You are on page 1of 8

1

Dalawang Uri ng Pakikilahok sa Gawaing Politikal:

o Tuwirang pakikilahok: ang kagustuhan ng mga mamamayan ay


ipinahahayag sa pamamagitan ng pagpupulong ng bayan (primary
assembly)
o Di-tuwirang pakikilahok: ang kagustuhan ng mga mamamayan ay
ipinararating sa kanilang piniling kinatawan

Mga Paraan ng Pakikilahok


1. Malayang Pamamahayag
-Saligang Batas 1987, Artikulo III, Seksyon 4: Hindi dapat magpatibay ng batas na
nagbabawas sa Kalayaan sa pananalita, pagpapahayag o ang pamamahayan o sa
Karapatan ng mga taong-bayan.
2. Pagboto
-Saligang Batas, Artikulo V, Seksyon I: Maaring ma halal ang lahat ng mamamayan ng
Pilipinas.

Partido Politikal

- Ayon sa Omnibus Election Code, Artikulo VIII, Seksyon 60-62, ang Partido political ay
tumutukoy sa organisadong grupo ng mga tao na nagkakaisa ng ideolohiya,
pampolitikang ideya o mga plataporma ng pamahalaan.
- Upang makakuha ng juridicial na pagkilala, maging karapatdapat sa accreditation at
mabigyan ng mga karapatan at pribilehiyo, ang isang partido political ay nararapat dapat
na nakarehistro sa Commission on Elections.
-Anumang partido political na hindi makakuha ng hindi bababa sa sampung porsiyento
ng boto kung saan hinirang at sinusuportahan ang isang kandidato o mga kandidato sa
halalan ay ipapalagay na tapos na ang katayuan bilang isang rehistradong partido
political sa nasasakupan.
- Mga katayuan nito ay:
 Umiiral upang makuha ang kontrol ng kapangyarihan sa pamahalaan sa
pamamagitan ng pagpanalo sa halalan.
 May tinutukoy na mga ideyolohiya, pormal na estraktura at mga
sumusuportang miyembro
 Nakagrupo ayon sa layunin, idelohiya at prinsipyo
 May malawak na agenda ng isyu at pagkilala sa mga pangunahing
patakaran ng pamahalaan
 Maraming kasapi kapag malapit na ang halalan at kaunti na lamang
pagkatapos nito
-Naitala ng House of Representatives na may dalawang daan at siyamnapu ang bilang
ng mga partido politika sa ating bansa noong taong 2013. Mga halimbawa:
2

 Liberal Party
 Nacionalista Party
 Lakas-Christian Muslim Democrats
 Laban ng Demokratikong Pilipino
 Puwersa ng Masang Pilipino
 National Unity Party
 United Nationalist Alliance
 Nationalist People’s Coalition
-Batay ni Kristina Weissenbach noong 2010: “Political parties and party types –
Conceptual approaches to the institutionalization of political parties in transitional sates:
The case of the Philippines”
-Mga kontribusyon ng partido para sa civil society at Sistema ng partidong demokrasya:
 Sa mga manghahalal
a. Pagpapadali ng mga pagpipilian para sa mga botante
b. Pagtuturo sa mga mamamayan
c. Pagbuo ng pagkakakilanlan at katapatan
d. Pagpapakilos sa mga tao

 Partido bilang Organisasyon


a. Magtipon o magrecruit ng mga lider na politico para kumandidato
sa pamahalaan
b. Magsasanay ng mga politika

Pansektor na mga Kinatawan o Party List

-iba’t ibang sector sa ating lipunan ay binibigyan ng pagkakataong magkaroon ng


representasyon sa Kongreo upang ang kanilang mga tinig ay marinig.
-Dalawampung porsiyento (20%) ng lahat ng mga kinatawan sa Kongreso ay dapat ihalal
mula sa party list.
- ito ay listahan ng rehistradong mga partido o organisasyong Pambansa, panrelihiyon o
pansektor.
- May dalawang daan at limampung (250) kagawad dapat sa Kongreso kaya’t limampu
(50) ang inihalal mula sa party list.
-May 300 na bilang ang mga rehistradong party list sa ating bansa.
-Nagsimula ang party-list system sa Pilipinas matapos ang 1989 EDSA REVOLUTION,
nang isinulat ang 1987 Saligang Batas.
-Artikulo VI, Seksyon 5 ng Saligang Batas 1987, ang labas sa paglaban ng mga civil
society organization upang masama ang party list para mabigyan ng pagkakataon ang
mga sector na lumahok sa prosesong pampolitika. Magreresulta ito ng isang magandang
multiparty system at magbubukas sa maliliit na sectoral party.
-Matapos ang 8 na taon ang Republic Act 7941 noong Pebrero 28, 1995 bilang
pampagana ng batas ng party-list system. Ayon sa Section 3, ang batas ay tumutukoy sa
party-list system bilang mekanismo ng proporsiyonal na representasyon.
3

Katangian ng Party-list System:

RA 7941 at 1987 Konstitusyon ang party-list system:

1. Twenty percent allocation. 20% sa kabuuan bilang sa mga kinatawan kasama na ang
mga nasa ilalim nito.
2. Two percent threshold. Para sa may karapat sa pwesto ng PL, dapat ang boto ay hindi
baba sa 2%.
3. Three-seat limit. Ang Seksyon 11 ng RA 7941 ay nagsasaad na dapat talo lamang sa
puwesto.
4. Proportional representation. Ang mga representative ay binibigyan ng parehong mga
karapatan, pribilehiyo, suweldo at emoluments.

Ang pagkakaiba ng kinatawan ng party list sa ibang kinatawan ay HINDI PINAPAYAGAN ng pork
barrel o Countrywide Development Fund (CDF)

Mga Organisasyong Di-Pampamahalaan at Salig-pamayanan


-Ang samahang di-pampamahalaan, sectoral o salig-pamayanan. Ito ay dahil sa
malaki ang kanilang naitutulong para sa kagalingan ng ating bansa.
- Nagsasaad ito sa Saligang Batas:

Artikulo II, Seksyon 23. Dapat pasiglain ng Estado ang mga organisasyong
di-pampamahalaan, salig-pamayanan o sectoral na nagpapaguyod ng kagalngan
ng bansa.

Artikulo III, Seksyon 4. Hindi dapat ng batas na nagbabawas sa Kalayaan


sa pananalita,pagpapahayag o pamamahayagan o sa karapatan ng mga taong
bayan.

Non-government Organization (NGO)

- ay anumang non-profit na grupong mga local na boluntaryong mamamayan,


pambansa o pandaigdig. Ito ay iba’t ibang libreng serbisyo at tulong sa mga tao
upang maiparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
- ay samahang pumapagitan sa mga tao at ng Estado. Sila ay nagsasalita o
kumikilos para sa mahihirap at nangangailangan. Itinuturing na isa sa
pinakamalaki at pinakamagkakaiba sa mga tuntunin ng mga interes.
4

- ito ay pribado. Marami nito ay nakarehistro sa Securities and Exchange


Commission (SEC) bilang non-stock corporations. Mahigit 40,000 nito sa ating
bansa.

 Organisasyong Di-pampamahalaan na Nagbibigay ng Pondo sa mga


Ahensiya o mga Institusyong Pilantrapiko (Funding Agency NGOs or
Philanthropic Foundations o FUNDANGOs)
o Ay ang mga institusyon at organisasyon na nagbibigay ng
tulong napinansiyal at suporta sa mga gawaing
pangkabuhayan.
 Tradisyonal na Organisasyong Di-pampamahalaan (Traditional NGOs
o TANGOs)
o Organisasyong pangkawangga at pangkagalingan na
nagbibigay ng mga tulong at serbisyo para sa mahihirap na
indibidwal at pamilya.
 Mutanteng Organisasyong Di-pampamahalaan (Mutant NGOs o
MUNGO)
o Ay karaniwang kinabibilangan ng mga NGO na
pinamamahalaan ng gobyerno at nagsisilbing karugrong ng
mga ahensiya ng pamahalaan o ng personal na interes ng mga
nasa pamahalaan.
 Mga Organisasyong Di-pampamahalaan para sa Kaunlaran,
Katarungan, at Adbokasiya (Development, Justice and Advocacy NGOs
o DJANGOs)
o Ay ang mga samahang nakatutok sa mga proyekto at
programang pangkaunlaran; naglilingkod sa parehong tuwiran
at di-tuwirang Gawain at serbisyo para sa mga organisasyong
pantaong-bayan (POs)
 Organisasyong Di-pampamahalaan na Pinang-ayunan ng Negosyo
(Business-organized/ Oriented NGOs o BONGOs)
o Ay mga grupong tumutulong sa paglutas ng mga kaguluhan sa
traaho o negosyo.
 Organisasyong Di-Pampamahalaan na Fly-by-Night o Paper NGOs
(COME N’GOs)
o Ay mga samahang gumagawa ng mga panukala upang
makahikayat ng pondo mula sa ibang grupo at kapagdaka’y
naglalaho dala ang nakuhang pondo.

Pagsuporta sa mga Organisasyong Panlipunan

-Ang mga organisasyon ng sambayanan ay may samahan na may malinaw na estraktura


at may kakayahang magtaguyod ng kapakanang pambayan.
5

- Artikulo XIII, Seksyon 15. Igalang ng Estado ang mga ginagampanan ng malayang mga
organisasyon ng sambayanan upang matamo at mapangalagaan ng mga taong-bayan.
-Artikulo XIII, Seksyon 16. Hindi dapat bawasan ang karapatan ng sambayanan at ng
kanilang mga organisasyon sa mabisa at makatwirang pakikilahok sa lahat ng mga antas
ng pagpapasiyang panlipunan, pampolitika at pangkabuhayan.

a) Civil Society
- karaniwang iniuugnay sa pagsulong ng mga karaniwang interes. Minsan,
itinuturing na kasama ang pamilya at ang pribadong sector. Itinuturing
“ikatlong sector”.
-nagsimula nang matapos ang People Power Revolution noong 1986.
-Marami nito ay aktibong kumikilos sa buong kapuluan at nagsusumikap.
- Ang mga civil society ay:

1. Mga pinagsama-samang non-government organizations at institusyon


na nagpapahayag ng mga interes ng mga mamamayan.
2. Mga indibidwal at organisasyon na malayo sa pamahalaan.
3. Karaniwang binubuo ng mga non-profit organization.

b) Interest Groups
-ang mga samahang naglalayong maimpluwensiyahan ang pampublikong
polisiya upang maipasa ang batas na kanais-nais para sa kanilang miyembro o
kaya ay makahimok ng mga kawani ng pamahalaan para sa kanilang sariling
kapakinabangan.
- Robert B. Stauffer (“Philippine Interest Groups: An Index of Political
Development”, 2012): Matapos na nakabangon ang Pilipinas na siya nalang
isa, na wala na siya , Hapones at atbp, nabuo at pinagtibay ang iba’t ibang
asosasyon kabilang na nito ang Philippine Medical Association (PMA) – isa sa
interest groups;

c) Iba Pang Samahan, Asosasyon o Unyon


-isa sa mga prosesong demokratiko na maaring gawin ng mga mamamayan
upang matamo ang kanilang mga mithiin.
-maraming uri: pangkalusugan, pang-edukasyon, pang-propesyonal,
pansibiko, pangkultura, at iba pa.
-Nasa Saligang Batas:
o Artikulo III, Seksyon 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga
taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong
sektor na magtatag ng mga asosason, mga union o mga kapisanan sa
mga layuning hindi labag sa batas.

Pagbabayad ng Buwis
6

-Ito ay pinanggagalingan ng piakamahalagang bahagi ng pondo na ipinanggagastos ng


pamahalaan sa iba’t ibang Gawain at serbisyong ibinibigay sa mga tao.
-Kapag nagkukulang ng pondo ang pamahalaan, nagiging mahirap ang kalagayan ng
bansa.
-Ito ay tulad ng gasolinang nagpapatakbo ng sasakyan.
-Mga iba’t ibang buwis:

o Buwis pamgpamayanan o sedula (Community Tax)


 Ibinabayad ng mga mamamayan kung siya ay labingwalong
taong gulang na. Kailangan ito kapag siya ay pumipirma ng mga
kontrata sa pagtratrabaho, pag-aasawa, pagbili ng bahay, lupa
ay iba pang legal na kasunduan.
o Buwis na galling sa kita (Income Tax)
 Bahagi ng perang ibinayad sa mamamayan kapag siya ay
nagtratrabaho o nagnenegosyo.
o Buwis ng di-natitinag sap ag-aari (Real Estate Tax)
 Buwis na batay sa halaga ng di-natitinag na pag-aari gaya ng
lote, bukirin, o ano mang lupang pag-aari pati ng mga bahay,
gusali at iba pang estrakturang ipinatayo roon.

o Buwis mula sa donasyon at ari-ariang minana (Inheretance Tax)


 Ito ang mga buwis sa ating binabayaran kapag tayo ay
tumanggap o nagmana ng mga pag-aaring di-natitinag o iba
pang bagay na mapagkakakitaan gaya ng negosyo.
o Buwis sa iba pang ari-arian
 Ito ay buwis na binabayaran kapag tayo ay nagmamay-ari ng
sasakyan tulad ng kotse, trak, dyip at motorsiklo.
o Buwis sa mga negosyo at iba pang kalakal
 Nagbabayad din tayo ng mga buwis para sa mga negosyo at iba
pang gawaing napagkakakitaan, gaya ng tindahan, restawran,
beauty parlor at iba pa.
o Value-added Tax (VAT)
 Ang buwis na ating binabayaran kapag bumibili tayo ng mga
pagkain, kasuotan, kagamitan at iba pa.

Dahil sa pagbabayad ng mga mamamayan ng mga buwis, ipinapatupad ng pamahalaan ang


sumusunod:
1. Pagbabayad ng utang ng pamahalaan sa loob at labas ng bansa.
2. Serbisyong panlipunan para sa kapakanan ng mga mamamayan tulad ng tulong sa
mahihirap, pabahay at marami pang iba.
3. Serbisyong pang-ekonomiya tulad ng pagbibigay ng pensiyon, paglilingkod na pang-
koreo, pagaalaga ng likas na yaman at marami pang iba.
4. Pangkalahatang paglilingkod tulad ng pang-imigrasyon at pandiplomatiko,
pagpapanatili ng mga pampublikong liangan gaya ng parke at palaruan at iba pa.
7

5. Pang-edukasyon tulad ng pagbibigay ng libreng pagpapaaral mula elementarya


hanggang kolehiyo (tulad ng mga state college at unibersidad), pagpapagawa ng mga
paaralan, pagpapasuweldo sa mga guro, pagbili ng mga aklat na gagamitin ng mga
mag-aaral at iba pa.
6. Panggawaing bayan tulad ng paglilinis ng kapaligiran at paggawa ng mga daan, tulay,
gusali at impraestraktura.
7. Serbisyong pangkalusugang tulad ng pagbibigay ng libreng gamut, pagpapabakuna,
pagpapanatii ng mga pampublikong ospital at klinika o mga health center, at marami
pang ibang gastusin para sa kalusugan ng mga mamamayan.
8. Pangkaligtasan o proteksiyon tulad ng pulisy, bomber at iba pa.
9. Pangkalahatang gawaing paampamahalaan tulad ng pagpapanatili ng iba’t ibang
sangay ng pamahalaan, pagpapasahod ng ma pinuno at empleyado nito at marami
pang iba

Ilang Isyung Pampolitika at Pampamahalaan


1. Tax Evasion
-Marami ang hindi nagbabayad ng tamang buwis. Ang kanilang dahilan ay napupunta
lamang daw ang kanilang ibinabayad na buwis sa mga kurakot na kawani ng
pamahalaan. Dahil ditto ay nahihirapang ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng ating
bansa.

2. Pandaraya sa Halalan

+ Vote buying
: namimigay ng pera sa botante upang sila ay iboto.

+ Kahinaan sa precinct count optical scan o PCOS machines


:Nawawala sa rehistro ang pangalan ng botante o nadaragdagan ang bilang ng
mga botante sa iba’t ibang presinto.
:Ang ballot images na lumalabas dito ay iba sa maipadadala sa Board of
Canvassers

+ Mga Karahasan
: Mapatay na kandidato tuwing sasapit ang halalan tulad ng nangyaring masaker
sa Maguindanao noong November 23,2009.

+ Paglabag sa mga Patakaran


: Malayo pa ang halalan nangangampanya na sila
:Labis na gastos at pagpapalagay ng mga campaign poster/paraphernalia

Mga Maling Gawain Kung May Eleksyon


8

-Ayon ito sa pag-aaral ng International Foundation for Electoral Systems at IPER sa kanilang
“Elections in the Philippines” at “Restudying the Filipino Voter Today” noong Huulyo 2003, may
walong karaniwang maling Gawain sa panahon ng halalan na ipinahiwatig sa Omnibus Election
Code:

o Pagbili ng boto
o Pagboto gamit ang ibang panngalan (flying voters)
o Pananakot sa mga botante
o Panunuhol sa mga local na tauhan sa COMELEC
o Ballot-snatching
o Pandaraya sa pagbibilang ng boto o balota
o Pamimilit at terorismo sa panahon ng proseso ng pagboto
o Pagpatay kaugnayan sa halaln o pampolitikang hangarin

You might also like