You are on page 1of 50

ACTIVITY: FIVE MINUTE READING

(SALITA MO, GABAY KO


INNOVATION)

GENESIS 1:26-31
Ang Kasaysayan ng Paglikha
26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang
tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang
mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid
at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o
maliit.” 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang
larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang
babae, 28 at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya,
“Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak
ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito.
Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa
tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga
hayop na nasa ibabaw ng lupa.
29 Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng
halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy
bilang pagkain ninyo. 30 Ang lahat ng halamang
luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa
ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga
ang nangyari. 31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat
niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas
ang gabi, at sumapit ang umaga—iyon ang ikaanim
na araw.
Inaasahan ding natutuhan mo
ang sumusunod na kasanayan
at pagpapahalaga:
1.1 Nakapagpapaliwanag ng
kahulugan ng dignidad ng tao. (EsP
10 MP – If – 4.1)
1.2 Nakapagsusuri kung bakit ang
kahirapan ay paglabag sa dignidad ng
mga mahihirap at indigenous group.
(EsP 10 MP – If – 4.2)
ANALYSIS: Ako ba ito?
Panuto: Lagyan ng happy face
😊 ang kolum na “Ako ito” kung
iyong pinapahalagahan ang
dignidad ng iyong kapwa at sad
face ☹ naman sa kolum na
“Hindi ako ito” kung hindi mo
pinapahalagahan ang dignidad
ng iyong kapwa.
1.Pagrespeto sa lahat ng tao anuman ang
kanilang antas sa buhay.
2.Pagkilala sa mga talento ng bawat tao na
matuto, umunlad at magwasto sa kaniyang
mga kamalian.
3.Pagsasaalang-alang ng emosyon ng kapwa
sa pamamagitan ng maayos at marapat na
pagsasalita at aksyon.
4.Paggalang sa sariling buhay at buhay ng
kapwa.
5.Pakitunguhan o pakisamahan ang kapwa
ayon sa nais mong gawin nilang pakikitungo
sa iyo.
6. Itinuturing ang kapwa bilang natatanging
anak ng Diyos na may dignidad.
7. Pagrespeto sa karapatan ng taong mamuhay
at pakitunguhan ang tao ng naaayon sa
kaniyang dangal bilang tao.
8. Paggalang sa karapatan ng tao na umunlad
sa paraang hindi makasasakit o makasasama
sa ibang tao.
9. Pinapangibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,
pantay pantay ang lahat.
10.Isinasaalang-alang ang kapakanan ng
kapwa bago kumilos o gawin ang isang bagay.
“Lahat ng tao, ano man
ang antas nila sa buhay ay
may dignidad.”
Ang dignidad ng tao ay
isang halaga at likas,
hindi malalabag at hindi
madaling unawain na
karapatan ng tao
Likas
Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao
ayon sa Kaniyang wangis (anyo,
katangian at kakayahan)

Karapatan ng Tao
Ito ay isang may katuwiran na
nagtataglay ng kalayaan at may
kakayahang lumikha ng mga bagay
Ang pag-angkin na ang lahat
ng mga tao ay ipinanganak
na may dignidad ay isang uri
ng ontological dignidad.
Heto ang mga halimbawa ng
pagbibigay galang sa dignidad
ng mga tao:
• Pagkilala sa mga talento ng bawat
tao na matuto, umunlad at magwasto
sa kaniyang mga kamalian.

• Pagsasaalang-alang ng emosyon ng
kapwa sa pamamagitan ng maayos at
marapat na pagsasalita at aksyon.
• Paggalang sa sariling buhay at
buhay ng kapwa.

• Pakitunguhan o pakisamahan
ang kapwa ayon sa nais mong
gawin nilang pakikitungo sa iyo.
APPLICATION: Kamay ng
Dignidad
Panuto: Magtala ng mga
pagpapahalagang kailangan mong
ibigay sa iyong kapwa bilang
patunay na iginagalang mo ang
kaniyang dignidad. Itala ang iyong
sagot samga kamay na nasa ibaba.
Gabay mo ang unang bilang.
PAGTATAYA
WASTO o HINDI WASTO
Panuto: basahin at unawain ang
mga pahayag. Isulat ang WASTO
kung ito ay may tamang
pagpapakahulugan sa dignida, at
HINDI WASTO naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa kwaderno.
1.Ang dignidad ay nawawala sa
panahong ikaw ay maghirap at
mawalan ng trabaho.
2.Ang bawat tao ay may dignidad.
3.Ang dignidad ay ang kalagayan ng isang
tao usaping respeto at paggalang.
4.Ang dignidad ng tao ang dahilan kung
kayat ang tao ay may karapatan.
5.Ang bawat karapatan ay may katapat
na pananagutan.
6. Ang lahat ng tao ay may karapatan.
7. Maari niyang gawin ang nais niyang gawin
sapagkat ang tao ay may angking karapatang
mamuhay ng tahimik.
8. Ang bawat tao ay may karapatang
mabuhay kayat nararapat din na tayo ay
huwag pumatay.
9. Ang karapatan ng tao ay may walang
hangganan.
10. Sa karapatan nagkakapantay-pantay ang
tao.
ACTIVITY:
FIVE MINUTE READING
REGALO SA SARILI
REGALO SA SARILI
Bilang mga nilalang, nais natin lagi ay
may biyaya,
pagpapalang madalas ay mula sa
ating Lumikha.
Ngunit mayroon din tayong regalo na
dapat ibigay sa sarili,
ito ay ang pangalang malinis, igalang
ng nakararami.
REGALO SA SARILI
Bawat isa sa atin ay may imaheng
dapat pangalagaan,
mga karapatan at pagpapahalagang
dapat ingatan.
Dapat ito ay mag-umpisa sa ating
bawat kilos at paniniwala,
siguruhing magiging patas at
kabutihan ang ipakikita.
REGALO SA SARILI
Alamin ang halaga ng wastong
pagkilos na nakahahanga,
igalang anumang antas ng
pamumuhay ng iyong kasalamuha.
Kapag nakita nilang ikaw ay
marunong gumalang sa kapuwa,
siguradong dignidad mo sa iba ay
natatangi at ubod ng ganda.
REGALO SA SARILI
Regalo natin sa ating sarli ang
paggalang sa iba,
regalo na rin natin ang paggalang na
sa kapuwa’y nakukuha.
Humarap sa mga tao nang mayroong
karangalan,
magandang pagtingin ng iba ay
walang anumang kabayaran.
ANALYSIS: Pagsusuri ng Larawan
Panuto. Tunghayan ang mga sumusunod na
larawan. Tukuyin kung ano ang ipinapahayag
ng bawat larawan. Gamiting gabay ang
sumusunod:
a. Madalas na katawagan sa kanila ng mga
tao
b. Ang iyong damdamin kapag nakakakita ka
ng mga taong kagaya nila
c. Paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga tao
“Huwag mong gawin sa iba ang
ayaw mong gawin ng iba sa iyo.’’
-Golden Rule-

“Mahalin mo ang iyong kapwa


katulad ng pagmamahal mo sa
iyong sarili.’’
-Mateo 22:39-
Saan nagkakaroon ng
pagkakapantay-pantay
ang tao?
Ang pagkakapantay-
pantay ng tao ay nakatuon
sa kanyang dignidad
bilang tao at ang
karapatan na dumadaloy
mula rito.
Ang dignidad ay galing sa
salitang Latin na dignitas,
mula sa dignus, ibig
sabihin ‘’karapat-dapat’’.
 Nangangahulugang
pagiging karapat-dapat ng
tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa
kaniyang kapwa
Paano mo maipapakita
ang pagkilala at
pagpapahalaga sa
dignidad ng isang
tao?
1. Pahalagahan mo ang tao
bilang tao
Hindiisang bagay o behikulo
ang tao upang isakatuparan
ang isang bagay na ibig
mangyari.
2. Ang paggalang at
pagpapahalaga sa dignidad ng
tao ay ibinibigay hangga’t siya ay
nabubuhay.
Patuloy na isaalang-alang at
hangarin ang lahat ng
makabubuti para sa iyong
kapwa.
APPLICATION:
 Pantay na Pagkilala sa Dignidad,
Sa Kapwa Mo Ibigay
 Panuto: Basahin at suriing mabuti
ang mga sitwasyon sa ibaba,
pusuan ( ) ang mga sitwasyong
nagpapakita ng pagrespeto sa
mga katutubo at sa mga
mahihirap.
____1. Pakikipagkaibigan sa mga
anak ng kasambahay.
____2. Pakikisama sa lahat ng taong
nakasasalamuha.
____3. Pagtanggal sa trabaho sa
isang tao dahil sa away etniko.
____4. Pakikisali sa mga selebrasyon
ng mga katutubo.
____5. Iniiwasang makatabi ang
isang kaklaseng katutubo.
____6. Pagpintas sa kulay ng balat ng isang
kaklase na mula sa tribo ng mga Aeta.
____7. Gumagawa ng mga modyul kasama
ang kaibigan mula sa tribo ng mga
Indigenous People.
____8. Pagpapahiram ng cellphone sa anak
ng kasambahay para makapagsaliksik sa
internet.
____9. Pagbibigay ng mas mababang sahod
sa mga tauhang hindi nakatapos ng pag-
aaral.
___10. Pagtulong sa mga gawaing bahay
kahit may kasambahay na gagawa nito.
PAGTATAYA: Sukatin 4
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang
diwa ng pangungusap at isulat naman
ang MALI kung hindi wasto ang diwa nito.
Isulat ang iyong sagot sa inyong
sagutang papel.
B. Panuto: Sa bilang 11-15, basahin at
suriing mabuti ang mga sumusunod na
pahayag. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong sagutang papel.
(1/4 sheet of paper)
______ 1. Ang “dignidad” ay galing
sa Latin na salita na ibig sabihin ay
“karapat- dapat”.
______ 2. Gawin mo sa iba ang
ayaw mong gawin nila sa iyo.
______ 3. Kailangan mangibabaw
ang paggalang at
pakikipagkapatiran dahil sa mata
ng Diyos ang lahat ay pantay
pantay.
______ 4. Lagi mong isa-isip na ang iyong
kapwa ay dapat gamitin para sa sariling
kapakinabangan.
______ 5. Pilihin mo ang taong dapat
irespeto.
______ 6. Ang kahirapan ay hindi paglabag
sa dignidad ng mga mahihirap.
______ 7. Nagsisimula sa pagrespeto ang
pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao.
______ 8. Ang pagpintas sa kulay ng balat
ng isang tao ay hindi isang
diskriminasyon.
______ 9. Ang lipunan ay isang moral na
institusyong binuo ng Diyos upang
pangalagaan ang karangalan at dignidad
ng tao.
______ 10. Patuloy na mararanasan ang di
makatarungang pang-aabuso kung
hindi marunong rumespeto ang mga tao.
____ 11. Bakit nilikhang HINDI pantay-pantay
ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo na magpakumbaba at magpaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na
maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan
na biyaya ng Diyos sa iilang tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng
lipunan upang maturuan tayong magsikap at
magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang
kaniyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap
ang ating mga pangangailangang materyal at
ispiritwal.
____ 12. Saan nagkakapantay-pantay
ang mga tao?
A.Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B.Sa pagmamahal ng kani-kanilang
pamilya
C.Sa pagdating ng huling yugto ng
kaniyang buhay sa daigdig
D.Sa kanilang dignidad bilang tao at
ang karapatan na dumadaloy mula
rito
____ 13. Paano mapananatili ang mataas na
antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na
indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa
kapwa upang laging makuha ang paggalang
ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na
kinabibilangan upang maging karapat-dapat
sa kanilang pagkilala
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung
anong ari-arian mayroon kundi sa
karangalan bilang tao.
____ 14. Ano ang pinakamahalagang
maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng
tao?
A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang
kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki
sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng
kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na
umunlad sa paraang hindi makasasakit o
makakasama sa ibang tao.
____ 15. Paano mo matutulungan ang isang
pulubi na maiangat ang kanyang dignidad
bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa
araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang
pamilya upang may mag-aruga sa kaniya.
C. Humanap ng isang instituyon na maaaring
kumalinga sa kaniya at mabigyan siya ng
disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang
maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang
sarili.

You might also like