You are on page 1of 4

Paksa: Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)

Paglalarawan:

 Kilala bilang International Bill for Women, The Women’s Convention o ang United Nations
Treaty for the Rights of Women
 Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa
aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
 Inaprubahan ng United Nations General Assembly noong December 18, 1979 noong UN Decade
for Women (United Nations Decade for Women was a period from 1975 to 1985 focused on
the policies and issues that impact women)
 Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980 at niratipika (naging valid, naging
official) ito noong Agosto 5, 1981.
 ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika
kasunod sa Convention on the Rights of the Child
 189 state parties ratified

 2020-1981- 39 taon na mula nung unang ipinatupad ang kasunduan (Set. 3, 1981) ngunit
kakaunti pa lamang ang nakakaalam rito.
Mahalagang Punto 1:
Layunin n ng CEDAW na itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
Pansuportang Detalye:

 Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
 Inaatasan ang mga estado na gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa
mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Mahalagang Punto 2:

 May mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaring
bawiin. May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan
ng kababaihan.
Pansuportang Detalye:

 ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;


 Ipatupad ang lahat ng patakaran (Expanded Maternity Leave Law), para wakasan ang
diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan karapatan;
 Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at
karampatang aksiyon;at
 Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang
para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Mahalagang Punto 4:
Kinikilala ng CEDAW ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae,
at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre (customs) at mga
gawi na nagdidiskrimina sa babae.
Pansuportang Detalye:

 Foot Binding sa China


 Female Genital Mutilation sa Africa
 Child Marriages (risk and poverty)
 Forced Marriages (not arrange marriage)
Konklusyon:

 Ang CEDAW ay napakahalagang hakbang upang mawakasan ang ibat-ibang uri ng


diskriminasyon na nararanasan ng mga kababaihan sa ibat-ibang bahagi ng mundo upang
makamit ang pagkakapantay-pantay sa kabila ng kasarian.

HeforShe

1. Ayon kay Emma Watson, ano ang paunang palagay sa feminism at ano ang tunay na diwa
nito?
Sa una ang pagpapakahulugan niya sa feminism ay fighting for women’s rights has too often
become synonymous with man-hating ngunit habang siya ay patuloy na nagtataguyod sa
organisasyon napag-alaman niya na ang feminism ay pumapatungkol sa belief that men and
women should have equal rights and opportunities.

Ano ang pagkakaiba ng dalawa? Ipaliwanag.


Sa unang pagpapakahulugan, makikita natin ang bias na kung saan, ang akala ni Ms. Emma
Watson para maipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan, kinakailangan na kalabanin
natin ang kalalakihan. Ito ay mali. Sa ikalawang pagpapakahulugan, ang feminism ay hindi
lamang pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan kundi pantay na karapatan sa
pagitan ng babae at lalaki,
2. Sino ang mga itinuturing ni Emma Watson na inadvertent feminists?
Magulang at mga mentor niya

2. Ano- ano ang mga gender-based assumptions na naranasan ni Emma Watson noong kabataan niya?
Ikaw, may nahahawig ka bang karanasan tungkol sa gender- based assumptions?

When I was 8, I was confused for being called bossy because I wanted to direct the plays that we would
put on for our parents, but the boys were not. When at 14, I started to be sexualized by certain
elements of the media. When at 15, my girlfriends started dropping out of sports teams because they
didn’t want to appear muscly. When at 18, my male friends were unable to express their feelings.

3. Ano ang papel ng mga lalaki sa feminism ayon kay Emma Watson? Mahalaga ba ang kanilang
gampanin? Bakit?

Sila ang magiging susi upang mawakasan ang diskriminasyon sa kababaihan. Kailangan ang kanilang
pakikiisa upang kasabay ng pagbabago sa pagtingin sa mg kalalakihan ay ang pagbabago rin ng
pagtingin sa mga kababaihan.

We don’t often talk about men being imprisoned by gender stereotypes, but I can see that they are,
and that when they are free, things will change for women as a natural consequence. If men don’t have
to be aggressive in order to be accepted, women won’t feel compelled to be submissive. If men don’t
have to control, women won’t have to be controlled. Both men and women should feel free to be
sensitive. Both men and women should feel free to be strong. It is time that we all perceive gender on a
spectrum, instead of two sets of opposing ideals. If we stop defining each other by what we are not,
and start defining ourselves by who we are, we can all be freer, and this is what HeForShe is about. It’s
about freedom.

Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan at ang mga ito ang sunod nating
tatalakayin.

Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 (RA 9262)

ANO ITO?

isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng
lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag
dito.

SINO ANG PINOPROTEKSIYUNAN NG BATAS NA ITO?

kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa
kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at
babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng
babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga
anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol
ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
pangangalaga.

SINO-SINO ANG POSIBLENG MAGSAGAWA NG KRIMEN NG PANG-AABUSO AT PANANAKIT AT MAARING


KASUHAN NG BATAS NA ITO?

ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners
na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating
relationship” sa babae.

Bukod sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa ring batas na nagbibigay
proteksyon sa mga kababaihan

MAGNA CARTA FOR WOMEN (RA 9710)

Ano ito?

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang;

 alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
 Itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago
at pag-unlad

Sino ang saklaw ng Magna Carta for Women?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon,
relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity. kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan,
mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women (babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan), at Women in Especially Difficult Circumstances (babaeng nasa mapanganib na kalagayan o
masikip na katayuan)

Ano ang kabutihang dulot?

 Pagtamasa sa mga karapatang pantao ng mga kababaihan


 Mapaunlad ang husay at galing upang maging alagad ng pagbabago at pag-unlad

You might also like