You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Prinsipyo ng Likas Batas Moral

Pangalan: ___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
ALAMIN
Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa
umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Babangon na o hindi pa, maliligo
o maghihilamos, kakain na o mamaya pa ay ilan lamang sa mga pagpapasiyang ito.
Marahil hindi na nga ito napapansin bilang bahagi ng pang-araw araw na gawain.
Magkagayunman, sa pagpipili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang
pag-ukulan ng pansin, Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang
gagawin.
6.1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang
pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang
prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang
masama. EsP7PS-Ik-6.1
6.2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. EsP7PS-Ik-6.2

Balikan
Ating nalaman ang tamang kagamitan ng isip at kilos-loob tungo sa
katotohanan at kabutihan. Naitataya rin ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon
gabay ang sumusunod: Isip - Tungo ba sa katotohanan? At Kilos-loob – Tungo sa
kabutihan?

Panuto: Magbigay ng halimbawa ng mga pasya o kilos gamit ang isip at kilos-loob tungo
sa kabutihan at katotohanan.

1
TUKLASIN
1. Nakaaalala ng mga Gawain at karanasan na may kinalaman sa likas na batas moral.

2. Nakikilala ang mga wastong paraan ng upang mabago ang mga pasyang taliwas sa
likas na batas moral.

3. Nakagagawa ng paraan upang mabigyan ng tamang solusyon ang bawat sanhi at


bunga ng naging problema.

Gawain 1

Panuto: Buuin ang web organizer sa pamamagitan ng pagsagot ng katanungang “Ano


ang Likas na batas moral?”

Ano ang
Likas na
Batas Moral?

Tanong:

A. Batay sa iyong sagot sa nabuong web organizer, ano ang nagpapabuklod sa iyong
sariling gawain at karanasan sa likas na batas moral?
B. Ano ang maaring idulot nito sa iyong sarili sa pagkakaroon ng kaalaman sa Likas na
batas moral?

SURIIN
Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng
kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas
na Batas Moral. Dahil ang tao ay natatanging nilalang na may isip at kilos-loob kaya
dapat lamang na ipagkaloob ito para sa kanya.
Ang Batas Moral ang nagsisilbing konsesya ng tao. Dito malalaman ng tao kung
ang ginawa niya ay tama o mali. Dito rin nahuhubog ang isipan ng tao sa
pagdedesisyon.

2
Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa
umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Sa pagpipili o paghuhusgang
ginagawa ng tao, may kailangan siyang pag-ukulan ng pansin. Ito ay ang pagpili sa
pagitan ng tama at mali sa kaniyang gagawin. May mga desisyong nakasalalay ang iyong
pagkatao at nakaaapekto sa iyong kapwa. Kaya't nangangailangan ito ng malalim na
pag-iisip.

Gawain 2

Panuto: Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpipili sa situwasyong ito. Pag-
aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa
ganitong situwasyon? Piliin ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang
mga tanong pagkatapos.

Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang
iyong naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa
ibaba. Matapos ang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong na ito sa iyong
kuwaderno :
1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa situwasyong ito?


______________________________________________________________

3
_____________________________________________________________

PAGYAMANIN
Gawain 3:
Panuto: Muling balikan ang situwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa
itaas, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na
kilos ang iyong pipiliing gawin? Ipaliwanag.

Gawain 4

Panuto: Gawin ang “Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko”. Gawing gabay
ang unang halimbawa kung paano ito gagawin.

Gawin ang “Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin ko” Gawing


Gabay ang unang halimbawa kung paano ito gagawin.

Kung Ang pasya o kilos na kailangan baguhin


Damdamin ko Damdamin ko sa pasya o kilos
Kaya Ang dapat kong gawin tungo sa kabutihan

4
Halimbawa:

Linggo Lune Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado


s
Kung Naglalaro
ako ng
computer
games
tuwing bago
gawin ang
homework ko
Damda Nalulugkot
min dahil nagging
ko pabaya ako.
Nagsisisi ako
dahil wala
ako
maisumete
na homework
kinabukasan
Kaya Uunahin ko
ang paggawa
ng homework
bago
maglibang
tulad ng
paglalaro ng
computer
games.

Ipinapangako kong tuparin ang mga tinukoy kong pagbabago sa loob ng isang linggo.

Lagna ng Mag-aaral Lagda ng kapatid o kaklase na


(Tagatupad ng Kontrata) sumasabay sa pagtupad

Lagda ng Magulang

ISAISIP
Gawain 5
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon at gumawa ng sariling pagpapasiya.
Isulat ang iyong pasiya at paliwanag kaugnay nito

5
Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:

1. Saan ibinabatay ng iyong konsensiya ang kaniyang paghuhusga kung tama o mali
ang isang kilos?
2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?

ISAGAWA
Gawain 6
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ag aking pagunawa at Ano-anong hakbang ang


kaalamang pumukaw sa realisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailalapat ang mga pag-
unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?

TAYAHIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Dahil natatangi sa tao ang Likas na Batas moral inaasahan na gagamitin niya ito sa:
A. Paggawa ng kanyang hilig na gawin
B. Paggawa ng tamang pasya
C. Pagtaliwas ng tugkulin
D. Lahat ng nabanggit

6
2. Si Ronnel ay isang batang anak pawis. Sa kabila ng kanilang kalagayan sa buhay
patuloy pa rin siyang nangangarap. Pangarap niya ang maging isang doktor at
maiahon sa kahirapan ang kaniyang magulang. Habang maaga pa ano ang dapat
gawin ni Ronnel para matupad ang mga ito?
A. Mag-aral ng mabuti
B. Sabayan ang pagtratrabaho sa pag-aaral
C. Maging madiskarte at mapamaraan para kumita habang nag-aaral
D. Magdasal araw-araw para matupad ang mga pangarap

3. Ikaw ay niyaya ng iyong kaibigan na kumain sa canteen ng iyong paaralan. Habang


naglalakad nakita mo sa tabi ng basurahan malapit sa pintuan ng inyong canteen ang
isang pitaka na may nilalaman na limang libong piso at I.D ng may-ari ng pitaka.
Naalala mong namomoblema ang iyong ina sa pambili ng gamot sa iyong kapatid na
may sakit. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyon na ito base sa unang prinsipyo ng
Likas na Batas Moral?
A. Hahayaan na lamang ito kung saan mo nakita
B. Kukunin ito at ipambibili ng gamot para sa kapatid
C. Hihingi ng tulong sa kaibigan at guro para maisauli ito sa may-ari
D. Ipapaalam sa kaibigan at sabihing wag niya ito ipagsabi sa iba.
4. Matagal ng alam ni Erica ang ginagawang pangungupit ng kaniyang kuya sa tuwing
ito ay nagbabantay ng kanilang tindahan. Nagkaroon sila ng alitan ng kaniyang kuya
kaya isinumbong niya ito sa kanilang mga magulang. Tama ba ang ginawa ni Erica?
A. Oo, dahil ang pangungupit ay pagnanakaw na rin.
B. Oo, para malaman nan g kanilang mga magulang.
C. Hindi, dahil kuya niya ito.
D. Hindi, dahil may personal siyang dahilan kaya niya ito sinumbong.

5. Si Lina ay naglalaro ng mobile games habang nag-aalaga ng pamangkin. Dahil dito,


nahulog at nagasgasan ang braso ng bata.Pagdating ng kanyang kapatid, Nakita nito
na hindi lang pala gasgas ang tinamo ng bata, may bukol din pala sa noo.Nang
tanungin siya, sinabi niyang napadikit lang sa dingding kaya't nagkaroon ng gasgas,
subali't di niya alam bakit may bukol ito. Tama ba ang ginawang kilos dito ni Lina?
A. Oo, dahil hindi niya alam na may bukol ito
B. Oo, dahil sinabi niya naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gasgas ang
pamangkin niya sa braso.
C. Mali, dahil nagsinungaling siya at hindi niya sinabi ang totoong nangyari
D. Mali, dahil sinabayan niya ng paglalaro ang pagbabantay.
6. Ang Batas-moral ay nagsisilbing ano ng isang tao?
A. Kosensya C. Isip
B. Puso D. Pakiramdam
7. Alin sa sumusunod ang kinakailangan ukulan ng pansin sa pagpipili o paghuhusgang
ginagawa ng tao?
A. Pag-isip kung ano ang ikakasaya niya.
B. Pagpili sa pagitan ng tama at mali sa kaniyang gagawin.
C. Pagsangguni sa mga magulang o mga taong mas nakakaalam.
D. Pagsasang-ayon sa sariling kasiyahan lamang.
7
8. Gumagawa si Yasser ng kaniyang proyekto sa EsP nang dumating ang kaniyang
pinsan para yayain siya na maglaro ng basketball. Hindi kaagad nakapagbigay ng
sagot si Yasser sapagkat iniisip niya ang posibleng maging bunga kung siya ay
sasama. Makabuluhan ba ang ginawa ni Yasser?
A. Oo, sapagkat kailangan niyang timbangin ang sitwasyon para makagawa ng
tamang pasya.
B. Oo, sapagkat lahat namanng bagay ay kailangan isipin.
C. Hindi, sapagkat sinasayangan niya lamang ang kaniyang oras sa pag-iisip.
D. Hindi, sapagkat hindi naman kailangan ang mag-isip para makasagot.
9. Paano nasasabing tama ang isang kilos?
A. Kapag ito ay makakapagpasaya sa isang tao.
B. Kapag ito ay isinaalang-alang sa kabutihan ng pangkalahatan.
C. Kapag ito ay sinunod sa kagustuhan ng mga magulang.
D. Kapag ito ay ginawa base sa pansariling kasiyahan.
10. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat
ng tao.
C. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakiha, kultura at kapaligiran
ng tao.
D. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o
masama.
11. Nais ni Rina na makakuha ng pasadong marka sa pagsusulit nila bukas sa
Agham.Sa halip na mag-review inuna pa nito ang pag party kasama ang mga
barkada. Gabi na ng siya'y makauwi. Maaga siyang dinalaw ng antok dahil sa tindi
ng pagod kung kaya't gumawa na lamang siya ng kodigo upang masiguro na
makakapasa siya at nakapasa nga talaga. Kung ikaw si Rina paano mo itatama ang
nagawa mong mali?
A. Susulat ako ng liham sa aking guro at iwan ito sa kniyang lamesa
B. Kakausapin ko ang matalik kong kaibigan upang siya na lamang ag kumausap
sa aking guro.
C. Pagkatapos ng klase pupuntahan ko ang aking guro sa kaniyang opisina para
isalaysay ang nagawa kong kasalanan at humgi ng paumahin
D. Idadaan ko nalang ang lahat sa limot.
12. Paano nasasabing tama ang isang kilos?
A. Kapag ito ay ginawa para sa kabutihan ng pangkalahatan.
B. Kapag ito ay ginawa para sa ikakasaya ng marami.
C. Kapag ito ay ginawa para sa pansariling kasiyahan.
D. Kapag ito ay ginawa upang makatulong sa iba.

13. Hangad ni Seth na mapasaya ang kaniyang magulang kaya bilang anak kailangan
niyang maging ganito maliban sa:
A. Maging mabait at masunurin
B. Maging Maluho at matiyaga
C. Maging masipag at maalaga sa magulang at kapatid
D. Maging responsible sa lahat ng bagay
8
14. Bakit nangangailangan ng malalim na pag-iisip bago gumawa ng desisyon?
A. May mga desisyong nakasalalay ang iyong pagkatao at nakaaapekto sa iyong
kapwa
B. May mga desisyon na kailangan ng patnubay ng mga mas may nakakalaam.
C. Sapagkat hindi lahat ng desisyon ay magpapasaya sa isang tao.
D. May mga desisyon na hindi naman konektado sa buhay ng tao.

15. Si Pedro at Juan ay magkatunggali sa katalinuhan. Samakatuwid silang dalawa ay


inoobserbahan para sa pagpili sa pagiging Veledictorian ng taon. Labis na
nakakabahala si Pedro sapagkat naapektuhan siya sa problema ng kaniyang
pamilya at nalalapit na ang kanilang pagsusulit. Dahil sa kawalang ng
konsentrasyon sa pag-aaral, naiisip ni Pedro mandaya sa pagsusulit ngunit
kaluana’y hindi niya ginawa. Ano sa tingin mo ang dahilan?
A. Dahil si Pedro ay may kakayahan na kumilala ng mabuti at masama.
B. Dahil sinunod ni Pedro ang batas-moral upang gawin ang mabuti.
C. Dahil hinusgahan ng konsensiya ni Pedro ang tama bilang tama at ang mali
bilang mali
D. Lahat ng nabanggit

9
Susi sa Pagwawasto

15. D
14. A
13. D
12. C
11. C
10. D
9.B
8. A
7. B
6. A
5. C
4. D
3. C
2. C
1. B
Tayahin

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral, pp 137-
158

10
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rey Anne S. Diaz


SST-I, Basilan NHS, Isabela City Division
Editor: April Joy I. Delos Reyes,SST -I
Tagasuri: Aimee A. Torrevillas
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS
Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief
Henry R. Tura, CID Chief
Elsa A. Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

11

You might also like