You are on page 1of 2

Aralin 9 KATARUNGANG PANLIPUNAN Inihanda ni: ARNEL O.

RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI


inililimos.

2. Balik-aral: • Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong


kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. • Ang bolunterismo ay isang paraan ng
paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan na hindi naghahangad ng anumang
kapalit. • Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may
aspekto ng pakikilahok.

3. Panimula • Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapwa lalo na sa
panahon ng kagipitan. • Ito ay dahil ang tao ay umiiral na kasama ang ibang tao; isang ugnayan na dapat
na pinagyayaman ng katarungan.

4. Ano ang katarungan? • Ito ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. • Ang tuon ng katarungan
ay ang labas ng sarili. Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang dignidad bilang tao. • Ang pagkatao ay isang
katotohanang nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang. (Dr. Manuel B. Dy Jr.)

5. Ano ang katarungan? • Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng tao. • Ang pagiging makatarungan ay
pagpapakita ng pagmamahal bilang tao na namumuhay kasama ang iba. • Ang paninira sa ibang tao ay
isa ring paglapastangan sa iyong sariling pagkatao.

6. Ano ang katarungan? • Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng
nararapat sa isang idibidwal. • Ang kilos-loob ay magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao.
(Sto. Tomas de Aquino)

7. Makatarungang Tao • Makatarungan ang isang tao kung ginagamit nito ang kanyang lakas sa
paggalang sa batas at sa karapatan ng kapwa. • Isinasaalang-alang din nito ang pagiging patas sa lahat ng
tao. • Kailangan mong salungatin ang iyong mismong sarili, ang ibang tao at ang mundo sa hindi pagiging
patas ng mga ito. (Andre Comte-Sponville, 2003)

8. Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan • Ang makatarungang ugnayan ay umiiral kung walang nang-
aagrabyado sa isa’t isa. • Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mamuhay nang hindi hinahadlangan ng
iba. Kung nilalabag ang karapatang ito, mawawalan ng katarungan. Maari itong magbunga ng gulo sa
buhay ng mga nasasangkot.

9. Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan • Ang pamilya ang unang nagbibigay sa iyo ng kamalayan
tungkol sa katarungan. • Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal
sa buhay. • Nauunawaan mo na kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng iba isinasaalang- alang mo
ang kabutihang panlahat.

10. Katarungang Panlipunan • Ito ang namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa at
sa ugnayan ng tao sa lipunan. • Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa kraytirya ng
pagsunod sa batas
11. Katangian ng Katarungang Panlipunan • Paggalang sa karapatan ng bawat tao • Pagpapaliban sa
pansariling interest • Pagsusuri sa kabuuang sitwasyon • Pagsasaalang sa kabutihang panlahat

12. Katarungang Panlipunan at Dignidad ng tao • Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad
ng tao. • Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa kanyang pagkatao. • May dignidad ang tao dahil
mahalaga siya. • Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kanya.

13. • Paano magiging makatarungan ang tao? Ipaliwanag • Paano nagsisimula sa pamilya ang pagiging
makatarungan? PAGPAPAHALAGA TAKDA:

14. References: • Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• https://s-media-cache- ak0.pinimg.com/736x/4e/a2/3a/4ea23a120515a88b0 4aa82d531e6a49e.jpg •
https://thecord.ca/wp- content/uploads/2014/08/Volunteerism-Lena- Yang.jpg

15. Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong. 1. Ito ang
pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. 2. Ang pagkatao ay isang katotohanang nangangailangan ng
ating pagkilala at paggalang ayon kay ________. 3. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang ______ ay
magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao.

16. Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong. 4. Ang ______
ang unang nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan. 5. Ito ang namamahala sa kaayusan ng
ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa at sa ugnayan ng tao sa lipunan.

17. SAGOT: 1.Katarungan 2.Dr. Manuel B. Dy Jr. 3.Sto. Tomas de Aquino 4.Pamilya 5.Katarungang
Panlipunan

You might also like