You are on page 1of 40

PANALANGIN

Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po kami sa araw na ito. Patuloy mo


po kaming gabayan upang lahat naming tungkulin ay aming magampanan.
Tulungan mo po kami sa mga pasya na aming ginagawa. Pagpalain mo ang
aming mga guro na sa amin ay matiyagang nagtuturo. Pagpalain mo rin ang
mga magulang namin sa patuloy na pagsuporta sa amin. Ang lahat ng ito ay
aming sinasamo sa ngalan ng aming Panginoong Hesus. Amen.
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

KATARUNGANG
PANLIPUNAN
ARALIN 1
“WALANG IWANAN”
• Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na
pangangailangan sa kapuwa, lalo na sa mga kritikal na
sitwasyon sa buhay.
• Ito ay dahil ang tao ay panlipunang nilalang o umiiral na
kasama ang ibang tao.
• Matutugunan lamang ang pangangailangang ito kung may
nabubuong ugnayan sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin.
• Isang ugnayang dapat na pinamamayanihan ng katarungan.
KATARUNGAN?
Kahulugan ng Katarungan
• Ang katarungan ay pagbibigay sa
kapuwa ng nararapat sa kaniya.
• Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ito
ay isang pagbibigay at hindi isang
pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng
katarungan ay ang labas ng sarili.
Kahulugan ng Katarungan

• Pagkapantay-pantay
• Pagiging wasto
• Pagiging makatuwiran
ANO NGA BA ANG NARARAPAT
SA KAPUWA? AT BAKIT
KAILANGAN MAGING
MAKATARUNGAN SA
KAPUWA?
Ang paninira sa kapuwa ay parang
paglapastangan din sa sariling
pagkatao.
Dapat nating tandaan na ang pagkatao
ng tao ay isang katotohanan na
nangangailangan ng ating PAGKILALA
AT PAGGALANG.
TAYO AY BAHAGI NG
LIPUNAN NG MGA TAO!
Kahulugan ng Katarungan
• Ayon naman kay Santo Tomas de
Aquino, ang katarungan ay isang
gawi na gumagamit lagi ng kilos-
loob sa pagbibigay ng nararapat sa
isang indibidwal.
• Ang kilos loob ng isang
makatuwirang pagkagusto ay
magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungang tao.
MAKATARUNGANG TAO
• Ayon kay Andre Comte-Sponville (2003), isa kang
makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa
paggalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa.
• Isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao.
• Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang
katapusang laban dahil sa katotohanang mahirap kalabanin
ang mismong sarili.
PANGUNAHING PRINSIPYO NG
KATARUNGAN

• Makatarungang ugnayan sa kapuwa.


• Karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang
hindi hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba.
NAGSISIMULA SA PAMILYA ANG
KATARUNGAN
• Sa pamilya, una mong naranasan ang mga bagay-bagay
na nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa
katarungan.
• Sa pamilya unti-unti kang nagkakaroon ng kakayahan na
mauunawaan kung ano ang katarungan.
NAGSISIMULA SA PAMILYA ANG
KATARUNGAN
• Iminulat ka nila sa katotohanang may karapatan at tungkulin ka
bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati narin sa lipunan.
• Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at maisabuhay mo sa
iyong pang araw-araw na ugnayan sa kapuwa ang mga karapatan
at tungkuling ito.
APAT NA ASPEKTO NG KATARUNGAN SA
LOOB NG INYONG PAMILYA
• Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo
sa iyo na kailangan mong gawin ang mga
makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa
iba?

• Ginagabayan ka ba nila upang maiwasan


mo ang hindi makatarungang Gawain?
• Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang
ibig sabihin ng paggalang sa kapuwa?
Kaugnay nito, tinutulungan ka ba nila na
sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram
ng isang bagay na pagmamay-ari ng iyong
kapatid kung gusto mong gamitin ito?
• Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-iba
ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang tao
lalo na ang mga nakapaligid sa iyo?
• Tinuturuan ka ba nila ng pagiging
mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at
pagsasaayos ng iyong mga pagkakamaling
nagagawa sa ugnayan mo sa iba?
) ) ) ) ) ) ) ) )
) ) ) ) ) ) ) ) )

ANG MORAL NA
KAAYUSAN BILANG
BATAYAN NG LEGAL NA
KAAYUSAN NG
KATARUNGAN
• Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng
moral na batas.

• Ang legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na


maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.

• Ang batas moral ay maituturing na isang panloob


na aspekto ng katarungan.
“Ang batas ay para sa tao
at hindi ang tao para sa
batas.”
• Ang sistemang legal ng lipunan ng Pilipinas ay
nararapat na nagbibigay ng proteksyon sa karapatang
pantao ng bawat mamamayan nito.

• Mahalagang sinisegurado ng batas legal ng bansa ang


katarungan para sa lahat.

• Sa mata ng batas nararapat na walang mahirap o


mayaman, mahina at makapangyarihan.
KATARUNGANG PANLIPUNAN

• Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang


pamumuhay.
• Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa
negosyo, pangungurakot sa pribado at publikong institusyon,
hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado at iba pa.
KATARUNGANG PANLIPUNAN

• Ayon kay Dr. Dy, ang katarungang panlipunan ay ang ugnayan


ng tao hindi lang sa kaniyang kapuwa kundi sa ugnayan din niya
sa kalipunan.
KATARUNGANG PANLIPUNAN

• KAPUWA- personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao.

• KALIPUNAN (Socius) – ugnayan ng tao sa isang institusyon o


sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon.
KATARUNGANG PANLIPUNAN

• Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng


ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa
kalipunan.

• Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang ugnayan ayon sa


kraytirya ng pagsunod sa batas.
MGA KAUGNAYAN NA PAGPAPAHALAGA

• May mga kaugnayan na pagpapahalaga ang katarungang


panlipunan.

• Ang mga ito ay dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal,


pagkakaisa, at kapayapaan.
DIGNIDAD NG TAO
• Bukod tangi ang tao sa lahat ng mga nilalang ng Diyos dahil
nilikha siya ng Diyos na may isip at kalayaan.

• May dignidad ang tao dahil may halaga siya.


KATOTOHANAN
• Makakamit ang katarungan panlipunan sa tulong ng isa pang
pagpapahalaga ng katotohanan.

• Masama ang pagmomonopoliya o pagsasarili sa mga kaganapan.


PAGMAMAHAL
• Kung ang katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng
pagmamahal, ito ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na
makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay isang
positibong paglapit sa kaniya upang samahan at suportahan siya
sa kaniyang pagtubo bilang tao.
PAGKAKAISA

• Ang bunga ng pagkakaisa ay


kapayapaan.
GAWAIN
• Batay sa mga balita sa telebisyon, radyo, pahayagan, o internet ano ang pagkaunawa mo o nabuo mong ideya tungkol sa
Katarungang Panlipunan? Isulat ang mga palatandaan nito sa kuwaderno gamit ang ilustrasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

KATARUNGAN

1. Bakit mo na itnuturing na palatandaan ng Katarungang Panlipunan ang mga sinulat mo sa ilustrasyon?


2. Mula sa mga palatandaang sinulat mo, ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng Katarungan Panlipunan?

You might also like