You are on page 1of 11

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Pangalawang Markahan
Modyul 4:
Pag-unawa sa Kaugnayan ng
Konsensiya sa Likas Batas Moral

(Ika-apat na Linggo)

0
MODYUL 4: Pag-unawa sa Kaugnayan ng
Konsensiya sa Likas Batas Moral

Alamin

Layunin:

a. Naipapaliwanag ang mga uri ng konsensiya


b. Natutukoy na ang Likas na Batas Moral ang batayan ng konsensiya sa
pagpili ng tama
c. Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral
upang magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw

Subukin

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel


ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng wastong ideya o pasya o kilos
at Mali naman kung ito ay kasalungat (opposite).

1. Kung ikaw ay naguguluhan sa pagpasiya at nagkakaroon ng pag-


aalinlangan dapat na ipagpaliban muna ang napiling pasya.
2. Kinuha ng apat na taon na batang kapatid ni Korina ang laruan sa
tindahan at hindi nakita ng may-ari kaya itinago ni Korina ang laruan.
3. Mahalaga ang konsensiya sa buhay mo dahil nakasalalay ang
paghubog ng iyong pagkatao.
4. Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas
mula sa Diyos.
5. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama
at bilang mali ang mali.
6. Ang dikta ng konsensiya ay pareho para sa bawat tao.
7. Ayon kay Juana okay lang na gamitin niya ng walang pahintulot mula
sa kanyang kapatid ang paggamit ng laptop at cellphone dahil isasauli
naman ito.
8. Mali ang konsensiya kung ang batayan sa pagpapasya ay ang ginagawa
ng nakararami kahit taliwas sa kagandahang asal.
9. Lahat ng kamag-aral ay nahirapan sa pasulit dahil naawa ka hinayaan
mo silang mangopya sa mga sagot mo.
10.Ang Batas Moral ay batay sa batas ng Diyos.

1
ARALIN I: ANG KONSENSIYA AT ANG LIKAS NA BATAS
MORAL NA ITINANIM NG DIYOS SA ISIP AT PUSO NG
TAO.

Balikan

1. Ano-ano ang apat na katangian ng Likas na Batas Moral?


2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng konsensiya?

Tuklasin at Suriin

Kapag ikaw ay nakagagawa ng kasinungalingan o nagsasabi ng hindi


maganda sa iyong kapwa, ano ang sinasabi ng iyong konsensiya?

Gawain:
Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba tungkol sa magkapatid na lalaki, sina
Danny at Pepe. Lagyan mo ito ng wakas sa pamamagitan ng pagguhit at
pagsulat nito ng dapat na mangyari upang wakasan ang kuwento. Gawin ito
sa isang short bond paper o papel.

Magkapatid sina Danny at Pepe. Gustung-gusto nilang maglaro sa loob


ng bahay. Isang araw, isang aksidente ang nangyari. Naglalaro sila ng bola at
ito ay tumama sa paboritong pigurin ng kanilang nanay.

“Naku po! Siguradong magagalit ang nanay kapag nalaman niya ito.”
Sabi ni Pepe. Nag-isip si Danny at sumagot. “Siguro sabihin na lang natin si
Neneng ang nakabasag nito.”

2
Iguhit at isulat dito ang wakas ng
kuwento.

(Mula sa VBS , Year 4 Children, Day 2 Leaflet B)

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman - 10 puntos
Orihinalidad - 6 puntos
Pagkamalikhain sa Paggawa - 5 puntos
Kalinisan at Kaayusan ng Gawa - 4puntos
KABUUAN 25 puntos

Sagutin Mo:
1. Tama ba ang wakas ng kuwento na ginawa mo? Bakit?
2. Ano ang nararapat gawin sa sitwasyong ito?

Basahin ito.
Ang konsensiya ang panghuling naghuhusga kung ang isang bagay ay
masama o mabuti. Ito ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad.
Sinusuri niya ang aksyon o kilos kung tama o mali. Gawain nito ang paglilitis
sa sariling paratang at pagtatanggol. Kayat nararapat maging malinaw sa
konsensiya ng tao kung ano ang dapat at di dapat gawin.

Ito ay nahuhubog sa pamilya, paaralan, simbahan at iba pang sektor


ng lipunan upang maging matatag sa paggawa ng kabutihan.
Hindi pareho ang dikta ng konsensiya sa bawat tao dahil iba’t iba ang
karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

Kung ang paghatol ay hindi naaayon sa Likas na Batas Moral, ang


konsensiya ay maaari pa ring magkamali. Maaaring magkaroon ng kalituhan
kung anong panuntunan ng kilos ang gagamitin. Maaari ring magkamali sa
paraan ng paggamit ng panuntunang ito. Dahil dito, ang konsensya ay

3
maaaring uriin bilang tama at mali ayon sa Likas na Batas Moral (Esteban,
1990).
Uri ng Konsensya
1. Tama. Ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at
dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay
naisakatuparan nang walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung
hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali.

Halimbawa, inutusan kang bumili ng tinapay isang araw. Napansin


mong sobra ng dalawampung piso ang sukling ibinigay sa iyo ng tindera.
Nang araw ding iyon hindi ka binigyan ng baon ng iyong ina dahil kulang ang
kinita ng iyong ama sa pamamasada. Wala ka mang baon subali’t isinauli mo
ang sobrang sukli na ibinigay sa iyo. Katuwiran mo, hindi sa iyo ang pera
kaya’t nararapat na ito ay isauli mo.

2. Mali. Ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay


sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
Ayon pa rin kay Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang
mali bilang tama at ng tama ang mali. Gamit pa rin ang halimbawa sa itaas.
Naisip mo na biyaya sa iyo ang sobrang sukli dahil nagkaroon ka ng baon sa
araw na iyon. Katwiran mo pa, hindi mo naman ginusto na magkamali ang
tindera sa pagsusukli. Hindi masama na itinago mo ang pera nagpasalamat
ka pa dahil nagkamali ang tindera.

Isaisip

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.


1. Ilarawan ang wastong kahulugan ng konsensiya.
2. Gaano kahalaga ang paggamit ng tamang na konsensiya?

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay (reflection) tungkol sa kahalagahan ng


wastong paggamit ng konsensiya. Lagyan mo ito ng pamagat. Isulat sa papel.

Ang aking Konsensiya

4
Tayahin

A. Piliin sa kahon ang wastong sagot sa mga sumusunod na pahayag at


isulat sa papel.

Maling Konsensiya Tamang Konsensiya


Paghuhusga Konsensiya

1. __________hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang


mali
2. _________ panghuling naghuhusga kung ang isang bagay ay masama o
mabuti.
3. ________ nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang
prinsipyo sa maling paraan.

ARALIN II: WASTONG PAGPAPASIYA GABAY ANG


LIKAS NA BATAS MORAL

Balikan

1. Ibigay at ilarawan ang dalawang uri ng konsensiya.


2. Bakit nararapat maging malinaw sa konsensiya ng tao kung ano ang
dapat at di dapat gawin?

Tuklasin at Suriin

Basahin ang kuwento ni Mang Doroteo.

Wastong Pagpapasya

Pagtitinda ng bulalak ang nakagisnan ni Mang Doroteo. Ito na rin ang


kanyang naging hanapbuhay ng siya ay magkaroon ng pamilya. Ngayon ay
matanda na siya. Madalas niyang naiisip na maaari sanang nagbago ang
kanyang buhay kung sinunod niya ang payo ng dating kaibigan. Niyaya siya
nito na magtinda na lamang ng bawal na gamot. Subalit tumanggi siya. Naisip
niya ang pangaral ng kanyang ama. Mayroong Diyos na gumagabay sa buhay
ng tao. Likas na mabuti ang tao subalit dahil sa mga pangyayari sa
kapaligiran ay nakagagawa siya ng masama. Ngunit dahil mayroon siyang
isip ay maaari siyang tumanggi sa masamang gawain at sundin ang tama, ito

5
ang Likas Batas Moral. May kapasidad ang tao na gawin ang tama at umiwas
sa masama. Dagdag pa ng kanyang ama mayroong itinakdang Batas ng
Diyos. Ang mga ito ay ang Sampung Utos ng Diyos na nakasulat sa Bibliya.
Upang higit pa niyang maunawaan, ang Batas ng Diyos ang siyang batayan
ng Batas Moral ayon sa kanyang ama. Ang Batas Moral ang siyang
pamantayan ng tamang kilos ng tao. Mahigpit na tinatandaan ni Mang
Doroteo ang mga pangaral na ito kung kaya ngayong matanda na siya,
masaya pa rin siya sa kanyang piniling gawain. Umulan at umaraw ay nasa
kalye siya. Minsan ay malakas ang benta ng bulaklak ngunit madalas ay
hindi. Subalit kahit maliit ang kanyang kita ay masaya siya. Nakakaraos ang
kanyang pamilya. Nakapag-aaral din ang kanyang mga anak. Kaya para sa
kanya, masaya ang buhay sa kalye.

Panuto: Isulat sa papel ang iyong mga sagot.


1. Bakit masaya ang buhay ni Mang Doroteo sa kalye?
2. Paano nakakatulong sa tao ang pagsunod sa Batas Moral?

Basahin:
Tingnan ang graphic organizer sa ibaba at unawain ang kahalagahan ng Likas
Batas Moral sa konsensiya ng tao.

Ang dignidad ng tao ay nasasalamin sa pagpapahalaga niya sa


kalinisan ng kanyang intensiyon. Ito ay daan para sa isang mahusay na
personalidad at pagkatao sapagkat walang alinlangan na kabutihan ang
gagawin ng isang tao at para sa kanyang sarili, sa kapwa at sa Diyos. Sinasabi
ngang sa bawat puso ng tao ay iniukit ang Likas na Batas Moral na nararapat

6
sundin sapagkat ito ang magpapataas ng kanyang dignidad bilang kawangis
ng Diyos.
Sa panahon ng pagdududa, pangamba o pagkakamali ng pasya o
husga, lapitan ang magulang, guro, o kapatid at higit sa lahat ang Diyos
upang mabigyan ng gabay. Kung naguguluhan sa pasya ay maaaring
ipagpaliban muna at hintayin ang tamang panahon upang isagawa ang pasya
o husga. [Twila G. Punsalan, Buhay]
Sa araw araw na pamumuhay, kinakailangan ng gabay ng kilos.
Nandiyan ang Likas na batas moral upang kumilos ng tama at iwasan ang
masama. Kahit pa sabihing likas sa tao na piliin ang tama at iwasan ang
masama, kinakailangan pa rin niya ng gabay upang hindi maligaw ang
kanyang landas. Isipin mo na lang kung walang pangalan ang bawat daan o
mga roadsigns. Siguradong maliligaw ka at mahihirapang makarating sa nais
mong puntahan. Marahil lahat ng taong iyong masalubong ay iyong
tatanungin. Ganyan ang Batas Moral, mga roadsigns sa daan ng buhay ng
tao. Kahit maraming pagsubok at tukso sa daan ng buhay, hindi ka maliligaw
dahil mayroon kang gabay.

Isaisip

Sumulat ng pagninilay tungkol sa natuklasan mong kaugnayan ng


konsensiya sa Likas na Batas Moral. Gawin ito sa iyong papel gamit ang mga
gabay na tanong.
• Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral?
• Bakit mahalaga ang Likas na Batas Moral?

Isagawa

Pag-aralan ang sitwasyon at gumawa ng sariling pagpapasiya. Isulat ang


iyong pasiya at paliwanag kaugnay nito sa iyong sagutang papel.

Ang iyong kaklase at matalik na kaibigan na si Adel ay nagtapat sa iyo


na lalayas siya sa bahay nila dahil sa problema sa kanilang pamilya. Dahil sa
matalik kayong magkaibigan, ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung
saan siya pupunta. Subali’t mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin
sa iba lalo na sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang nanay
niya sa inyo at humihingi sa iyo ng tulong. Ano ang gagawin mo?

Pamantayan sa Pagwawasto
Nilalaman (sagot) - 5 puntos
Orihinalidad - 5 puntos
Kabuuan - 10 puntos

7
Pangkalahatang Pagsubok

Panuto. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang damdamin ay _____________ ng maayos kung susundin ang batas


na itinakda ng Diyos.
A. mapahalagahan C. paiiralin
B. mapamahalaan D. pansinin

2. Ang maitutulong ng pagkilos ng tao ayon sa paggamit ng tamang


konsensya ay _____.
A. maiiwasan ang landas na walang katiyakan
B. masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
C. makakamit ng tao ang kabanalan
D. lahat sa nabanggit

3. May isang binata na mahilig magbenta ng mga bagay online. Minsan


may nag order ng laptop sa kanya at sa panahong iyon kailangan niya
ng pera para sa renta ng bahay. Ngunit sa halip na laptop ang ipinadala
nilagay niya sa kahon ay kahoy at bato. Anong uri ng konsensiya
mayroon ang binata?
A. Maling konsensya C. Tamang konsensya
B. Purong konsensya D. Tiyak konsensiya

4. Mapamahalaan ng maayos ang emosyon ng tao kung susundin niya


ang batas na nakaukit sa kanyang _______.
A. kalayaan B. katawan C. puso D. utak

5. Malaki ang kita ni Gng. XYZ sa pagbebenta ng pekeng produkto.


Ginagaya na siya ng mga kaibigan niya dahil malakas ang benta. Dahil
dito nakakaraos ang kanyang pamilya, nakapagpa-aral siya sa kanyang
mga anak at nakapagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga kapitbahay.
Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:

A. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay


sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
B. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay
mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
C. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa mga
benepisyong nakukuha nito pero mali pa rin.
D. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay
nakatutulong sa mas nakararami.

8
6. Nakita ni Juana ang isang bag na naglalaman ng maraming pera.
Kailangan niya ng pera pangbili ng gamot ng kanyang inay na may
sakit. Ngunit naisip niya na isauli ang pera sa may-ari. Anong uri ng
konsensya ang ginamit ni Juana?
A. Mabuting konsensya C. Purong konsensya
B. Maling konsensya D. Tamang konsensya

7. Ang tao ay hinihimok ng _________ na higit na sundin ang kalooban ng


Diyos.
A. Batas Moral C. Batas Ng Tao
B. Batas Ng Kongreso D. Batas Sibil

8. Ang pagpapahalaga sa Moral ay totoo sa lahat ng tao anumang lahi,


relihiyon at antas ng pamumuhay siya nabibilang sapagkat ito ay nag-
uugat sa:
A. aral ng pananampalataya
B. kalayaang taglay ng bawat isa
C. kalikasan ng tao o human nature
D. tamang paghubog ng konsensya

9. Ang paghatol ng _______ ay hindi pareho dahil iba’t iba ang karanasan,
kinalakihan, kultura at kapaligiran ang tao.
A. isip B. katawan C. konsensiya D. puso

10. Ito ay inukit sa puso ng tao at nararapat sundin sapagkat ito ang
magpapataas ng kanyang dignidad bilang kawangis ng Diyos.
A. Batas sibil C. Pambansang Batas
B. Likas na Batas Moral D. Saligang Batas

Susi ng Pagwawasto
Aralin I
Balikan (p.3)
1.Obhetibo, Pangkalahatan, Walang Hanggan, Di-nagbabago
2. Mahalaga ang konsensiya dahil ito ang batayan sa paghuhusga sat ama o mali at kung ano
ang nararapat gawin sa bawat sitwasyon.

Tuklasin Suriin (p.3-4) Iba’t-iba ang mga sagot


Sagutin Mo (p.4) Iba’t-iba ang sagot batay sa wakas ng kuwento na ginawa nila.

Isaisip (p.5)
1.-Panghuling naghuhusga sa isang bagay kung ito ay mabuti o masama
-Sumusuri sa kilos bilang tama o mali
-Nahuhubog sa pamilya, paaralan, simbahan at iba pang sector sa lipunan
-Dapat malinaw at ang paghatol ay naaayon sa Likas batas moral

Isagawa (p.5) Iba’t-iba ang mga sagot

Tayahin (p.6)
1.Tamang konsensiya 2. Konsensiya 3. Maling konsensiya

9
Aralin II
Balikan (p.6)
1. -Tamang Konsensiya
- Maling Konsensiya
2. Dapat malinaw ang konsensiya ng tao upang makagawa ng tama at mga nararapat
gawin sa bawat pagpapasya.

Sanggunian

A. Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Modyul para sa mag-aaral (Learner’s
Manual) Modyul 6 pahina 137 – 160.

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Bilang 8

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul Bilang 9

B. Maikling Kwento

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 8, ph.7/14

C. Mga larawan:

https://www.alamy.com/stock-image-two-boys-playing-basketball-
illustration-163578108.html

https://www.clipartkey.com/view/iJbhTo_broken-clip-art-broken-clip-art-
image-broken/

https://www.google.com/search?q=baby+playing+with+ball+clip+art&tbm=i
sch&ved=2ahUKEwj1-bHc7uTsAhXVAJQKHY8qBiYQ2-
cCegQIABAA&oq=baby+playing+with+ball+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoC
CAA6BggAEAcQHlDM1wFYqfEBYMr8AWgAcAB4AIABmgGIAeYMkgEEMC4x
M5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=QYKgX7XVINW
B0ASP1ZiwAg&bih=578&biw=1280&rlz=1C1CHBF_enPH892PH892&safe=ac
tive#imgrc=B5Mhwn8jPbNlwM

E. Pasulit

(Pagtataya) Cebu City Division Writers Grade 7

10

You might also like