You are on page 1of 17

Modyul 1

LAYUNING PANLIPUNAN: KABUTIHANG PANLAHAT


REPLEKSIYON:
Walang sinumang nabubuhay para sa sarili lamang.
Kinakailangan ng taong makibahagi at mamuhay sa
lipunan. Ang buhay ng tao ay PANLIPUNAN (Manuel Dy Jr, !
994). Lipunan na nag mula sa salitang “lipon” na
nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay mayroong
kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o
layunin. Ang komunidad naman ay galling sa salitang Latin
na “communis” na nangangahulugang common o
nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga
indibidwal na nakakapareho sa interes, ugali, o
pagpapahalaga na bahagi ng isang particular na lugar.
Likas sa tao na mamuhay siya sa lipunan dahil hindi
makakamit ng tao angkanyang kaganapan kung hindi
matutugunan ng lipunan ang kanyang pangangailangan.
Malakiang magagawa ng lipunan sa paghubog ng iyong
pagkatao. Lahat ng iyong naiisip, nararamdaman, sinasabi,
at ginagawa ay naiimpluwensyahan ng lipunan na iyong
nabibilangan. Ang kabutihang panlahat naman ay
tumutukoy sa kabutihang naayon sa moralidad ng tao, sa
Likas na Batas Moral. Hindi kalayaan o pagkakapantay-
pantay ang nararapat na manaig kundi ang panlipunan at
sibil na pakakaibigan, na palaging nangangailangan ng
katarungan.

NATUTUNAN:
Natutunan kona ang layunin ng lipunan ay maging maayos
ang kanyang mga nasasakupan. Kaya may kabutihang
panlahat na kung saan ang kabutihang panlahat na ito
ang siyang nagsasabi na: Ang lahat ng tao ay dapat na
mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya gabay
ang diyalogo, pagmamahal at katarungan. Ang
pangunahing karapatang pantao ay nararapat nama
pangalagaan. Ang bawat indibidwal ay nararapat na
mapaunlad patungo sa kanyang kaganapan.
Modyul 2
Lipunang pampolitika, prinsipyo ng subsidiarity at
prinsipyo ng pagkakaisa
REPLEKSIYON:
Ang pamayanan ay parang isang BARKADAHAN. Sama-sama
silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang
mga hamon sa buhay. May mga kwento silang pinagdadaanan
at nabubuo ang kanilang kultura. Kultura ang tawag sa mga
nabuong gawi ng pamayanan. Ang kultura ay ito ang tradisyon,
nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasya, at mga
hangarin na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
Habang lumalaki ang grupo, nagiging mas mahirap na
pakinggan ang lahat at panatilihin ang dating nakukuha
lamang sa bigayan at pasensiyahan. PAMPOLITIKA ang tawag
sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang
mga bawat isa ay malayang magkakaroon ng maayos na
pamumuhay. Makamit ang sariling mithiin sabay sa kabutihang
panlahat. Pinangungunahan ito ng pamahalaan. Isang kaloob
ng tiwala: Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng
tiwala. Nagiging pinuno ang isang tao dahil sa tiwala ng mga
nasasakupan. Prinsipyo ng Pagtutulungan (subsidiarity)
tumutulong sa pamahalaan ang mga mamayan na magawa nila
ang makakapag-unlad sa kanila na walang makakahadlang sa
kalayaan ng mga mamayanan mula sa pinuno sa pamamagitan
ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis ,lakas. Ang
Prinsipyo ng pagkakaisa (Solidarity) ay tungkulin ng mga
mamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo
ng estrruktuta upang makapagtulungan ang mga mamayan.

NATUTUNAN:
May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan
bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o
organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang
pangkabuhayan, kultural, at kapayapaan. Kung umiiral ang
Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili angpagkukusa,
kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na
nasamababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng
bawat kasaping pamayanan. Kailangan ang pakikibahagi ng
bawat tao sa mga pagsisikap namapabuti ang uri ng
pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng
kahirapan, dahil ang kanyang pag-unlad ay nakasalalay sa pag-
unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa)

Modyul 3
LIPUNANG PANG-EKONOMIYA
REPLEKSIYON:
Pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng diyos. Max
Scheler: “Bahagi na ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa
hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging
isang sino. Dahil narin sa hindi pagkapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.” Hindi
man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa
kanila. Kailangang maging PATAS ayon sa kakayahan,
ayong sa pangangailangan. Ang buhay ng tao ay isang
pagsisikap na ipakilala ang sarili. Hindi ang yaman, hindi
ang mga gamit na mayroo o wala siya ang humuhubog sa
tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang
sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa pantay-
pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
yaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinibigay sa
kanya ang kanyang ikakayaman. “Ekonomiya” galing sa
mga griyergong salita na “oikos” (bahay) at “nomos”
(pamahalaan).

NATUTUNAN:
Sa modyul na ito ay aking natutunan na ang
mabutingekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat –
walang taong sobrangmayaman at maraming mahirap. Ito
ay hindi para lamang sa sarilingpag-unlad kundi sa pag-
unlad ng lahat. Natutunan ko din na pantay-pantay tayo
dahil anak tayo ng diyos. Ang pagiging pantay-pantay ay
isang bagay na pagbiniyan moa ng isa dapat bigyan mo
din ang isaupang masabi itong pantay. At ang patas
naman ito ang pagiging patas naman kunwari hindi na
kailangan ng isang pamilya na bigyan sila patas sila dooon
sa pamilyang wala pa. Hindi tayo pantay-pantay sa ating
mga kakayahan dahil may sari sarili tayo nito.

Modyul 4
LIPUNANG SIBIL. MEDIA AT SIMBAHAN
REPLEKSIYON
LIPUNANG SIBIL Ang kusang pag-oorganisa ng ating sarili
tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t isa. Ito ay
ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na
matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong
tugunan ng pamahalaan at kalakalan(Business). Ang
MEDIA anumang bagay na “nasa pagitan” o namamagitan
sa nagpapadala at pinadadalhan ay tinatawag na Latin na
medium( o media kung marami). Kung marami at sabay
sabay ang paghahatid tinatawag itong mass media. Sa
pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay
napananatili moa ng ikabubuti ng iba pang kasapi ng
lipunan. Pangunahing layunin ng media ay magsulong ng
ikakabuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ang SIMBAHAN
gaano man ang karami ang iyong matamo para sa sarili,
makakaramdam ka pa rin ng kawalan ng katuturan. Sa
pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang
iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong
pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan
ng pagtuwang sa lipunan.
NATUTUNAN:
Ang layunin ng lipunang sibil, ang likas-kayang pagunlad,
ayisang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga
panlipunangpagpapahalaga tulad ng katarungang
panlipunan, pang-ekonomiyang pagunlad (economic
viability), pakikilahok ngmamamayan, pangangalaga ng
kapaligiran, kapayapaan,pagkakapantay ng mga kasarian
(gender equality), atispirituwalidad (mga
pagpapahalagang kailangan sa isangsustainable
society) .Ang tungkulin ng media na magpalutang ng
impormasyongkailangan ng lipunan sa pagpapasya kung
ano ang makakabutisa lahat. Sa tulong ng Simbahan,
nabibigyan ng mas mataas na antas ngkatuturan ang mga
materyal na pangangailangan na tinatamasanatin sa
tulong ng gobyerno at sariling pagkukusa

Modyul 5
Mga batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral
REPLEKSIYON:
Tayong lahat ay may kakayahang mag isip at makaunawa sa kabutihan
Ninanasa ng mga tao ang kabutihan at hindi ang masamang mga
gawain.Minsan nararamdaman natin ang mabuti. Nararamdaman natin
ang tama kahit na minsan sinasabi ng isip natin na mali ito. Ang puso at
isipan natin ang gumagabay para kilatisin natin kung ano ba talaga ang
mabuti. Mag kaiba ang MABUTI sa TAMA. Ang MABUTI ay ang mga bagay
na tutulong para mabuo natin an gating sarili. Ang TAMA naman ay ang
pagpili ng mabuti ayon sa panahon, kasaysayan,koteksto, at sitwasyon,.
Tinitignan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng
pagpili. Mahalagang ingatannatin ang dangal ng tao. Ang pag-unlad ng
ating bansa at ng mundo ay nagsisimula sa pagkilala sa pantay na mga
karapatan. Ang likas na batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito
malinaw n autos kung ano ang gagawin ng taosa iba’t ibang pagkakataon.
Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. Ang pinakaunang
hakbang: FIRST DO NO HARM wag gagawa ng isang bagay na
makakasakit sa iba sa simula palang o simulan ang isang
bagay na hindi makakapanakit.

NATUTUNAN:
Natutunan kona ang mas ninanais ng tao ay ang kabutihan
kaysa ang masamang gawain. Nararamdaman natin na
tama ang gating gagawin ngunit naguguluhan tayo dahil
sinasabi ng ating isip na mali ito. Natutunan ko din na mag
kaiba ang MABUTI sa TAMA. An gang MABUTI ito yung mga
ginagawa natin na pwede makatulong para mas maging
buo pa ang ating sarili para bang mas maging mabuti pa
tayo sa mga pinapakita natin at sa mga ginagawa natin.
Ang TAMA naman ito yung mga ginagawa natin na naayon
lang sa kagustuhan natin naayon lang kung ano ba
sitwasyon ng isang bagay. Kaya mas nakakalamang parin
ang Mabuti kaysa sa Tama. Natutunan ko din na ang likas
na moral ay hindi Instruction Manual para bang may
sinusndan ka. Hindi ito malinaw na utos kung ano ang
gagawin ng isang tao sa lahat ng pagkakataon. Ito lamang
ay isang gabay para mapakita ng isang tao kung ano ang
halaga niya. Ang pinaka unang hakbang para sa likas na
moral ay ang FIRST DO NO HARM na kapag ginagawa mo
ang isang bagay dapat gagawin mo sya ng hnd sya
masaaktan.

Modyul 6
Karapatan at tungkulin
REPLEKSIYON:
Karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang
kapuwa na igalang ito. Kapag nilabag ang
karapatang ito magkakaroon siya ng damdamin ng
pagsisisi. Moral ang karapatan dahil hindi maaaring
puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay
sa kaniya ng sapilitan o puwersahan ang mga bagay
na kailangan niya sa buhay. Kasama sa pagiging
moral ng tao ang pagtupad ng kanyang mga
tungkulin. Ang pagtalikod natin s ating tungkulin ay
parang pagsalungat sa buhay-pamayanan na may
malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan. Bawat
batang Pilipino ay may mga karapatan at bawat
isang tao ay may mga karapatan din tayo at
kaakibat din nito na tuparin natin ang ating mga
tugkulin. TANDAAN: Kaakibat sa karapatan ng isang
tao sa kanyang kapwa na igalang ito at obligasyong
niyang tuparin ang kanyang mga tungkulin.
Mahalagang patuloy na tayahin ang sarili kung
napapaunlad mo ang mga kaloob ng diyos sa
pamamagitan ng pagtupad ng iyong mga
tungkulinat paglilingkod sa lipunan.
NATUTUNAN:
Natutunan ko na tayo ay may mga karapatan na dapat
igalang natin sa iba at igalang din ng iba ang mga
karapatan natin. May mga karapatan tayo na may
tungkulin din na dapat natin isagawa o obligasyuhin dahil
ito ay isang tungkulin na hnd nmn sya nakapangako pero
nararapat natin syang gawin dahil ayun ang nararapat na
at nakakabuti parsa sa iba at sa ating sarili. Ang karapatan
ay dapat na inigagalang at ang tungkulin ay dapat na
gawin uang tayo ay walang pag sisihan

Modyul 7
ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD
NG DIGNIDAD NG TAO
REPLEKSIYON:
Nagsisimula ang pananaw sa paggawa bilang reyalidad ng
buhay; isang bagay na hindi matatakasan at kailangang
harapin sa bawat araw sa pagdaan ng panahon,
matutunan mo kung bakit mahalagang kilalanin ang
paggawa bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang
tao. Ang ating paggawa ay isang tungkuling kailagang
isagawa nang may pananagutan. Ito ay isang gawain ng
tao na nangangailangan ng orhinalidad, pagkukusa, at
pagkamalikhain. Sinasabi ni Pope John Paul II sa kaniyang
akda na Laborem Excerns na ang paggawa ay anumang
gawain, pangkaisipan man ito o manual, anuman ang
kaniyang kalikasan o kalagayan nito sa makatao nararapat
para sa tao bilang anak ng Diyos. Ang layuninng pag gawa
ay upang kitain ng tao ang kaniyang pangangailangan
upang matugunan niya ang kanyang mga pangunahing
pangagailangan, Upang mas mapaunlad ang agham at
teknolohiya, Upang maingat ang kutura at moralidad sa
lipunan, Upang matulungan ang nangangailangan, Upang
magkaroon ng higit nan a kabuluhan ang pag-iral ng tao.

NATUTUNAN;
Natutunan kona mahalaga ang paggawa dahil mas
napapaunlad natin ang ating sarili dito. At mas
nagkakaroon pa tayo ng mas maraming oras para gawin
pa ang mga bagay na dapat gagawinnatin. Mas
makakagawa pa tayo ng oras para gawin padin ang mga
bagay na pwede makatulong saatin. Mas nababalanse
natin ang ating mga prayoridad kung marunong tayo
gumamit ng oras sapag gawa. Mahalaga ang paggawa lalo
na kung nakakatulong ito sa ating sarili at sating lipunan.
Wag natin sayangin ang oras para sa paggawa ng mga
makakabuluhang bagay.

Modyul 8
Pakikilahok at Bolunterismo
REPLEKSIYON:
HINDI MAINAM NA NAG IISA ANG TAO KAYA BIBIGYAN KO SYA
NG MAKAKASAMA AT MAKAKATULONG (GENESIS 2:18). Ito ang
dahilan kung bakit ang tao ay may kapwa sapagkat hindi siya
mabubuhay na mag isa. Ang bawat tao ay may pananagutan sa
kanyang kapwa.Nagkkaroon ng sayasay ang kanyang buhay
kung ito ay ginagamit nang makabuluhan tuwing siya ay
nababahagi ng kanyang sarili para sa kapwa. DIGNIDAD ito ang
karapat-dapat nang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng
kaniyang kapwa. Lahat tayo ay may dignidad dahil sa dignidad
nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa
mata ng Diyos, ang lahat ay pantay-pantay. PAKIKILAHOK isang
tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
BOLUNTERISMO isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita
ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng
sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ang
pagkakaiba ng pakikilahok sa bolunterismo. Sa Pakikilahok
nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin.
Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala
sa iyo. Sa Bolunterismo, Kung hindi mo ito gagawin, hindi ka
apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinutulungan. Kung ikaw
man ay managot; ikaw ay mananagot saiyong konsensiya
sapagkat hindi ka tumutugon sa pangangailangan ng iyong
kawa. 3Ts sa PAKIKILAHOK AT BOLUNTARISMO. Time(Panahon),
Talent(Talento), Treasure(Kayamanan).

NATUTUNAN:
Ang natutunan ko na hindi natin kaya na tayo lamang mag
isa sa ating buhay. Kaya binigyan tayo ng diyos ng kapwa
na makakasama at makakatulong saatin. Natutunan ko din
na bawat tao ay may dignidad na kung saan ang dignidad
ay nangingibabaw ang paggalang sa kanyang kapwa at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, ang lahat ay
pantay pantay. Natutuna ko na ang PAKIKILAHOK ay isang
gawain na dapat ginagawa ng lahat at maisakatuparan
niya ito para sa kabutihang panlahat. Natutunan ko naman
na ang BOLUNTERISMO ay isang gawain na may
pagkukusa at hindi sapilitan na gagawin at nagpapakita ng
pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.

Modyul 9
Katarungang panlipunan
REPLEKSIYON:
Ayon kay Dr. Manuel Dy, Jr. ang katarungan ay isang
pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Ang nararapat sa
kapuwa ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi
malalabag na espasyo ng kaniyang pagka-indibidwal-ang
kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay
isang katotohanang nangngailangan ng ating pagkilala at
paggalang. Ang pagiging makatarungan ay minimum na
pagpapakita mo ng pagmamahal bilang tao namumuhay
kasama ang iba.Ito ay isang gawi na gumagamit lagi ng
kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
Ang kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay
magpapatatag sa iyong pagiging makatarungan tao.(Santo
Tomas De Aquino. Ang isang makatarungang tao kung
ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa. Isinaalang-alang din nito ang
pagiging patas sa lahat ng tao. Kailangan mong salungatin
ang iyong mismomg sarili, ang ibang tao at ang mundo na
hindi pagiging patas ng mga ito (Andre Comte-Sponville,
2003) Pangunahing Prinsipyo ng katarungan.

NATUTUNAN:
Natutunan ko na nararapat natin ibigay sa ating kapwa
kung ano ang nararapat sa kanya. Natutunan ko din na
ang katarungan ay kusang pabibigay nito sa isang tao at
hindi ang syang tatanggap pa nito saatin. Ang pagiging
isang makatarungang tao ay pagpapakita mo ng
pagmamahal at paggalang mo sa kanya. Natutunan ko na
nag katarungan ay isag kilos-loob na pagbibigay ng
nararapat sa taong yun. Natutunan ko na makatarungan
ang isang tao kung may paggalang sya sa batas at sa
kanyang kapuwa. Natutunan ko na bilang isang tao
karapatn ng bawat isa natin ang mabuhay at mamuhay
nang hindi hinahadlangan o pinaghihimasukan ng iba.
Kung nilalabag natin ang karapatan ng iba mawawalan ito
ng katarungan at paggalang sa karapatan ng iba

Modyul 10
KAGALINGAN SAPAGGAWA
REPLEKSIYON:
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto
ay nangangailangan ng sapat na kasanayan at kahusayan.
Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagakta
naisasakatuparan niya ang kanyang tungkulin sa sarili sa
kapwa at sa Diyos. Ang mga katangian ng kagalingan sa
paggawa: Nasasabuhay ng mga pagpapahalaga,
Natataglay ng kakailanganing kasanayan, Nagpupuri at
nagpapasalamat sa Diyos. Nasasabuhay ng mga
pagpapahalaga: ang mga pagpapahalagang ito ang
nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng mga dekalidad
na produksiyon o serbisyo. Kasipagan, Tiyaga, Masigasig,
Malikhain, Disiplina sa Sarili. Nagtataglay ng
kakailanganing kasanayan: siya ay bukas at handing
matuto upang lalong mapabuti ang kagalingan sa
paggawa. Pagkatuto habang gumagawa. Pagkatuto
pagkatapos gawin ang isang gawain.

NATUTUNAN:
Natutunan kona ang kagalingan sa paggawa ay may sapat
na kasanayan at kahusayan sa mga bagay na gagawin.
Natutunan kona may kabutihan sa paggawa na syang
tutupad sa ating mga tungkulin sa sarili sa ating kapuwa at
sa Diyos. Ang syang nagtutulak na gawin ang kabutihan sa
paggawa na ito ang syang magkakaroon ng kagalingan sa
paggawa. Natutunan ko din sa kagalingan sa paggawa na
nararapat na isabuhay natin ang pagpapahalaga nito. May
mga bagay tayo na matutunan bago tayo gumawa,
habang gumagawa, at pagkatapos gumawa ng isang
gawain.

Modyul 11
KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG
PAMAMAHALA SA NAIMPOK
REPLESIYON:
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikapna gawin o tapusin
ang isang gawain na mayroong kalidad. Ito ay tumutulong sa
tao, malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad sa
sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at
kahusayan na kung saan Malaki ang maitutulong nito sa tao, sa
kaniyang relasyon, sa kanyang gawain, sa kaniyang kapwa at
sa kaniyang lipunan. Narito ang ilang palatandaan ng taong
nagtataglay ng kasipagan. 1. Nagbibigay ng buong kakayahan
sa paggawa. 2. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.
3.Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang kabaligtaran ng
kasipagan ay katamaran. Ang katamaran ang pumapatay sa
isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao
upang siya ay magtagumpay. PAGPUPUNYAGI: Ang
pagpapatuloy sa gawain kahit na ikaw ay nahihirapan, ang
pagpatuloy kahit minsan ikaw ay nasasaktan o nagdurusa.
PAGTITIPID: kailangan na maging mapagkumbaba at matutong
makuntento sa kung ano ang meron ka. Ito ang
pinakamahalagang paraan ng pagtitipid. Sapagkat hindi
napupulot ang pera, hindi ito mapipitas sa mga puno, o di kaya
hindi ito nalalaglag mula sa langit. Ang pera ay
pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kinakailangan lamang
na gastusin sa tama upang huwag itong mawala. Ang Pag-
iimpok ay paraan upang makapag “save” o makapag ipon ng
salapi, na siyang magagamit sa ating pangangailangan sa
takdang panahon. Mayroong tatlong dahilan kung bakit
kailangan na mag-impok Ayon kay Francisco Colayco, ang tao.
1. Para sa proteksyon sa buhay. 2. Para sa mga hangarin sa
buhay. 3. Para sa pagreretiro.

NATUTUNAN:
Natutunan ko sa modyul na ito ang pagpapatuloy kahit
maraming natatanggap na mga puna mula sa iba, at ang
pagpapatuloy sa kabila ng matinding pagod at hirap
makamit mo lamang ang iyong minimithi sa buhay. Ang
pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang
iyong layunin o mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na
pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon.
Natutunan ko din na ang taong masipag ay hindi
nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain.

Modyul 12
Pamamahala sa paggamit ng oras
REPLEKSIYON:
Ang ORAS ay tumutukoy sa panahon, pagkakataon, saglit,
araw at gaano katagalang ginugugol sa isang paggawa. Ito
ay kaloob ng ipinagkatiwala sa tao. Ang PAMAMAHALA SA
ORAS ay tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at
produtibong paggamit nito sa paggawa. Ito ay tahasang
aksiyon ng pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa
isang ispesipikong gawain. Ang taong marunong
magpahalaga sa oras ay siyang may mahusay na
nagagawa. Hindi siya naaantala o nahuhuli. Nakatatapos
siya ng gawain sa takdang oras. Ang pagiging maagap ng
tao ay nagpapahiwatig na may pagpapahalaga siya sa oras
ng ibang tao. Hindi niya nanaisin na masayang ang sariling
oras pati na rin ang oras ng kanyang kapuwa. Ang
ganitong uri ng tao ay itinuturing ang panahon o oras
bilang isang kayamanan. Ang bawat tao ay nakaasa sa
panahon. Ang iyong mga gawain ay apektado ng kung
anong oras mayroon ka. Kung titingnan natin, ang lahat ng
narito sa mundo ay dikta ng oras. May nakatakda kung
kailan at kung anong oras dapat matapos ang gawain. 

NATUTUNAN:
Ang pagpapahalaga sa oras ay makataong tawag para sa
isang malayang pagdedesisyon at kaayusan sa kilos. Balik
tanawin ang kuwento sa paglikha ng Banal na Ispiritu.
Ginamit niya ang bawat sandali sa makatuturang gawain.
Ngunit bago niya ito isinakatuparan, nagkaroon siya na
malalim na pag-iisip, sinundan ng malayang pagpapasya
na gusto niyang magkaroon ng buhay sa kanyang likha.
Hindi nagtapos sa ganon lamang. Sa halip, nilapatan niya
ng kaayusan. Inisa-isa niya ang paglikha sa bawat araw.
Ang tao ay marapat na maging tulad ng Banal na Ispiritu
sa pananaw ng pamamahala sa paggamit ng oras. Sa
tamang pamamahala ng oras, ang tao ay inaasahang
maging mapanagutan at kapaki-pakinabang sa mga
gawain niya sa lipunan niyang kinagagalawan.

Modyul 13
MGA SARILING SALIK SA PAGPILI NG TRACK O KURSONG
AKADEMIK,TEKNIKAL-BOKASONAL, SINING, AT DISENYO,AT
ISPORTS
REPLEKSIYON:
Pagsusuring pansarili (self-assessment). Ito ang unang
hakbang sa pagplaplano sa iyong kursong kukunin. Maaari
itong gamitin batayan upang malaman kung ikaw aya nasa
tama at angkop na kurso o trabaho. Mahalagang maglaan
ng oras sa pag-iisip bago mamili dahil ito ang tutulong sa
iyong Makita ang kabuuan at iba’t ibang Angulo ng
sitwasyon. Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang
pagkakakilalan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-
ugnayan sa kapuwa. Good life for me forus in community.
Talento isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang
kailangang tuklasin dahilitoang magsisilbi mong batayan
sa pagpili ng tamang track o kurso. Kasanayan ang mga
kasanayan ay mga bagay na kung saan tayo mahusay o
mahilig. Interest nagpapasaya sayo dahil sa gusto mo ito
at paborito mong gawin. Pagpapahalaga mga bagay na
binibigyan natin ng halaga. Mithiin ito ang pagkakaroon na
matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.

NATUTUNAN:
Natutunan kona bago tayo kumuha ng kurso ating
kukunin. Mas maganda kung pag iisipan natin kung ito ba
talaga ang gusto natin. Maging planado tayo sa para
malaman natin kung angkop at tama bang kurso na
kukunin natin. Natutunan ko din na ang kurso nakukunin
natin maaaring ipalagay natin ito sa ating mga talent,
kasanayan, hilig, pagpapahalaga, at mithiin natin.

Modyul 14
PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
REPLEKSIYON:
Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang
tinatahak. Ito ang susi na makakatulong sa kanya upang
makamit ang kaniyang mga layunin sa buhay. Kung hindi
ka magpapasiya ngayon para sa iyong kinabukasan,
gagawin ito ng iba para sa iyo. “Begin with the end in
mind”.Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa
iyong isip ang isang malaking larawan kun ano ang nais
mong mangyari sa iyong buhay. Simulan mo ang paggawa
ng iyong personal na misyon sa pamamagitan ng
pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian.
Kailangang maging maliwanag saiyo kung saan
nakabatatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan
nakatuon ang iyong lakas, oras,at panahon. Sa iyong mga
impormasyon na naitala, lagging isaisip na ang layunin ng
paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong
malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Iyon
ang magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na
iyong tatahakin. “ All of us are creators of our own
destiny”.

NATUTUNAN:
Natutunan kona may mga misyon tayo sa buhay na siyang
tutulong sa atin para makita natin kung ano baa ng
kahalagahan natin dito sa mundo. Natutunan ko din na
nararapat na alam nanatin kung ano baa ng nais natin na
mangyari sa ating buhay. Ang pagsisimula ng misyon ay
nag sisimula sa sarili sa pagtatala ng iyong ugali at mga
katangian. Natutunan ko din na dapat alam natin kung
saan nakabatay an gating pagpapahalaga. Kung saan doon
nakatuon an gating lakas, oras, a panahon. Natutunan ko
din na ang tadhana ay nakasalalay saatin. Tayo mismo
gumagawa ng tadhana natin na siyang mag gagabay kung
ano ba kahihinatnan ng ng ating buhay.

Modyul 15
LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
REPLEKSIYON:
Ang isang musmos ay maraming pangarap at ang mga
pangarap na ito ay maaaring hindi permanente. Maaaring
magbago ang iyong pangarap o gusto maging sa
hinaharap sa pagkakataong makakita ka ng mga bagay na
pumupukaw ng iyong interes. Upang matupad ang mga
ito, kailangang maging aktibo sa mundo ng paggawa.
Mahalaga na malaman mo rin ang mga “in demand” na
trabaho sa pilipinas at sa ibang bansa na puwede mong
maging basehan sa pagpili mo ng kurso at magkaroon
kaagad ng trabaho pagkatapos ng iyong pag-aaral. Ang
“demand” sa trabahong local o pandaigdigan sa
kasalukuyan ay hindi problema. Ang lumilitaw na malaking
suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong
aplikante napupuno sa mga posisyon na kailangan.

NATUTUNAN:
Natutunan ko na walang trabaho ang makahihigit pa sa uri
ng trabaho na pwedeng pasukin ng tao kung ito ay
tumutugon sa pangangilangan ng industriya. Mahalaga rin
na ito ay batay sa moral na batayan ng paggawa, hilig,
talento, at kakayahan. Ang pagkakaroon ng sapat na
demand sa mga trabaho sa lokal at sa pandaigdigan ay
makatutulong upang  makapili at mapaghandaan ang
kursong akademiko, sining, palakasan, teknikal –
bokasyonal, at maging pagnenegosyo o hanap - buhay ng
isang tao ay susi sa inaasam na tagumpay at pag – unlad
ng ekonomiya ng bansa.

Modyul 16
PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG PAMUMUHAY
REPLEKSIYON:
Ang pagsusuri kung ang mga propesyon, trabahong
teknikal-bokasyonal o negosyo na kasama sa tinatawag na
key employment Generators (KEG) ay tugma sa iyong
minimithi at sa mga pansariling salik tulad ng mga hilig o
interes, kakayahan, pagpapahalagaat kasanayan. Ang
careerpath ay tumutukoy sa mga pagsasanay, pag-aaral,
posisyon o iba’t ibang trabaho, at mga pagahanda na ating
pinagdaraanan upang matamo an gating nais na uri ng
pamumuhay o career goal. Steady State ito ang career
path na nangangailangan ng panghabambuhay na
pananatili sa isang trabaho lamang at patulog na paglago
ng kaalamn at kasanayan sa karerang ito. Linear ito ay
nangangahulugang ng patuloy na pag-angat o pagtaas.
Transitory ito ay nagpapakita ng madalas na
pabagobago. Spiral ito ay nangangahulugan ng regular
na pagbabago kadalasan ay sa loob ng lima o pitong taon.

NATUTUNAN:
Lahat tayo ay mayroong pangarap na mabuhay na
mayroong sapat na kakayahan upang tustusan ang ating
mga pangangailangan. Pagbutihin natin ang ating pag-
aaral upang makapag tapos tayo at pumili tayo ng kurso
na naaayon sa ating hilig o kapasidad. Pagsikapan natin na
maabot ang ating mga pangarap upang magkaroon tayo
ng trabaho na maaaring tustusan ang pangangailangan
namin at ng aming pamilya.

You might also like