You are on page 1of 11

10

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 1 – MODULE 7

Ang Dignidad
Bilang Batayan ng
Pagkabukod-Tangi ng Tao

1
Modyul 7: Ang Dignidad Bilang Batayan ng Pagkabukod-Tangi ng Tao

UNANG BAHAGI
May kamalayan ba ang iyong mga mata sa nangyayari sa paligid mo? Magugulat ka sa iba’t ibang mga
tao na makikilala mo araw-araw. May mga ilang mayaman, ilan ay mahina, may kabutihan at may kakulangan.
Siguro tulad ng iba, mayroon ka ring problema sa pagbubuo ng iyong isipan. Kung may dignidad talaga ang tao,
bakit hindi pantay ang tao sa mundo? Bakit inaapi ang iba? Sadyang walang sagot sa mga katanungang ito. Ano
ang magagawa mo? Sagutin mo ang tanong na ito. Makatutulong ang modyul na ito na sagutin ang ilang mga
katanungan. Handa ka na ba?

Marahil ay naging malinaw sa iyo ang mga natatanging katangian ng tao. Ipinahihiwatig nito sa atin na
ang lahat ng tao ay nilikha ng Diyos ayon sa Kaniyang wangis at nakatatanggap ng pagtingin at pagmamahal
mula sa Kaniya. Walang sinuman ang maaaring mag-alinlangan dito. Ngunit ganito rin ba ang turing natin sa
ating kapuwa? Ikaw ba ay masasabing may paggalang sa dignidad ng iyong kapuwa?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa:

4.1 Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao. (EsP10MP-If-4.1)


4.2 Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous
groups. (EsP10MP-1f-4.2)
4.3 Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa
kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos (may isip at kalooban). (EsP10MP-lg-4.3)
4.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapuwang itinuturing na mababa ang sarili na siya
ay bukod-tangi dahil sa kaniyang taglay na dignidad bilang tao. (EsP10MP-lg-4.4)

Sa nakaraang aralin, nalaman natin na ang tunay na kalayaan ay tumutugon sa tawag ng pagmamahal
at paglilingkod. Ang mga kaganapang nakikita at nararanasan natin sa ating pang-araw-araw na buhay ay
nagtataas ng mga katanungan sa ating isipan.

Ang Dignidad ayon sa Ibat-ibang Paniniwala

A. Ancient Stoic Tradition


Taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang maunawaan ang santinakpan at ayusin ang sarili. Ito ang
nagbigay sa tao ng dignidad na katulad ng hindi nasusukat na pagpapahalaga. Sa kasalukuyang panahon, ang
dignidad ang nagbibigay pakahulugan na ang tao ang pinakamahalagang nilalang.

B. Ang Dignidad ng Tao ayon sa Western Philosophy


Ang dignidad ay tumutukoy sa obhektibong pagpapahalaga na ang indibidwal ay nagtataglay ng ilang
mga katangian ng pagkilos na may kaugnayan sa kaniyang dignidad tulad ng kahinahunan, katahimikan,
marangal na pamamaraan at pagkilos. Ang dignidad ng tao ay nababatay sa kaniyang nagawa sa buhay. Ang
dignidad ng tao bilang pansariling pagpapahalaga na naaayon sa damdamin.

C. Ang Human Dignity Ayon sa Relihiyon


Nag-uugat ang dignidad ng tao ayon sa pagkakalikha sa kaniya na kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang
banal na imahe ng Diyos ay nasasalamin sa bawat tao. Hindi tayo simpleng bagay kung hindi isang tao na may
2
kakayahang umalam at ibigay ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa-tao. Tayo ay nilikha ng Diyos
dahil sa pagmamahal, kung kaya’t may kakayahan din tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili ng
dignidad ng tao.

Ang Kahulugan ng Dignidad ng Tao


Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na “dignitas” mula sa “dignus “na ang ibig sabihin ay “karapat-
dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula
sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay
may dignidad. Ito ang nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos. Ito ay isang bagay na
nagdudulot ng karapatan sa lahat. Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang
hindi nakakasakit o nakasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pagkakapatiran dahil sa mata
ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.

Ang pagkapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa dignidad bilang tao at karapatan na dumadaloy mula rito.
Halimbawa ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali o walang hinihintay na kapalit. Ang
huling kahulugan na ito ay gumagawa ng kababaang -loob na isang saloobin na may kaugnayan sa birtud ng
kahinhinan. Lahat ng tao ay dapat bigyan ng respeto. Kahit ikaw ay mayaman man o mahirap mahalaga pa rin
ang dignidad kasi ito ang sumasailalim sa iyong pagkatao.

Pantay na Pagkilala sa Dignidad, Sa Kapuwa ay Ibigay


Sa bahaging ito, higit na mauunawaan mo ang kahulugan ng salitang dignidad. Basahin mong mabuti
upang mabigyan ka ng malalim na kahulugan at kabuluhan nito.

1. “Mahalin mo ang iyong kapuwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”, Utos ng Diyos. Ito ay
nangangahulugan ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao.

2. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”-Golden Rule.
Kung ano ang makakasama sa iyo, makakasama rin sa kapuwa mo. Kung ano ang makabubuti sa iyo, ay
makabubuti rin ito sa kaniya.

Sa tagubilin ng mga taga-Roma sa Banal na Kasulatan, malinaw na ipinahihiwatig ang ganito:

“Huwag kayong umaayon sa takbo ng mundong ito. Maging iba at tangi kayo sa lahat ng gawain at pag-iisip
upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos kung ano ang Mabuti at nakalulugod sa Kanya at talagang ganap.”
(Roma 12:2)

“Huwag magkunwari na mahal ninyo ang inyong kapuwa. Mahalin sila nang tapat. Kasuklaman ninyo ang
masama, pakaibigin ang mabuti. Pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.”
(Roma 12:9-10)

Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao

➢ Bilang nilikha ng Diyos, ang tao ay may likas na dignidad.


➢ Nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos.
➢ Ang dignidad ay hindi nalalabag (inviolable), nakukuha, maaagaw o maipagkakait (inalienable).
➢ Ang dignidad ay ang pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay nang hindi nakakasakit ng iba.

3
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang
sumusunod:

1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa. Halimbawa, sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi
gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao.
Sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang iyong kapuwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling
kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos. Karaniwang naririnig mula sa matatanda
na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto
sa iba ng iyong gagawin? Nararapat ba itong gawin o hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ang prinsipyong
ito ay nagpapatunay na anumang gawin mo sa iyong kapuwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang
paggalang sa karapatan ng iyong kapuwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan at
katotohanan ay ilan lamang sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan.

Ang Pagkilala at Pagpapahalaga sa Dignidad ng Isang Tao

1. Pahalagahan mo ang tao bilang tao.


Ibig sabihin, ang tao ay hindi isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang aksyon na ibig
mangyari.

2. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay.


Dapat ay patuloy mong isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapuwa.
Ang tao ang pinakabukod tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos.

1. Ang Proseso ng Pagpapanibagong Anyo Para sa Pagtataas ng Dignidad ng Tao


Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating
pakikipagkapwa-tao.

3.1. Pagtanggap sa Sariling Limitasyon.


Ito ang pinakabatayan ng anumang proseso ng pagbabagong anyo at pagpapatibay ng katagang moral.
Kapag natanggap mo ang mga pansariling katiwalian at limitasyon, ikaw ay nakapagsisimulang
makapagbalangkas ng mga plano para sa pagpapatibay ng iyong katatagang moral.

3.2. Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo.


Tandaan natin na ang Diyos ang ating pastol at Siya ang Tagapagpagaling sa mga pansarili nating
katiwalian at kasalanan.

3.3. Pagsasabuhay at Pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninindigan sa Kabutihan.


Ito ang pinakamahalagang hakbangin na dapat isagawa. Ang kailangan lamang natin ay tibay ng loob at
tatag ng kalooban sa kabutihan.

4
IKALAWANG BAHAGI
GAWAIN I
Panuto: Tunghayan ang mga kasunod na larawan. Tukuyin ang ipinahahayag ng bawat aytem sa letrang a, b,
at c bawat bilang at gawing gabay ang unang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
a. Madalas na katawagan sa kanila ng isang tao.
b. Ang iyong damdamin kapag nakakita ka ng mga ng tulad niya sa kalye.
c. Paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga tao.

1. a. taong grasa
b. Naaawa
c. Pinandidirihan, nilalayuan, iniiwasan

Pinagkunan https://soundcloud.com/micllave/taong-grasa

2. a.
b.
c.

Pinagkunanhttps://ph.lovepik.com/download/detail/400253085?type=1&byso=1
3. a.
b.
c.

Pinagkunan http://newsbytes.ph/2020/02/03/de-lima-files-senate-bill-regulating-gadget-use-in-school/

4. a.
b.
c.

Pinagkunan https://borgenproject.org/guatemala-citys-basurero/

5
5. a.
b.
c.

Pinagkunan https://www.teachingchannel.com/

GAWAIN II
Panuto: Basahin ang pangungusap at unawain. Isulat sa sagutang papel ang malaking letra na T kung ito ay
tama at isulat ang malaking letra na M kung ito ay mali.
____1. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis.
____2. Ang dignidad ay hindi nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan.
____3. Hindi lahat ng tao ay mayroong dignidad.
____4. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula
sa kaniyang kapuwa.
____5. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay hindi ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay.
GAWAIN III
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
____1. Bakit nilkhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
A. mabibigyan pa ng pagkakataon ang mga tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan na
biyaya ng Diyos sa iilang tao.
B. makilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi
para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
C. matuto tayong magpakumbaba at magpaubaya.
D. maunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapuwa dahil sa kanila natin matatanggap ang
ating pangangailangang materyal at ispirituwal.
____2. Ano ang nagpapabukod-tangi sa tao kung ihahalintulad sa ibang nilkha?
A. hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang makakasakit o makasasama
sa ibang tao.
B. hindi likas sa tao na hubugin at paunlarin ang kaniyang sarili.
C. mayroon siyang isip na nagbibigay sa kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran,
magmuni-muni at pumili ng malaya.
D. wala sa nabanggit.
____3. “Mahalin mo ang iyong kapuwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili”.
A. hindi likas sa lahat ng tao ang dignidad.
B. nangangahulugan ito sa pagkilala na hindi taglay ng lahat ng tao ang dignidad.
C. nilikha ng Diyos ang bawat tao ayon sa Kaniyang wangis, katangian at kakayahan.
D. nilikha ng lipunan ang dignidad sa bawat tao.
____4. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
B. sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig.
C. sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya.
D. sa paningin ng Diyos at ng lipunan.
6
____5. Bakit may pagkakaiba ang tao?
A. ang talento ng tao ay pantay-pantay na naibahagi.
B. ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang pangangailangan para sa pag-unlad ng kaniyang materyal at
pang ispirituwal na buhay.
C. nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat
tao sa Kaniya.
D. wala sa nabanggit.
____6. Paano mapapangalagaan ang tunay na dignidad ng tao?
A. ang hindi matinag na karangalang taglay ng tao ang kaniyang pinakamahalagang ari-arian.
B. dahil sa kahirapan sa buhay, ang tao ay napipilitang magpalimos sa lansangan.
C. nararapat na mabawasan ang paggalang ng empleyado sa kaniyang amo kapag nakagawa siya ng
mali rito.
D. sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos.
____7. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis. Ano ang ibig sabihin nito?
A. ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos, kaya’t ito ay likas sa tao.
B. hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, na taglay ng lahat ng tao.
C. nangangahulugan ito na ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa Kaniyang anyo, katangian at
kakayahan.
D. wala sa nabanggit.
____8. Ano ang dahilan kung bakit lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit
o makasasama sa ibang tao?
A. dahil sa dignidad
B. dahil sa edukasyon
C. dahil sa kagandahan
D. dahil sa propesyon
____9. Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo iyo. Ano ang ibig sabihin nito?
A. ang tao ay hindi katulad ng isang bagay na basta na lamang itatapon kapag ito ay luma na.
B. hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda.
C. Ito ay nagpapatunay na anumang gawin mo sa iyong kapuwa ay ginagawa mo rin sa Kaniya.
D. wala sa nabanggit.
____10. Bakit ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos?
A. dahil hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapuwa.
B. dahil nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anumang mayroon ang isang tao kundi kung ano
siya bilang tao.
C. dahil nakaramdam tayo ng kakulangan sa ating sarili.
D. dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob

7
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain I
2 a. Namamalimos, pulubi Gawain III
b. Naaawa 1. D
c. Binibigyan ng pera o pagkain, iniiwasan 2. C
3. a. Mayaman 3. D
b. Namamangha 4. A
c. Iginagalang 5. C
4. a. Basurero 6. D
b. Naaawa, namamangha 7. C
c. Binibigyan ng tulong tulad ng pagkain, iniiwasan 8. A
5. Guro 9. C
a. Iginagalang 10.D
b. Minamahal
c. Natutuwa

GAWAIN II
1. T
2. T
3. M-hindi
4. T
5. M-hindi ibinibigay

SANGGUNIAN

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Ang Kahulugan ng Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7 Modyul 8: Dignidad ng Tao pp. 157-183
Mga Modyul ng Mag-aaral sa EsP10

Mula sa internet:
https://www.slideshare.net/zholliimadrid/dignidad-ng-tao-pangangalagaanko
https://kahulugangaleries.blogspot.com/2021/01/ano-ang-kahulugan-ng-dignidad-ng-tao.html
Mirasol Madrid. “Dignidad ng Tao: Pangalagaan Ko,” slideshare.net, August 11,2014,
slideshare.net/zholliimadrid/dignidad-ng-tao-pangalagaan-ko.

8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10


QUARTER 1, WEEK 7

Most Essential Learning Competencies:


4.1 Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao. (EsP10MP-If-4.1)
4.2 Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous
groups. (EsP10MP-1f-4.2)
4.3 Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kaniyang pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa
kasaysayan) at sa pagkakawangis niya sa Diyos (may isip at kalooban). (EsP10MP-lg-4.3)
4.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang ipakita sa kapuwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay
bukod-tangi dahil sa kaniyang taglay na dignidad bilang tao. (EsP10MP-lg-4.4)

Pangalan: __________________________________________________ Petsa: _____________________


Baitang at Seksyon: _________________________________________ Iskor: _____________________

GAWAIN A.1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Kailan nawawala ang dignidad ng isang tao?
A. kapag siya ay gumawa ng masama.
B. sa sandaling siya ay lumabag sa batas
C. sa oras na minaliit o inapakan ng kapuwa ang kaniyang pagkatao
D. wala sa nabanggit.
2. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa indigenous groups o mga “mahihirap”?
A. Badjao
B. Aetas
C. Taong grasa
D. Ilokano
3. Ano ang hindi nabibilang sa prinsipyo ng dignidad?
A. prinsipyo ng katarungan
B. prinsipyo ng paggalang
C. prinsipyo ng kahirapan
D. prinsipyo ng katapatan
4. Ano ang kahalagan ng dignidad ng tao?
A. ang dignidad ay batay sa pakinabang na maaaring makuha sa kapuwa.
B. ito ay yaman ng bawat tao na nagpapatatag sa bawat tao.
C. magiging malaya ang tao na ipakita ang kaniyang totoong sarili.
D. mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.

9
5. Ano ang pinagbabatayan ng dignidad?
A. igalang ang sariling buhay lamang.
B. isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
C. pahalagahan mo lamang ang mga taong malapit sa iyo.
D. pakitunguhan ang kapuwa kung nakatutulong sa iyo.
6. Bakit may pagkakaiba ang tao?
A. ang talento ng tao ay pantay-pantay na naibahagi.
B. ibinigay sa tao ang lahat ng kanyang pangangailangan para sa pag-unlad ng kaniyang materyal at pang
ispirituwal na buhay.
C. nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat tao
sa Kaniya.
D. wala sa nabanggit.
7. Paano mapapangalagaan ang tunay na dignidad ng tao?
A. sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos.
B. ang di-matinag na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao.
C. dahil sa kahirapan sa buhay, ang tao ay napipilitang magpalimos sa lansangan.
D. nararapat na mabawasan ang paggalang ng empleyado sa kaniyang amo kapag nakagawa siya ng mali
rito.
8. Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ano ang ibig sabihin nito?
A. hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda
B. ang tao ay hindi katulad ng isang bagay na basta na lamang itatapon kapag ito ay luma na.
C. ito ay nagpapatunay na anumang gawin mo sa iyong kapuwa ay ginagawa mo rin sa Kaniya.
D. wala sa nabanggit.
9. Bakit ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos?
A. dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob
B. dahil nakararamdam tayo ng kakulangan sa ating sarili.
C. dahil hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapuwa.
D. dahil nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anumang mayroon ang isang tao kundi kung ano siya
bilang tao.
10. Paano mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao?
A. sa paraang makasasakit o makasasama sa ibang tao.
B. sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos.
C. lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad kahit sa anumang paraan.
D. kailangan mong tandaan na ang iyong kapuwa ay dapat mong gamitin para sa sariling kapakinabangan.

10
GAWAIN B. PERFORMANCE TASK (25 puntos)
Maghanap ng balita at isyu mula sa diyaryo o magasin na nagpapakita ng paglabag sa dignidad ng tao. Gupitin
ito at idikit sa isang coupon bond. Ipaliwanag at ilahad ang iyong saloobin ukol dito.

Pamantayan sa Paggawa
Nilalaman Nailalahad ang mga detalye sa isyu 10
at mungkahi nang may kahusayan

Organisasyon Naipakikita ang maayos na 10


ugnayan o kaisahan ng diwa ng
mga pangungusap

Istilo Nakasusulat ng maayos na 5


saloobin ukol sa isyu

Kabuuan 25

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

11

You might also like