You are on page 1of 11

1

ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN


Pangalan: ___________________________________________________________
Pangkat:______________Guro:_________________________________________

Universal Declaration of Human Rights at


ang Bill of Rights

MELC/Kasanayan
Nasusuri ang kahalagahan ng Pagsulong at Pangangalaga sa Karapatang
Pantao sa Pagtugon sa mga Isyu at Hamong Panlipunan.

Inaasahan

Ang araling ito ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa mga dokumento


ng Universal Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights ng ating Saligang Batas
ng 1987. Matutunghayan mo rin ang kahalagahan ng mga ito sa ating buhay bilang
isang mabuting mamamayan ng isang lipunan.
Pagkatapos basahin at maunawaan ang modyul na ito inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal
Declaration of Human Rights;
2. Nasusuri ang nilalaman ng Artikulo III -Katipunan ng mga Karapatan mula sa
Saligang Batas ng Pilipinas;
3. Naiuugnay ang nilalaman ng Universal Declaration of Human Rights sa Bill of
Rights ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Paunang Pagsusulit

Sa bahaging ito, ihanda mo ang iyong sarili upang basahin at unawain nang
mabuti ang mga sumusunod na tanong. Nais kong sagutan mo ito ng walang
pangamba dahil malalaman kung mayroon ka ng dating kaalaman o paunang ideya sa
mga konseptong nakapaloob sa ating aralin.
Panuto: Basahin ang bawat tanong o pahayag at piliin ang wastong sagot.
1. Ito ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao
ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
a. Karapatang Pantao c. UN Assembly
b. Saligang Batas d. Universal Declaration of Human Rights
2. Siya ang tagapangulo ng Human Rights Commission ng United Nations kung
kailan nabuo ang UDHR.
a. Eleonor Roosevelt b. Geraldine Roman c. Leonora Roosevelt d. Marillyn Hewson
3. Nakapaloob sa artikulong ito ng UDHR ang likas na karapatan ng lahat ng tao
tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya.
a. Preamble at Artikulo1 b. Artikulo 3-21 c. Artikulo 22 – 27 d. Artikulo 28-30

AP- QRT. 4- Week 3


2
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN
4. Nakapaloob sa artikulong ito ng UDHR ang mga karapatang sibil at pulitikal
a. Preamble at Artikulo1 c. Artikulo 22 – 27
b. Artikulo 3-21 d. Artikulo 28-30
5. Nakapaloob sa artikulong ito ng UDHR ang karapatang ekonomik, sosyal, at
kultural.
a. Preamble at Artikulo1 c. Artikulo 22 – 27
b. Artikulo 3-21 d. Artikulo 28-30
6. Ito ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal.
a. Bill of Rights b. Karapatang Pantao c. Saligang Batas d. UDHR
7. Ito ay mga karapatang taglay na bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
a. Civil Rights b. Constitutional Rights c. Natural Rights d. Statutory Rights
8. Ito ay mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging
kasisya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag
sa batas.
a. Karapatang Akusado c. Karapatang Sibil
b. Karapatang Politikal d. Karapatang Sosyo-ekonomik
9. Ito ay mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas.
a. Civil Rights b. Constitutional Rights c. Natural Rights d. Statutory Rights
10. Ito ay mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-
ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
a. Karapatang Akusado c. Karapatang Sibil
b. Karapatang Politikal d. Karapatang Sosyo-ekonomik

Balik Tanaw

HALU-LETRA Panuto: Piliin at pagsamahin ang mga titik sa loob ng kahon na siyang
tinutukoy upang makabuo ng salitang kinakailangan.
R U S C Y A D
E R C Y N I L
1. Tinagurian ito bilang “World’s First Charter of Human Rights.”

2. Isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga


taga-England. G A M A N E T
A R A C

3. Ang pagpupulong na ito ay may layuning isaalang-alang


ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang T E H R T S
walang anomang diskriminasyon F I R A A V
N E E G C O
N N E V N O I
4. Ito ay naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw
ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa
N O I T I T
pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara E P E C F O
ng batas militar sa panahon ng kapayapaan. H T G R T T

L L I B A
5. Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng
F O S T H
lahat ng mamamayan at ang iba pang taong nanirahan sa bansa. I G R

AP- Qrt. 2- Week 3


3
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN

Pagpapakilala
ng Aralin

Sa puntong ito, nais kong basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa ating
aralin sapagkat makatutulong ito upang masagutan mo ang mga gawaing inihanda ko
para sa iyo. Nawa’y magawa mo ito nang buong sigla!
Ang Universal Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights

Ang Universal Declaration of Human Rights


(UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong tinanggap
ng United Nations Assembly noong 1948 na naglalahad
ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad
ng mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal,
at kultural. Nabuo ito sa pangunguna ng biyuda ni
dating Pangulong Franklin Roosevelt ng United States
https://www.un.org/en/universal-declaration-human-
nang siya ay maluklok bilang tagapangulo ng Human rights/

Rights Commission ng UN. Tinawag ding “International Magna Carta for all Mankind”
ang dokumentong ito. Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at
binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito
ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-
kanilang Saligang-batas.
Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong
nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na
karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya.
Binubuo naman ng mga karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21.
Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang mga karapatang ekonomiko, sosyal, at
kultural. Tumutukoy naman ang tatlong huling artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa
tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
Ang Ilan sa Nilalaman ng UDHR
1. Kalayaan sa pagiging alipin at sapilitang pagtatrabaho o paninilbihan.
2. Kalayaan laban sa torture, di-makatao at
nakakababang uri ng pagtrato at
kaparusahan.
3. Pantay na pagkilala sa tao sa harap ng
batas
4. Pantay na proteksyon sa harap ng batas.
5. Epektibong paraan panghukuman laban
sa paglabag sa karapatang pantao
6. Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto,
detensyon, at pagpapalayas sa sariling
bansa.
7. Pantay na paglilitis at pagdinig
https://www.un.org/en/universal-declaration-human-

pampubliko ng isang malaya at walang kinikilingang tribunal. rights/

8. Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hangga’t hindi


napapatunayang may sala.

AP- Qrt. 2- Week 3


4
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN
9. Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya,
bahay at mga sulat
10. Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirhan at maging sa pag-alis sa isang lugar.

Ang nilalaman ng UDHR ay naging sandigan din ng mga bansa para mapanatili
ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao. Isa ang Pilipinas
sa mga bansang masugid na sumuporta sa deklarasyong ito. Bilang Kalihim-Heneral
ng UN, ang Pilipinong si Carlos P. Romulo ay isa rin sa mga pangunahing nagtaguyod
ng pagkakabuo ng deklarasyon.
Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting
na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng
daigdig. Ayon sa Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,
1987 ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at
ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. Binigyang-diin
ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights) na
nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III.
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ay tumutukoy sa mga
karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo ng 1987 Saligang
Batas ng Pilipinas.
Ayon sa aklat ni De leon, et.al (2014) may tatlong uri ng mga karapatan ng mga
mamamayan sa isang demokratikong lipunan. Ang mga ito ay ang sumusunod (1)
natural rights; (2) constitutional rights; at (3) statutory rights. Ang natural rights ay mga
karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado. Kabilang sa
karapatang ito ang karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng ari-arian.
Ang constitutional rights ay mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng
Estado. Ang karapatang ito ay maaari rin namang mauri sa apat na pangkalahatang
karapatan. Kabilang dito ang mga sumusunod: (1) karapatang politikal –
kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at
pangangasiwa ng pamahalaan gayundin ang karapatan sa impormasyon sa mga
usaping pampubliko; (2) karapatang sibil – mga karapatan na titiyak sa mga
pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang
nais nang hindi lumalabag sa batas. Kasama sa karapatang ito ang karapatan sa
pantay na proteksyon ng batas at karapatang magkaroon ng kapanatagan sa kanilang
sariling pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatarungang
paghalughog at pagsamsam; (3) Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na
sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal. Magandang halimbawa sa mga karapatang ito ang karapatan sa wastong
kabayaran sa mga pribadong ari-ariang kinuha ng pamahalaan para sa paggamit ng
publiko; at (4) karapatang ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa
indibidwal na inakusahan sa anumang krimen.
Samantalang ang Statutory Rights ay mga karapatang kaloob ng binuong batas
at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. Isa sa mga halimbawa nito
ay ang karapatang makatanggap ng minimum wage.

AP- Qrt. 2- Week 3


5
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN

Gawain 1

Nahihinuha Ko!
Panuto: Pumili ng limang karapatang nakapaloob sa UDHR at ipaliwanag ito nang
malinaw.
Nilalaman ng UDHR:

Paliwanag:
Nilalaman ng UDHR:

Paliwanag:
Nilalaman ng UDHR:

Paliwanag:

Gawain 2

Data Retrieval Chart


Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon ng Data Retrieval Chart.
Uri ng Karapatan Kahulugan Isang Halimbawa
1. Natural Rights
2. Constitutional Rights
3. Statutory Rights
4. Karapatang Sibil
5. Karapatang Politikal
6. Karapatang Sosyo-
ekonomiko
7. Karapatan ng
Akusado
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang UDHR?
2. Paano nabuo ang UDHR?
3. Paano nakatulong ang UDHR sa mga bansang miyembro ng United Nations?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo nakatutulong sa iyo ang nilalaman ng
UDHR?
ARTIKULO III NG SALIGANG BATAS NG 1987 NG PILIPINAS

SEK 1. Hindi dapat alisan ng buhay,


kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni
pagkaitan ang sino mang tao ng pantay
na pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-
bayan na magkaroon ng kapanatagan sa
https://www.academia.edu/4126697/bill_of_rights
kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga
bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahaluglog at pagsamsam sa ano mang
layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o

AP- Qrt. 2- Week 3


6
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN
warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang may habla at ang mga testigong
maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar
na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba
ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa
paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa sinusundang
seksyon.
SEK. 4.. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita,
pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na
mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang
mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o
nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang
malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba
nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit
panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng
tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos
ng hukuman. Ni hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung
para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang
pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran
hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga
opisyal na record, at sa mga dokumento at papeles tugkol sa mga opisyal na gawain,
transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na
pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa
ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas.
SEK. 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong bayan kabilang ang mga
naglilingkod at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga union o mga
kapisanan sa mga layuning hindi lalabag sa batas.
SEK. 9. Ang mga pribadong ari-arian ay hindi daapat kunin ukol sa gamit pambayan
nang walang wastong kabayaran.
SEK. 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata.
SEK. 11. Hindi dapat ipagkait sa isang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman
at sa mga kalupunang mala-hukuman at sapat na tulong pambansa nang dahil sa
kahirapan.
SEK. 12. (1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon
ng karapatang mapatalastasan ng kanyang karapatang magsawalang kibo at
magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at malayang lalong kanais-nais
kung siya ang maypili. Hindi maiuurong ang karapatang ito maliban kung nakasulat
at sa harap ng abugado.

AP- Qrt. 2- Week 3


7
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN
(2) Hindi siya dapat gamitan ng malabis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot,
pagbabanta, o ano mang paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya.
Ipinagbabawal ang mga lihim na kulungan, solitary, ingkomunikado o iba pang
katulad ng anyo ng detensyon.
(3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-
amin na nakuha nang labag sa seksyong ito o sa seksyong labing pito.
(4) Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag
sa mga seksyong ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima
ng labis na mga paghihirap o katulad ng mga nakagawian at sa kanilang mga
pamilya.
SEKSYON 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na
pinarurusahan ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala,
bago mahatulan, ay dapat mapyansahan ng sapat ng pyador, o maaaring palayain sa
bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas. Hindi dapat bawalan ang
karapatan sa pyansa kahit na suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas
corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa.
SEKSYON 14.
(1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang
hindi kaparaanan ng batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang
sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang
magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at
dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at
hayagan paglitis, makaharap ang mga testigo, magkaroon ng sapilitang kaparaanan
upang matiyak ang pagharap ng mga testigo sa paglilitaw ng ebidensyang para sa
kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaring ituloy ang
paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at
di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.
SEKSYON 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus,
maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasan
pambayan.
SEKSYON 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang
paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-
panghukuman, o pampangasiwaan.
SEKSYON 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEKSYON 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang
paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung
kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.
SEKSYON 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit,
imbi o di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana
ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot
ng krimen. Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang parusang
kamatayan.

AP- Qrt. 2- Week 3


8
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN
(2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o
imbing pagpaparusa sa sino mang bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga
kaluwagang penal na di-makatao.
SEKSYON 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o
hindi pagbabayad ng sedula.
SEKSYON 21. Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng
kaparusahan sa iisang paglabag. Kung pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang
isang kagagawan, ang pagkaparusa o pakaabswelto sa ilalim ng alin man dito ay
magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon ding kagagawan.
SEKSYON 22. Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill of attainder.

Gawain 3

Tukuyin Mo! Panuto: Tukuyin kung anong uri ng Constitutional Rights ang bawat
seksyon ng Artikulo 3 o Talaan ng mga Karapatang Pantao (Bill of Rights).
Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ng sino mang tao ng
pantay na pangangalaga ng batas.

Ang mga pribadong ari-arian ay hindi daapat kunin ukol sa gamit


pambayan nang walang wastong kabayaran

Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi
pagbabayad ng sedula.

Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.

Hindi dapat ipagkait sa isang tao ang malayang pagdulog sa mga


hukuman at sa mga kalupunang mala-hukuman at sapat na tulong
pambansa nang dahil sa kahirapan.
Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga
taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan
upang ilahad ang kanilang mga karaingan.

Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban


kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng
kaligtasang pambayan.

Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga-taong bayan kabilang ang


mga naglilingkod at pribadong sektor na magtatag ng mga asosayon, mga
union o mga kapisanan sa mga layuning hindi lalabag sa batas.

Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata.

Hindi dapat magpatibay ng batas expost facto o bill of attainder.

Gawain 4

Talahanayan Panuto: Kilalanin ang karapatang nilabag at uri nito at ang aksyong
dapat isagawa ng mga mamamayan upang ipagtanggol ang karapatang pantao.

AP- Qrt. 2- Week 3


9
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN

Kaso o Usapin Karapatang Uri ng Aksyong dapat


Nilabag (Tukuyin Karapatan isagawa ng mga
ang probisyon sa mamamayan
Saligang Batas o upang
batas na nilabag) ipagtanggol ang
karapatang
pantao.
Paghalughog sa tahanan at pag-aresto sa
may-ari ng mga awtoridad nang walang
warrant of arrest o search warrant.
Pagtanggal sa mga trabahador nang
walang sapat na dahilan at hindi
dumaan sa tamang prosesong itinadhana
ng batas.
Pagpapasara ng TV station dahil sa
pagiging kritiko nito ng administrasyon.
Pagkulong sa suspek kahit ang kanyang
kaso ay pwedeng piyansahan.
Kinuha ng Local government ang
pribadong lupain na kung saan ang
ibinayad sa may-ari ay mas mababa sa
itinakda ng batas.

Tandaan

• Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang


dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na
may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang
karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
• Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating
bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na
nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19
• Mayroong tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang
demokratikong bansa, ang Natural Rights na kung saan ang mga karapatang
taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado o pamahalaan.
Samantalang ang Constitutional Rights ay mga karapatang ipinagkaloob at
pinanga-ngalagaan ng Estado na nakatala sa Saligang-Batas. May apat na
klasipikasyon ang Constiturional Rights; Karapatang Sibil, Karapatang Politikal,
Karapatang Sosyo-ekonomiko, at Karapatan ng Akusado. Samantalang ang
Statutory Rights ay mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin
sa pamamagitan ng panibagong batas.

Pag- alam sa mga


Natutuhan

Kompletuhin ang diyagram sa pamamagitan ng pagtala ng pagkakatulad at


pagkakaiba ng mga karapatang pantao batay sa UDHR at Bill of Rights

AP- Qrt. 2- Week 3


10
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN

UDHR Bill of Rights

Pagkakatulad

Batay sa diyagram, ano ang iyong konklusyon tungkol sa mga karapatang pantao na
inilahad sa dalawang dokumento?

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Basahin ang bawat tanong o pahayag at piliin ang wastong sagot.
1. Ito ay mahalagang dokumentong tinanggap ng UN General Assembly noong
1948 na naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal tulad ng
mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
a. Bill of Rights b. Magna Carta c. Saligang Batas d. UDHR
2. Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa
Artikulo III ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas.
a. Bill of Rights b. Magna Carta c. Saligang Batas d. UDHR
3. Binalangkas nito ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao na
tinawag bilang Universal Declaration of Human Rights.
a. Human Rights Commission b. Secretariat c. Supreme Court d.UNGenearl Assembly
4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng karapatang sibil, maliban sa;
a. Karapatan sa buhay c. Pagtatamo ng kasiyahan sa buhay
b. Kalayaan d. Karapatang maghanapbuhay
5. Binansagan ito bilang “International Magna Carta for all Mankind”.
a. Bill of Rights b. Magna Carta c. Saligang Batas d. UDHR
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng karapatang sosyo-ekonomik?
a. Karapatan sa pagdidiin sa sarili.
b. Karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas.
c. Karapatan sa malupit, labis, at di-makataong parusa
d. Karapatan sa wastong kabayaran sa mga pribadong ari-arian ng kinuha
ng pamahalaan para sa paggamit ng publiko
7. Ito ay mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
a. Civil Rights b.Constitutional Rights c.Natural Rights d.Statutory Rights
8. Ang karapatang makatanggap ng minimum wage ay halimbawa ng _________
a. Civil Rights b.Constitutional Rights c. Natural Rights d. Statutory Rights

Pagninilay
Sa bahaging ito, mas palalalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na
paksa tungkol sa UDHR at Bill of Rights sa pamamagitan ng pagbibigay kahalagahan
ng mga ito sa ating buhay bilang isang mabuting mamamayan ng isang lipunan.

AP- Qrt. 2- Week 3


11
ARALING PANLIPUNAN 10 – IKAAPAT NA MARKAHAN
SAGUTANG PAPEL- WEEK 3
Pangalan: _____________________________________________________________________

Pangkat: ________ Guro : ____________________________________________ Iskor: ______

PAUNANG PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

HALU-LETRA

1. 2. 3. 4. 5.

GAWAIN 1: NAHIHINUHA KO!

(Ang kasagutan ay depende sa limang mapipiling Karapatan sa UDHR ng mga mag-


aaral)

GAWAIN 2: Data Retrieval Chart

Panuto: Ibigay ang Hinihinging impormasyon ng Data Retrieval Chart.

GAWAIN 3: TUKUYIN MO!

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

GAWAIN 4: TALAHANAYAN: Ilagay ang sagot sa iyong portfolio

GAWAIN 5: Mga Scenario: Paglabag at Hakbang (ang sagot batay sa nakuhang


larawan o artikulo ng mga mag-aaral)

PAG-ALAM NG NATUTUHAN: Ilagay ang sagot sa portfolio

PANGHULING PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

AP- Qrt. 2- Week 3

You might also like