You are on page 1of 8

Edukasyon sa

Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules,
Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central Office.
Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit,
for educational use and constitutes fair use. All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team


Developer: CHRISTINE T. HIOKO, MAEd
Evaluator/s: Myra R. Gascon
Joyce M. Apolinar
Veverly L. Bolanio
Illustrator Xandre O. Verana

Layout Artist: Focal Person: Marlibeth I. Miranda, MACDD

PSDS/DIC: Learning Area EPS: MEGENILA C. GUILLEN, PhD

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns
Pamantayan sa Pagkatuto:

• Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na


kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin
at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay
ng dignidad ng lahat ng tao. (EsP9TT-IIb-5.3)
• Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa
o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya,
paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa. (EsP9TT-IIb-5.4)

Mga Layunin: Pagkatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:


• nakapag-uugnay ng karapatan at tungkulin sa dignidad ng tao;
• nakapagpapasya ng angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa
pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa; at
• napahahalagahan ang mga karapatan at tungkulin ng tao.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Pagtatalakay

Ang Karapatan at Tungkulin ng Tao

Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ang mayroong higit na halaga
kaysa sa ibang bunga ng pagkakalikha sapagkat siya ay nilikha ayon sa larawan at
wangis ng Diyos, at siyang paraan na rin ng paghahayag nang Kaniyang sarili sa tao.
Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na siyang pinakamatibay na
dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong karapatan. Umuusbong ang
karapatan mula sa dignidad sapagkat ang bawat karapatan ay pagpapakita nang
pagkamahalaga ng tao.

Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga


pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang
kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao. Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral
sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng
kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa
buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang
makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalake at babae ay mamumuhay ng
mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung
bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng Tungkulin
ng Tao o Universal Declaration of Human Rights noong 1997.

1
Halimbawa, ang mga kababaihan noong unang panahon ay walang lugar sa
politika ngunit hindi naglaon ay nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan
upang mamuno sa lipunan. Ngunit inaasahan din sa kanya ang maayos na
pamamalakad at paglilingkod.

Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o


maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga
tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at
kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo

Tandaan na ang bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin ng tao.

PAGTUKLAS SA DATING KAALAMAN  TAO PO!


Ang bahagi ng katawan ng tao ay may ulo, mata, bibig, kamay, paa, at iba pa,
lagyan ng tungkuling nararapat mong gawin sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan o lipunan/bansa.

PAGPAPALALIM

Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang pagkatao ng isang tao ay ang pagiging sino ng tao,
paglikha ng bukod- tanging sarili.

 Ang sarili ay binubuo ng iba’t-ibang kamalayan: kamalayang mag-isip, kamalayang


makiramdam, kumilos, kamalayang magwika.

 HALAGA ng TAO ang magbibigkis sa lahat ng kamalayang nabanggit. Ito ay nasa


kanyang dignidad bilang isang nilikha. Bilang tao siya ay may angking Karapatan. Ang
simulain o ugat ng karapatang pantao ay makikita sa dignidad na taglay ng bawat
tao.

KARAPATANG PANTAO - mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol


sa pagtrato ng kaniyang kapuwa, at sa dignidad niya bilang tao. Ang salitang
DIGNIDAD ay mula sa “DIGNUS” na ang ibig sabihin ay karapat-dapat. Karapat-dapat
sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa. Dahil dito, lahat ay
nagkakaroon ng Karapatan na umunlad sa paraang hindi makakasama sa ibang tao.
Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa dignidad bilang tao at Karapatan
na dumadaloy mula rito.

2
Gawain 1: VENN DIAGRAM

Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang iyong sagot gamit ang Venn Diagram sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Paano maiuugnay ang dignidad ng tao sa kanyang mga Karapatan at tungkulin?

Gawain 2: ISAGAWA MO

Panuto: Punan ang tsart ng angkop na kilos sa pagharap sa mga sumusunod na


sitwasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Angkop na kilos
Sitwasyon
1. Isang batang may kapansanan sa
paglalakad ang nakita mong kinukutya
ng iyong mga kaklase.
2. Nakita mong tinatakot ng iyong
kaklase ang iyong kaibigan at pinipilit
kunin ang cellphone nito.
3. Naabutan mo ang isang grupo ng
mga kalalakihan na pinipilit ang mga
magulang mo na umanib sa kanilang
relihiyon.

3
Gawain 3: AKING TUNGKULIN

Panuto: Gumawa ng isang lingguhang plano ng mga tungkuling gagawin upang


maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin at sagutin ang
mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

TUNGKULING GAGAMPANAN
ARAW
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Sagutin:
1. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos gawin ang gawain?
2. Paano makatutulong ang pagtutupad sa tungkulin sa pagbuo ng iyong
pagkatao/pamilya/paaralan/lipunan/pamahalaan?

Pagsusulit

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?


A. dahil tao lang ang may isip
B. sa paggawa ng moral na kilos
C. dahil tao lang ang marunong kumilos
D. Dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos.

4
2. May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang
matandang drayber dahil sa hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip.
Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon sa tabi niya ang
kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko
sila na tumigil na.
D. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para
mamagitan sa kanila.

3. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa?


Ito ay _________________.
A. bagay na pansarili lamang.
B. mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
C. magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao.
D. mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao.

4. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

• Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain


• Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
• Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud

A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang maghanapbuhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

5. Paano mo maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng


tao?
A. Pahalagahan mo ang tao bilang tao.
B. Igalang ang sariling buhay ng kapwa tao.
C. Ibigay ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao hangga’t
siya’s nabubuhay.
D. Lahat ng nabanggit.

5
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1.

Maaaring iba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral. Iwawasto ng guro ang kanilang mga isinulat sa Venn
Diagram kung kinakailangan.

Gawain 2.

Maaaring iba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral. Iwawasto ng guro ang kanilang mga isinulat sa Venn
Diagram kung kinakailangan.

Gawain 3.

Maaaring iba-iba ang mga sagot ng mga mag-aaral. Iwawasto ng guro ang kanilang mga isinulat sa Venn
Diagram kung kinakailangan.

Mga Sanggunian

Aklat

• Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-


aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp 79 – 95

• Gayola, Sheryll T. et. al., Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Magaaral,


Unang Edisyon 2015, Muling Limbag 2017, pp. 90

Electronic sources

• https://www.humanrightscareers.com/issues/definitions-what-is-humandignity/

• https://www.humanrightscareers.com/issues/definitions-what-is-human-dignity/

• https://www.slideshare.net/imeerivera2/esp-7modyul-8ang-dignidad-ng-tao

• https://www.slideshare.net/maflechoco/modyul-6-48378403

You might also like