You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI-WESTERN VISAYAS
Schools Division of Iloilo
CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


(Mga Kontemporaryong Isyu)

January 22, 2018

I.LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mga mag-aara; ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO

a. Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na


nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.
b. Nasusuri ang mga pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan
c. Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong panlipunan.

D. TIYAK NA LAYUNIN

1. Nalalaman ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa katangian ng isang aktibong


mamamayan.

2. Nasusuri ang naging pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.

3. Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat mamamayan para sa pagbabagong


panlipunan.

II. NILALAMAN

A. Paksa
Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro: pp. 325-
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral: pp. 355-
B. Iba pang Kagamitan: Laptop, Telebisyon, Powerpoint Presentation

1
IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating Tatayo ang mga mag- aaral at mananalangin.
panalangin.
2. Balik- aral
Mag balik-aral muna tayo, sa nakalipas Diskriminasyon sa mga LGBT.
na aralin ay tinalakay natin ang tungkol
sa mga isyu sa kasarian at lipunan.
Magbigay nga kayo ng halimbawa.

Very Good!

B.Paglinang na Gawain
1.Pagganyak
Bago natin tuloyang simulan ang ating (Pakikinggan/aawitin ang “Ako’y Isang
bagong aralin, nais ko munang Mabuting Pilipino”. )
pakinggan ninyo ang awiting “Ako’y
Isang Mabuting Pilipino” ni Noel
Cabanagon. Maari nyo ring basahin at
awitin kung alam ninyo ang kanta.
Pagkatapos ay may mga katanungang
dapat ninyong sagutan.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang katangian ng isang
mabuting Pilipino ayon sa awitin?
2. Sino-sino ang itinuturing na
mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang
mamamayan ang kaniyang mga
tungkulin at pananagutan?
4.Paano makatutulong ang mamamayan
sa pagsulong ng
kabutihang panlahat at pambansang
kapakanan?

2. Paglalahad
Ang ating pag- aaralan ngayon ay
tungkol sa konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan.

Gawain 1
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat, (Magsusulat ng katangian ng mga aktibong
ang bawat pangkat ay bubuo ng listahan mamamayan).
ng katangian ng mga akitbong
mamamayan, isulat ito sa sangkapat
(1/4) na bahagi ng papel.

3.Pagtalakay
Ligal at Lumawak na Konsepto ng
Pagkamamamayan

Ligal na Pananaw
Ang konsepto ng citizenship
(pagkamamamayan) o ang kalagayan o
katayuan ng isang tao bilang miyembro

2
ng isang pamayanan o estado ay
maaaring iugat sa kasaysayan ng
daigdig.
Tinatayang panahon ng
kabihasnang Griyego nang umusbong
ang konsepto ng citizen. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga
lungsod-estado na tinatawag na polis.
Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga
taong may iisang pagkakakilanlan at
iisang mithiin.
Ang polis ay binubuo ng mga
citizen na limitado lamang sa
kalalakihan. Ang pagiging citizen ng
Greece ay isang pribilehiyo kung saan
may kalakip na mga karapatan at
tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na
si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip
ng mga citizen kundi maging ang
kalagayan ng estado. Ang isang citizen
ay inaasahan na makilahok sa mga
gawain sa polis tulad ng paglahok sa
mga pampublikong asembliya at
paglilitis.
Ang isang citizen ay maaaring
politiko, administrador, husgado, at
sundalo.
Sa paglipas ng maraming panahon,
ay nagdaan sa maraming pagbabago
ang konsepto ng citizenship at ng
pagiging citizen.
Tanong:
Kapag sinabi nating citizenship ano Kalagayan ng isang indibidwal sa isang estado
ito? o bansa.

Ayon kay Murray Clark Havens


(1981), ang citizenship ay ugnayan ng
isang indibiduwal at ng estado. Ito ay
tumutukoy sa pagiging miyembro ng
isang indibiduwal sa isang estado kung
saan bilang isang citizen, siya ay
ginawaran ng mga karapatan at
tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng
estado sa Saligang-batas ang tungkulin
at karapatan ng mga mamamayan nito.
Tanong:
Ano naman ang ibig sabihin ng Indibidwal na nakatira sa isang estado.
citizen?
Sa anong artikulo ng 1987 Saligang
Batas makikita ang pagkamamamayan o Artikulo IV.
citizenship?

Very Good! ARTIKULO IV


Sa 1987 Saligang Batas, Artikulo IV PAGKAMAMAMAYAN
ng Pilipinas iniisa-isa rito kung sino ang SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan
maituturing na mamamayan ng Pilipinas. ng Pilipinas:
(Pakibasa) (1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon
ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay

3
mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang
Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit
sa karampatang gulang; at

(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa


batas.

SEKSIYON2. Ang katutubong inianak na


mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang
kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang
Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.

SEKSIYON3. Ang pagkamamamayang Pilipino


ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.

SEKSIYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang


pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas
na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung
sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay
ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

Sa kabila nito ay maaaring mawala SEKSIYON 5. Ang dalaw


ang pagkamamamayan ng isang ahang katapatan ng mamamayan ay salungat
indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng
ay sasailalim sa proseso ng kaukulang batas.
naturalisasyon sa ibang bansa.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1.)ang panunumpa ng katapatan sa
Saligang-
Batas ng ibang bansa;
2.)tumakas sa hukbong sandatahan ng
ating bansa kapag maydigmaan, at
3.) nawala na ang bisa ng
naturalisasyon.

Tanong:
Ano naman ang dalawang prinsipyo
ng pagkamamamayan?
Jus Sanguini
Ang pagkamamamayan ng isang
tao ay nakabatay sa pagkamamamayan
ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito Jus sanguinis at Jus soli.
ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus soli o jus loci
Ang pagkamamayan ay nakabatay
sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito
ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

4
Gawain 2
Isulat ang hinihinging impormasyon sa
concept map, magsama-sama muli ang
magkakagrupo.

(Ididikit sa pisara ang concept map)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga batayan ng
pagiging isang mamamayang
Pilipino?
2. Ano-ano ang dahilan para
mawala ang pagkamamamayan
ng isang indibiduwal?
3. Gaano kahalaga ang isang
mamamayan sa lipunang
Pilipino?
Lumawak na Pananaw ng
Pagkamamamayan
o Ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal ay nakabatay sa
pagtugon niya sa kaniyang mga
tungkulin sa lipunan at sa
paggamit ng kaniyang mga
karapatan para sa kabutihang
panlahat.
o Igigiit ng isang mamamayan ang
kanyang mga karapatan para sa
ikabubuti ng bayan.
o Hindi niya inaasa sa pamahalaan
ang kapakanan ng lipunan sa
halip, siya ay nakikipagdiyalogo
rito upang bumuo ng isang
kolektibong pananaw at tugon
sa mga hamong kinakaharap ng
lipunan.
Naglahad ang abogadong si Alex
Lacson ng labindalawang gawaing
maaaring makatulong sa ating bansa.
Ang mga gawaing ito ay maituturing na
mga simpleng hakbangin na maaaring
gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa
kabila ng pagiging simple ng mga ito ay
maaaring magbunga ang mga ito ng
malawakang pagbabago sa ating
lipunan.
Ano-ano ito?
1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa
batas.
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa
anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle.
Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang
gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin
gayundin sa sariling bansa.

5
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko,
pulis at iba pang lingkod-bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay.
Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin
sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang
mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng
C.Pangwakas na Gawain pagmamahal sa bayan ang mga anak.
1.Paglalahat
Natapos na nating talakay in ang tungkol
sa konsepto ng pagkamamamayan.

Tanong:
1. Magbigay ng halimbawa ng o Tumutupad sa mga tungkulin.
katangian ng mga aktibong o Minamahal ang bayan.
mamamayan. o Di nagkakalat ng mga basura sa mga
lansangan.
o Pinagtatanggol ang karangalan.
2. Sa anong artikulo ng 1987
Saligang Batas ng ating bansa Artikulo IV
makikita ang pagkamamamayan
(citizenship)?
3. Bilang isang Pilipino,
naisasabuhay mo ba ang iyong
pagkamamamayan?

Magaling! Palakpakan ang inyong mga


sarili.

2.Paglalapat
Okay,ngayon dumako na tayo sa ating
susunod na gawain. Lumawak na
Pananaw

Magsulat ng tatlong katangian ng


aktibong mamamayan sa bawat
pananaw ng pagkamamamayan.
Magbigay ng maikling paliwanag kung
bakit ito naging katangian ng isang
aktibong mamamayan.

Aktibong
Mamamayan

3.Pagpapahalaga
Tanong:
Ano ang kahalagahan ng bawat
mamamayan sa mga pagbabagong
panlipunan?

6
V. PAGTATAYA (Formative)

I. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa mga salita sa
loob ng kahon.

Jus sanguinis Polis


Pagkamamamayan Saligang Batas
Jus soli Naturalisasyon

1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
2. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.
3. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayaan ng isa sa
kanyang mga magulang.
4. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
5. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng
isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte.

II. Enumerasyon

(1-4) Sino ang kinikilalang mamamayan ng Pilipinas ayon sa Artikulo IV, Seksyon ng 1 ng 1987
Saligang Batas ng ating bansa?

(5-6) Ano-ano ang mga katangian ng aktibong mamamayan ayon sa kanta ni Noel Cabangon na
“Ako’y Isang Mabuting Pilipino”?

(8-10) Dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan, Ipaliwanag.

III. Maikling Sanaysay (10pts.)

Ibigay ang kaibahan ng legal at lumawak na pananaw ng pagkamamanayan.

7
VI. TALA (REMARKS)

VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


B. Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking cooperating
teacher?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
kong guro?

Prepared by: JORILYN P. LEGAYADA


Grade 10- Student Teacher

Checked by: JOYCE


Cooperating Teacher

Noted by: MARIANE G. BASTIERO__


Head, Social Studies Department

You might also like