You are on page 1of 20

7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Ang Kaugnayan ng Konsensiya
sa Likas na Batas Moral
Ikalawang Markahan – Ika-apat na Linggo

1|Pahina
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – 7
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral
Ikalawang Markahan – Ika-apat na Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Manunulat: Romelyn G. Marzal
Editor: Genefer T. Alcantara
Tagasuri: Genefer T. Alcantara
Tagaguhit at Tagalapat: Joenalie D. Marfil
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Gary M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Ang kaugnayan ng konsensiya
sa Likas na Batas Moral

Panimula

“Sundin mo ang sinasabi ng iyong konsensiya!” Marahil ay napakinggan mo


na ang mga katagang iyan at sinabi rin ng lolo at lola mo na may dalawang katauhan
sa iyong tabi, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ayon sa kanila, kapag pinili mo ang ang
mabuti, sinunod mo ang katauhan na nasa iyong kanan at kapag pinili mo ang
masama, sinunod mo ang katauhan na nasa iyong kaliwa. Ito ang kadalasang
ginagamit na paglalarawan sa kung ano ang konsensiya.

Mauunawaan mo sa araling ito ang mahalagang papel na ginagampanan ng


konsensiya sa buhay ng tao. Ito ang batayan ng pagpili ng tama sa mali. Dito
nakasalalay ang paghubog ng iyong pagkatao dahil ito ang humuhusga sa kilos na
ating pinipiling gawin. Paano mo nga ba masisigurong tama ang paghuhusga na
ginagawa mo sa pagpili ng mabuti sa masama? Tunghayan natin ang sagot sa ating
mga tanong.

Kasanayang Pampagkatuto

1. Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang Mabuti at masama sa


kongkretong sitwasyon batay sa sinasabi ng konsensiya. Ito ang Likas na
Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. (EsP7PS-IId-6.3)

2. Nabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral


upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw.
(EsP7PS-IId-6.4)

1|Pahina
Mga Layunin

Pagkatapos mong basahin ang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy ng kahulugan at uri ng konsensiya;


2. nakahihinuha ng kongkretong situwasyon batay sa sinasabi ng
konsensiya, ang mabuti at masama.
3. nakapagpapahalaga ng tamang pangangatuwiran batay sa Likas na Batas
Moral upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw.

Balik Aral

Panuto: Basahin at unawain ang situwasyon. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay
nahaharap sa ganitong situwasyon? Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo
kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang iyong sagot at isulat ang paliwanag sa
iyong sagutang papel.

Biglaang pinatawag ang guro ninyo sa opisina ng


punongguro. Ikaw ay nakaupo sa harapan malapit sa mesa kaya
nakita mo na nasa ibabaw ng gamit ng inyong guro ang pagsusulit
para bukas. Alam mong hindi ka makakapag-aral ng iyong leksiyon
mamayang gabi dahil ikaw ang nakatokang magbantay sa
maysakit mong ina at magtitinda naman ang tatay mo pantustos
sa pangangailangan ninyo.

2|Pahina
Tatakpan ko ito at Hahayaan ko lang ito sa
sasabihin sa aming guro na mesa total hindi naman
naiwan niya ito sa ibabaw alam ng guro na naiwan
ng mesa. niya ito sa mesa.

( ) TAMA ( ) MALI ( ) TAMA ( ) MALI

Paliwanag: Paliwanag:
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

Kukunin ko ito upang Ituturo ko sa mga kaklase


malaman ko na ang ko upang sila ang kukuha
pagsusulit para bukas nito at mapagalitan ng
kahit hindi na ako mag-aral aming guro.
ng leksiyon.
( ) TAMA ( ) MALI
( ) TAMA ( ) MALI
Paliwanag:
Paliwanag:
___________________________ __________________________
___________________________ __________________________
______

Gabay na tanong.

1. Alin sa apat na situwasyon ang sinagutan mo ng tama?


Bakit mo nasabing ito ay tama?
2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo
nasabing ito ay mali?
3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa situwasyong ito?

3|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

“Hindi maatim ng aking konsensiya”. Katagang nasasambit natin kung tayo


ay hindi mapakali o naguguluhan na o kaya naman ay nakokonsensiya sa isang
maling bagay na nagawa natin. Ayon kay Arrogante, et al. (Edukasyon sa
Pagpapakatao 7, 2013), “ang konsensiya ay isang tinig ng budhi na siyang
gumagabay sa ating moral na buhay”. Isang patunay na ang tao ay saklaw ng Likas
na Batas Moral dahil sa kaniyang konsensiya. Ang tao na pinakanatatanging
nilalang sa lahat ng nilikha ay nasa pinakamataas na antas dahil sa angkin niyang
isip at kilos-loob. Bukod dito, ay biniyayaan rin ang tao ng konsensiya.

Ang konsensiya ay nagmula sa salitang Latin na cum na ang ibig sabihin ay


“with” o mayroon at scientia na ang ibig sabihin ay “knowledge” o kaalaman.
Nangangahulugang “with knowledge” o mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito ang
kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat naipapakita ang paglalapat ng
kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa.

Ayon kay Sto Tomas de Aquino, may tatlong paraan kung paano naglalapat
ng kaalaman ang ating konsensiya.

1. Nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Ang konsensiya
ang tumatayong testigo kung mayroon kang ginawa o wala.

Halimbawa: Sa ilang beses mong pangungupit sa pitaka ng nanay mo, maaari


mong sabihin na kailanman ay hindi mo ginawa ito dahil wala namang
nakakaalam o nakakakita sa ginagawa mong pangungupit. Hindi ka rin ni
minsan nahuli o tinanong kung nakita mo kung sino ang kumuha. Ngunit,
sa kaloob-looban mo, hindi mo maipagkakaila na ilang beses mong ginawa o
nangupit sa pitaka ng nanay mo.

4|Pahina
2. Nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit
hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa. Nagpapaalala
ang konsensiya na hindi mo dapat ginawa ang iyong ginawa dahil mali ito.

Sa halimbawa natin sa itaas, maaaring hindi ka mapakali sa ginawa mong


pangungupit sa pitaka ng iyong nanay at ang hindi pag-amin dito. Pinupukaw
ng iyong konsensiya na mayroon kang ginawang hindi dapat gawin.

3. Nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama


o nagawa nang di-maayos o mali. Ang konsensiya ay nang-uusig. Magaan sa
pakiramdam kung ikaw ay nakagawa ng mabuti ngunit nakatutuliro o
nakababagabag kung ikaw ay nakagawa ng masama. Hindi ka mapakali dahil
alam mong kinuha mo ang pera ng nanay mo kaya umamin ka sa ginawa mo.
Napagalitan ka man sa ginawa mong pangungupit at hindi pagsasabi ng totoo
pero magaan at masaya ang kalooban mo dahil nasabi mo ang totoo.

Nakakabit ang konsensiya sa isip ng tao kaya’t ito ay kakayahan ng ating isip
na maghusga ng mabuti at masama. Ang konsensiya ang nagpapahayag ng dapat
nating gawin at kung ano ang dapat talikdan o talikuran. Magkaugnay ang
konsensiya at Likas na Batas Moral. Ang obhektibong moral na pamantayan ay ang
Likas na Batas Moral at subhektibong moral na pamantayan naman ang
konsensiya. Ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa
obhektibong pamantayan ng Likas na Batas Moral.

Ayon kay Felicidad Lipio (2004), binibigyang direksiyon ng Likas na Batas


Moral ang pamumuhay ng tao. Sinusunod niya ang Likas na Batas Moral upang
makagawa ng mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at makipagtulungan sa
mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang kapakanan ng iba. Subali’t
nangangahulugang ang tao ay natatakpan ng mga batas na dapat niyang sundin
araw-araw, bagkus, kailangan niyang gawin ang tama ayon sa kaniyang pagkatao.
Samakatuwid, ang konsensiya ay ang personal o subhektibong moral na
pamantayan ng tao. Ito ay kakayahang isagawa ang mga malalawak na
pangkalahatang Likas na Batas Moral sa pamamagitan ng sariling kilos. Ito ang
ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang
pagkakataon.

5|Pahina
May mga pagkakataon o situwasyon na walang katapat na pangkalahatang
batas para makatugon. Kinakailangang gamitin ng tao ang kaniyang personal na
pagpapasiya kung saan ginagamit ang kaniyang konsensiya. Kailangan lagi ang
paghatol sa pagsasagawa ng isang pamantayan o pagtupad sa batas moral at dito
kailangan ang ating konsensiya. Subali’t, kung hindi naaayon sa Likas na Batas
Moral, ang konsensiya ay maaaring magkamali. Maaaring magkaroon ng kalituhan
kung anong panuntunan ng kilos ang gagamitin. Dahil dito, ang konsensiya ay
maaaring uriin bilang tama at mali ayon sa Likas na Batas Moral (Esteban, 1990).

Uri ng Konsensiya

1. Tama – Ang paghuhusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan


at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay
naisasakatuparan ng walang pagkakamali o nakabatay sa tamang
pamantayan at naaayon sa Likas na Batas Moral. Tama ang konsensiya
kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at mali bilang mali
(Agapay, 1991).
Halimbawa, nagbigay ng pagsusulit ang inyong guro sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. May kasiyahan sa inyong tahanan kahapon kaya hindi ka
nakapag-aral ng leksiyon, wala ka tuloy maisagot sa inyong pagsusulit.
Tumingin ka sa kaklase mo at hindi mo sinasadya na makita ang kaniyang
sagot. Hindi mo man masagutan ang pagsusulit ngunit hindi mo isinulat
sa papel mo ang nakita mong sagot ng kaklase mo. Katuwiran mo, hindi
na baleng hindi ka pumasa basta hindi ka nangopya sa kaklase mo para
pumasa.

2. Mali – Ang paghusga ng konsensiya ay nagkakamali kapag ito ay


nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa
maling paraan. Kapag nagpasiya na taliwas sa Likas na Batas Moral. Mali
ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ang
tama bilang mali (Agapay, 1991).

Halimbawa, gamit pa rin ang halimbawa sa itaas. Masaya ka at biyaya


para sa iyo na kahit hindi ka nakapag-aral ng leksiyon ay nakita mo ang
sagot ng kaklase mo kaya mayroon kang naisagot at nakapasa sa
pagsusulit. Katuwiran mo, hindi mo naman sinabi na mangopya ka sa
kaniya ngunit nakita mo ang kaniyang sagot sa pagsusulit.

6|Pahina
Sa tamang uri ng konsensiya, naisasagawa ang pangkalahatang
pamantayang moral sa pang-araw-araw na buhay. Ito ang personal na pamantayang
ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa ayon sa Likas na Batas
Moral na siya naming batayan upang malaman ang mabuti at masama sa
natatanging situwasyon.

Itinuturing ang konsensiya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at


puso ng tao. Nakagagawa ang tao ng mga pagpapasiya at nasusunod ang batas
moral sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng konsensiya. Ang konsensiya ang
pinakamalapit na pamantayan ng moralidad. Sinusuri nito ang kilos kung ito ay
tama o mali. Ang konsensiya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama
na maaaring gawin. Ang paghuhusga ng konsensiya ay hindi nagmumula sa labas
ng tao. Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o masama na kaniyang gagawin
gamit ang kaniyang konsensiya.

Karaniwang maririnig mo, “maliit na bagay lang naman, ngayon lang o minsan
lang” para pagtakpan ang maling ginawa. Ngunit hindi natin napapansin na
nagkakaroon ito ng malaking epekto sa ating pagkatao. Hindi natin namamalayan
na binabalewala na natin ang ating konsensiya. Hindi ginagamit o pinapakinggan.
Ang pagsunod sa tamang konsensiya ay makakatulong sa atin upang makamit ang
ating kaganapan bilang tao. Huwag nating hayaang maging manhid ang ating
konsensiya, na hindi kumikilala sa tama.

7|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin kung ito ba ay MABUTI o
MASAMA. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tinulungan mong tumawid sa tamang tawiran ang ale na hirap maglakad.

2. Nakita mo ang kaklase mo na kodigo habang kayo ay may pagsusulit.

3. Nanguha ang kaklase mo ng sky flakes habang walang nakatingin dahil wala
siyang pambayad.

4. Nakipag-away ka sa kapwa mo estudyante dahil tinutukso ka na may butas


ang damit mo.

5. Habang kumakain ka ng pananghalian nakita mo na walang baon ang


kaklase mo kaya binigyan mo siya.

6. Hindi mo binalik sa tindera ang sobrang sukli sayo.

7. Nakita mong nahulog ang wallet ng iyong guro at hinabol mo siya upang ibalik
ito.

8. Tinulungan mo ang inyong punongguro sa pagbubuhat ng kaniyang mga


gamit.

9. Nadulas ang kaklase mo habang patungo sa silid-aralan kaya pinagtawanan


mo siya ng malakas.

10. Naglihim ka sa magulang mo na bumagsak ka sa isang asignatura.

8|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Pagnilayan ang bawat karanasan. Ano kaya ang maaaring maging epekto
ng mga karanasang ito sakaling mangyari ito sa iyo? Sundin ang pormat sa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Halimbawa:
Ang magtago at mangopya sa napulot na proyekto ng kaklase.
Epekto: Hindi makatingin nang diretso sa aking kaklase at ikinahihiya ko ang aking
sarili.

1. Ang hindi pagsasabi sa magulang tungkol sa hindi naipasang asignatura.


Epekto:

2. Ang lumahok sa proyekto ukol sa kalinisan ng kapaligiran.


Epekto:

3. Ang magbigay ng hindi totoong dahilan sa guro tungkol sa pagliban.


Epekto:

4. Ang hindi magsauli ng sobrang perang isinukli ng tindera sa kantina ng


paaralan.
Epekto:

5. Ang dumalo sa sama-samang panalangin para sa kapayapaan sa barangay.


Epekto:

6. Ang sumunod sa udyok ng barkada na lumiban sa huling asignatura.


Epekto:

7. Ang makakita ng kaklaseng nangongopya sa pinakahuling pagsusulit ngunit


hindi isinumbong sa guro.
Epekto:

8. Ang manahimik tungkol sa maitim na sikreto ng isang matalik na kaibigan.


Epekto:

9. Ang maiwala ang perang ipinagkatiwala sa iyo.


Epekto:

10. Ang mkapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan na kaibigan.


Epekto:

9|Pahina
Rubriks para sa Pagwawasto ng Pinatnubayang Pagsasanay 2

Puntos Pamantayan
10 Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto sa
bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
7 Karamihan ay naiugnay ang konsepto sa bawat sagot. Malinaw
at nababasa.
5 Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
Hindi gaanong makabuluhan.
3 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Ayon sa ating aralin, ang konsensiya ay siya nating gabay sa mapanagutang
pagpapasiya sa pagkilos. Basahin at unawain ang sumusunod na situwasyon. Isulat
sa iyong sagutang papel ang dapat gawin sa bawat situwasyon.

1. Kulang ka na sa oras sa paggawa ng inyong proyekto sa isang asignatura.


Inalok ka ng inyong kamag-aral na siya na ang gagawa nito sa kondisyong
babayaran mo siya. Ano ang iyong gagawin?
2. Nagkautang ka ng malaki sa isa mong kabarkada. Pinagbantaan ka niya na
kapag hindi ka nakabayad ay isusumbong ka niya sa iyong magulang. Sa
hindi inaasahang pagkakatao, pag-uwi mo nakita mo sa tabi ng telebisyon
ang isang sobreng may malaking halaga. Nagkataong abala sa pagluluto ang
inyong ina. Ano ang iyong gagawin?
3. Pinag-usapan ng inyong barkada ang problema ng inyong kamag-aral sa
pamilya. May nalaman ka rin tungkol sa maselang problemang iyon. Kung
tatanungin ka ng iyong barkada tungkol sa iyong nalalaman, ano ang iyong
isasagot?
4. Nagpalano ang inyong pamilya na magsisimba nang maaga sa Linggo at
pagkatapos ay dadalaw sa inyong lolo at lola. Kinagabihan ng Sabado,
tumawag ang iyong boyfriend/girlfriend at sinabing aalis kayo sa Linggo.
Sinabi mo ang plano ng inyong magulang ngunit hiniling niyang magdahilan
ka na lamang at huwag nang sumama sa iyong pamilya. Ano ang iyong
gagawin?
5. Isa sa iyong matalik na kaibigan ay nagtapat na siya ay may mabigat na
suliranin sap ag-aaral. Nakiusap siya na huwag mo itong ipagtatapat kahit
kanino lalo na sa kaniyang magulang. Ano ang iyong gagawin?

10 | P a h i n a
Rubriks para sa Pagwawasto ng Pang-Isahang Pagsasanay

Puntos Pamantayan
10 Makabuluhan at maliwanag na naiugnay ang mga konsepto sa
bawat sagot.
May kaisahan at kalinawan ang nilalaman.
7 Karamihan ay naiugnay ang konsepto sa bawat sagot. Malinaw
at nababasa.
5 Bahagyang naiugnay ang mga sagot sa konsepto.
Hindi gaanong makabuluhan.
3 Hindi naiugnay ang sagot sa konsepto.

Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na cum na ang ibig sabihin ay “with” o


mayroon at scientia na ang ibig sabihin ay “knowledge” o kaalaman.
Nangangahulugang “with knowledge” o mayroong kaalaman.
A. Konsensiya C. Isip at Kilos-Loob
B. Likas na Batas Moral D. Siyensiya
2. Ang mga sumusuonod ay katangian ng konsensiya ayon kay Sto Tomas de
Aquino maliban sa:
A. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao na may bagay
siyang ginawa o hindi ginagawa.
B. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may
bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi
niya dapat isinagawa subalit ginawa.
C. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay
na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-
maayos o mali.
D. Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala na maaari niyang gawin
lahat kahit walang limitasyon.
3. Ito ay uri ng konsensiya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at
bilang mali ang mali.
A. Tamang konsensiya C. Maling Konsensiya
B. Purong konsensiya D. Mabuting Konsensiya

11 | P a h i n a
4. Ayon kay Agapay, mali ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang mali
bilang tama at ng tama ang mali.
A. Tamang konsensiya C. Maling Konsensiya
B. Purong konsensiya D. Mabuting Konsensiya
5. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?
A. Mapapalaganap ang kabutihan
B. Makakamit ng tao ang tagumpay
C. Maabot ng tao ang kanyang kaganapan
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan

B. Panuto. Basahin at unawain ang situwasyon sa ibaba. Tukuyin kung ito ba ay


Tamang Konsensiya o Maling Konsensiya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Nakita ni Luis ang wallet na naglalaman ng limang libong piso ng kaniyang


tatay na nawawala subalit hindi niya ito sinabi sa kadahilanang gusto niyang
tulungan ang mga pulubi na kaniyang nadadaanan sa tuwing siya ay
nagpupunta sa kanilang bayan.

2. Sinikap ni Lina na tapusin ang kaniyang modyul bago ang pasahan sa


kanilang mga guro.

3. Nalaman mo ang pinsan mo ay hindi tunay na anak ng iyong tita. Hindi ito
alam ng iyong pinsan at hindi rin nababanggit ng tita mo dahil ayaw niya
itong masaktan. Hindi ka makatulog sa gabi, dahil gusto mong sabihin sa
iyong pinsan ang iyong nalaman. Napagpasiyahan mo na hindi na lang
sabihin upang hindi na magkaroon ng problema.

4. Binigyan kang baon ng iyong nanay. Nang paalis ka na ng bahay ay binigyan


ka din ng tatay mo dahil hindi niya alam na may baon ka na. Hindi mo naman
ginusto na madoble ang baon mo ngunit kaya masaya ka dahil marami kang
pera at may pambabayad ka sa paglalaro mo computer shop.

5. Inutusan ka ng nanay mon a bumuli ng gulay sa bayan. Napansin mo na


sobra ng isandaang piso ang suklng ibinigay sa iyo ng tindera dahil sa may
edad na ito. Nang araw ding iyon ay naghahanap ka ng pera pambili ng gamut
ng tatay mong maysakit. Wala man pambiling gamot, isinauli mo ang sobrang
sukli sa tindera. Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera kaya’t nararapat na ito
ay isauli mo.

12 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa ating aralin. Isulat ito sa inyong
sagutang papel o journal.

Ang aking natutunan sa aralin ay _________________________________

Ang aking nararamdaman sa pag-aaral ng aralin ay ____________


_________________________________

Ang gagawin kong hakbang sa mga natutunan sa aralin ay


____________________________________________

Rubriks para sa Pagwawasto ng Pangwakas


Krayterya Napakahusay Mahusay Paghusayan pa
(10) (7) (5)
Pahayag Napakaayos at Medyo maayos Hindi gaanong
napakalinaw ng at malinaw ang maayos at
paglalahad ng paglalahad ng malinaw ang
iyong paglalahad ng
iyong
repleksiyon sa iyong
repleksiyon sa aralin. repleksiyon sa
aralin aralin.
Kabuuan: 10 Puntos

13 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Arrogante, Constantina S.,De Vega Nenita I., Quiambao, Dolores S.,Ramirez,


Veronica E.,2013. "Edukasyon sa Pagpapakatao 7". Vibal Publishing
House, Inc. 1253 G. Araneta Avenue, Quezon City.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7, Kagamitan Ng Mag-aaral. Pasig
City, Philippines: Department of education – Bureau of Learning
Resources, 2014.

"K12 MELC With Corresponding CG Codes And Guidelines". 2020. Commons


PH. https://commons.ph/k12-melc-cg-codesguidelines/.

14 | P a h i n a
15 | P a h i n a
BALIK-ARAL PAGSUSULIT
Ang sagot ay magmumula sa 1. A
sariling kaalaman at opinyon ng 2. D
mag-aaral. 3. A
4. C
5. C
PINATNUBAYANG PAGSASANAY 1
B.
1. Mabuti 1. MALI
2. Masama 2. TAMA
3. Masama 3. MALI
4. Masama 4. MALI
5. Mabuti 5. TAMA
6. Masama
7. Mabuti
8. Mabuti
9. Masama PANGWAKAS
10. Masama
Ang sagot ay magmumula sa
sariling kaalaman at opinyon ng
PARA SA PINATNUBAYANG PAGSUSULIT 2 mag-aaral. Gagamitin ang
at PANG-ISAHANG PAGSASANAY inihandang rubriks bilang panukat
Ang sagot ay magmumula sa
sariling kaalaman at opinyon ng
mag-aaral. Gagamitin ang
inihandang rubriks bilang panukat
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang

tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan

upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa

16 | P a h i n a
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o
tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like