You are on page 1of 5

PAKSA:

MIGRASYON: PERSPEKTIBO AT PANANAW


Hindi na bago ang migrasyon o pandarayuhan. Simula pa lamang ng pagsibol ng kabihasnan ay malimit
na ang pagdayo ng tao tungo sa mga lugar na magbibigay sa kaniya ng pangangailangan maging ito man ay sa
usaping pangkabuhayan (ekonomiko), seguridad (politikal) o maging personal.
Lamang, higit na naging mabilis ang pandarayuhan sa kasalukuyan kung ihahambing sa nagdaang mga
panahon. Sa katunayan, ang paggalaw ng mga tao sa loob at labas ng bansa ay masalimuot kung pagtutuunan ng
pansin ang dahilan, patterns at epekto nito sa lugar na iniiwan, pinupuntahan at binabalikan.
Ang paggalaw o daloy ng migrasyon ay makikita sa iba’t ibang anyo. Nandarayuhan ang mga tao bilang
manggagawang manwal, highly qualified specialists, entrepreneur, refugees o bilang isang miyembro ng pamilya.
Binigyang-diin sa pag-aaral ni Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang The Age of Migration na sa
buong mundo, iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon ang nakapangyayari bilang tugon sa pagbabagong
pangkabuhayan, pampolitikal, kultural at marahas na tunggalian sa pagitan ng mga bansa.
Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang ginampanan ng dahilang pangekonomiya sa pagpunta ng maraming
mga Pilipino sa ibang bansa. Binanggit sa mga naunang aralin sa kwarter na ito na malaki ang naipadadalang
dolyar ng mga OFW sa kani-kanilang kamag-anak sa bansa na nag-aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya
ng bansa.
Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng mga ‘pangkalahatang obserbasyon’
tungkol sa usaping ito na mababasa sa mga sumusunod na ideya.
1. Globalisasyon ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang madalas
puntahan o dayuhin tulad ng Australia, New Zealand, Canada at United States ay patuloy pa ring dinadagsa at sa
katunayan ay nadadagdagan pa ang bilang ng mga bansang pinagmumulan nito. Malaking bilang ng mga
migrante ay mula sa mga bansa sa Asya, Latin America at Aprika. Sa iyong pananaw, bakit kaya madalas dayuhin
ang mga bansang nabanggit sa binasang teksto? Ipahayag ang iyong saloobin.
2. Mabilisang paglaki ng migrasyon
Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki ang
implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa usaping ito.
May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng permanenteng migrasyon
nang sabay-sabay.

I. LAYUNIN
A. AMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran
upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.
B. PAMANTAYANG PAGGAWA (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop naplano sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran
tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies)
1. Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran.
(AP10PHP-Ie7)
2. Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottomup approach sa pagharap sa suliraning
pangkapaligiran. (AP10PHP-If8)
3. Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran.
(AP10PHP-Ig-9)
II. NILALAMAN
a. PAKSA : Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
b. Sanggunian : Yunit II Pahina 223 – 225
c. Mga Kagamitan : Powerpoint Presentation, mga video at litrato
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong aralin
Paunang Pagtataya

1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa
lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa
mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito.

2. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster Risk
Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga
kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano
magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara
nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang
makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t
ibang kalamidad

3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob ang collaboration
with community and stakeholder?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo
B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan
C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor
D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


GAWAIN 1:THINK PAIR SHARE.
Pumili ng kapareha at unawain, suriin ang sumusunod na larawan . Gamitin ang worksheet No.1.

Pangalan:_________________________ Pangalan ng aking kapareha: _________________________


Petsa:____________________________ Araling Panlipunan Grade 10: _________________________

Pananaw ng aking Ang aming mga


Mga Katanungan Ang aking pananaw ibabahagi
Kapareha
1.Ano ang
ipinapakita ng mga
larawan?
2. Ano ang naging
batayan mo upang
matukoy ang
konseptong
ipinahahatid ng
mga larawan?
3. Alin sa mga
larawang ito ang
madalas kang
nagkakaroon ng
ugnayan? Bakit?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pagbabahagi ng mga karanasan ng mga mag-aaral sa mga ginagawa ng pamahalaan tuwing may kalamidad sa
kanya-kanyang lugar.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Gawain 15: Suriin mo
Basahin ang artikulo at sagutin ang mga pamprose
Ayon sa Asia-Pacific Report 2015 tungkol sa Women Migration…
The proportion of women among all international migrants in the Asia Pacific region is 48
percent, but there are often significant differences between countries. Female constitute about half of
all migrants in Australia and New Zealand, where most migrants are permanent settlers. Women
comprise high percentages of migrants in Hongkong, China (59 percent), Singapore (56 percent),
partially because of the large numbers of domestic workers in those economies, but also in Nepal (68
percent), largely owing to patrilocal marriage customs (United Nations, 2013).
Gender differences are much greater with regards to temporary migrant workers. Women make up
low proportions of workers migrating through official channels, with the notable exceptions of
Indonesia, the Philippines and Sri Lanka. The proportion of women formally deployed from
Bangladesh in 2013 was 13.8 percent, although this represented a rapid increase from only 4.7 percent
in 2007 because the government removed the main restrictions on their migration. In 2006, the
minimum age for low-skilled women to migrate with special permission was reduced to 25 years and
restrictions on the migration of unmarried women were removed (UN Women, 2013a:271)

1. Ano ang ibig sabihin ng peminisasyonat ng migrasyon?


2. Ayon sa artikulo, bakit mas maraming ang bilang ng kababaihan na dumarayo sa Hongkong, China,
Singapore at maging Nepal.
3. Ano ang iyong palagay ang implikasyon ng peminisasyon, ng migrasyon sa mga bansang iniwan ng mga
migrante? Magbigay ng mga halimbawa.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Magpapanood ng isang maikling bahagi ng pelikulang “Anak” nina Vilma Santos at Claudine Baretto.
Pagkatapos manood ang mag-aaral ay sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang dahilan ng pangingibang bayan ng karakter ni Vilma Santos?
2. Ano ang kanyang naging trabaho sa ibang bansa?
3. Ano ang naging epekto nito sa buhay ng kanyang pamilya?

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Role-playing
Ang bawat grupo ay magpapakita ng iba’t ibang dahilan ng migrasyon (pangingibang bayan) at mga epekto
nito sa loob ng dalawaang minuto.
Batayan
Puntos Pamantayan
4 Wastong nailarawan at naipakita
ang mga dahilan at pepkto ng
migrasyon.
3 Mahusay na ipinakita ang mga
dahilan at epekto ng migrasyon.
2 Hindi masyadong naipakita ang
mga dahilan at epekto ng
migrasyon.
1 Hindi angkop ang ipinakita.
H. Paglalahat ng Aralin
Bilang isang mag-aaral, sa iyong palagay, nakabubuti ba ang pangingibang bayan ng iyong magulang?
Ipaliwanag ang sagot.

You might also like