You are on page 1of 3

PRINCEZKHA ANN D.

DELA CRUZ 10- JULIAN FELIPE


Panuto: Basahin at pag-aralan bawat sitwasyon. Suriin kung anong mga pang-aabusong
sekswal ang nararanasan ng mga tauhan sa sitwasyon at tukuyin kung anong uri ng
pang-aabuso ito at isulat ang mga tamang gawin upang labanan ang mga isyung
nabanggit.

SITWASYON 1

Produkto ako ng isang wasak na pamilya, dahil dito naranasan ko ang paulit-ulit na
pangungutya ng mga taong nasa aking paligid. Ang tatay ko ang nagsimula ng gulo sa
aming pamilya. Madalas siyang umuwi ng lasing, walang ginawa kundi saktan ang
aming ina at hawakan ang maseselang parte ng katawan nito sa aming harapan. Kaming
magkakapatid ay hindi nag-uusap at hindi nagkakaunawaan hanggang sa isang araw ay
naniningil ng malaking halaga ng pera sa aming ina dahil ito'y utang umano ng aming
ama. Dahil ayaw ng aming ina na saktan ng aming ama, napilitan siyang ibenta ang
kaniyang sarili upang makabayad sa utang. Hindi namalayan ng aming pamilya na
nabuntis ang aking ate dahil napasama siya sa isang fraternity at hindi alam kung sino
ang ama ng nasa kaniyang sinapupunan. Mahilig ang aking kuya na manood ng
malalaswang pelikula dahilan ng kaniyang pagbagsak sa klase. Ang aking nakababatang
kapatid naman ay nararansan nang mahipuan ng aming kapitbahay. Hindi ko alam kung
ano ang aking gagawin kung paano matutulungan ang aking pamilya. May pag-asa pa
kaya na mabago ang gawi ng bawat isa?

- Ang mga pang-aabusong sekswal na nararanasan ng mga tauhan sa sitwasyon ay


sexual harassment, molestation, prostitution, sexual coercion or forced sexual activity.
Unang-una, kailangan ipaalam ito sa otoridad. Magsampa ng kaso laban sa iyong ama
na paulit-ulit inaabuso ang iyong ina. Isuplong sa pulis ang fraternity kung saan
napasama ang iyong ate. Ipatingin sa doctor ang iyong kita dahil maaaring nakaapekto
ang panonood niya ng mga malalaswang bagay sa kanyang mental na isip. Isuplong din
sa pulis ang inyong kapitbahay na nanghipo sa iyong kapatid. Humingi ng tulong sa
mga malapit na kamag-anak upang kahit papaano ay may gumabay pa rin sa inyong
pamilya. Pagkatapos ay ipatingin mo ang iyong sarili sa isang espesyalista sa mental na
kalusugan para makasigurado na hindi naaapektuhan ang iyong mental na kaisipan.
Pahintuin ang iyong ina sa pagbebenta ng kanyang sarili at maghanap ng ibang trabaho
upang makapagsimula ulit. Sabihin sa iyong ina na mas makabubuting makipaghiwalay
na sa iyong ama at magpakalayo-layo para rin sa kanyang mental na kalusugan. Maaari
ring ipatingin sa espesyalista ang iyong nakababatang kapatid dahil baka nag-iwan ng
trauma sa kanya ang mga pangyayaring nangyayari sa inyo pamilya.
SITWASYON 2

Ako ay isang ulilang anak, lumaki ako sa aking tiyahin at tiyuhin. Sila ang
nagpaaral sakin at sumusuporta sa mga pangangailangan ko araw-araw. Isang
araw habang ako ay mag-isa sa bahay, nakita kong binobosohan ako ng aking
tiyuhin at pumasok siya sa aking silid at ako'y kaniyang hinalay ng paulit-ulit,
natakot akong magsumbong sa tiyahin ko dahil sabi niyang papatayin daw niya
kaming dalawa kapag nagsumbong ako. Isang araw, niyaya ako ng aking tiyahin
na mamasyal at pinagbihis ng seksing damit. Buong akala ko ay mamamasyal
kami sa isang mall ngunit, dinala niya ako sa isang club, lingid sa aking kaalaman
na ang kaniyang trabaho ay nagrerekrut ng mga kabataan para pumasok at
magtrabaho sa club at gawin ang mga bagay na hindi dapat at taliwas sa moral na
sekswalidad at pagkatao ng isang tao. Pinilit akong sumayaw at humarap sa mga
taong nasa club, hinawakan ako sa maseselang bahagi ng katawan, binibidyuhan
ako ng aking tiyahin habang ginawawa saking ang pagsasamantala kapalit ng
pera. Wala akong magawa kundi sumunod sa aking tiyahin dahil sa takot na
palayasin ako. Nang kami'y nakauwi ng bahay ay wala akong magawa kundi
umiyak na lamang dahil sa nangyari, hindi pa don nagtatapos ang ginawang
kalaswaan sakin, tinawag ako ng aking tiyahin at pinilit akong pinahubad at
kinuhanan ng mga malalaswang larawan para pagkakitaan. Hindi ko na alam kung
ano ang gagawin ko sa buhay ko. Kanino ako hihingi ng tulong? May pag-asa pa
ba ako na makuha ang hustisyang nararapat?

- Ang mga sekswal na pang-aabusong naranasan ng karakter sa sitwasyon na


aking nabasa ay rape (incest), Pedophilia, sexual coercion or forced sexual
activity, prostitusyon, sexual harassment. Humingi ng tulong sa iyong guro o
ibang matandang kakila upang maisulong sa pulis ang iyong tiyahin at tiyuhin.
Huwag matakot at mawalan ng pag-asa. Magsampa ng kaso laban sa iyong tiyuhin
at tiyahin. Humingi ng tulong sa mga kawani ng gobyerno gaya ng DSWD para
makaalis ka sa puder ng iyong tiyuhin at tiyahin. Isinuplong din ang club na kung
saan pinagsayaw ka ng iyong tiyahin dahil maaaring may mga biktima rin ng
sapilitang pagtatrabaho na labag sa moral ng isang tao. Magpatingin sa
psychiatrist upang ma eksamin ang iyong mental na pag-iisip dahil paniguradong
nag-iwan ng matinding trauma at takot ang nangyari sayo. Palaging magdasal at
tandaan na kasama mo lagi ang Panginoon. Hindi ka nag-iisa.
SITWASYON 3

Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si Clarissa. Wala silang lihim na tinatago
sa isa't-isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban sa klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak.
Naramdaman ni Bing na may mabigat na pinagdadaanan si Clarissa. Inamin ni Clarissa na sa mga
nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng malalaswang salita at marami na
ring beses na hinihipuan siya nito at pinagnanasahan. Natatakot siyang sa mga susunod ay mas malala
pa ang gawin nito sa kaniya dahil siya ay tinangkang halayin pa. Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay
unti-unting naaabuso ng nobyo ng kaiyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina.
Hinikayat siya ni Bing na gawin ang pagsasabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di, nagtagal,
nagkasarilinan ang mag-ina at sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga nararanasan sa nobyo nito. Subalit
sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng nobyo nito kaya huwag niyang masyadong seryosohin.

- Ang sekswal na pang-aabusong nararanasan ng bida sa sitwasyon na si Clarissa ay molestation,


seduction and corruption of minors, sexual harassment. Tulungan si Clarissa na sabihin ito sa inyong
guro upang magawan ng aksyon. Maaari mo ring ipagbigay-alam sa iyong magulang ang nararanasan ng
iyong kaibigan sa kanya ng nobyo ng kanyang ina upang ang mga magulang mo na ang magpaliwanag
nang maayos sa ina ni Clarissa. Kung hindi pa rin naniwala ang ina niya ay humingi na kayo ng tulong sa
mga awtoridad upang agad itong masolusyunan. Patirahin muna sa inyong bahay ang kaibigan mong si
Clarissa at iparamdam mo sa kanya na hindi siya nag-iisa at lagi kang nandyan para siya ay suportahan
sa kahit ano mang mangyari.

Mga Tanong:

1. Anu-ano ang mga pang-aabusong nararanasan ng mga tauhan sa sitwasyon?


- Ang mga pang-aabusong naranasan ng mga tauhan sa mga iba't-ibang sitwasyon ay sexual harassment,
molestation, rape, pedophile, seduction, corruption of minors, sexual coercion or for sexual activity
prostitution phornography, at marami pang iba.

2. Paano mo lalabanan ang mga ganitong uri ng pang-aabuso?


- Dapat ay kumilos ang pamahalaan at bigyang pansin ang usaping ito sapagkat anong magagawa ng
isang estudyante laban sa gantong uri ng sekswal na pang-aabuso? Kadalasan ay mga minor ang
nakakaranas ng sekswal na pang-aabuso. At natatakot silang lumaban dahil imbes na tulungan sila pa ang
sinisisi ng mga tao na nakapalibot sakanila. Natatakot silang magsumbong sa mga nakatataas dahil sa
takot na ma "victim blame." Bilang isang estudyante, ang aking magagawa ay mag-ingat at maging alerto
sa aking paligid dahil kahit sino ay maaaring magdulot sa'kin ng kapahamakan at aalamin ang mga
hotlines na p-pwedeng tawagan para humingi ng tulong.

3. Bakit mahalaga na manindigan para sa iyong didgnidad at sekswalidad?


- Dahil ang dignidad ng tao ay isa sa pinakaimportanteng bagay na bumubuo sa buhay at buong
pagkakakilanlan ng isang tao. Mahalaga na nanindigan para sa ating dignidad at sekswalidad upang hindi
malabag ng kahit Niño man ang ating mga karapatan.

You might also like