Professional Documents
Culture Documents
Website www.galangphilippines.org
3
Nilalaman
INTRODUKSYON
PREAMBULO
4
PRINSIPYO 17 Ang Karapatan sa Pinakamataas na
Pamantayan ng Kalusugang Makakamit
PRINSIPYO 29 Pananagutan
5
Introduksyon sa
Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad
at mga karapatan. Lahat ng karapatang pantao ay unibersal,
magkakasanib, hindi napaghihiwa-hiwalay, at magkakaugnay.
Ang oryentasyong sekswal¹ at pagkakakilanlang pangkasarian² ay
nakasanib sa dignidad at pagkatao ng bawat isa, at hindi dapat
maging dahilan ng diskriminasyon at abuso.
²Ang pagkakakilanlang pangkasarian ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian
ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa seks niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na
pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang
gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian,
kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
6
Ang sistemang internasyonal ay umunlad na nang malaki tungo sa
pagkakapantay-pantay sa kasarian at proteksyon sa karahasan sa
lipunan, komunidad, at pamilya. Dagdag pa rito, ang mga susing
mekanismo sa mga karapatang pantao ng United Nations ay
nakapagpatibay sa obligasyon ng mga Estado upang matiyak ang
mabisang proteksyon ng lahat ng tao laban sa diskriminasyon
nang dahil sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Gayunman, hiwa-hiwalay pa rin at hindi
pamalagian ang tugong internasyonal sa mga paglabag sa mga
karapatang pantao na may kinalaman sa oryentasyong sekswal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
7
Malaki ang naiambag ng rapporteur ng pulong, si Propesor
Michael O’Flaherty, sa pagbabalangkas at pagsasaayos ng Mga
Prinsipyo. Mahalaga ang kanyang paninindigan at walang pagod
na pagsisikap sa matagumpay na resulta ng proseso.
8
Preambulo
Kami, ang panel ng mga pandaigdigang eksperto sa
pandaigdigang batas ng mga karapatang pantao at sa
oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian
TINATANDAAN na ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at
pantay sa dignidad at mga karapatan, na ang bawat isa ay
nararapat na magtamasa ng mga karapatang pantao nang walang
anumang pasubali, anuman ang lahi, kulay, seks, wika, relihiyon,
opinyong pampulitika at iba pang palagay, pinagmulang pambansa
o panlipunan, pag-aari, kapanganakan, o iba pang istatus;
13
E. Tumiyak na ang mga pagbabago sa mga dokumentong ID ay
tatanggapin sa lahat ng pagkakataon na ang pagkilala o
pagpapangkat ng mga tao batay sa kasarian ay hinihingi ng batas o
patakaran;
Prinsipyo
ANG KARAPATAN SA BUHAY
4
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang
maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang
dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong sekswal
o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay
hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng
mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong
sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
14
Prinsipyo
5 ANG KARAPATAN SA SEGURIDAD NG PAGKATAO
Ang lahat, anuman ang oryentasyong sekswal o
pagkakakilanlang pangkasarian, ay may karapatan sa
seguridad ng pagkatao at sa proteksyon ng Estado laban sa
karahasan o pisikal na pananakit, gawa man ng mga
opisyal-gobyerno o sinumang tao o grupo.
17
Prinsipyo
8 ANG KARAPATAN SA PATAS NA PAGLILITIS
Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at pampublikong
paglilitis ng isang mapapagkatiwalaan, independyente, at
walang-kinikilingang hukumang itinatag ayon sa batas; at kung
nahahabla at naakusahan ng krimen, sa paglilinaw ng kanilang
mga karapatan at obligasyon nang walang maling pag-iisip o
diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong sekswal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo
9 ANG KARAPATAN SA MAKATAONG PAGTRATO
HABANG NAKAPIIT
Ang lahat na pinagkaitan ng kalayaan ay tatratuhin nang
makatao at may paggalang sa angking dignidad ng isang tao.
Ang oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian ay
di-maihihiwalay sa dignidad ng bawat tao.
18
ANG MGA ESTADO AY DAPAT NA:
19
Prinsipyo
ANG KARAPATAN LABAN SA TORTYUR AT SA
MALUPIT, MAKAHAYOP, O MAPANGHIYANG
PAGTRATO O PAGPAPARUSA
10
Ang lahat ay may karapatang hindi matortyur at hindi ipailalim
sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa
sa anumang dahilan, kabilang ang oryentasyong sekswal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
21
B. Pumawi sa anumang diskriminasyong nag-uugat sa
oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian upang
matiyak ang pantay na empleyo at mga pagkakataon sa
pag-unlad sa lahat ng larangan ng serbisyo-publiko sa lahat ng
antas ng serbisyong gobyerno at pagtatrabahong pampubliko,
kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar; at magbigay ng
angkop na pagsasanay at mga programa sa pagpapataas ng
kamalayan upang bakahin ang mga maling pag-iisip.
Prinsipyo
ANG KARAPATAN SA SOCIAL SECURITY
AT IBA PANG PROTEKSYONG PANLIPUNAN 13
Ang lahat ay may karapatan sa social security at iba pang
proteksyong panlipunan nang walang diskriminasyong bunga ng
oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
22
Prinsipyo
14 ANG KARAPATAN SA SAPAT NA PAMANTAYAN NG
PAMUMUHAY
Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng
pamumuhay, kabilang ang sapat na pagkain, ligtas na inuming
tubig, angkop na sanitasyon at pananamit; at sa patuloy na
pagpapaunlad ng kalagayan sa buhay, nang walang
diskriminasyong bunga ng oryentasyong sekswal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
ANG MGA ESTADO AY DAPAT NA:
Prinsipyo
15 ANG KARAPATAN SA SAPAT NA PABAHAY
Ang lahat ay may karapatan sa sapat na pabahay, kabilang ang
proteksyon sa pagpapalayas, nang walang diskriminasyong
nag-uugat sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
25
Prinsipyo
17 ANG KARAPATAN SA PINAKAMATAAS NA
PAMANTAYAN NG KALUSUGANG MAKAKAMIT
Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng
kalusugang pisikal at mental, nang walang diskriminasyong
bunga ng oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Batayang aspekto ng karapatang ito ang
kalusugang sekswal at reproduktibo.
26
F. Tumiyak na lahat ng programa at serbisyong nauukol sa
reproduktibo at kalusugang sekswal, edukasyon, pag-iingat,
pangangalaga, at panggagamot ay gumagalang sa
pagkakaiba-iba ng oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang
pangkasarian, at bukas sa lahat, nang walang diskriminasyon;
27
B. Gumawa ng lahat na kinakailangang hakbang na lehislatiba,
administratibo, at iba pa upang tiyakin na walang katawan ng bata
ang iniiba sa pamamagitan ng mga paraang medikal, sa layuning
magpataw ng pagkakakilanlang pangkasarian nang walang ganap,
malaya, at matalinong pagsang-ayon ng bata, nang naaayon sa
edad at antas ng pag-iisip niya, at nagagabayan ng
nangingibabaw na prinsipyo na ang lahat ng aksyon tungkol sa
mga bata ay umaayon sa pinakamainam na interes nila;
28
ANG MGA ESTADO AY DAPAT NA:
29
Prinsipyo
20 ANG KARAPATAN SA MALAYANG ASEMBLIYA AT
PAGSAPI SA MGA SAMAHAN
Ang lahat, anuman ang oryentasyong sekswal o
pagkakakilanlang pangkasarian, ay may karapatan sa malayang
pagtitipon at pagsapi sa mga samahan, kabilang ang nauukol sa
mapayapang demonstrasyon. Samantalang ang marami sa mga
ito ay kinikilala na, makakapagbuo pa sila, nang walang
diskriminasyon, ng ibang samahang nauukol sa oryentasyong
sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian; gayundin ng mga
asosasyong namamahagi at nagpapadaloy ng impormasyon, o
nagtataguyod ng mga karapatan ng mga taong may iba-ibang
oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian.
30
E. Tumiyak na ang mga tuntunin sa pagbibigay ng impormasyon ng
mga boluntaryong asosasyon at grupo, sa praktika, ay hindi
nagkakaroon ng mga epektong masama para sa mga ganoong
asosasyon at grupo na nakatuon sa mga isyu ng oryentasyong
sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian, o para sa kanilang mga
myembro.
Prinsipyo
ANG KARAPATAN SA MALAYANG PAG-IISIP,
KONSYENSYA, AT RELIHIYON 21
Ang lahat, anuman ang oryentasyong sekswal o
pagkakakilanlang pangkasarian, ay may karapatan sa malayang
pag-iisip, konsyensa, at relihiyon. Hindi maaaring gamitin ng
Estado ang mga karapatang ito upang pangibabawin ang mga
batas, patakaran, o gawi na pumapawi sa pantay na proteksyon
ng batas, o kaya’y nagdudulot ng diskriminasyong sanhi ng
oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian.
31
ANG MGA ESTADO AY DAPAT NA:
34
ANG MGA ESTADO AY DAPAT NA:
35
C. Tumiyak na ang mga tagapagtanggol ng mga karapatang
pantao na nagtatrabaho sa mga isyu ng oryentasyong sekswal at
pagkakakilanlang pangkasarian, anuman ang karapatang
pantaong kanilang itinataguyod, ay nagtatamasa ng
walang-kinikilingang oportunidad, partisipasyon, at komunikasyon
sa mga pambansa at pandaigdigang organisasyon at kapulungan
ng mga karapatang pantao;
38
Mga Karagdagang
Rekomendasyon
Lahat ng tao sa lipunan at bahagi ng pandaigdigang
komunidad ay may tungkuling magpatupad ng mga
karapatang pantao. Inirerekomenda namin, kung gayon,
ang mga sumusunod:
40
M. Sa mga organisasyong propesyonal, kabilang ang nasa
medikal, hustisyang kriminal o sibil, at sektor sa edukasyon –
rebyuhin ang kanilang mga praktika at gabay upang matiyak na
masigasig nilang naitataguyod ang implementasyon ng Mga
Prinsipyong ito;
41
Mga Pahinang Dagdag
Mga Pumirma sa
Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Philip Alston (Australia), UN Special Rapporteur on extrajudicial,
summary and arbitrary executions at Propesor ng Law, New York
University School of Law, USA
Maxim Anmeghichean (Moldova), European Region of the
International Lesbian and Gay Association
Mauro Cabral (Argentina), Mananaliksik, Universidad Nacional de
Cordoba, Argentina, International Gay and Lesbian Human Rights
Commission
Edwin Cameron (South Africa), Justice, Supreme Court of Appeal,
Bloemfontein, South Africa
Sonia Onufer Corrêa (Brazil), Research Associate sa Brazilian
Interdisciplinary AIDS Association (ABIA); Co-Chair, Sexuality Watch
(Co-Chair ng pulong ng mga eksperto)
Yakin Ertürk (Turkey), UN Special Rapporteur on Violence against
Women, Propesor, Department of Sociology, Middle East Technical
Univesity, Ankara, Turkey
Elizabeth Evatt (Australia), Dating myembro at tagapangulo ng
UN Committee on the Elimination of Discrimination against
Women; dating myembro ng UN Human Rights Committee at
Komisyoner ng International Commission of Jurists
Paul Hunt (New Zealand), UN Special Rapporteur on the right to
the highest attainable standard of health at Propesor, Department of
Law, University of Essex, United Kingdom
Asma Jahangir (Pakistan), Tagapangulo, Human Rights
Commission of Pakistan
Maina Kiai (Kenya), Tagapangulo, Kenya National Commission on
Human Rights
Miloon Kothari (India), UN Special Rapporteur on the right to
adequate housing
Judith Mesquita (United Kingdom), Senior Research Officer,
Human Rights Centre, University of Essex, United Kingdom
Alice M. Miller (United States of America), Assistant Professor,
School of Public Health, Co-Director, Human Rights Program,
Columbia University, USA
Sanji Mmasenono Monageng (Botswana), Judge of the High
Court (The Republic of the Gambia), Komisyoner ng African
Commission on Human and Peoples’ Rights, Tagapangulo ng
Follow Up Committee on the implementation of the Robben Island
Guidelines on prohibition and prevention of Torture and other
Cruel, Inhuman or Degrading Treatment (African Commission on
Human and Peoples’ Rights)
Vitit Muntarbhorn (Thailand), UN Special Rapporteur on the
human rights situation in the Democratic People’s Republic of Korea
at Propesor ng Law sa Chulalongkorn University, Thailand,
(Co-Chair ng pulong ng mga eksperto)
42
Lawrence Mute (Kenya), Komisyoner sa Kenya National
Commission on Human Rights
Manfred Nowak (Austria), UN Special Rapporteur on torture and
other cruel, inhuman or degrading treatment or punishment,
myembro ng International Commission of Jurists, Propesor ng
Human Rights sa Vienna University, Austria at Direktor ng Ludwig
Boltzmann Institute of Human Rights
Ana Elena Obando Mendoza (Costa Rica), peministang abogada,
aktibista para sa mga karapatang pantao ng kababaihan at
pandaigdigang konsultant
Michael O’Flaherty (Ireland), Myembro ng UN Human Rights
Committee at Propesor ng Applied Human Rights at Co-Director ng
Human Rights Law Centre sa University of Nottingham, United
Kingdom (Rapporteur for the development of the Yogyakarta
Principles)
Sunil Pant (Nepal), Presidente ng Blue Diamond Society, Nepal
Dimitrina Petrova (Bulgaria), Executive Director, The Equal Rights
Trust
Rudi Mohammed Rizki (Indonesia), UN Special Rapporteur on
international solidarity at Senior Lecturer at Vice Dean for Academic
Affairs ng Faculty of Law, University of Padjadjaran, Indonesia
Mary Robinson (Ireland), Tagapagtatag ng Realizing Rights: The
Ethical Globalization Initiative at dating Presidente ng Ireland at
dating United Nations High Commissioner for Human Rights
Nevena Vuckovic Sahovic (Serbia), Myembro ng UN Committee on
the Rights of the Child at Presidente ng Child Rights Centre,
Belgrade, Serbia
Martin Scheinin (Finland), UN Special Rapporteur on human rights
and counter-terrorism, Propesor ng Constitutional and International
Law at Direktor ng Institute for Human Rights, Åbo Akademi
University, Finland
Wan Yanhai (China), Tagapagtatag ng AIZHI Action Project at
direktor ng Beijing AIZHIXING Institute of Health Education
Stephen Whittle (United Kingdom), Propesor ng Equalities Law sa
Manchester Metropolitan University, United Kingdom
Roman Wieruszewski (Poland), Myembro ng UN Human Rights
Committee at pinuno ng Poznan Centre for Human Rights, Poland
Robert Wintemute (Canada at United Kingdom), Propesor ng
Human Rights Law, School of Law, King’s College London, United
Kingdom
43
www.galangphilippines.org