o Tatanggapin niyo po ba kapag nagkaroon kayo ng isang anak na bakla o tomboy?
o Desisyon niyo po ba bilang mag-asawa na si nanay ay mananatili sa bahay at
bantayan kami at si tatay naman ay maghahanapbuhay para sa pamilya?
o Napag-usapan niyo po ba bilang mag-asawa ang pagkakaroon ng family planning
bago po kayo bumuo ng isang pamilya gaya natin?

26 | P a h i n a
D. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng seks, kasarian, at seksuwalidad?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Paano mo ilalarawan ang iba’t ibang katayuan ng LGBT sa iba’t ibang rehiyon sa
daigdig?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bakit pamilya ang may pinakamalakas na impluwensiya sa ating gender ideology?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

27 | P a h i n a
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Paano makatutulong ang RH Law sa pagsusulong ng karapatan at pangangalaga sa


buhay ng kababaihan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN:
1. Abejo, Jose, Navarro, Ong, Villan (2017). Mga Kontemporaryong

Isyu (Edisyon 10). Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc.

2. Mercado, Hernandez (2017). Mga Kontemporaryong Isyu

(Edisyon 2017). Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc.

28 | P a h i n a

You might also like