You are on page 1of 43

Panginoon naming Diyos, patnubayan

mo po kami sa araw na ito. Patuloy mo


po kaming gabayan upang lahat naming
tungkulin ay aming magampanan.
Tulungan mo po kami sa mga pasya na
aming ginagawa. Pagpalain mo ang
aming mga guro na sa amin ay
matiyagang nagtuturo. Pagpalain mo rin
ang mga magulang namin sa patuloy na
pagsuporta sa amin. Ang lahat ng ito ay
aming sinasamo sa ngalan ng aming
Panginoong Hesus. Amen.
N G A N K A R U T A

A B T S A

M A P A L A H A A N

A W D A D T O R I

Ano ang pagkakaugnay-ugnay ng


bawat salita na nabuo?
Panuto: Gumawa ng pagtatasa
kung anong mga palatandaan ng
pagiging makatarungang tao ang
taglay mo sa iyong sarili sa
kasalukuyan.Lagyan ng tsek ang
ako ito, o hindi ako ito.
Mga Palatandaan ng Pagiging Ako Hindi
Makatarungang Tao ako Ito

1. Isinasaalang-alang ko ang mga


karapatan ng mga tao sa aking paligid
2.Inuunawa ko ang bawat sitwasyon sa
obhektibong paraan upang makakilos
nang makatarungan ayon sa hinihingi ng it
sitwasyon. o
3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat
para sa akin ay maaari akong magparaya
alang-alang sa mas nangangailangan.

4.Handa akong magbigay ng aking sarili


upang makatulong sa pagpapabuti ng
kapakanan o buhay ng aking kapwa.
5.Kinikilala ko ang mga karapatan ng bawat
miyembro ng aming pamilya.
6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatann g
ibang tao: sa paaralan, trabaho, sa aming barangay o
sa bansa.
7.Itinataya (commit) ko ang aking sarili sa
kasuduang mayroon ako at ang aking mga
kaibigan.

8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang


dapat kung igalang lalo na ang may kaugnayan sa
likas na batas moral.

9.Tinutupad ko ang aking mga pangako at mga


komitment sa buhay.

10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat,


pagbatikos, at pagpuna sa iba na kulang ng
batayan ay kawalan ng katarungan.
 Ano ang naramdaman mo sa kinalabasan ng
iyong pagtatasa? Ipaliwanag.
 Sa kabuuan, ano- ano ang iyong mga
natuklasan tungkol sa iyong mga sarili batay sa
resulta ng indibidwal na pagtatasa? Ipaliwanag.
 Sa Palagay mo, paano kayo magiging
makatarungaang tao upang makabahagi sa
pagpapairal ng katarungang panlipunan sa
iyong pamilya, paaralan, o pamayanan?
Ipaliwanag.
Modyul 9: Katarungang
Panlipunan
Mga Napapaloob na paksa
O1.Kahulugan ng Katarungan
O2.Makatarungang Tao
O3.Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan
O4. Nagsisimula sa Pamilya ang katarungan
O5. Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal
na kaayusan ng Katarungan
O6.Katarungang Panlipunan
O7.Mga Kaugnay na Pagpapahalaga
1.Kahulugan ng Katarungan
O ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat
sa kaniya.
O Ito ay isang pagbibigay at hindi isang
pagtanggap - ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.
(ang tuon ng katarungan ay ang labas ng
sarili. Nangangailangan ito ng panloob na
kalayaan mula sa pagkiling sa sariling
interes.)
O Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng
isang tao.
O Bakit mo kailangang maging
makatarungan sa iyong kapuwa?
O Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao
kundi dahil ikaw rin ay namumuhay sa
lipunan ng mga tao.
O Ang pagiging makatarungan ay
minimum na pagpapakita mo ng
pagmamahal bilang tao na namumuhay
kasama ang iba.
O Ang paninira sa ibang tao ay isa ring
paglapastangan sa iyong sariling pagkatao.

O Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino,


ang KATARUNGAN ay isang gawi na
gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay
ng nararapat sa isang indibidwal.
Makatuwirang pagkagusto ay
magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungan.
OSa pamamagitan ng pagiging
makatarungan, sinusunod mo ang
LIKAS NA BATAS MORAL

Hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na


ituturing ko bilang may pinakamataas na
halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat
upang ingatan at payabungin ang tao
2.Makatarungang tao
O Ayon kay Andre Comte-Sponville (2003),
Isa kang MAKATARUNGANG
TAO kung ginagamit mo ang iyong lakas sa
paggalang sa batas at sa karapatan ng
kapuwa.
O Isinasaalang – alang mo rin ang
pagiging patas sa lahat ng tao.
O Kailangan mong salungatin ang
iyong mismong sarili, ang ibang tao,
at ang mundo sa hindi pagiging patas
ng mga ito.
O Ang pakikibaka para sa
katarungan ay isang walang
katapusang laban dahil sa
katotohanang mahirap kalabanin
ang mismong sarili.
3. Pangunahing Prinsipyo
ng Katarungan
O Makatarungang ugnayan sa Kapwa.
O Bilang tao, karapatan ng bawat isa na
mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng
iba.
O Ang paggalang sa
karapatan ng bawat isa
anumang ugnayan
mayroon ka sa iyong
kapuwa.
Pagsasadula ng apat na pangkat
mula sa buong klase:
O Isadula ang mga pagsasanay sa loob ng
inyong pamilya upang mahubog sa iyo ang
pagiging makatarungan.

Krayterya sa Pagsasadula:
 Nilalaman – 10 puntos
 Organisasyon – 5 puntos
 Patisipasyon – 5 puntos
 Malikhain – 5 puntos
Kabuuang Puntos: 25 puntos
4. Nagsisimula sa Pamilya ang Katarungan
O Sa pamilya, una mong naranasan ang mga bagay-bagay
na nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa
katarungan.
O Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga
magulang mo sa paghubog ng iyong pagiging
makatarungan.
O Iminulat ka nila sa katotohanang may karapatan at
tungkulin ka bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi
pati na rin sa lipunan.
O Ginagabayan ka nila upang mapahalagahan at
maisabuhay mo sa iyong pang-araw araw na ugnayan
sa kapuwa ang mga karapatan at tungkuling ito.
Apat na aspekto na
mahalagang pagtuunan mo ng
pansin sa pagsasanay sa loob
ng inyong pamilya upang
mahubog sa iyo ang
katarungan.
O a. Ipinaaalala ba palagi ng mga
magulang mo sa iyo na kailangan
mong gawin ang mga
makatarungang bagay sa iyong
ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba
nila upang maiwasan mo ang hindi
makatarungang gawain?
Ob. Ipinapaunawa ba nila sa iyo kung
ano ang ibig sabihin ng paggalang sa
kapuwa? Kaugnay nito, tinutulungan
ka ba nila na sanayin ang iyong sarili
tulad ng paghiram ng isang bagay na
pagmamay-ari ng iyong kapatid kung
gusto mong gamitin ito?
Oc.Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-
iba ng mga sirkumstansiya/kalagayan ng
iba’t ibang tao lalo na ang mga nakapaligid
sa iyo?
Od. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging
pagtitimpi o pagkontrol sa sarili at
pagsasaayos ng iyong mga
pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo
sa iba?
Takdang Aralin: ½ Crosswise
Panuto:
1. Pagnilayan mo ang iyong ugnayan sa iyong kapatid,
kamag-aral, o kaibigan.
2. Suriin ang ugnayan ng iyong kapwa gamit ang
sumusunod na gabay na tanong:
a. Ano sa palagay mo ang iyong gagawin kung
panghimasukan o dominahin nila ang buhay mo?
b. Ano sa palagay mo ang maaaring naging sanhi
nito?
c. Namamalayan mo ba na ginagawa mo rin ang
dominahan o panghimasukan ang buhay ng kapatid,
kamag-aral, o kaibigan. Ipaliwanag
d. Ano ang maaaring maging bunga nito?
e. Ano ang papel ng katarungan sa ganitong
sitwasyon?
Panginoon naming Diyos, patnubayan
mo po kami sa araw na ito. Patuloy mo
po kaming gabayan upang lahat naming
tungkulin ay aming magampanan.
Tulungan mo po kami sa mga pasya na
aming ginagawa. Pagpalain mo ang
aming mga guro na sa amin ay
matiyagang nagtuturo. Pagpalain mo rin
ang mga magulang namin sa patuloy na
pagsuporta sa amin. Ang lahat ng ito ay
aming sinasamo sa ngalan ng aming
Panginoong Hesus. Amen.
5. Ang moral na kaayusan bilang
batayan ng legal na kaayusan
ng katarungan
OLegal na kaayusan ng
katarungan- Batas Sibil o Legal
na batas
OMoral na kaayusan – Likas na
batas Moral
OAng Legal na batas ay siyang
panlabas na anyo ng moral na
batas. Ang Legal na kaayusan
kung gayon ay nararapat na
maging tulay o batayan ng
moral na kaayusan sa lipunan.
O Mahahalagang sinisegurado ng
batas legal ng bansa ang
katarungan para sa lahat.
O Sa mata ng batas na ito ay
nararapat na walang mahirap o
mayaman, mahina at
makapangyarihan
”Ang batas
OSabi panga

ay para sa tao at
hindi ang tao para
sa batas”
Ano ang mangyayari kung ang sistemang
legal na dapat pumuprotekta sa mga
mahihirap at mahina ay nagagamit ng mga
mayayaman at makapangyarihan?
O Magiging instrumento ito ng hustisya para sa
kanila at pang-aapi para sa mahihirap at
mahina.
O At malinaw na nilabag nito ang
pangunahing batas ng pagpapakatao- ang
LIKAS NA BATAS MORAL
6. Katarungang Panlipunan
O Ayon kay Dr. Dy, ito ay nauukol sa hindi
lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang
kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa
kalipunan.
O >KAPUWA- ay personal o interpersonal na
ugnayan mo sa ibang tao. ( hal. Ugnayan mo sa
iyong kaibigan na nagpatulong tungkol sa
kaniyang problema.)
O> KALIPUNAN- ( Socius)
ay ang ugnayan ng tao sa isang
institusyon o sa isang tao dahil sa
kaniyang tungkulin sa isang institusyon.
(hal.
Ang guro o ang mag-aaral sa paaralan, o
ang empleyado sa opisina) sila ay
kalipunan dahil may namagitan na
institusyon sa kanilang ugnayan.
7. Mga Kaugnay na Pagpapahalaga
hinggil sa katarungan.
O Ang Katarungang Panlipunan sa tunay na
kahulugan nito ay kumikilala sa DIGNIDAD ng
tao. Ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil
sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga
nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang
PAGKATAO.
O>Kung ang Katarungang Panlipunan ay
ginagabayan ng diwa ng PAGMAMAHAL, ito
ay hindi lamang isang simpleng pag-iwas na
makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito
ay isang positibong paglapit sa kaniya upang
samahan at suportahan siya sa kaniyang
pagtubo bilang tao at sa pagpapaunlad niya ng
kaniyang potensiyal.
O Bukod tangi ang tao sa lahat ng mga nilalang ng
Diyos na may isip at KALAYAAN.
O Ang pagmamahal ay siyang puso ng
PAGKAKAISA. At “ Ang bunga ng pagkakaisa ay
kalayaan”- Santo Papa Juan Pablo II
O Ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay
hindi nakadepende sa kaniyang sitwasyon, kundi sa
kaniyang hindi malalabag na KARAPATANG
kaugnay sa kaniyang dignidad bilang tao.
O Ang KATOTOHANAN bilang pagpapahalaga
ay may pag-uudyok sa iyo na handa mong ibigay
ang iyong buong sarili dahil ito ay may
kabuluhan sa iyong buhay at sa buhay ng iyong
kapuwa.
O At ang katotohanan bilang pagpapahalaga ay hindi
isang simpleng opinyon lamang dahil hindi mo
maitataya ang iyong pagkatao at buhay para sa
isang opinyon lamang.
Katotohanan Dignidad Pagkakaisa Pagmamahal

Kapayapaan Karapatan

Upang umiral at makamit ang KABUTIHANG


PANLAHAT
O“Nobody is so rich who has
nothing to receive and nobody is
so poor who has nothing to
give”- Acts and Decrees of the
Second Plenary Council of the
Philippines
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang
salitang Tama kung sa palagay mo ay makatotohanan ito at
isulat naman ang salitang Mali kung hindi ito nagsasabi ng
katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa ½ lengthwise.

1. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng


ibang tao: sa paaralan, sa trabaho, sa aming barangay,
o sa bansa.
2. Ang pakikibaka para sa katarungan ay isang walang
katapusang laban dahil sa
katotohanang mahirap kalabanin ang mismong sarili.
3. Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at
mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinanghihimasukan ng iba.
4. Ang taong masipag ay umiiwas sa anumang gawain
lalo na kung ito ay nakaaatang sa kaniya.
5. Pagsuhol upang hindi malaman ang katotohanan.
6. Kahit alam mo kung ano ang nararapat para sa iyo ay maaari kang
magparaya
alang-alang sa mas nangangailangan.
7. Isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa
paggalang sa
batas at sa karapatan ng kapuwa.
8. Pagdakip sa isang tao nang walang warrant of arrest.
9. Dahan- dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng
iyong mga mahal sa buhay.
10. Magiging makatarungan ka kapag iginagalang mo ang mga
karapatan ng iba.
11. Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay hindi
kumilala sa dignidad ng tao.
12. Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang
pagmamahal.
13. Sa paghahanay mo sa katotohanan, kinakailangang tingnan ang
kabuuhan ng isang Sitwasyon.
14. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang nararapat sa tao ay hindi
nakadepende sa
kanyang sitwasyon.
15. Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan
ng tao sa Kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa kalipunan.
16. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan.
17. Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa
lipunan o mga nakamit sa buhay
18. Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang
pamumuhay.
Umiiral ito kung hinahayaan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo.
19. Ang tuon ng katarungan ay ang loob sa sarili. Nangangailangan ito ng
labas na
kalayaan.
20. Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa
kapuwa.
Isahang Gawain.
Panuto: Mula sa iyong mga pagkatuto sa paksa, punan ng mga
angkop na salita ang pangungusap sa ibaba upang mabuo ang
Batayang Konsepto.
May pananagutan ang bawat 21)
na ibibigay sa 22) ang 23)
sa 24) sa kanilang pagkakasamang 25)
.

tao mamamayan gawain kaniya kapwa

moral karapatan nararapat kilos


May pananagutan ang bawat
mamamayan na ibibigay sa
kapwa ang nararapat sa
kaniya sa kanilang
pagkakasamang kilos
Takdang Aralin:

Bumuo ka ng isang collage na nagpapakita ng isang


sitwasyon ng isang Mabuting Samaritano sa ating
lipunan ngayon. Ilagay sa short bond paper, gawing
kaaya-aya ito.
Tingnan sa modyul 2 pahina 7 ang rubric para sa
paggawa ng collage.

You might also like