You are on page 1of 40

Presentation made by: Cassandra Sarili

Start

MODYUL 4:
DIGNIDAD
Ang pagkikilala sa Dignidad ng Tao
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 02

GOLDEN RULE:
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin ng iba sa iyo.”

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 03

QUESTION
Ayon sa iyong pagkakaintindi ano ang
mensahe ng Golden Rule?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 04

MENSAHE NG GINTONG ARAL:

Dahil ang iba ay iyong kapwa tao. Magkatulad ang inyong


pagkatao bilang tao. Kung ano ang makakasama sa iyo,
makakasama rin ito sa kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo,
makabubuti rin ito sa iba.
| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 05

MATEO 22:39
“Mahalin mo ang kapwa katulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili.“

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 06

MATEO 22:39
Ito rin ang utos ng Diyos sa tao, nangangahulgan ito ng pagkilala
sa dignidad na taglay ng lahat ng tao. Nilikha ng Diyos ang lahat
ng tao ayon sa kaniyang wangis.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 07

MATEO 22:39
Ibig sabihin ayon sa kaniyang anyo, katangian, at kakayahan.
Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t
ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay
pangkalahatan. Ito ay taglay ng lahat ng tao.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 08

QUESTION
Sa iyong palagay, ano nga ba ang dignidad?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao |

ANG DIGNIDAD
LATIN KAHULUGAN Ang lahat ng tao, anuman
“dignitas”, mula sa Ito ay pagiging karapat- ang kaniyang, gulang,
salitang “dignus” na dapat ng tao sa anyo, antas ng kalinangan
nangangahulugang pagpapahalaga at at kakayahan, ay may
karapat-dapat. paggalang mula sa dignidad.
kaniyang kapwa.

09
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 10

KAHIRAPAN AT ANG DIGNIDAD


NG TAO:
Ito ay nangangahulugang isang kakulangan ng pangunahing
pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, pananamit at tahanan.
Ang kahirapan ay hadlang upang hindi matamasa ang mga
karapatan ang nararapat para sa iyo bilang tao.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 11

KAHIRAPAN AT ANG DIGNIDAD


NG TAO:
Ayon kay Karl Marx, ang ugat ng kahirapan ay ang pag-iral ng
pansariling interes sa loob ng pagkatao na mag-ipon ng mga bagay
upang matugunan ang pansariling pangangailangan at kagustuhan
na humahantong sa kapitalismo.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 12

Dahil sa kahirapan, maraming dignidad ng tao ay natatapakan ng


ibang tao lalong-lalo na nasa kapangyahiran dahil maliit ang
pagtingin nila dito. Kadalasan ang mga mahihirap ang naaabuso at
napagkakaitan ng oportunidad gaya ng pagkakaroon ng tamang
hanapbuhay at pagtanggap ng mga nararapat na benepisyo galing
sa gobyerno.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 13

KAHIRAPAN AT ANG DIGNIDAD


NG TAO:
Minsan ay bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya
nakararamdam tayo ng kakulangan. Hinahanap natin sa ating sarili
ang lahat ng ating nakikita sa ating kapwa. Sa ganitong paraan,
inaakala natin na tayo ay napagkakaitan.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 14

QUESTION
Paano naapektuhan ang dignidad ng
kahirapan?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 15

Hindi natin dapat inuubos ang ating panahon at pagod dahil sa


mga materyal na bagay. Ang lahat ng ito ay sa lupa lamang. Ang
di matinag na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang
ari-arian ng isang tao. Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa
anomang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya bilang tao.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 16

Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito,


hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas
ng dignidad ng bawat tao sa anomang uri ng lipunan. Kailangan
mo ng tulong mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos
upang maisagawa ito. Sa ganitong paraan, muli nating maaalala na
tayo ay ANAK ng DIYOS.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 17

QUESTION
Bakit mas nakaka angat ang kahalagahan ng
isang tao sa kung ano siya at hindi sa kung
anong meron siya?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 18

Inaasahan ng Diyos na ang mga nabiyayaan ay magbabahagi ng


mga biyaya sa mga taong nangangailangan. Ang ganitong mga
pagkakaiba ang humihikayat sa tao na isabuhay ang pagiging
mapagbigay at mabuti. Nais ng Diyos na yakapin ng tao ang
pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat tao
mula sa kaniya.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 19

QUESTION
Paano mo ginagamit ang iyong mga
natatanggap na biyaya na galing sa Diyos
upang makatulong sa iba?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 20

Ang dignidad ng tao ay hindi nakasalalay sa kalagayan sa buhay


ng tao: mayaman ka man o mahirap/katutubo sapagkat ang tao ay
nilikha na kawangis ng Panginoon. Dahil sa dignidad, lahat ay
nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-
pantay ang lahat.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 21

Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na


ituring ang iyong kapwa bilang natatanging anak ng Diyos na may
dignidad. Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa
pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos.
Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag
tayo upang makapiling ang Diyos.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 22

QUESTION
Ano ang batayan para mapangalagaan ang
tunay na dignidad ng isang tao?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 23

LAGING TATANDAAN:
“Ang bawat tao ay may dignidad anuman ang kanyang
kalagayan sa lipunan. Ang kahirapan ay kailan man hindi nag-
aalis ng ating dignidad bilang tao, bagkus ito ay isang
pagkakataon ng mga taong nabibiyaan sa buhay na gampanan
ang tungkulin nila sa kapwa.”
| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 24

ANG DIGNIDAD AT ANG PAGKABUKOD-


TANGI NG TAO:
Bakit may pagkakaiba ang tao? Bakit may taong mayaman? Bakit
may mahirap? Bakit magkakaiba ang kanilang edad, kasanayang
pisikal, intelektuwal at moral na kakayahan, ang benepisyo na
natatanggap mula sa komersiyo, at ang pagkakabahagi ng yaman?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 25

QUESTION
Para sainyo, bakit may mga pagkakaiba ang
tao?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 26

Sa kaniyang kapanganakan, hindi ibinigay sa tao ang lahat ng


kaniyang pangangailangan para sa pag-unlad ng kaniyang
materyal o pangkatawan at pang-espiritwal na buhay.
Ipinahihiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa. Kasama
ito sa plano ng Diyos, na tunay na nagnanais na matanggap ng
bawat indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan mula sa
kaniyang kapwa.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 27

May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya


kung ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip
na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto,
mangatuwiran, magmuni-muni at pumili nang malaya. May likas
na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili
gamit ito.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 28

Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito katulad ng


mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na dahilan
ng kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito
para lamang sa iilan.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 29

SABI NGA NI PAPA JUAN PABLO II PARA SA


MGA MAGSASAKA AT MANGGAGAWANG
PILIPINO,
”May karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang
naaayon sa inyong dangal bilang tao; at kasabay nito, may
karampatang tungkulin din kayo na makitungo sa kapwa sa ganito
ring paraan...”
| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 30

AYON KAY PROPESOR


PATRICK LEE,
ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng
bawat tao ang sumusunod:
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 31

1. IGALANG ANG SARILING BUHAY AT BUHAY NG KAPWA.

Halimbawa: sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang


tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng
sariling pagkatao. Sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang
iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 32

QUESTION
Gamit ang inyong sariling aksiyon, paano
niyo iginagalang ang buhay niyo at buhay ng
iba?

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 33

2. ISAALANG-ALANG ANG KAPAKANAN NG KAPWA BAGO


KUMILOS.

Karaniwang naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin


ang isang bagay ay isipin itong mabuti. Ano ang magiging epekto sa iba
ng iyong gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 34

3. PAKITUNGUHAN ANG KAPWA AYON SA IYONG NAIS NA GAWIN


NILANG PAKIKITUNGO SA IYO.

Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay anomang gawin mo sa iyong kapwa


ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalang sa karapatan ng iyong
kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay
ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan. Ang mga
ito rin ang nararapat na ipakita mo sa iyong kapwa.
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 35

PAANO MO MAIPAPAKIKITA
ANG PAGKILALA AT
PAGPAPAHALAGA SA
DIGNIDAD NG ISANG TAO?
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao |

ANG DIGNIDAD
• Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. • Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa
• Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya
behikulo upang isakatuparan ang isang bagay ay nabubuhay.
na ibig mangyari. • Dapat ay patuloy mong isinasaalang-alang at
hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa
iyong kapwa.

36
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao |

ANG DIGNIDAD
• Pangatlo, kahit gaano man kasama ang isang tao, kahit anopaman
ang kaniyang nagawang kasalanan ay hindi nawawala ang kanyang
dignidad.
• Ang mawawala lamang ay ang kanyang sense of dignity. Kaya
hindi dapat maging mababa ang tingin sa sarili o sa kapwa-tao na
nakakagawa ng kasalanan.

37
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 38

LAGING TATANDAAN:
Ang dignidad ay ipinagkaloob na ng Diyos sa atin mula pa nang
ating pagkasilang kasabay ng ating isip at kilos-loob.

| Modyul 4 |
| Ang Pagkikilala sa Dignidad ng Tao | 39

QUESTION
Sa ating tinalakay na aralin ano-ano ang aral
na inyong natutunan?

| Modyul 4 |
Back from the
top

MARAMING
SALAMAT!
Sa inyong pakikinig at kooperasyon

Allen Alonzo • Jamiel Baluyot • Creon Morales • Ayami Cadiz • Kearvy Cayanan • Ashley
Chan • Ryn Cruz • Alyana Escudero • Cristine Ilaya • Cassandra Sarili

You might also like