You are on page 1of 110

EDUKASYON

SA
PAGPAPAKATAO
NIKKA JANE D. BALBAS
Instructor 1
Mariano Marcos State University Laboratory High School Batac Campus
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang maaari mong
gawin kung ikaw ang nalalagay sa mga nasabing pangyayari.

1. Kabilang sa isang fraternity ang mga kaibigan ni Fredo. Dahil dito


siya ay hinihimok na sumapi sa kanilang ipinagbabawal na samahan.
Batid niya maaaring masamang dulot nito. Kung ikaw si Fredo, ano
ang iyong gagawin?
2. Natanggal sa kanyang trabaho ang ama ni Allan. Sinabihan siya nito
na hindi na niya makakayang tustusan ang kanyang pag-aaral.
Kasalukuyang nasa ikasampung baitang sa haiskul ni Allan. Kung
ikaw si Allan, ano ang iyong gagawin?
3. Nang tumuntong sa ikasampung baitang ay nagkaroon ng
pagtangi si Analyn sa kanyang kamag-aral na si Earl. Nang
lumaon ay niligawan siya nito. Batid niya ang mga maaaring
bunga ng maagang pakikipagrelasyon. Kung ikaw si Analyn,
ano ang iyong gagawin?
4. Hindi kasunod ni Elena ang kanyang kamag-aral na si
Jennifer bagamat hindi pa naman ito humahantong sa
lantarang alitan. Subalit tila binubuyo siya nitong
makipag-away. Kung ikaaw si Elena, ano ang iyong gagawin?
5. Matalik na magkaibian sina Martin at Arnel. Alam nila ang
lihim ng bawat isa. Subalit nang lumaon ay sumubok si Martin
na mag-droga at nagumon siya rito. Kung ikaw si Arnel ano
ang iyong gagawin?
6. Nagiging gawain ng mga barkada ni Michelle ang mam-bully
ng mga kamag-aral. Hindi siya sumasama sa mga gawaing nito.
Dumating sa punto na nagsampa ng reklamo ang mga nagging
biktima. Isa si Michelle sa ginawang saksi laban sa kanyang
mga kaibigan. Ano ang nararapat niyang gawin?
7. Isang araw ay nabasa ni Merlette sa kanyang facebook
wall ma mayroon siyang kamag-aral na naghahamon sa
kanya ng away. Kung ikaw si Marlette ano ang iyong
gagawin?
8. Gipit sa pera si Tony. Isang araw sa kantina ay
napansin niyang nakaiwan ng pitaka sa kanyang
kinauupuan. Kung ikaw si Tony, ano ang iyong gagawin?
9. Isang araw ay inakusahan si Angel ng kanyang
kamag-aral na diumano ay naninira sa kanya. Hindi
naging asal ni Angel ang ibinibintang sa kanya. Kung
ikaw si Angel ano ang iyong gagawin?
10. Pinagagawa sina Robert ng book report ng kanilang
guro sa Ingles. May nag-alok sa kanya ng isang book
report na gawa na kapalit ng pera. Kung ikaw si Robert,
ano ang iyong gagawin?
ISIP AT KILOS LOOB, PARA
SAAN?
Tatlong mahahalagang sangkap

ISIP

PUSO

KAMAY
ISIP KILOS-LOOB

GAMIT PAG-UNAWA GUMAWA/KUMILOS

TUNGUHIN KATOTOHANAN KABUTIHAN


May mga kasanayan na sadyang mga tao lamang ang
nagtataglay. Kasama na rito ang kakayahang mag-isip,
sumuri at tumimbang ng mga bagay-bagay. Ito ay
tumutukoy sa INTELLECT/KAISIPAN. Kaalinsabay ng
kakayahang ito ay ang kapabilidad na mapaunlad at
madagdagan ang kaalaman, kasanayan at kakayahan. Ang
nararapat na tuon ng ganitong kakayahan ay ang
pagsasaliksik sa mga katotohanan sa buhay.
Ito ang bunga ng intellect o isip na ng layunin ay
magabayan ang tao kung ano ang wasto, ang
makabubuti at ang nararapat. Ito ang
makapagbibigay sa tao nag kakayahang tumimbang at
sumuri sa anumang sitwasyon ng isang kabataan dahil
sa kanyang pagpapasya.
PAANO NGA BA
MAAARING MAPAUNLAD
ANG ISIP O INTELLECT?
Ayon kay John Locke ang tao ay isinilang na walang
laman ang kanyang kaisipan, parag isang papel na
walang kasulat sulat. Sa salitang Latin ito ay tinatawag
na tabula rasa. Ang nalalaman ng bawat tao ay
kanyang nakukuha sa kanyang mga karanasan sa
kanyang pagtanda. Anumang taglay na karunungan
ay batay sa kung ano ang natutunan sa kapaligiran
sa paglipas ng panahon. Ayon dito ay mapauunlad
ang kaalaman batay sa kabutihan at katotohanan.
Magagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na
mga hakbang;
1. Pakikinig sa wastong payo mula sa magulang
at iba pang nakakatanda.
2. Pagbabasa ng Bibliya, Koran at iba pang banal
na aklat.
3. Pagtukoy kung ano ang makabubuti sa sarili at
sa ibang tao.
4. Pag-alam sa katotohanan ng buhay.
Ang kaisipan ay nararapat na batay
sa katotohanan na siyang
ikabubuti ng tao. Ito ang
kahalagahan ng isip sa buhay ng tao.
Anumang taliwas sa kabutihan ay
hindi dapat na taglayin ng kaisipan.
Kaakibat nito ay ang kakayahan ng
tao na magkaroon ng malayang
kalooban o free will. Ito ay ang
kasanayan na magpasya nang
may kalayaan batay sa nalinang na
kaalaman at karungan.
Ito ay katuturan ng malayang
kalooban sa buhay ng tao, ang
piliin ang mabuti, wasto at
batay sa kaalamang taglay
ng isip o intellect.
Ang free will o malayang kalooban ang siyang
nagbibigay sa tao na isabuhay ang anumang taglay
na kaalaman. Mapapaunlad ito kung sasanayin ang
sarili sa pagpili ng kung ano ang tama sa lahat ng
pagkakataon. Kung ito ay maisasagawa ay magiging
daan ito upang maisabuhay ang esensya ng pagkatao
ng bawat tao na mamuhay sa kung ano ang
makabubuti sa sarili at mga tao sa kapaligiran.
Takdang Aralin
Panuto: Magsulat ng sanaysay kung paano
mapauunlad ang taglay na intellect at free will.

Panuto: Sumulat ng tula, awitin o tugma hinggil


sa kahalagahan ng intellect at free will.
DIGNIDAD KO
BILANG TAO
Bilang isang tao, paano
nararapat tignan ng bawat isa
ang kanyang pagiging isang
indibidwal?
Paano niya makikita ang
pagpapahalaga sa sarili?
Paano makakaapekto sa
kanyang asal at
pakikisalamuha sa kapwa?
Ang Dignidad ayon sa
Iba’t-ibang paniniwala
Ancient Stoic Tradition
• Taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang
maunawaan ang santinakpan at ayusin ang sarili.
Ito ang nagbigay sa tao ng dignidad na katulad ng
hindi nasusukat na pagpapahalaga.
• Sa kasalukuyang panahon, ang dignidad ang
nagbibigay pakahulugan na ang tao ang
pinakamahalagang nilalang.
Ang Dignidad ng Tao ayon sa
Western Philosophy
• Ang dignidad ay tumutukoy sa obhetibong pagpapahalaga na
ang indibidwal ay nagtataglay ng ilang mga katangian ng
pagkilos na may kaugnayan sa kaniyang dignidad tulad ng
kahinahunan, katahimikan, marangal na pamamaraan at
pagkilos.
• Ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kaniyang nagawa sa
bhay. Ang dignidad ng tao bilang pansariling pagpapahalaga
na naaayon sa damdamin.
Ang Human Dignity ayon sa
Relihiyon
• Nag-uugat ang dignidad ng tao ayon sa pagkakalikha sa kaniya na
kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang banal na imahe ng Diyos ay
nasasalamin sa bawat tao.
• Hindi tayo simpleng bagay, kundi isang tao na may kakayahang umalam
at ibigay ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa tao.
• Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung kaya’t may
kakayahan din tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili ng
dignidad ng tao.
ANG KAHULUGAN NG
DIGNIDAD NG TAO
Ito ay galing sa salitang Latin na dignitas mula
sa dignus na ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang
dignidad ay nangangahulugang pagiging
karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at
paggalang muka sa kaniyang kapwa. Lahat ng
tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas
ng kakayahan ay may dignidad.
Ito ang nagpapatotoo na
ang tao ay naiiba at
natatanging nilikha ng Diyos
Ito ay isang bagay na
nagdudulot ng karapatan sa
lahat.
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng
Karapatan na umunlad sa paraang hindi
nakakasakit o nakasasama sa ibang tao.
Nangingibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata sa mata
ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.
Pantay na Pagkilala sa
Dignidad, sa Kapwa ay
Ibigay
“Mahalin mo ang iyong kapwa
katulad ng pagmamahal mo sa
iyong sarili.”
Utos ng Diyos. Ito ay
nangangahulugan ng
pagkilala sa dignidad na
taglay ng lahat ng tao.
“Huwag mong gawin sa iba
ang ayaw mong gawin ng
iba sa iyo”
Bakit karapat-dapat ang
tao na bigyan ng halaga
ang kanyang pagiging
indibidwal?
Ang tao ay may halaga sapagkat siya ay may kaluluwa na
nagtutulak sa kanya na sundin at gawin ang tama at
mabuti na siyang iniaatas ng batas moral. Bukod dito
siya rin ay may katawan na nararapat pangalagaan at
palakasin upang magpatuloy ang buhay na pinahiram sa
kanya. Mahalagang maisaisip na tanging tao sa mga
nilalang ng Diyos ang may pinagsamang kaluluwa at
katawan. Kung ito ay ihahambing sa mga hayop ay
angat ang kaliaksan ng tao dahil ang hayop ay walang
mapanuring pag-iisip, kilos-loob at kaluluwa.
Ang halagang ito ng tao ang pinagmumulan ng kanyang
Karapatan. Ito ay hindi maaaring ipagkait sa sinumang tao anuman
ang kanyang lahi, relihiyon, kasarian, gulang at estado sa buhay. ito
ang dahilan na bagamat may mga taong mas mataas ang estado ng
pamumuhay kaysa sa iba, pagdating sa usapin ng dignidad ay
pantay lamang ang mayayaman at mahihirap. Mahalagang
alalahanin na ang dignidad ay hindi rin batay sa pagtingin at
paghusga ng mga tao sa isa’t-isa. Ang dignidad ng tao ay batay sa
kanyang kalikasan bilang bukod tanging nilalang ng Diyos na
Kanyang kawangis samantalang ang reputasyon ay nakasalig sa
persepsyon ng tao sa pagkatao ng kanyang kapwa.
Ang Dignidad na taglay ay may
tatlong antas na nagpapatibay
ayon kay Punzalan
Unang Antas
• Patungkol ito sa paggalang ng tao sa sariling dignidad.
Mahalagang matukoy na bagamat ang halaga ng pagkatao ng
bawat isa ay hindi maaaring mabawasan sa anumang
sitwasyon ay maaari naming hindi ito panghawakan ng tao
kung siya ay gagawa ng mga bagay na taliwas sa atas ng
Batas Moral na palagiang batayan sa anumang iisipin at
gagawin. Ang unang antas ang siyang magtutulak sa bawat
tao na magkaroon ng mabuting kilos-loob upang ang lahat
ng pasya ay para sa kabutihan ng lahat bago ang sarili.
Pangalawang Antas
• Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng
mabuting ugnayan sa kapwa tao. Ang tao na
may dignidad ay magkakaroon ng
magandang ugnayan sa iba dahil sa mabuti
niyang pakikitungo sa lahat ng kanyang
nakakasalamuha.
Pangatlong Antas
• Ito ay pagkilala sa karapatan ng kapwa at pagsunod
sa batas na pinaiiral sa pamayanan. Mahalagang
matukoy na anumang alituntunin at batas na dapat
sundin ay batay sa pagkilala at pagpapahalaga sa
dignidad ng tao na siyang layon ng paggawa sa mga
batas na ito na pinaiiral.
Ayon pa kay San Juan Pablo II sang-ayon sa
pagkakasulat nina Punzalan mayroong apat na
mahahalagang aksyon na siyang titiyak sa
paggalang sa dignidad ng bawat tao lalo na iyong
mga nasa mababang estado ng buhay sa lipunan. Ito
ay ang mga sumusunod:
Paggalang sa buhay na taglay ng
tao
• Ang lahat ng tao ay may dignidad . Ang nasabing
dignidad ang pinagmumulan ng kanyang Karapatan.
• Pangunahin sa mga Karapatan na mabuhay kaya’t
ang bawat isa ay nararapat maniguro na
mapangalagaan ang buhay hindi lamang sa sarili pati
na rin sa iba hanggang sa kamatayan.
Pagtatanggol sa dignidad ng
paggawa
• Mahalaga ang gampanin ng paggawa sa buhay ng tao sapagkat
ito ang nagbibigay katuturan sa misyon ng isang tao sa lipunang
kanyang ginagalawan.
• Bagamat hindi maaaring makabawas o makadagdag ang
ganansyang pinansyal mula sa paggawa ay mahalaganag daan ang
paggawa upang higit na pangalagaan ang dignidad ng bawat tao.
• Ang marangal na gawain mataas man o mababa ang kikitain ay
nagbibigay dignidad sa tao.
Ang pagtatamo ng edukasyon
• Pamamaraan ito upang matiyak na
malilinang ang kakayahang taglay ng bawat
isa. Katulad ng paggawa ay daan aaang
edukasyon upang magamit at mahasa ng
bawat isa ang pakultad na bigay ng
Maykapal.
Pagpapaunlad ng kabutihang
panlahat
•Ito ang layon ng lipunan at
mahalagang matukoy na ito ay
nag-uugat sa pagkilala sa dignidad
ng bawat tao.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang kahulugan ng dignidad ng tao?
2. Saan nag-uugat ang dignidad ng tao?
3. Ipaliwanag ang kaugnayan ng Karapatan at dignidad.
4. Isa-isahin ang antas ng pagpapatibay ng dignidad ng
tao.
5. Isa-isahin ang apat na mahalagang aksyon ng
pagpapatibay ng dignidad ng tao ayon kay San Juan
Pablo II.
ANG MAKATAONG
KILOS, KUSANG LOOB
NA GAWA?
Piliin ang pinakawastong
sagot. Isulat lamang ang
titik nga tamang sagot.
Upper case letter.
1. Ano ang kinalaman ng intellect sa makataong
kilos?
a. Dito nagmumula ang mga agwi ng tao na kusa
niyang ginagawa.
b. Ito ang sumusubaybay sa mga gawi ng tao.
c. Ito ang nagsisilbing nagtataya ng mga bunga sa
ginawa ng tao.
d. Ito ang nagdidikta kung ano ang gagawin ng tao.
2. Ano ang kinalaaman ng free will sa makataong
kilos?
a. Dito nagmumula ang mga agwi ng tao na kusa
niyang ginagawa.
b. Ito ang sumusubaybay sa mga gawi ng tao.
c. Ito ang nagsisilbing nagtataya ng mga bunga sa
ginawa ng tao.
d. Ito ang nagdidikta kung ano ang gagawin ng tao.
3. Pinagawa ka ng iyong guro ng isang proyekto na ng
layunin ay makatulong sa mga biktima ng bago. Anong
kaisipan ang nararapat mong taglayin sa paggawa nito?
a. Gawin ang pinagagawa ng guro dahil sa ito ay isang
rekesitos.
b. Tumulong sa kapwa bilang isang tungkulin dito.
c. Gawin ito bilang isang tanda ng pagmamahal sa
kapwa.
d. Gawin ito upang gumaan ang kalooban
4. Madalas ay napipilitan ka lamang na sumunod sa
utos ng iyong mga magulang. Anong kaisipan ang
dapat mong taglayin upang ito ay mabago mo?
a. Ang bawat isa ay may tungkulin sa bahay na
dapat tuparin.
b. Ang pagsunod ay tanda ng pagmamahal at
paggalang sa magulang.
c. Ang pagsunod ay isang tungkulin ng anak.
d. Ang pagdarabog sa tuwing inuutusan ay maling
gawi.
5. Kusang-loob ka na sumama sa isang kamag-aral
na naglakwatsa sa oras ng klase. Ang gawing ito ay
…….
a. Tama sapagkat ito ay minsan lamang gagawin.
b. Tama upang malibang din naman.
c. Mali sapagkat maaaring makagalitan ng guro.
d. Mali sapagkat hindi sa ganitong paraan
ginagamit ang kakayahang magkusa.
6. Minsan sa pagkukusa ay maaaring mali ang ating
nagagawa. Paano ito maitatama upang mabuti ang
magiging bunga ng mga makataong kilos?
a. Suriin ang mga maaaring bunga ng mga
makataong kilos.
b. Iugnay ang gawi sa atas ng batas moral.
c. Sumangguni sa mga nakatatandang may mataas
na moralidad.
d. Tanungin ang mga kaibigan hinggil sa kanilang
kuru-kuro.
7. Bakit ang makataong kilos ay nararapat lakipan ng
aspeto ng moralidad?
a. Sapagkat ang bawat tao ay dapat na magpakatao.
b. Sapagkat ito ay mula sa pagkukusang loob ng
bawat isa.
c. Sapagkat may mga maaapektuhan sa bawat
gawing ipapakita.
d. Sapagkat ito ay magiging tanda ng pagiging tao.
8. Ano ang kaisipang mabubuo tungkol sa mga tao
na hindi wasto ang ipinapakitang makataong kilos?
a. Hindi sila tunay na nagpakatao.
b. Hindi nila nagamit ng wasto ang kusang loob at
pag-iisip
c. May kulang sa kanilang kakayahan sa aspetong
ito.
d. Kailangan silang mapagsabihan tungkol sa
kabutihan ng makataong kilos.
9. Ano ang kahulugan ng kasabihang madaling maging tao
mahirap magpakatao?
a. Nasa paggamit nang wasto sa makataong kilos ang
batayan ng pagpapakatao.
b. Nasa pagsasabuhay ng kagandahang asal ang diwa ng
pagiging tunay na tao.
c. Maraming salik ang nararapat isaisip upang
mapaunlad ang pagkatao.
d. Pagkapanganak pa lamang ay maituturing nang isang
tao.
10. Bilang kabataan, paano mo malilinang ang halaga ng
pagkukusa sa pagpapakita ng makataong kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpili ng kung ano ang
makakabuti sa lahat.
b. Sa pamamagitan ng pag-alan ng makabubuti sa lahat
c. Sa pamamagitan ng paghahangad na makagawa ng
kabutihan.
d. Sa pamamagitan ng paglalapat ng mga
pagpapahalaga.
Sa araw-araw nating buhay, hindi natin maiiwasan na tayo
ay husgahan batay sa ating ikinikilos. Ang imahe natin ay
nakasalalay sa ating mga kilos.
Ayon kay AGAPAY, nakasalalay kung anong uri ng tao
ang isang isang indibdwal sa ikinikilos sa kasalukuyan at
sa susunod pa na mga araw. Ayon pa rin sa kanya, ang
kilos ang nagsisilbing salamin na nagpapakita kung ang
isang tao ay may control at pananagutan sa sarili
Dahil dito mahalaga na isipin munang maigi ang
ating gagawin na kilos bago ito isakatuparan.
Dapat din na maunawaan ang bawat kilos ng
ibang tao para maibigay natin ang nararapat na
kilos na ating gagawin. Laging tandaan na
ang kilos ay kaakibat ang pananagutan.
Human Act
•Ito ay gawi o kilos mula sa sariling
pagpapasya ng tao mula sa kanyang
pagnanais na isagawa o isabuhay ang
isang ugali o kilos.
Ang pagkukusa ng isang tao sa isang gawi ay nagpapakita ng uri ng
pag-iisip, disposisyon at ng kanyang paniniwla sa buhay

Halimbawa: pagkukusang ginagawa ng tao na tumulong ng walang


kapalit o kaya naman ay hindi nagpakilala sa taong tinulungan.

Ang gawing ito ay nagpapakita ng Dalisay na layunin mula sa kanya na


makatulong sa kapwa tao. Bawat tao ay may kakayahang mag-isip at
isagawa ang kanyang ninanais mula sa kanyang kalooban. Hindi maaaring
ipilit sa isang tao na umaksyon sa isang sitwasyon kung iro ay hindi batay
sa kakayahang pagpapahalaga ang kanyang gagawin.
Sa bawat sitwasyong ito ay nangangailangan ng paghangad
mula sa isang tao na isabuhay ang ninanais ng puso at isip.

Halimbawa: kung ang isang mag-aaral ay naglakwarsa sa


oras ng klase ay hindi niya maaaring sisihin lamang ang
kanyang kamag-aral na nagsama sa kanya na lumiban sa
klasw. Sa halip ay akuin ang kanyang ginawang
pagkakamali at iwasto ito sa susunod na mga pagkakataon.
Kalikasan ng makataong kilos
• Ang pagsasabuhay ng isang gawi, kilos na mula sa
kanyang isip.
• Kusang-loob niyang isinasabuhay at maaaring tayain
gamit ang pamantayan ng moral na kilos.
• Ang makataong kilos ay mula sa mismong tao na
kumilos sapagkat siya ang may kakayahang magpasya
at mag-isip kung taa o mali ang nasabing kilos.
Dalawang uri ng Kilos ng
tao
❑KILOS NG TAO (ACTS OF MAN)
❑MAKATAONG KILOS (HUMANE ACT)
KILOS NG TAO (ACTS OF MAN)
• Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang control na
ayon sa kalikasan bilang tao.
• Ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng isip
(intellect) at kilos-loob (free will)
• Walang pananagutan ang taong nagsagawa ng kilos.
• Halimbawa: pagkurap ng mata, paghikab, pag-ihi,
pagbahing
MAKATAONG KILOS (HUMANE
ACT)
• Ito ay mga kilos ng tao na isinasagawang may kaalaman (knowingly),
Malaya (free) at kusa (voluntarily).
• Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-loob (free
will)
• Ano man ang kahihinatnan ng kilos ay pananagutan ng taong nagsagawa
ng kilos.
• Halimbawa: pagnanakaw, hindi pagsasabi ng totoo, pagkalat ng dumi,
pagtulong sa taong nangangailangan, paggalang sa nakakatanda
Tatlong Uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan
(Accountability)

❖KUSANG-LOOB
❖WALANG KUSANG-LOOB
❖DI-KUSANG LOOB
KUSANG-LOOB
•Ito ang kilos na isinaasagawa nang
may kaalaman at pagsang-ayon sa
kahihinatnan ng kilos nito.
DI-KUSANG LOOB
•Kilos na isinasagawa nang may kaalaman
ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig
sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may
kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
pero hindi isinagawa. Ito rin ang sapilitang
pagsagawa ng kilos.
WALANG KUSANG-LOOB
•Kilos na isinasagawa nang
walang kaalaman, walang
pagsang-ayon kaya walang
pagkukusa sa kilos.
Mapanagutang sa Sariling Kilos
Sa paggawa ng isang kilos o aksiyon, nararapat na
lagi itong tumutungo sa kabutihan. Walang ibang
dapat sisihin kung ang iyong ikinilos ay mali dahil
ito ay nararapat na pinag-isipan. Nararapat kung
gayon ang masusing pag-iisp at sa pagbuo ng
ating pasya, mahalaga ang magkaroon ng batayan
sa kabutihan upang higit na mapili ang tama at
mabuti.
Layunin: Batayan ng Mabuti at
Masamang Kilos
• Ang LAYUNIN ay kumakatawan sa mismong motibo at personal na
intension ng taong gumagawa ng kilos.
• Ayon kay Aristotle, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung
masama o mabuti. Ipinapahayag nito na ang pagiging mabuti at masama
ng kilos ay nakasalalay sa intension o dahilan kung bakit ginawa ito.
• Dito magkakaroon ng pagkakaiba ang tao sa pagsasagawa ng isang
kilos.
Halimbawa:
May mga tao na tumutulong sa kanilang
kapwa sa iba’t ibang dahilan. Ang iba ay
may tunay at malinis na intensyong talagang
tumulong nang walang kapalit, samantalang
ang iba ay upang humingi ng pabor.
Samakatwid upang maituring na mabuti
ang isang kilos, kailangang mabuti ito
mula sa intensiyon hanggang sa
pagsasagawa nito. Ang tanging tao na
nakaaalam sa intensiyon ng kaniyang
kilos ay ang kaniyang sarili mismo.
Makataong Kilos at Obligasyon
• Sa lahat ng pagkakaton ay obligado ang tao na
kumilos tungo sa kabutihan?
• Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay
obligado. Ang isang kilos o gawa ay obligado
lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa
nito ay magdudulot ng masamang bunga.
Halimbawa:
Ipinagbilin ng iyong nanay na bantayan mo saglit
ang iyong nakababatang kapatid na natutulog dahil
bibili lang siya ng gamut sa bayan pero naghihintay
na ang iyong kaibigan para sa gagawin ninyong
proyekto. Kung iwanan mo siya maaaring mahulog sa
hagdan pag nagising siya. At kung iyong babantayan
habang wala muna ang iyong nanay, makasisiguro
kang maayos ang kaniyang kalagayan.
Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan
sa Proseso ng Pagkilos
•Ayon kay Aristotle, ang kapanagutan
ng isang tao sa kalalabasan ng
ginawang kilos ay may kabawasan
maliban lamang kung may kulang sa
proseso ng pagkilos.
Apat na element sa proseso ng
Pagkilos
Paglalayon

Proseso ng Pag-iisip ng
Pagsasakilos Pagkilos paraan na
ng paraan makarating sa
layunin

Pagpili ng
pinakamalapit
na paraan
1. Paglalayon
• Kasama ba sa iyong layunin ang kinalabasan ng
iyong kilos?Kung inaasahan ng taong gumawa sa
kilos ang masamang epekto ng kaniyang gagawing
kilos, siya ay may kapanagutan sa kilos.
• Halimbawa:
Kung ang hindi mo pagpapahiram ng payong sa iyong
kaklase ay naging sanhi ng kaniyang pagkakasakit,
maaaring isisi sa iyo ang kaniyangpagkakasakit
2. Pag-iisip ng paraan na
makarating sa layunin
• Tugma ba ang paraan sa pagkamitng layunin? Kasangkapan
lang ba ito sa pag-abot ng naisin?
• Sa prosesong ito, kinakailangan gamitin ang tamang kaisipan
at katuwiransa pagsasagawa ng isang kilos.
• Halimbawa:
Inilibre mo ng meryenda ang kaklase mong magaling
mag-drawing upang siya na ang gagawa sa poster na proyekto
mo sa isang asignatura.
3. Pagpili ng pinakamalapit na
paraan
• Sa yugtong ito, tanungin mo ang iyong sarili:
Malaya ka ba sa pagpili mula sa mga opsiyon?
Isinaalang-alang mo ba ang maaaring epekto nito?
Isinaalang-alang mo ba ang kabutihang panlahat o
pansariling kabutihanlamang?
Iniwasan mo ba ang opsiyon na nangangailangan ng
masusing pag-iisip?
4. Pagsasakilos ng paraan
• Sa yugtong ito, isasagawa ang
pamamaraan upangmakamit ang
layunin nang may pagkukusa at
pagsang-ayon na
siyangmagbibigay ng tunay na
kapanagutan sa kumikilos.
Halimbawa:
Isang organisasyon ang inyong binuo sa
paaralan na may kinalaman sapagpapanatili
ng kalinisan. Mula sa paglikom ng mga
kagamitan gaya ng walisat basurahan
hanggang sa pagkumbinsi sa mga mag-aaral
na maging bahagi saprograma. Ang layuning
mapanatili ang kalinisan sa paaralan ay
matagumpaydahil lahat ng mga miyembro ng
organisasyon ay nagbahagi ng
kanilangmakakaya na makibahagi sa lahat ng
mga gawain.
Saan nakabatay ang bigat ng pananagutan sa
isang sitwasyon?
Bigat (degree) ng pananagutan sa
kinakaharap na sitwasyon ng isang
makataong kilos

Bigat (degree) ng kagustuhan o


pagkukusa (willfullness o
voluntariness)
PAGMAMAHAL SA DIYOS
Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa
iyong sarili? Paano mo minamahal ang Diyos at ang
iyong kapwa? Pamilyar ka ba sa dalawang
pinakamahalagang utos? Ito ay ang; Ibigin mo ang
Diyos nang buong isip, puso at kaluluwa at Ibigin mo
ang iyong kapwa katulad ng iyong sarili. Ang
pagmamahal ang pinakamahalagang utos.
Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang
iyong nagging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong
pakiramdam? Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat
doon umiikot ang iyong mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang maganda
at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito,
nagkakaroon ng pagkaataon ang dalawsang tao na magkausap, magkita at
magkakilala. Ito ay nagsisimula sa simpleng palitan ng usapan at
maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan. Mas nagiging
maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong
pagmamahal.
Ang tao ay likas na maka-Diyos. Mula sa kanyang
kapanganakan, hinhanap na niya ang kaniyang
piagmulan.
Ang DIYOS ang pinagmulan ng tao at ang
patutunguhan nito. Niliha tao ng Diyos.
Marapat na Siya ay mahalin. Higit pa dito, siya ang
pinagmulan ng pag-ibig kaya sinasabing ang Diyos ay
pag-ibig.
Juan 3:16
Dahil mahal na mahal ng Diyos ang sanlibutan kaya ang
anak niyang kaisa-isay kanyang ipinagkaloob at nang
sinuman ang maniwala sa kanya’y di mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggang.
Naririto ang ilan sa mga dapat
gawin upang mapangalagaan
ang ugnayan ng tao sa Diyos.
PANALANGIN
• Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
Diyos. Sa panalangin, ang tao ay nakapagbibigay
ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad at
paghiling sa Kaniya. Kung hindi natutupad ang
hinihiling sa panalangin, huwag agad panghinaan
ng pananampalataya dahil may dahilan ang
Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa tao.
PANAHON NG PANANAHIMIK O
PAGNINILAY
• Sa buhay ng tao, napakahalaga ang pananahimik.
Ito ay makatutulong upang ang tao ay
makapagisip at makapagnilay. Mula rito
mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng
Diyos sa kanyang buhay.
PAGSISIMBA O PAGSAMBA
• Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga
ang pagsisimba o pagsamba saan man siya
kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao
upang lalo pang lumawak ang kaniyang
kaalaman na napulot sa pagsisimba/pagsamba.
PAG-AARAL NG SALITA NG DIYOS
• Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos,
nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o
aral. Tulad ng isang tao na nais makilala nang
lubos ang taong kaniyang minamahal, inaalam
niya ang lahat ng impormasyon ukol dito.
PAGMAMAHAL SA KAPWA
• Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang
ugnayan sa kapwa. Ito ang isang dahilan ng
pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang
kapwa. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan
ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang
ugnayan niy sa kaniyang kapwa.
PAGBABASA NG MGA AKLAT TUNGKOL
SA ESPIRITWALIDAD
• Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga
babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad.
Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim
ng pananampalataya ng isang tao.
Get in Touch
With Us
Send us a message or
visit us
City of Batac, Ilocos Norte,
Philippines
(63) 77-600-0459
op@mmsu.edu.ph

Follow us for updates


facebook.com/MMSUofficial
www.mmsu.edu.ph

You might also like