You are on page 1of 3

Division of Puerto Princesa City

STA. MONICA HIGH SCHOOL


City of Puerto Princesa

HOME-BASED ACTIVITY
ESP - 10
AUGUST 30-SEPT.02, 2022

MODULE 1 – ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB (WILL)

Tinalakay natin ang mga isyu kaugnay sa mataas na gamit at tunguhin ng Isip at kilos- loob. Malinaw na ba sa iyo ang tamang
kahulugan ng mga salitang nabanggit? Ibinigay mo rin ba ang iyong naging saloobin at posisyon kaugnay sa nasabing isyu?
Natatandaan mo pa ba ito? Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. Ito ay nangangahulugang siya ay may katangiang taglay
tulad ng Diyos. Ang tao lamang ang may likas na kaalaman sa mabuti at masama. Nilkha siyang may kakayahang mag-isip, pumili
at gumusto. Siya rin ay may isip at pandama. Ginamit niya ang kanyang isip upang umunawa at humusga. Dahil dito ang tao ay
bukod tangi sa lahat ng nilalang sa mundo.

Ang Mataas na Pag-iisip ng Tao ay may:

1. Kakayahang tumuklas ng katotohanan Sinasabing ang katotohanan ay nariyan lamang sa ating paligid. Tulad na lamang ng
katotohanang mali ang magnakaw, katotohanang mahal tayo ng ating mga magulang, katotohanang may Diyos. Ngunit ito’y ating
matutuklasan lamang kung bubuksan natin ang ating isipan at paniniwalaan ito. Kung ang ating sarili mismo ang makakita ng
katotohanang ito, maipapamalas natin ito sa ating kilos at sa oras na makita ito sa atin ng ibang tao ay tiyak magiging katotohanan
na rin ito sa kanila. Halimbawa: Naniniwala si Aye sa kasabihang “Sa bawat tulong na ibinibigay mo, doble ang babalik sa iyo”. Kaya
naman mahilig siyang tumulong sa mga nangangailangan kaya marami ring nagsasabi na kaya siya sinuswerte dahil sa katangian
niyang ito. Maari nating sabihing katotohanan ang kasabihang ito para sa lahat ng nagsasabuhay nito sapagkat nakikita natin ang
nagiging resulta nito.

2. Kakayahang magnilay at magmuni-muni Dahil ang tao ay may isip, may kakayahan siyang pag-isipan ang kaniyang sarili at
gawing obheto ng kamalayan ang sarili tungo sa pagsasaibayo sa sarili (self-trascendance). Dahil dito kaya niyang pigilin ang sarili,
ang udyok ng damdamin at pagnanasa. Halimbawa: Palagi kayong nag-aaway ng kapatid mo ngunit dahil naisip mong bata pa siya
at sadyang mapang-asar lang pinili mong intindihin siya at lagi kang nagpapaubaya para sa kaniya.

3. Kakayahang kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral (Abstraksyon) Dahil sa kakayahang ito ng isip,
ang tao ay nakabubuo ng kahulugan at kabuluhan sa mga bagay-bagay (man is a meaning maker). Halimbawa: Natutunan mo sa
paaralan ang iba’t-ibang mabuting gawain tulad na lamang ng pagtulong sa guro, pakikipagkaibigan sa iyong mga kaklase at
marami pang iba kaya naman nabuo sa iyong isipan ang katotohanang ito ay parte ng wastong pakikitungo sa kapuwa at ito ay
nararapat mo lamang taglayin.

KILOS-LOOB Ang tao rin ay nagtataglay ng kilos-loob maliban sa isip. Ang Kilos-loob ay umaasa sa isip. Ang kilos-loob ng tao ay
ginagamit upang sumang-ayon o hindi sa dinidikta ng isip. Sa kongkretong halimbawa na iprenisinta sa tuklasin, ang katuwiran ay
nanggagaling sa isip na siyang nakakaimpluwensiya sa kilos-loob. Dito ipininapakita na ang tao ay may kakayahang piliin kung ano
ang kaniyang dapat gawin upang maipakita ang kaniyang moral na tungkulin sa kaniyang kapuwa. Ang tao lang ang nakakagagawa
nito at hindi ang hayop. Ibig sabihin, kailangan maihiwalay ng tao ang kaniyang nararamdaman o emosyon sa pagpapasiya.
Nabibigyang kahulugan din ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga
bagay na umiiral.

Sa kasalukuyang panahon ay kinakaharap ng buong mundo ang suliranin sa pandemyang Covid-19. Maraming tao ang nawalan ng
hanap-buhay at pagkakakitaan na kanilang pinagkukunan sa pagtugon sa pang araw-araw na pangangailangan. Sa panahong ito,
naramdaman mo ba ang tawag ng iyong pag–iral? Ang tawag ng tungkulin o ang iyong “calling” upang tumulong sa iyong kapuwa
ayon sa kaniyang kinakaharap na sitwasyon?

PAGLILINGKOD SA KAPUWA Dahil sa tawag o “calling” na tumugon sa pangangailangan ng kapuwa, sinasabing ang tao ay nilikhang
hindi TAPOS. Ang tao ay nagsisikap na lalo pang paunlarin ang sarili at maabot ang pagka-sino ng pagiging tao. Sa bawat araw ay
pinagsisikapang linangin ang mga katangian upang magkaroon ng kabuluhan ang buhay.
KATOTOHANAN Ang katotohanan ay kabaligtaran ng kasinungalingan. Sa makabagong konteksto, ito ay binibigyang kahulugan
bilang isang ideya ng pagiging “totoo sa sarili”. Ang pagiging totoo ay pagiging tunay at tapat maging sa sarili at sa kapuwa.
Mahalaga ang katotohanan sapagkat ito’y nakabatay sa kalikasan ng tao. Ito ay kaisa ng reyalidad na para sa kabutihan ng lahat o
ng nakararami. Nararapat na mahanap ang katotohanan upang maisagawa ang mga mabubuting kilos para sa kapuwa.

Basahin at unawain at pagnilayan ang mga sumusunod. Isulat sa notbuk ang iyong reyalisasyon tungkol sa mga ito.

Gawain 1
Maganda ang performance mo sa iyong pag-aaral. Napatunayan mo na ang iyong kakayahan mula pa noong ikaw ay nasa mababang
taon ng sekondarya. Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada si Rolly na mahilig sa internet gaming at walang interes sa
pag-aaral, naimpluwensiyahan ka niya. Napabayaan mo na rin ang iyong pag-aaral. Nanganganib din na hindi mo matapos ang
Junior High School sa taong ito. Kinausap ka ng iyong ama, hinihingi niya sa iyo na sabihin sa kaniya ang iyong katuwiran sa iyong
naging pasiya at ang plano mong gagawing solusyon kaugnay nito.

Panuto: Isulat sa speech balloon ang maaring maging pag-uusap ninyo ng iyong ama.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng hugis puso ) kung ito ay nagpapakita na ginamit ang isip at kilos-loob
para sa paghahanap ng katotohanan, at sa paglilingkod/pagmamahal at tatsulok ( ) naman kung HINDI

1. Napansin mong maraming takdang-araling kailangang tapusin ang iyong kapatid. Siya pa ang naatasang maghugas ng inyong
pinagkainan sa hapunan. Inako mo nalang ang paghuhugas.
2. Marumi ang inyong bahay, hindi pala nakapaglinis ang iyong kapatid na inutusan ng iyong ina dahil masama ng kaniyang
pakiramdam. Nagkulong ka sa kwarto para hindi mautusan ng iyong ina.
3. Nabasa mo ang isang pangyayari sa social media tungkol sa isang aksidente agad-agad ikaw ay nagbigay ng negatibong komento
nang hindi mo inalam ang katotohanan.
4. Niyaya ka ng mga kaibigan mong maligo sa beach ngunit wala ang iyong ina at hindi ka nakapagpaalam. Kaya pinili mo na lang na
hindi sumama.
5. Inutusan ka na bumili sa tindahan at sobra ang sukli na naibigay sa iyo ng tindera. Hindi ka nagdalawang -isip na ibalik iyon
kaagad.

Gawain 3
Panuto: Unawain ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay tumutukoy na isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal at MALI naman kung hindi.

1. Pag-aalaga sa nakababatang kapatid dahil nasa trabaho ang magulang.


2. Pagsangguni sa magulang o nakatatanda kaugnay sa pagpapasiyang gagawin.
3. Pagtago sa napulot na pitaka dahil may gustong bilihin na cellphone.
4. Pakikilahok sa mga programa ng inyong barangay kaugnay sa kalinisan ng komunidad.
5. Hindi pagtulong sa isang matanda sa pagtawid kahit nakikitang ito ay nahihirapan.
GOD BLESS EVERYONE. KEEP SAFE!

You might also like