You are on page 1of 15

KONSEPTO AT

KAHALAGAHAN
NG
PAGSUSULONG
NG KARAPATANG
PANTAO
HUMAN RIGHTS o KARAPATANG
PANATAO
Mga karapatang tinataglay ng isang tao
batay sa kadahilanan at katotohanang siya
ay tao.
Ito ay itinuturing na pinakamataas na anyo
ng karapatang moral.
Tinataglay ito ng lahat ng tao nang walang anumang
diskriminasyon sa lahi, kasarian, seksuwalidad, etnisidad, wika,
relihiyon, edad, katayuang sosyo-ekonomiko, at iba pang
katayuan o kinabibilangang sektor.
Pangunahing Katangian ng Human Rights batay sa
Universal Declartion of Human Rights (UDHR), 1948
na inilathala ng Civil Service India

• 1.INALIENABLE
Ang karapatang pantao ay tinataglay ng isang indibidwal
mula sa batayan ng kanyang pagiging tao anuman ang kanyang
katayuan, kalagayan, at kinabibilangang sekto ng lipunan.
Tinataglay ito ng isang indibidwal hanggang sa kanyang
kamatayan.
• 2.ESSENTIAL
Kinakailangan ang karapatang pantao upang
mapanatili ang moral, pisikal, sosyal, at espiritwal
na kabutihan ng bawat indibidwal. Mahalaga rin
ang karapatang pantao sapagkat nagbibigay ito ng
maayos at makatarungang kondisyon para sa
material at moral na kaunlaran ng tao.
• 3.HUMANE
Ang pagturing sa kapuwa nang may dignidad
anuman ang kanyang katayuan, kalagayan, at
kinabibilangang sektor sa lipunan ay
nangangahulugan ng pagiging makatao at
pagtataguyod at pagkilala sa dignidad ng kapuwa
bilang tao na nagtataglay ng karapatang pantao.
•4.IRREVOCABLE
Ang karapatang pantao ay hindi
maaaring ipagkait ng isang puwersa o
awtoridad dahil ang mga karapatang ito
ay nagmumula sa pagiging tao ng isang
indibidwal nakabilang sa lipunan.
• 5. UNIVERSAL
Ang karapatang pantao ay hindi dominasyon ng sinumang
indibidwal o pangkat ng tao.
Ito ay likas na pangkalhatan at walang anumang pagtatangi.
Angpagpapahalaga tulad ng dignidad at pagkakapantay-
pantay na batayan ng pagkakabuo ng karapatang ito ay taglay
ng bawat tao.
6. LIMITED
Ang karapatang pantao ay may limitasyonupang hindi
malabag ang karapatang panatao ng iba. Itinatakda ng batas
ang mga limitasyong iyo.
7. DYNAMIC
Patuloy na lumawak at dumarami ang karapatang pantao
sa paglipas ng panahon batay sa political, sosyal, at pang
ekonomikong pagbabago at kaunlaran ng estado.
•8. LIMITS TO STATE POWER
Itinatakda ang karapatang pantao upang
maiwasan ang anumang pang-aabuso ng
estado sa kapangyarihan lalong-lalo na sa
usapin ng pagtataguyod ng Karapatan at
Kalayaan ng mamamayan.
KAHALAGAHAN NG PAGTATAGUYOD
SA KARAPATANG PANTAO
1.Namumuhay ang mga mamamayan nang
may Kalayaan, seguridad, at kaligtasan.
2.Nagreresulta ito ng pag-iral ng
kapayapaan at katahimikan sa lipunan
sapagkat ang lahat ay kumikilala at
nangangalaga sa karapatang pantao.
3.Nagkakaroon ng Kalayaan at pantay na
pagkakataon ang lahat ng mamamayan
na paunlarin ang kanilang sarili sa iba’t
ibang aspekto at larangan na
magbubunga rin ng kaunlarang
Pambansa.
4.Nagbubunga ng katatagan at
kaunlarang panlipunan, pang-ekonomiya,
at pampolitika dahil sa mataas na tiwala
ng mamamayan at iba pang mga bansa sa
kakayahan ng pamahalaan at mga
institusyon nito.
GAWAIN

• Sipiin o kopyahin ang graphic organizer sa iyong


kwaderno/isang buong papel(kung walang notebook)
at punan ito ng impormasyon. Isulat sa gitnang bahagi
ang kahulugan ng karapatang pantao; isulat sa mga
bahaging bilog ang katangian ng karapatang pantao; at
magsulat sa mga speech balloon ng iyong sariling
pagsasalarawan sa bawat katangian. Sagutan ang
pamprosesong tanong.
KAHULUGAN NG KARAPATANG PANTAO Mga Katangian ng
________________________________
________________________________
Karapatang Pantao
Pamprosesong Tanong
1.Bakit mahalaga ang karapatang pantao?

2.Bakit nararapat na maisulong ang


karapatang pantao sa lahat ng mga
bansa?

You might also like