You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

DIAGNOSTIC TEST
Kontemporaryong Isyu- AP 10

Pangalan ______________________________________ Iskor __________


Guro ______________________________________ Petsa __________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng


ating pamayanan at sa bansa.

A. Balita B. Isyung showbiz C. Kasaysayan D. Kontemporaryong Isyu

2. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu?

A. Upang malaman kung ito ay walang kinikilingan sa paglalahad ng isyu.

B. Upang buuin ang mga ugnayan ng mga magkakaugnay na impormasyon

C. Upang makapaghinuha gamit ang kaalaman at mga karanasan tungkol sa isyu

D. Upang masusuri at matataya ang mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga


pangyayari

3. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang


hindi epekto nito sa ating bansa?

A. Pagtaas sa insidente ng dengue

B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain

C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides

D. Maraming mga dayuhan ang nagnanais magbakasyon sa ating bansa

4. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?

A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran


B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon

C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad

D. Marami sa mga Pilipino ang mangingibang bansa upang makaiwas sa suliranin.

5. Ang Republic Act 9003 ay kilala bilang __________________.

A. Ecological Garbage Management Act of 2000

B. Ecological Garbage Management Act of 2010

C. Ecological Solid Waste Management Act of 2000

D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010

6. Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on Climate
Change upang tugunan ang mga banta ng climate change sa Pilipinas?

A. Executive Order No. 23

B. Republic Act 7586

C. Republic Act No. 8749

D. Republic Act No. 9729

7. Ito ang pinakaunang dapat gawin upang maging updated sa mga kaganapan gaya ng
bagyo.

A. Makilahok sa earthquake drill.

B. Magdala ng emergency kit kung kinakailangan.

C. Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangang lumikas.

D. Makinig sa radio o manood ng TV para sa regular na anunsyo o

babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating.

8. Nagbibigay ng mga update tungkol sa mga paparating na bagyo at sama ng panahon.

A. OCD B. PAGASA C. LGU D. PHIVOLCS

9. Ito ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,


paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.

A. To advise B. To inform C. To instruct D. To coordinate

10. Mahalaga ang pagbibigay ng ______________ sa mamamayan bago tumama ang


panahon ng kalamidad.

A. alituntunin at babala C. paalala at babala

B. babala at kaalaman D. paalala at alituntunin


11. Tinutukoy nito ang lawak ng pinsala tulad ng pagkasira ng mga imprastraktura at
kabahayan.

A. Loss Assessment

B. Damage Assessment

C. Needs Assessment

D. Wala sa nabanggit

12. Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging


matagumpay ang CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at
_________.

A. hindi tapat na pinuno C. walang suporta ng mga NGO’s

B. kulang na pondo D. partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan

13. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

A. ekonomiya B. globalisasyon C. migrasyon D. paggawa

14. Ang paggamit ng internet, facebook at twitter ay kabilang sa anong anyo o aspekto
ng globalisasyon?

A. ekonomiya B. politikal C. sosyo-kultural D. teknolohiya

15. Ang pagsikat ngayon sa mga dayuhang tele-nobela sa Pilipinas ay kabilang sa anong
anyo o aspekto ng globalisasyon?

A. ekonomiya B. politikal C. sosyo-kultural D. teknolohiya

16. Ang mga sumusunod ay epekto ng unemployment, maliban sa:

A. kahirapan

B. mataas na antas ng krimen

C. mababang ekonomiya ng bansa

D. maraming turista ang bibisita sa ating bansa

17. Ano ang tawag sa mga manggagawa na may mataas na antas ng kasanayan at
edukasyon na nagtatrabaho sa medyo mababa at kulang sa oras ang trabaho?

A. kontraktuwal B. regular C. underemployed D. unemployed

18. Anong departamento ng pamahalaan ang tumutugon sa mga isyung hinaharap ng


mga manggagawang Pilipino?

A. Department of Education

B. Department of Labor and Employment


C. Department of Social Works and Development

D. Technical Education and Skills Development Authority

19. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at
hamon sa paggawa, maliban sa:

A. job-mismatch

B. mababang pasahod

C. mura at flexible labor

D. hinasa ang kakayahan sa paggawa

20. Ano ang tawag sa pagka-ubos ng mga propesyonal na may angking kasanayan o
talento dulot ng kanilang pangingibang-bayan upang maghanap ng mas magandang
oportunidad sa paghahanapbuhay?

A. brain drain B. brain gain C. kontraktor D. specialists

21. Ano ang pangunahing isyu sa paggawa sa ating lipunan ngayon?

A. unemployment

B. kulang sa benepisyo

B. hindi pantay sa trabaho

C. pahirapan ang paghahanap ng trabaho

22. Ano ang tawag sa mga positibong salik o dahilan para mandarayuhan o tumungo
ang mga tao sa isang pook?

A. boluntaryong migrasyon C. push factor

B. hindi boluntaryong migrasyon D. pull factor

23. Alin sa mga sumusunod na mga dahilan ng migrasyon ang maituturing na push
factor?

A. digmaang sibil C. matatag na gobyerno

B. kagandahan ng klima D. maayos na pamumuhay

24. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na ibig sabihin ng salitang migrasyon?

A. pag-alis ng magulang para magtrabaho

B. pag-ikot ng tao sa bansang kanyang gustong puntahan

C. paghahanap ng trabaho upang makapagbigay ginhawa sa pamilya


D. proseso ng pag-alis o paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook
upang doon manirahan, ito man ay pansamantala o ‘di kaya’y pangmatagalan

25. Ano ang tawag sa proseso kung saan ang isang kultural na kaugalian, materyal na
bagay, ideya, o behavior pattern ay kumakalat mula sa isang lipunan patungo sa isa
pa?

A. brain drain C. cultural values

B. cultural diffusion D. patronage politics

26. Ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng


pagkakaiba ng babae sa lalaki ayon sa World Health Organization (WHO)?

A. bisexual B. gender C. sex D. transgender

27. Ano ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki?

A. bisexual B. gender C. sex D. transgender

28. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng sex?

A. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla samantalang ang mga lalaki ay
hindi.

B. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay
nito.

C. Ang mga babae ay nagtataglay ng kakayahan na magsilang ng sanggol samantalang


ang mga lalaki ay hindi.

D. Ang mga babae ang kadalasang nag-aaruga sa mga anak at ang mga lalaki ang
naghahanapbuhay.

29. Batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

A. Magna Carta of Women

B. Universal Declaration of Human Rights

C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004

D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

30. Sino ang saklaw ng Magna Carta of Women?

A. Bata at matatandang babae C. May kapansanan

B. Marginalized Women D. Lahat ng nabanggit


31.Sino ang pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong
batas na Magna Carta of Women?

A. Mamamayan C. Pribadong Sektor

B. Pamahalaan D. Simbahan

32. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na


komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.

A. Magna Carta of Women

B. Universal Declaration of Human Rights

C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004

D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

33. Ang pangkat na ito ay patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang karapatan


hanggang sa kasalukuyan.

A. Children C. Senior Citizen

B. LGBT D.Women

34. Ito ay isang pinag-isang kampanya ng UN Women para sa pagkakapantay-pantay


ng kasarian at naglalayon ring isama ang mga kalakihan laban sa di-pantay na pagtrato
sa mga kababaihan at para sa Karapatan ng mga kababaihan.

A. HeforShe

B. Humanitarian Aid

C. Magna Carta for Women

D. SheforHe

35. Ang lalaki ay pinipilit ang isang babae na gumawa ng mga sekswal na bagay na
labag sa kanyang kalooban o hinahawakan ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Anong batas ang makapagbibigay proteksyon laban sa karahasang ito?

A. Magna Carta of Women

B. Universal Declaration of Human Rights

C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004

D. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women


36. Tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at babaeng nakakulong.

A. Marginalized Women

B. Marginalized Men and Women

C. Men in Especially Difficult Circumstances

D. Women in Especially Difficult Circumstances

37. Ito ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa na kung saan
binabayo o minamasahe ang dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy.

A. Breast Flattening

B. Foot Binding

C. Sati o Suttee

D. Wala sa Nabanggit

38. Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung
saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin?

A. citizenship B. estado C. lipunan D. nasyon

39. Anong prinsipyo ng pagkamamamayan ang tinutukoy sa sitwasyon kapag ang


magulang ay Pilipino, ang anak ay Pilipino rin saan man siya ipinanganak?

A. dual citizenship B. jus sanguinis C. jus soli. D. polis

40. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa
mga nangyayari sa kanilang paligid?

A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansa.

B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa


itinakda ng saligang-batas.

C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon


sa mga isyu at hamong panlipunan.

D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung


magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa

41. Mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang

A. UDHR C. Statutory Rights


B. Karapatang Pantao D. Karapatang Pangkalikasan

42. Dokumentong naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England noong 1215 at


nagbigay ng ilang karapatan ng mga taga England.

A. Bill of Rights C. Magna Carta

B. Cyrus’ Cylinder D. The First Geneva Convention

43. Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”

A. Bill of Rights C. Magna Carta

B. Cyrus’ Cylinder D. The First Geneva Convention

44. Bakit mahalagang malaman natin ang ating karapatan?

A. Upang magkaroon ng maraming kaibigan

B. Sapagkat ito ay nagdudulot ng kapahamakan

C. Dahil ito ay kailangan ng tao sa pagkakaroon ng kayamanan

D. Upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan bilang tao

45. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, sino ang may angking ganap na
kapangyarihan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na
pampamahalaan?

A. Negosyante C. Sambayanan
B. Pamahalaan D. Simbahan

46. Ito ay pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.

A. Pakikilahok sa eleksiyon

B. Pakikilahok sa pagwewelga

C. Pakikilahok sa gawaing pansimbahan

D. Pakikilahok sa gawaing pambarangay

47.Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting mamamayan, alin dito
ang hindi kabilang?

A. Wastong pagbabayad ng buwis

B. Pakikilahok sa gawaing pansibiko

C. Pagbebenta ng boto tuwing eleksyion

D. Pagsubaybay sa Gawain ng pamahalaan


48. Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao nang

patas at walang kinikilingan.

a. consensus b. participation c. rule of law d. transparency

49. Nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at mamamayan sa pagtukoy ng malawak


at long term perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao.

a. accountability b.empowering c. legitimacy d. strategic vision

50. Pagkaroon ng ________, binigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkakaroon


ng kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.

a. responsiveness b. rule of law c. participation d. transparency

You might also like