You are on page 1of 6

Department of Education

Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
DULAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Binmaley

DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ________________________________ Iskor: _________________


Taon at Pangkat: __________________________ Petsa: ________________

Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Isulat lamang ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama -samang naninirahan sa isang


organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. Kultura C. Pamilya
B. Lipunan D. Pamahalaan
2. Tumutukoy sa kakayahang makita ang koneksyon at interaksyon at ang
kaugnayan ng personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang ganyang
ginagalawan. Ito ay _____________
A. Sociological Imagination C. social distancing
B. sociological imaginative D. social factors
3. Ano itong isyu o suliranin maituturing na pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan?
A. isyung panlipunan C. isyung pang-ekonomiya
B. isyung pampulitika D. isyung personal
4. Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na “Kahirapan ng
maraming Pilipino”
A. Tama C. Maaari
B. Mali D. Hindi Sigurado
5. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang hindi tumutukoy sa mga elemento ng
kultura
A. paniniwala C. pamilya
B. pagpapahalaga D. norms
6. Tukuyin sa mga pagpipilian sa ibaba ang nagpapakita ng kawastuhan
tungkol sa mga institusyon sa lipunan
A. paniniwala, pagpapahalaga, norms, simbulo
B. material, di material, simbahan, pamahalaan
C. social groups, status, gampanin, kultura
D. pamilya, pang-edukasyon, pamahalaan, simbahan
7. Tumutukoy ang ________ sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan.
A. status (social status) C. institusyon
B. social groups D. gampanin (roles)
8. Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag ay naglalarawan sa
kontemporaryong isyu, alin ang hindi?
A. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
B. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan
C. Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o
impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon
D. Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuru-kuro
9. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang bahaging dapat na gampanan ng mga
mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad
sa mamamayan
B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa
sariling komunidad
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at
hamong panlipunan
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
10.Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat
sa mga kontemporaryong isyu?
A. nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang
mag-aaral
B. paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa
C. pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas
nagiging mapagmatyag, matalino at produktibong mamamayan
D. wala sa nabanggit
11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng hindi pagbibigayhalaga sa papel na ginagampanan ng ahensya ng pamahalaan
sa panahon ng
kalamidad?
A. Lumikha ng musika para sa nurse at doktor
B. Pagsunod sa patuntunan ng lokal na pamahalaan ukol sa kalamidad
C. Pagpasok sa paaralan kahit may bagyo dahil sa pagsusulit
D. Panonod at pakikinig sa telebisyon, radio at internet ukol sa
napapanahong balita
12. Ang Pamilya ni Hugo ay naninirahan malapit sa estero. Ano ang nararapat
niyang gawin upang mapanatiling ligtas ang kanyang pamilya sa hamong
dulot ng kalamidad?
A. Panatihing malinis ang kapaligiran
B. Iwasan ang pagtapon ng basura sa estero
C. Siguraduhing matibay ang tirahan.
D. Lahat ng nabanggit
13. Ang inyong pamayanan ay malapit sa isang pabrika at madalas kayong
nakakalanghap ng amoy ng kemikal mula dito. Ang ilan sa mga residente ay
nakakaramdam ng paninikip ng dibdib. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
nararapat gawin?
A. Iulat ang insidenteng ito sa inyong barangay opisyal
B. Magkaroon ng ugnayan sa pagitan ng pamunuan ng pabrika at mga
opisyal ng barangay
C. Ipasarado ang pabrika na nagdudulot ng sakit sa mga residente
D. Magkaroon ng imbestigasyon sa tulong ng City Health Officer at DTI
14. Ang pamahalaan ay naglunsad ng Social Amelioration Program (SAP) para
mabigyang tulong ang mga mamamayang kabilang sa “poorest among the
poor” o kabilang sa impormal sektor. Ang iyong pamilya ay tumanggap ng
salapi mula sa DSWD bagamat ang iyong ama ay kawani ng gobyerno na
tumatanggap ng buwanang sweldo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Tanggapin ang pera sapagkat ito ay tulong ng pamahalaan
B. Ang lahat ay apektado ng epidemya kaya lahat ay nararapat
tumanggap ng ayuda
C. Ibalik ang pera sapagkat ang iyong pamilya ay hindi kwalipikadong
makatanggap ng ayuda
D. Manahimik at hayaan na lamang
15.Ang inyong pamilya ay may taunang bakasyon na pagbisita sa iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas. Sa inyong pagplano, ang mga sumusunod ay nararapat
bigyang pansin MALIBAN sa _________.
A. Makinig sa anunsyo ng PAG-ASA ukol sa kalagayan ng panahon
B. Magsaliksik sa kalagayan ng kaayusan at kaligtasan sa lugar na
pupuntahan batay sa ulat ng lokal na pamahalaan at kapulisan
C. Sa buwan ng Hulyo maglakbay sapagkat mas mura ang ticket ng
eroplano at hotel accommodation sa mga panahong ito
D. Komunsulta sa doktor upang masiguro ang kalusugan ng bawat isa
habang nasa biyahe
16. Alin sa sumusunod ay ukol sa globalisasyong teknolohikal?
A. Mabilis na pagggamit ng mga mamamayan sa developing countries
ang paggamit ng cellular & mobile phones na nagsimula sa mauunlad
na bansa.
B. Ang mabilisang ugnayan ng mga bansa, ugnayang pangdiplomatiko at
ang gampanin ng mga pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng
bansa.
C. Naging madali ang pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil
sa pagtatanggal ng mga balakid sa kalakal o mga taripa.
D. Nahaharap sa mga suliranin ang iba’t-ibang bansa tulad ng pagaangkin ng ibang bansa sa natatakdang territory
17. Sino ang nagsasabi na marami sa mga cellphone users ay hindi lamang
itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay
nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling
maihiwalay ito sa kanila.
A. Tholons
B. Scholte
C. Dr. Pertierra
D. Dr. Pizarro
18. Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang
pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad
na bansa.Alin sa mga bansang ito ang hindi kabilang sa mga tumatangkili?
A. Pilipinas C. Malaysia
B. Bangladesh D. India
19. Anong gadyets na mabilis na binago at binabago ang buhay ng maraming
gumagamit nito?
A. Kompyuter
B. tablet
C. Mobile phone
D. laptop
20. Anong naging Gawain ng mga Pilipino na bahagi na ng pang-araw-araw na
pamumuhay.
A. Paglilinis
B. Pag-ehersisyo
C. Pagsusulat
D. Pagte text
21. Anong dimensyong ng globalisasyon ang nagpapabuti ng kanilang
pamumuhay sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon
ng pangangailangan tulad ng kalamidad?
A. Ekonomiko C. Politikal
B. Kultural D. Teknolohikal
22. Anong makabagong paraan ang dala ng kompyuter at internet sa
pamumuhay ng tao tulad sa pagpapadala ng mensahe o sulat at aplikasyon
sa pagtatrabaho?
A. Magpapadala ng mensahe o sulat at aplikasyon sa pagtatrabaho sa
pamamagitan ng koreo.
B. Magpapadala ng mensahe o sulat at aplikasyon sa pagtatrabaho sa
pamamagitan ng e mail.
C. Magpapadala ng mensahe o sulat at aplikasyon sa pagtatrabaho sa
pamamagitan ng telegram.
D. Magpapadala ng mensahe o sulat at aplikasyon sa pagtatrabaho sa
pamamagitan ng post office.
23. Ano ang tawag sa pagbili ng produkto at serbisyo sa pamamagitan ng on
line?
A. e-commerce C. e-travel
B. e-mail D. e-book
24. Ilang bansa na kabilang sa developing countries na unang mabilis na
Tinangkilik ng mga mamamayan sa pagggamit ng cellular phones?
A. 1 c. 3
B. 2 D. 4
25.
26. Noon, kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa ay maaari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng
kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang
kaniyang asawa, ano ang maaaring mangyari?
A. Maaari siyang magsampa ng demanda.
B. Wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
C. Makukuha niya ang kostodiya ng kanilang mga anak.
D. Mababawi niya ang mga ari-ariang ibinigay sa kaniya sa panahon ng
kanilang pagsasama.
27. Sa panahong pre-kolonyal, ang mga babae ay maaaring patawan ng kamatayan
ng kanilang asawa sa oras na makitang may kasamang ibang lalaki.
Samantalang, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
28. Anong yugto sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang nagbigay-karapatan
sa mga kababaihan na bumoto?
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
29. Ang sumusunod ay mga gampanin ng babae at lalaki sa panahon ng pre-kolonyal
maliban sa isa.
A. Tungkulin ng kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa
paghahanapbuhay.
B. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
siyang makukuhang ari-arian.
C. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan ay pagmamayari pa din sila ng mga lalaki.
D. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit
maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling
makita niya itong may kasamang ibang lalaki
30. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?
A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal
31. Ang sumusunod ay maaaring idulot ng FGM maliban sa isa.
A. hirap sa pag-ihi C. labis na pagdurugo
B. pagtubo ng cyst D. impeksiyon
32. Bakit may mga pagkakataong napipigilang maglakbay ang mga kababaihan sa
ilang bansa?
A. Nakatali sila sa kanilang obligasyon sa tahanan.
B. Mas may karapatang maglakbay ang mga kalalakihan.
C. Maaaring sila ay maharap sa banta ng pang-aabusong seksuwal o pisikal.
D. Hindi sila maaaring maglakbay kung walang pahintulot mula sa kamaganak na lalaki.
33. Sa mga bansa sa South Africa ay may mga insidente ng gang rape sa mga lesbian,
ano ang sanhi ng karahasang ito?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
34. Alin sa sumusunod na pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na ang mga
babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng
kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat?
A. Arapesh C. Mundugumor
B. Bribri D. Tchambuli
35. Ito ay tumutukoy sa nararamdaman at pinaniniwalaang kasarian ng isang tao
na maaaring tugma o hindi tugma sa kaniyang seksuwalidad.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
36. Anong oryentasyon mayroon si Erica kung siya ay nakararamdam ng pisikal o
romantikong atraksyon sa kapwa niya babae?
A. asexual C. lesbian
B. gay D. transgender
37. Anong oryentasyon mayroon si Paolo kung siya ay nakararamdam ng atraksyon
sa dalawang kasarian?
A. bisexual C. heterosexual
B. gay D. intersexual
38. Si Ana ay ipinanganak na babae ngunit sa kaniyang pakiramdam ang kaniyang
pangangatawan at pangkaisipan ay hindi magkatugma. Anong oryentasyon
mayroon si Ana?
A. asexual C. heterosexual
B. bisexual D. transgender
39. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng sex?
A. Ang mga lalaki ay may titi at te, ang babae ay hindi nagtataglay nito.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla, ang mga lalaki ay hindi.
C. Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang ang mga babae
ay inaasahang gagawa ng mga gawaing bahay.
D. Batay sa biyolohikal na katangian ng tao, ang pribadong bahagi ng katawan
ng babae ay iba sa pribadong bahagi ng katawan ng lalaki.
40. Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa
pagkakaiba ng sex at gender?
A. Ang sex ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
gender ay inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki sa lipunan.
B. Ang gender ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
sex ay role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa itinakda ng lipunan.
C. Ang gender ay biyolohikal na katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
sex ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa itinakda
ng lipunan.
D. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng babae
at lalaki, ang gender naman ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at
lalaki ayon sa itinakda ng lipunan.
41. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ay
nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
A. Jus soli B. Dual Citizen C. Naturalization D. Jus sanguinis
42. Sa Pilipinas, saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang mamamayan
ng bansa?
A. Bible B. Saligang Batas C. Saligang Aklat D. Batas
43. Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan
bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin?
A. Pagkamamamayan B. Mamamayan
C. Makabansa D. Makabayan
44. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan
ng isang indibidwal?
A. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
B. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
C. nakapangasawa ng taga ibang bansa
D. nawala na ang bisa ng naturalisasyon
45. Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas,
maliban sa?
A. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
B. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
C. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas
na ito
D. yaong nakatira sa bansang Pilipinas sa loob ng sampung taon
46. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na maaaring mawala at
maibalik ang pagkamamamayan ng isang Pilipino?
A. Seksyon 3 B. Seksyon 4 C. Seksyon 2 D. Seksyon 1
47. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na ang dalawahang
katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng
kaukulang batas?
A. Seksyon 2 B. Seksyon 3 C. Sek. 4 D. Sek. 5
48. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado sa kabihasnang Griyego?
A. Bayan B. Lalawigan C. Polis D. Rural
49. Aling kabihasnan ang tinatayang pinagmulan ng konsepto ng citizen?
A. Greece B. Egypt C. Mesopotamia D. Africa
50. Sa anong artikulo ng Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na Pilipino sa
bansa?
A. Arikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo 4
Key Answer

1. B 11. C 21. D 31. B 41. A

2. A 12. D 22. A 32. C 42. B


3. D 13. C 23. C 33. D 43. A
4. A 14. C 24. B 34. C 44. C
5. C 15. C 25. 35. D 45. D
6. D 16. A 26. B 36. C 46. A
7. B 17. A 27. D 37. A 47. D
8. D 18. B 28. A 38. D 48. C
9. B 19. C 29. A 39. C 49. A
10. D 20. C 30. D 40. D 50. D
Inihanda Ni:

DIANNA JOY L. CUISON


T-III

You might also like