You are on page 1of 24

SEKSUWALIDAD

Sitwasyon:

 Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si Clarissa. Wala


silang lihim na itinatago sa isat isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban sa klase,
nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa kantina ng paaralan
upang pag-usapan. Hinayaan lang ni Bing na magsalita si Clarissa, hindi niya
nagugustuhan ngayon ang kaniyang hitsura at hindi siya maunawaan ng kaniyang ina
ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas. Nararamdaman ni Bing na may mas mabigat
pang dahilan kung bakit ganoon si Clarissa.
 Inamin ni Clarissa na hindi na siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa niya, sa mga
nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng malalaswang
salita at marami na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot siyang sa mga
susunod ay mas malala pa ang gawin nito sa kaniya.
 Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti-unting naaabuso ng nobyo ng kaniyang
ina ngunit siya ay natatakot na sbihin ito sa kaniyang ina. Hinikayat siya ni Bing na
gawin ang pagsabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di nagtagal, nagkasarilinan
ang mag-ina at sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga naranasan sa nobyo nito. Subalit
sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng nobyo nito kaya huwag niyang
masyadong seryosohin.
Gabay na mga tanong:

 1. Kung ikaw si Clarissa ano ang gagawain mo? Bakit?


 2. Kung ikaw ang ina ni Clarissa maniniwala ka ba sa sinasabi ng
iyong anak? Bakit?
 3. Batay sa nabasang sitwasyon, may iba pa ba kayong alam na
 mga isyung moral tungkol sa seksuwalidad?
 4. Ano ano ang mga ito?
Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad
Pre-marital Sex
Pre-marital Sex

 Ito ay pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad
subalit hindi pa kasal
Ibat ibang pananaw tungkol sa
Pakikipagtalik:
 1. ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging
malusog siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan
 2. maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik
lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon
 3. naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang
makaranas ng kasiyahan
 4. ito ay isang ekpresyon o pagpapahayag ng pagmamahal
Turo ng Simbahan:

 Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng Sakramento


ng Kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik
 Ang pakikipagtalik ay isang regalo o banal na kaloob ng Diyos
Pornograpiya
Pornograpiya

 Ito ay nanggagaling sa dalawang salitang Griyego na “porne” na may kahulugang


“prostitute” o taong nagbebenta ng panandaliang aliw at “graphos” na
nangangahulugang pagsulat o paglalarawan
 Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan ( babasahin,
larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng
nanonood o nagbabasa
 Dahil sa pornograpiya ang tao ay maaaring mag-iba ng asal
 Ang mga seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at
mabuti ay nagiging makamundo at mapagnasa
 Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang- dangal o pagpapababa sa
kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa
 Ang katawan ng tao ay sagrado dahil ito ang templo ng Panginoon
Sexual Harassment
Sexual Harassment

 Ang pang-aabusong ito ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang


pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal
 Ito ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng
iba
Prostitusyon
Prostitusyon

 Ito ay sinasabing pinakamatandang propesyon o gawain


 Ito ay pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera
 Dito binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng
kasiyahang seksuwal
 Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong gawain ay
iyong mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang kung
kayat madali silang makontrol
 Mapagsamantala ang prostitusyon dahil sinasamantala ng mga taong “bumubili”
ang kahinaan ng babae o lalaking sangkot dito
 Naabuso dito ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad
Seksuwalidad

 Ito ay kaloob sa atin ng Diyos


 Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin s layuning makamit at madama
ang tunay na pagmamahal na siya naming dahilan kung bakit nilalang tayo ng
Diyos
 Ang mga seksuwal na facultad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa dalawang
layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal
 1. magkaroon ng anak (procreative)
 2. mapag-isa (unitive)
Pag-isipan Mo!!!

 Bilang isang mag-aaral ano ang maaari mong gawin bilang paggalang sa iyong
seksuwalidad?
Group Activity:

 Gamit ang sariling kakayahan at talento o Multiple Intelligences ipakikita ng


bawat grupo ang Ibat ibang Hakbang kung paano ninyo maiiwasan ang mga
isyung moral tungkol sa seksuwalidad.
 Ito ay maaaring sa pamamagitan ng TULA, KANTA, PAGSASADULA,
PAGUGUHIT o PAGBABAHAGI/ PAG-UULAT
 Kayo ay binibigyan ng limang minuto para pag-usapan ang gagawin.
Rubrics para sa Gawain

 Husay- 20 puntos
 Presentasyon- 10 puntos
 Kooperasyon- 5 puntos
 Takdang Oras- 5 puntos
Journal Writing

 Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


 1. Bakit mahalagang magkaroon ka ng tamang posisyon tungkol sa
mga isyung kaugnay sa seksuwalidad? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
 2. Ano ang kahalagahan ng tamang paggamit ng seksuwalidad
bilang tao?
Gawaing Bahay:

 Gawin ang Pagsasabuhay sa pahina 300 ng inyong aklat.


Maraming
Salamat
po…..

You might also like