You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL- MAIN
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST REVIEWER
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ________________________________ Petsa: ________________________


Baitang/Pangkat: __________________________ Guro:_________________________

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa.


A. Isyung showbiz C. Kasaysayan
B. Kontemporaryong Isyu D. Balita
2. Alin sa sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
B. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
C. Pagkilala sa sanggunian.
D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
3. Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayong mapasidhi ang mga programa tungkol
sa muling paggugubat?
A. Republic Act 2706 C. Presidential Decree No. 705
B. Republic Act 2649 D. Presidential Decree No. 1153
4. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng dengue
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. lahat ng nabanggit
5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction
and Management (DRRM) Plan?
A. Lahat ng desisyon ay nagmumula sa nakatataas na kinauukulan.
B. Nag-aantay ng tulong ang mga lider ng barangay galing sa nakatataas na kinauukulan
C. Pinangunahan ng mga mamamayan ang pagtukoy, pag-aanalisa sa mga maaaring maging epekto ng
bagyong paparating.
D. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan ay nabibigyang
pansin.
6 .Bilang mamamayan, paano ka makatutulong sa pagkamit ng isang maayos na lipunan?
A. Makakamit ito kung lahat ay nakapag-aral.
B. Kung sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
C. Kung maayos ang ugnayan ng buong pamilya.
D. Kung ang bawat institusyon sa lipunan at mamamayan ay gagampanan nang maayos ang kanilang
responsibilidad.
7. Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ng pamumuhay sa mga
nasalantang komunidad.
A. Paghahanda sa Kalamidad C. Rehabilitasyon sa Kalamidad
B. Pagtugon sa Kalamidad D. Paghadlang sa Kalamidad
8. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at
pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkalusugan
B. Isyung pangkapaligiran D. Isyung pangkalakalan
9. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae
at lalaki.
A. sex C. sexual orientation
B. gender roles D. gender identity
10. Anong yugto sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang nagbigay ng karapatan sa mga kababaihan na
bumoto?
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Pre-Kolonyal
11. Sa usapin ng kasarian, bawat tao ay mayroong sari-sariling oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang
pangkasarian. Bakit mahalagang maunawaan ng lahat ang mga konseptong ito?
A. Higit na makilala bilang miyembro ng lipunan.
B. Daan ito upang lubos na makilala ang iyong pagkatao.
C. Mabigyan ng higit na pagpapahalaga sa anumang naisin.
D. Unang hakbang tungo sa pagkapantay-pantay na kaisipan.
12. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na positibong dulot ng pagsasalegal ng same-sex civil union ayon sa
mga tagapagsulong nito?
A. Mas magiging bukas sa hindi tradisyunal na pamilya ang mga kabataan.
B. Magkakaroon ng mga moderno at makabagong pagpapahalagang moral.
C. Magkakaroon ang mga gay couple ng karapatang mag-ampon na makatutulong sa mga bahay-
ampunan.
D. Mapapalakas ang depinisyon at kasagraduhan ng pag-aasawa dahil ito ay magiging pantay para sa
lahat.
13. Tukuyin sa mga sumusunod ang hakbang na naging tugon ng mga mamamayan sa mga isyung karahasan
at diskriminasyon kaakibat ng kasarian
A. Pagsasabatas ng Magna Carta of Women
B. Pagsasakatuparan ng proyektong naglalayong itaguyod ang karapatang pantao ng mga katutubong
kababaihan sa ARMM.
C. Pakikiisa sa mga grupong nagsusulong na maging legal sa Pilipinas ang kasal o civil union sa pagitan
ng magkaparehong kasarian.
D. Pagsali sa UN Women na isang organisasyon na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian
at pagpapalakas sa mga kababaihan.
14. Alin sa mga sumusunod na batas ang naglalayong magkaloob ng kabatiran at access sa mga mamamayan
ng mga metodo ukol sa pagpipigil sa pagbubuntis.
A. RA No. 8369 o Family Courts Act of 1997
B. RA No. 9710 o Magna Carta of Women (MCW)
C. RA No. 7877 o Anti-Sexual Harassment Act of 1995
D. RA No. 10354 o The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012
15. Tukuyin sa mga sumusunod ang hakbang na naging tugon ng mga mamamayan sa mga isyung karahasan
at diskriminasyon kaakibat ng kasarian
A. Pagsasabatas ng Magna Carta of Women
B. Pagsasakatuparan ng proyektong naglalayong itaguyod ang karapatang pantao ng mga katutubong
kababaihan sa ARMM.
C. Pakikiisa sa mga grupong nagsusulong na maging legal sa Pilipinas ang kasal o civil union sa pagitan
ng
magkaparehong kasarian.
D. Pagsali sa UN Women na isang organisasyon na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng kasarian
at
pagpapalakas sa mga kababaihan.
16. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
A. Mura at Flexible Labor C. Subcontracting Scheme
B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment
17. Ito ay tumutukoy sa proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa ibat-ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Urbanisasyon B. Globalisasyon C. Transisyon D. Migrasyon
18. Ano ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado o walang permit
para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan?
A. Irregular migrants C. Illegal migrants
B. Permanent migrants D. Temporary migrants
19. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na nagiging dahilan ng pag-unlad ng
ekonomiya ng iba’t ibang mga bansa. Ito ay epekto ng globalisasyon sa anong aspeto?
A. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo C. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya
B. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa D. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya
20. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng lakas-paggawa na walang trabaho ngunit naghahanap ng mapapasukang
trabaho. Ito ay sitwasyon kung saan ang mga manggagawa ay walang mapapasukang trabaho kahit sila ay may
sapat na kakayahan at pinag-aralan.
A. Employment B. Unemployment C. Overseas Filipino Workers D. Underemployment
21. Alin sa mga sumusunod ang nagpalala sa kawalan ng trabaho na maaaring humantong sa krisis pang-
ekonomiya sa kasalukuyan?
A. Hindi pagkakaunawaan ng Tsina at Estados Unidos.
B. Pag-aagawan ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.
C. Paglaganap ng Corona Virus Infectious Disease (COVID-19).
D. Paglaganap ng sistemang kapitalismo sa mga malalaking bansa sa mundo.

22. Si Rosa ay isang domestic helper sa Ameica at naiwan niya ang dalawang anak at ang asawang si Edgar sa
Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami siyang ginagawa ay nabibigyang oras niya pa
rin ang pamilya upang kausapin ang mga ito araw-araw. Sa sitwasyon nila, ano ang epektibong paraan upang
maiwasan at mapaghandaan nila ang epekto ng migrasyon sa kanilang pamilya upang hindi ito mauwi sa
paghihiwalayan?
A. Ang pagkakaroon ng mga counseling centers.
B. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t-isa.
C. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.
D. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa.
23. Ano ang tawag sa mga taong kasapi ng isang estado na mayroong kaakibat na mga tungkulin at karapatan
sa bansang kinabibilangan?
A. pagkamakabayan B. pagkanilalang C. pagkamamamayan D. pagkamakatao
24. Saang artikulo at seksyon ng sa kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas nakasaad na ang dalawahang
katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang Pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas?
C. Artikulo IV, Seksyon 1 C. Artikulo IV, Seksyon 5
D. Artikulo IV, Seksyon 3 D. Artikulo IV, Seksyon 7
25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tinuturing bilang katutubong inianak ng bansa ayon sa konstitusyon ng
Pilipinas?
A. Mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
C. Mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng kasalukuyang Konstitusyon
D. Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
26. Ayon rin sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan mahalaga ang isang responsableng mamamayan ay
inaasahang may disiplina sa sarili. Bakit mahalaga ang katangian na ito bilang kasapi ng lipunan?
A. Ang pagbabago sa lipunan ay nagsisimula sa sarili ng isang indibidwal
B. Ang pag-una sa sarili ay tanda ng pagkakaroon ng mataas na pangarap
C. Ang pagkakaroon ng maunlad na lipunan ay batay sa sipag magtrabaho para sa sarili
D. Ang pagkontrol sa sarili ay paglimita sa mga kagustuhan at pagtuon sa pangangailangan
27. Ito ay isang dokumento na pinagmulan ng karapatang pantao na nagmula sa rebolusyon ng mga
mamamayan ng bansang France. Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga Karapatan na naipagkait ng mga
pinuno ng France sa mga ordinayong mamamayan.
A. Magna Carta C. The First Geneva Convention
B. Bill of Rights D. Declaration of the Rights of the Man and of the Citizen
28. Ang United Nations (UN) ay isang pandaigdigang organisasyon na may layuning mapanatili ang kapayapaan,
kalakalan, pangkalahatang kaunlaran, at pangangalaga sa karapatang pantao sa buong mundo. Kailan itinatag
ang samahang ito?
A. Setyembre 24, 1945 C. Nobyembre 24, 1945
B. Oktubre 24, 1945 D. Disyembre 24, 1945
29. Ang statutory rights ay tumutukoy naman sa mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong batas. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng uri ng Karapatan na ito?
A. Sinumang Pilipino ay may karapatang makilahok sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan
B. Tinitiyak ni Anie na hindi natatapakan ang kanyang karapatan na magpahayag ng sariling saloobin
C. Paggawa ng mga mamamayan ng aksyon upang magkaroon ng mga pangunahing pangangailangan
D. Pagsasabatas ng Data Privacy Act na naglalayong mabigyan ng karapatan sa seguridad ang bawat
tao
30. Tuwing araw ng linggo si Joel at ang kanyang ga magulang ay regular na namamasyal matapos nilang
magawa ang mga gawaing bahay at gawaing pampaaralan. Anong Karapatan ng bata ang binibigyang halaga
ng kanilang pamilya?
A. Mabigyan ng sapat na edukasyon
B. Mapaunlad ang sariling kakayahan
C. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
D. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang

You might also like