You are on page 1of 6

Division of City Schools

BAGONG SILANGAN HIGH SCHOOL


Gen. Villamor Street, Barangay Bagong Silangan
Quezon City

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Markahan: Ika-Una
Guro: Bb. Rose Marie R. Dela Torre
Petsa: Hulyo 11-12, 2019

Paksa:
Modyul 2:
ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa paghahanap ng
katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod at pagmamahal.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakagagawa ang mga mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan at maglingkod at magmahal.

I.Mga Layunin:
Aral (Kognitib):
Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

Asal (Pandamdamin):
Nakikilala ang kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga konkretong hakbang upang malampasan ang mga
ito.

Dasal(Pangkasanayan):
Nakagagawa ng mga angkop na kilos na nagpapakita ng kanilang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal.

Sanggunian:
Teaching Guide (ESP 10)
Kabuluhan 10

Mga Kagamitan:
Tisa, cartolina, printed pictures,

PANIMULANG GAWAIN
Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan sa silid-aralan
Pag-uulat/ Pagtatala ng liban
Pagbabalik tanaw sa huling aralin.

MAHALAGANG TANONG:
1. Ano ang isip at kilos-loob?
2. Paano dapat gamitin ang isip at kilos-loob ng tao?
PAGGANYAK
Pangkatang gawain
Magbibigay ng iba’t ibang sitwasyon sa bawat grupo. Ipagpapalagay na sila ang mga tauhan sa sitwasyon na iyon.
Bigyan ng katapusan ang kuwento base sa magiging pasya ng miyembro ng bawat grupo. Matapos ay sagutin ang
mga katanungan na naaayon sa sitwasyon.

Sitwasyon 1

Magkakasama kayo ng mga kaklase mo na kumakain sa kantina. Masaya kayong nagkukuwentuhan nang biglang napunta
ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong mga kaklase. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa sa
inyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo si Liza.

Sitwasyon 2

Mga inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigan na dapat mo raw panoorin dahil maganda ito ayon sa kaniya.
Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na malaswang eksena
(pornograpiya).

Sitwasyon 3

Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang
crush mo.

Sitwasyon 4

Ang iyong mga kaibigan ay nanghikayat na pumunta sa mall sa halip na magtungo sa paaralan para makiisa sa mga gawain.
Ang iba sa kanila ay nagyaya na kayo ay mag-inuman at manigarilyo.

Sitwasyon 5

Nakita mo ang iyong kaibigan na nakikipag-away sa labas ng paaralan. Kinabukasan, nalaman niyang nasaksihan mo ang
pangyayaring ito at binantaan kang sasaktan kung ikaw ay magsasabi kaninuman sa iyong nalaman.

Naging mabuti ba ang inyong pagpapasya? Bakit oo? Bakit hindi?


Paano mo malalampasan ang iyong mga kahinaan sa pagpapasya?
Anong mga kilos ang dapat mong gawin upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod
at magmahal?

PAGTATALAKAY
TALASALITAAN:
ISIP (Intellect)-
-nakapagbibigay sa atin ng kakayahang makapag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
-may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay
-may kakayahang tuklasin ang katotohanan
KILOS-LOOB (Will)-
-paggawa ng isang bagay ayon sa nais ng ating isipan
PAGPAPASYA (Decision making)-
-pagpili; isang prosesong mental na nagreresulta sa pagpili ng isang kurso mula sa ilang mga kapalit o alternatibong
mga eksena
ISIP KILOS-LOOB
(Intellect) (Kilos-loob)
Gamit Pag-unawa Pagkilos
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

Ang intellect ay “alam” at ang will naman ay “gusto”. Ang dalawang ito ay nakakaapekto sa ating pagpapasya.
Pinipili natin ang alam nating tama; kaya natin pinipili ang isang bagay dahil sa palagay natin na ito ang tama. Pinipili
natin an gating gusto; walang tao na pumipili ng hindi niya gusto kaya niya pinili ang isang bagay dahil gusto niya
ito. Ngunit kadalasan, mas nangingibabaw ang ating gusto kahit alam na ito ay hindi tama. Bunga marahil ito ng tukso
at kahinaan ng tao. Mahalagang mapanatag ang ating kilos-loob (will) upang mas mapatibay ang determinasyon na
piliin ang tunay na mabuti. Ang tao ay hindi pumipili nang walang mabuting dahilan. Kaya niya pinili ang isang
bagay dahil may nakikita siyang mabuti rito. Likas ito sa tao dahil ito ang tunguhin ng “will” o kilos-loob.

PAGPAPALALIM
Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawg na kanyang obra maestra. Ito ay
nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-isip,
pumili, at gumusto.

DOKTRINA NG SIMBAHAN
Efeso 2:10 “Sapagkat tayo’y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Kristo upang iukol natin ang ating buhay
sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man.”

Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ang kanyang konsensya ay indikasyon
ng naturang orihinal na katayuang ito. Ang kakayahang gumawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa
paglalang sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos.
Ang tao ay nilikang hindi tapos- di tulad sa hayop. Ibig sabihin, ang hayop ay walang pinaghahandaang
kinabukasan sapagkat sa kapanganakan pa lamang, tukoy na kung ano siya sa kanyang paglaki.
Ayon sa pilosopiya ni San Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at material na kalikasana. Kaakibat
ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao. (Ester Esteban)
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kanyang panlabas at panloob na pandama at dahil
sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob

Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao


Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultad
Materyal (Katawan) Panlabas na Pandama at Panloob Emosyon
na Pandama
Ispiritwal (Kaluluwa) (Rasyonal) Isip Kilos-loob

Ayon sa paliwanag ni De Torre, ang kaalamano impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at
inihahatid sa isip upang magkaroon ng mas malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na magsisimulang
gumana ang isip kapag nalinangnanang pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya sa
kapanganakan ng tao.
Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang kilos-loob.
Ayon kay Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kanyang
nauunawaan. Dalawang katangian ng pagpapakatao:
1. Ang kamalayan sa sarili- dahil angbtao ay may isip, may kakayahan siyang pag-isipan anh kaniyang sarili.
Matatwag itong kakayahan ng taong lumayo o humiwalay sa sarili at gawing obheto ng kamalayan ang sarili
tungo sa pagsasaibayo ng sarili (self-transcendence) dahil ditp kaya niyang pigilan ang sarili, ang udyok ng
damdamin at pagnanasa. hal: maaari niyang sabihin sa sariling “masarap ang pagkain pero sandali muna hindi
puwede sakin iyan.”
2. Ang tao ay nakabubuo ng kahulugan at kabuluhan ng bagay (man is a meaning maker)
Halimbawa nito ay ang nakikita kong paraan ng pakikitungo sa kapuwa mula sa mag-aaral na tumulong sa
kaniyang guro (hindi hangad na pagsipsip)

Ang kilos-loob naman ay inilarawan ni Santo Tomas bilang isang makatuwirang pagkagusto (rational appetency)
sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Mahalagang ihambing ang kilos-loob sa emosyonal na
buhay ng hayop. Sa hayop, anuman ang mapukaw na emosyon ay kumikilos ito nang naaayon ditto. Samantalang sa
tao, dahil may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaaring
ang emosyon at ang kilos-loob ay magkaroon ng magkaibang pagkilos.

Ipinanganak man ang taong hindi tapos, nilikha naman siyang kawangis ng Diyos na may isip at kilos-loob upang
tuklasin ang katotohanan at buuin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kaniyang
kapwa.
Kapag pinaglingkuran natin ang iba, napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay sa buhay na ito ang nagtatagal
maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao, at walang mas mabuting paraam upang makipag-ugnayan sa iba kundi
sa pagtutulungan lamang para sa kabutihang panlahat. Ayon nga kay St. John Paul II, “Ang kalayaan ay binubuo
hindi sa paggawa ng kung ano ang gusto natin kundi sa pagkakaroon ng karapatan na gawin kung ano ang nararapat
nating gawin.” At ang mga bagay na nararapat nating gawin ay pagsasabuhay ng katotohanan, pagmamahal at
paglilingkod sa kapwa.

PAGSASABUHAY
Pagbibigay ng mga bata ng kanilang natutunan gamit ang hashtag (#) at isusulat ito sa kanilang 3-2-1 Approach

TAKDANG-ARALIN:
Puno ng Kabutihan
Sa inyong kuwaderno, gumuhit ng puno at isulat sa ugat nito ang ginawang kabutihan sa
araw na iyon. Ilagay sa bawat bunga ng puno kung ano ang naging epekto ng kabutihang
ito dulot ng mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Gawin ito sa loob ng isang
linggo.

Ipinasa ni: Ipinasa kay: Ipinagtibay ni:

MS. ROSE MARIE R. DELA TORRE MRS. MARY JANE M. TALAG MODESTO G. VILLARIN
Teacher I Head Teacher III Principal IV

You might also like