You are on page 1of 28

“Mga Isyung moral

tungkol sa Dignidad
at Seksuwalidad”
LAYUNIN
Sa aralin na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng


1
paggalang sa dignidad at sekswalidad.

Napangangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng


2
posisyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao
ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga
isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad ng tao.
3 Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu
sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.
Ano-ano ba ang mga isyung
sekswal na palagi nating
naririnig at nababalitaang
madalas ay kinasasangkutan
Ng mga kabataan?
“Mga Isyung moral
tungkol sa Dignidad
at Seksuwalidad”
Dignidad Seksuwalidad

ay ang karapatan o ay isang malayang pagpili at personal na


pagiging karapat-dapat ng tungkulin na ginagampanan ng tao gamit
isang tao na respetuhin at ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa
pahalagahan ng kanyang kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.
mga kapwa tao.
Mga Isyung

Seksuwal
PAGTATALIK BAGO ANG KASAL
(PRE-MARITAL SEX)

• Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad


o nasa edad na subalit hindi pa kasal.
• Ang pagtatalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang,
komitment at dedikasyon sa katapat na kasarian.
• Ang kabataang nagsasagawa ng pre-marital sex ay hindi pa handa sa mga
maaaring maging bunga nito sa kanilang buhay.
PORNOGRAPIYA
• Ang pornograpiya ay nanggaling sa salitang Griyego “porne” na may
kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw at
“graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.

• Ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan


o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng
nanonood o nagbabasa.
• Isang pananaw tungkol sa pornograpiya na lumalaganap ngayon ay
pagtingin dito bilang sining. Ngunit dapat tandaan na hindi lahat ng
hubad na larawan ay halimbawa ng pornograpiya.

Mga Halimbawa:
• Estatwa ng “oblation ”- sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng sarili sa
Diyos.
• Estatwa ni Venus de Milo at ni Haring David
Paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalong
lalo na ang panghahalay.

Nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-


Epekto ng ugnayan sa kanilang asawa. Nakararanas sila ng
pornograpiya seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa
ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa
sa isang tao normal na pakikipagtalik.

Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet


upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin.
Ano ang Pedophiles at Incest?

Pedophiles- ang tawag sa mga taong may seksuwal na


pagnanasa sa mga bata o menor de edad.

Incest- ito ay seksuwal na gawain sa pagitan ng magkapamilya


o malapit na kamag-anak.
MGA PANG-AABUSONG SEKSUWAL
• Ang nangingibabaw na posisyon ay ang pangaabusong isinasagawa ng isang
nakatatanda na siyang pumupwersa sa isang nakababata upang gawin ang
isang gawaing sekswal.

• Maari itong pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng sekswal na


gawain at pagkakaroon ng kaligayahang sekswal sa pamamagitan ng
pagtingin sa mga hubad na katawan,sekswal na pag-aari o kayay panunuod ng
pagtatalik na isinasagawa ng iba.
Mga halimbawa
• paghalik
• panghihipo
• Pagpapakita ng ari ng lalaki o babae
• Pamboboso
• panghahalay
• Pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa sariling ari at paghihikayat sa mga
bata na makipagtalik o mapagsamantalahan.

• Tandaan : ang sexual harassment ay maaring hindi lamang pisikal.


PROSTITUSYON

• Sinasabing ito ang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay


ng pandaliang aliw kapalit ng pera.

• Ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga o ang prostitusyon ay isang


pang-aabusong sekswal na nakakapagpababa sa pagkatao ng taong sangkot
dito.
Pagyamanin
Seatwork#1

Case Study #1
Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si
Clarissa. Wala silang lihim na itinatago sa isa't isa. Matapos ang tatlong
araw na pagliban sa klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya ni
si Clarissa sa kantina ng paaralan upang magusap. Hinayaan lang ni Bing
na magsalita si Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya nagugustuhan
ngayon ang kaniyang hitsura at hindi siya maunawaan ng kaniyang ina
ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas. Nararamdaman ni Bing na may
mas mabigat pang dahilan kung bakit ganoon si Clarissa.
Inamin ni Clarissa na hindi na siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa niya,
sa mga nag-daang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng
malalaswang salita at marami na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot
siyang sa mga susunod ay mas malala pa anggawin nito sa kaniya.
Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti-unting naaabuso ng nobyo ng
kaniyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina. Hinikayat siya
ni Bing na gawin ang pag-sabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di
nagtagal, nagkasarilinan ang mag-ina at sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga
naranasan sa nobyo nito. Subalit sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng
nobyo nito kaya huwag niyang masyadong seryosohin.
Seatwork#1

Mga Tanong:

1. Ano sa tingin ninyo ang dapat gawin ngayon ni Clarissa?

2. Tama kaya ang gagawin niyang pasiya? Ipaliwanag ang iyong


sagot.

3.Bakit kailangan niyang gawin ang pasiyang naiisip niya?


Ipaliwanag ang iyong sagot​.
Case Study #2

Maysakit ang nanay mo at di siya makapagtrabaho.


Wala kayong pambili ng gamot at pagkain. Nagugutom
na ang maliliit mong mga kapatid. Nakita ng kapitbahay
ninyong lalaki ang inyong sitwasyon. Inalok ka niya na
makipagtalik sa kanya kapalit ng perang pambili ng
gamot at pagkain.
Tanong:

1. Ano sa tingin mo ang dapat gawin?


Pagsasabuhay sa araw araw
Seatwork#2

Mga dapat kong gawin para protektahan ko ang aking


dignidad at sekswalidad

DIGNIDAD
1.
2.
3.
SEKSUWALIDAD
4.
5.
6.
PERFORMANCE TASK #1

ADVOCACY CAMPAIGN POSTER


Magsasagawa ng advocacy campaign laban sa pang-aabusong seksuwal O MGA ISYU NG
SEKSUWALIDAD NA TINALAKAY (Pang aabusong seksuwal, pre-marital sex,
pornograpiya, prostitusyon). Ito ay sa pamamagitan ng paggawa at pag-aayos ng isang
prinsipyo o quotations na kagaya ng mga nasa larawan sa ibaba.

MGA HALIMBAWA:

You might also like