You are on page 1of 12

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan Nakilala si Malala

Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng
Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga
batang babae sa edukasyon sa Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa
buhay ni Malala. Bumuhos ang tulo pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang
ulo. Sino nga ba si Malala? Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa
hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan. Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat
Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga
Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga babae, nasa
mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae
sa pag-aaral. Sa mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap na makapag-aral.
Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang
impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon.
Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging
hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Ang pagbaril
kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Matapos niyang maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala at pangaral ang kanyang natanggap ngunit hindi
niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng
daigdig. Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na magkapagbigay ng
libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon. Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan ng
malaking pondo para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama
ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para
sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni
Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa
pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong sibil
at non-government organizations o NGOs gaya ng United Nations at iba pa.
\
Unang artikulo.Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa
Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay

Geography and Public Planning:


Albay and Disaster Risk Management
Agnes Espinas
Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon sa mga
kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana ng
simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang isang barangay na
magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang uri ng kalamidad. Ang iba ay
umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon ng kaalaman sa estado ng kalamidad.
Walang sinusunod na sistema o programa ang pagbangon mula sa isang kalamidad. Karaniwan,
nasa pansariling desisyon ng isang komunidad ang mga paraan kung paano maiiwasan ang
malawakang pagkasirang dulot ng isang kalamidad. Nasa kanilang pagpapasya kung kailan dapat
lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang pagtungo sa mga evacuation centers, na karaniwang mga
pampublikong paaralan, ang paraan upang magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad
ng pagkain, damit, at gamot. Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin ang mga
lokal na opisyal upang masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan subalit, walang sinusunod
na protocol at nakahandang plano sa pagharap sakaling magkaroon ng kalamidad sa kanilang
lugar.

Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay tinatawag na “after-
the-fact-disaster response”.(Romero, 2008:6) Ang paraan ng pamahalaang pamprobinsya,
mahahalagang ahensya ng lokal na pamahalaan, at iba pang institusyon ay pagtugon at reaksiyon
lamang sa mga naganap na kalamidad. Gayundin naman, hindi nagkakaroon ng pangmatagalang
paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang kaligtasan ng mga
naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng relief assistance sa panahon ng kalamidad.

Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagharap sa kalamidad ay
maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang pangangailangan at hindi bahagi ng regular na
tungkulin ng nasabing ahensya ng pamahalaan. Ang mga disaster control group ay nabuo lamang
dahil sa pagkakaroon ng isang kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga gawain ng
disaster control group ay ang pagbibigay ng mga early warning signal, paglikas ng mga apektadong
pamilya, pamimigay ng mga relief goods, at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng
paghahanda sa kalamidad, nagkakaroon ng mga pagsasanay at drill subalit hindi ito regular na
nagaganap. Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang mga gawain sa rehabilitasyon ng mga
nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad.

Taong 1989, sa tulong ng gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng Albay ang pagkakaroon ng
community-based disaster preparedness upang mabawasan ang malawakang pagkawala ng buhay
at pagkasira ng ari-ariang dulot ng mga kalamidad sa kanilang lalawigan

You might also like